“We’re going to run some tests to determine why you’re having a chest pain. Is that okay with you, Atty. Tan?” wika ko dito matapos pakinggan ang paghinga nito. Isinabit ko ang stethoscope sa leeg ko saka iniayos ang dress nito. “Of course. You can do whatever you need to do,” nakangiti na wika naman nito at marahan na hinaplos pa ang braso ko. Tipid na nginitian ko naman ito saka nagpaalam at sinabi na babalik ako once na may result na ang mga tests na isasagawa. Naglakad ako pabalik sa nurse station at binasa ang chart ni Atty. Tan saka may sinulat doon. Hinanap ng mga mata ko si Cody at nakita na may kinakausap na itong pasyente. Huminga ako ng malalim saka ibinalik ang tingin sa mga nurse na kasalukuyang nakaharap sa computer. “Can somebody page Dr. Tan, please?” wika ko

