Pagkababa namin mula sa kuwarto ko ay naabutan namin sina Papa at Lola na kasalukuyang nagluluto ng almusal. Agad na napangiti ang mga ito nang makita kami ngunit mabilis din iyong naglaho nang malaman ang biglaan naming pag-uwi. “Hindi ba pwede na hintayin niyo munang tumila ang ulan bago kayo bumyahe? Madulas ang kalsada, baka mapano pa kayo,” tanong ni Papa, napatingin naman ako sa labas ng bintana at napabuntong hininga nang makita na tila lalo lumakas ang ulan. “Short staffed kasi kami ngayon, Papa. Mag-iingat naman po kami at kapag hindi kaya ay magpapalipas kami sa kung saan man kami abutan,” sagot ko naman dito. Sinukbit ko ang backpack ko kasunod ang sling bag, iniwan na namin ang maleta dahil baka mahirapan kami sa padala. “Sige basta kapag hindi niyo kaya ang buhos

