Chapter 23

932 Words
Ara's POV Nakakalakad naman na ako ng walang saklay, magaling kaya ang personal nurse ko. Galing akong grill ngayon mejo nakakapagod dahil ang daming customers tumulong ako kahit papano exercise. Narinig ko ang pag katok sa pintuan ko kaya't sumigaw naman ako ng 'bukas yan'. Mika: How was your day? Ara: Mejo nakakapagod Ye. Mika: May pwede ba akong gawin? Ara: Payakap? Hehe. Niyakap naman niya ako, enough na yun para mapawi ang pagod ko. Mika: Kumain ka na ba? Ara: Hindi pa nga eh. Mejo gutom na din. Mika: Sige dalhan nalang kita. Wait lang. Dinner in bed lang ang peg, sinubuan pa ako haha. Ang sweet lang. Ara: Ye, hilutin mo naman yung likod ko oh. Mika: Luh, di ako marunong. Ara: Please kahit eme eme lang oh. Mika: Di talaga ako marunong eh. Ara: Tss. Wag na nga. Nagtatampo ako konting hilot lang naman eh, ang sakit na talaga ng balikat ko. Mika: Oo na sige na. Ara: Wag na wag na. Mika: Dali na oh eto na nga eh. Ara: Ayoko na. Nakadapa ako at dahil pilit niya akong kinukulit ay humarap na ako. Hindi ko naman namalayan na lumapit pala siya. Sobrang lapit ng mukha niya. Napatingin ako sa labi niya at napalunok. Feeling ko may magnet na hinahatak ako papalapit sa kanya. Papalapit ng papalapit ang mga mukha namin at *tok tok Napabalikwas ako ng tayo at nauntog kay Mika. Parehas nalang kaming napahawak sa mga noo namin at natawa. Haha. Si Carol lang pala manghihiram ng libro. Pagbalik ko ay hinilot ako ni Mika, ang sarap niya maghilot tapos sasabihing hindi marunong. -- Pagmulat ng mata ko ay napangiti nalang ako agad sa nakita ko. Isang Lavender rose, na may note: "Lavender symbolizes enchantment. Let me tell you that it was enchanting to meet you ☺️" Haaay , Mika really never failed to make me feel special. May mga petals naman sa sahig kaya't sinundan ko ito. Pagbukas ko ng pinto ay may peach rose at may note ulit: "Peach rose symbolizes sincerity. I want to let you know that I am sincere in courting you. I am doing this not because I want you but because I want to. " Napapangiti nalang ako sa mga sinasabi ni Mika eh. Patuloy kong sinundan ang mga petals. At sa may hagdan merong yellow rose. "Yellow rose mostly symbolizes friendship but little did they know that it also symbolizes the 'promise of a new beginning'. " Ano ba pinaghuhugutan neto ni Mika? Haha. Sa dulo naman ng hagdan ay may light pink na rose. "Light pink rose symbolizes admiration. I admire your beauty inside and out, but I do admire everything that you are. ❤️" Kinikilig na ako sa mga nababasa ko nakakaloka tong taong to. Sa sala naman ay nakakita ako ng yellow rose with redtip. "Yellow rose with red tip symbolizes friendship and falling in love. We started out as friends now here I am falling deeply in love with you as each day pass ❤️" Pfft. Corny mo Mika Reyes hahaha, muli akong naglakad at nandun siya sa dining area. Inabot naman niya sakin ang isang red rose. Mika: Alam mo naman na meaning ng red diba? Hahaha napayuko naman siya. wow, tinablan ng hiya si Mika, bago to ah. Ara: Hindi ko kaya alam haha. Mika: Nyeeh, nang-aasar ka lang eh. Ara: Gusto ko marinig mula sa'yo. Napakamot naman siya at humingang malalim. Mika: Red roses are simply 'I love you'. I love you Ara and I don't say I love you out of habit. When I say it I really mean it. She flashed her sweet smile that made me weak. Gandang gwapo ayy. May pinakita naman siya sa aking papel. Sa isang papel may nakalagay na 'Will you..' Napalunok naman ako at inangat ko na ang isa pang papel. 'have breakfast with me? ' Napatingin naman ako kay Mika at nakangiti siya abot tenga. Mejo paasa haha. Mika: Will you? Ara: Of course Ye. Hinila naman niya ng upuan para sa kin. Wow naman. Asikasong asikaso ako sa damulag na to ah. Mika: Ay Ara meron pa pala akong ibibigay. Tumayo siya at binigyan ako ng 5 pang rose. Ara: Diba usually 12? Bakit 11 lang? Mika: Sabi kasi, eleven roses assure the recipient they are truly and deeply loved. Ay letse, san ba napulot ni Mika etong mga pinagsasasabi niya. Kay aga aga naligo na ako sa kilig. Carol: Ye. Gagamitin mo pa ba yung mga petals na ginamit mo? Mika: Ha? Hindi na. Maglilinis ka ba? Carol: Hindi. Irerecycle ko. Sayang eh. Maiintindihan naman ako ni Love hahahaha. Mika: Kuripot mo talaga. Habang nag-uusap naman yung dalawa ay nag twitter muna ako. Napangiti nalang ako sa post ni Mika. Mika: Ara kain ka na. Ara: Ye, para kang asukal. Sweet :) Carol: Sows! Nakakadiabetis yan uy! Mika: Alis! Lumayas ka dito. Dun ka! Basag trip talaga to kahit kailan si Carol eh. Tumakbo si Carol kaya't hinabol naman siya ni Mika. Pagbalik naman ni Mika sa dining ay nakakunot na ang mukha niya. Ara: Hey, wag ka na ganyan. Mika: Eh.. Agaw moment eh. Ara: Hahaha, Carol yan eh ano pa ba aasahan mo dun. Mika: Aga aga lakas mangbwisit. Ara: Uyy tama na, tignan mo ang panget mo na haha. Mika: Pag ba panget na ko di mo na ko love? Umiling ako at tumawa. Napapout naman siya. Hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya. Ara: I love you for all that you are, all you have been and all you're yet to be.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD