Mabilis na natapos ang holiday break at back to reality na ulit. Magkasabay kaming pumasok ni Honey sa hospital on the third day of January. 9 A.M ang shift namin ngunit mas pinili namin na pumasok ng maaga para kumain ng breakfast sa bagong bukas na café na nasa tapat ng hospital. Matapos i-park ni Honey ang sasakyan sa parking space na exclusive for doctors ay agad kaming bumaba doon saka tumawid sa kabilang kalsada at pumasok sa coffee shop. Yesterday’s Coffee. Basa ko sa malaking logo na nasa dulong bahagi ng café. “I’m curious kung bakit medyo weird ang name ng café na ito,” wika ko kay Honey saka mahinang tumawa. Tinignan naman ni Honey ang tinitignan ko bago tumingin sa akin. “Yesterday ‘yong name ng owner,” sagot naman niya sa akin. Hindi ko alam kung saan niy

