Lahat ay ginagawa ni Hanna para mapansin siya ni Jeff. Halos araw-araw na siyang pumupunta sa Griffins para makita lang ito. Kinukulit na rin nita ang bestfriend niyang si Steven para tulungan siyang makuha si Jeff. Balak niyang gamitin ito para masira si Jeff at Bea. Minsan wala na siyang tulog sa kakaisip kong paano niya aagawin si Jeff kay Bea. Napansin rin niya na lumalaki na ang tiyan ni Bea kaya naisip niya na malaki na ang pag-asa na maakit niya si Jeff. Simula ng dumating si Bea ay ang buong atensiyon ng daddy niya ay naka Bea lang. Lagi na lang bukambibig ng daddy niya ang pangalan ni Bea. Napag-usapan nila ng mommy niya na kailangan na niyang pumasok sa company dahil baka mapunta lang daw kay Bea ang lahat ng kayamanan ni daddy. Hindi namin alam kong may nalalaman ba si Dad

