BEA'S POV Nagising na ako bago pa pumasok si Jeff sa kwarto ko. Sinadya kong magkunwaring tulog. Ginising niya ako at hinalikan sa labi. Sinadya ko rin na tawagin siyang baby. At siyempre ng tinanong niya ako ay tinanggi ko 'yon dahil Queen of Denial ako, hahaha. Nasasanay na ako sa mga luto niya kaya hindi ko maiwasang mapadami ang kain ko. Siya na rin kasi ang naghanda ng almusal namin. Maaga pa naman kaya naisipan kong yayain siyang magsimba. Hawak kamay kaming pumasok sa loob ng simbahan. Habang nakikinig kami sa misa ay hindi ko maiwasang titigan siya. Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko. Ano pa ba ang hinihintay ko mula sa lalaking ito? Nakikita ko sa lahat ng gawa at kilos niya na mahal niya ako. Ramdam ko iyon at alam ko na totoo ito sa akin. Siguro oras na para siya nam

