“May lakad ka this weekend?” Mabilis na tumango ako kay Cody saka ngumiti nang bigla itong bumulong sa akin habang naglalakad kami sa private room ng pasyente. It’s Wednesday afternoon and we’re going to meet our second patient for the day. Nasa likuran kami ni Clyden at nakasunod dito kasama ang tatlong bagong intern. “Sayang, I’m willing to treat you for dinner pa naman sana,” dinig kong wika pa ni Cody. “Oo nga sayang kaso kasi importante ‘yong pupuntahan ko sa weekend kaya hindi puwedeng i-resched,” sagot ko naman dito saka ngumiti muli bago ibalik ang tingin sa chart na hawak ko at basahin muli ang mga result mula sa tests ng patient na isinagawa namin. “I understand. Next time na lang,” sagot pa ni Dr. Smith. Tumango na lamang ako dito saka naglakad papasok sa pr

