JEFF'S POV Simula ng maging okay kami ay hindi ko na rin nakita si Hanna. Nagpaalam ito na may pupuntahan kaya pinayagan ko hindi ko pa siya nakakausap tungkol sa nangyari ayoko kasing mag-isip pa ulit si Bea ng hindi maganda patungkol sa akin. Natatakot ako sa mga iisipin sa akin ni Bea. Nais kong makuha ang buong tiwala niya. Masaya ako nang sinabi niya na Iloilo ang flight niya. Kaya gusto kong sumabay sa kanya noong una balak ko lang talaga umuwi rin para dalawin si Mommy pero ng marinig ko ang sinabi niya na pinag-uusapan sila ng ulupong na 'yon ay nagbago ang isip ko. Hindi ako papayag na ang ulupong na 'yun ang maging sentro ng usapan ng mga katrabaho niya. Kinausap ko si Chelsea at inalam ko ang schedule niya. "Hello Chels," kausap ko sa kabilang linya. "Hello fafa Jeff, napa

