BEA'S POV Araw ng Lunes ngayon at pumasok na ulit ako sa kumpanya. Tuwing dumadating ako ay lagi akong binabati ng nerd na secretary ni papa. Binati ko rin ito at sa totoo lang magaan ang loob mo sa kanya. Minsan ito ang naghahatid sa akin ng pagkain. Siguro gwapo ito kapag nag-ayos ng kaunti. Minsan kasi nahuhuli ko itong nakatingin kay Aika. Pakiramdam ko may mutual feelings itong dalawa. "Hi sa 'yo, alam mo medyo matagal na ako dito pero hindi ko pa alam ang name mo?" Tanong ko sa secretary ni papa. "Hi Ma'am, I'm Jackson Go—Rivera po, Jackson Rivera." Pakilala niya sa akin. "Ngayon alam ko na ang name mo," sabi ko sa kanya. "May ipag-uutos po ba kayo?" Tanong niya sa akin. "Wala naman akong i-uutos sa 'yo, gusto ko lang magpasalamat sa milk na binigay mo palagi." Saad ko sa kan

