BEA'S POV At nangyari talaga ang singilan pag-uwi namin. Akala ko ay hindi siya seryoso pero talaga namang ginawa niya talaga. Pasalamat na lang talaga kami kasi natapos na kami bago ulit kami bulabugin ng kapatid ko. Kinukulit niya si Jeff na magtatrabaho siya sa Griffin's. At dahil advance mag-isip ang asawa ko ay hindi siya pumayag. Natawa na lang din ako sa dahilan niya. Ayaw daw niya na bigyan pa si Hanna ng dahilan na lalo siyang magustuhan. Sobrang confident talaga niya na sabihin na ang gwapo daw niya kaya habulin siya. Nang ako na ang nagbiro ay bigla na lang ito nagtampo. Nagselos talaga siya kay Steven dahil nagpapaalala talaga siya na huwag ko kausapin si Steven. Nasa trabaho ako ngayon at tanghali na.Tinatapos lang namin ni Aika ang ibang mga papers. May bago kaming kasam

