Mika's POV
So wala talaga akong clue paano manligaw. Wala eh ako nilalapitan haay. Matanong nalang si Carol. Balita ko expert to eh.
Mika: Carooooool!
Carol: mmm Yes love?
Mika: Love mo mukha mo. Patulong naman!
Carol: Istorbo! Ang aga pa ano ba gusto mo ha?
Mika: Tulungan mo naman ako sa panliligaw kay Ara oh.
Napakamot nalang ko ng ulo kasi wala talaga akong kaide-ideya.
Carol: Kindatan mo! Pwede na yun!
Mika: Eh gusto ko yung paghihirapan ko!
Carol: Edi kindatan mo ng isang libong beses. Tignan natin kung di ka mahirapan.
Pinaglololoko talaga ako ng taong to eh. Konti nalang sasamain na talaga to sa akin.
Mika: Carol naman yung seryoso kasi.
Carol: Bigyan mo bulaklak.
Mika: Boring.
Carol: Padalhan mo text message.
Mika: Too simple.
Carol: Chocolates? Harana?
Mika: Too mainstream.
Carol: Letse. Nagtanong ka pa di ka namin makikinig pala.
Mika: Eh yung kakaiba kasi.
Carol: Magsibak ka ng kahoy, mag-igib ka ng tubig jusko ewan ko sa'yo.
Nagtalukbong na siya ng kumot. Ano ba naman yan. Wala ba kasing yung kakaiba naman. Matawagan nalang nga si Jeron.
Mika: Hello Je.
Jeron: Wow. 6 am palang and you're calling me na. Missed me?
Mika: Miss mo mukha mo. Tulungan mo naman ako oh.
Jeron: Saan ba?
Mika: Pano manligaw. Dali na may ipapakilala ako sa'yo daliiii.
Jeron: Hmmm.. Sige na nga, promise yan Ye ah.
Mika: Oo, ako bahala sa'yo. Ano ba pwede gawin? Gusto ko yung kakaiba.
Jeron: Bigyan mo ng boquet. Imbis na flowers eh chocolates. Yung parang sa internet. Pwede na yun. Di pa naman siya nakatanggap ng ganun diba?
Mika: Oh ano pa ba?
Jeron: Itext mo paggising mo sa umaga. Nang malaman niya siya una mong naiisip sa umaga haha.
Mika: Hirap pala. Dapat omoo nalang ako sa sinabi niya na wala ng ligaw ligaw huhu.
Jeron: Hahaha! Go Ye. Oyy ha! Yung ipapakilala mo!
Mika: Oo. Ge bye.
Agad naman akong nagsearch sa internet ng pwedeng mabilhan nung sinabi ni Je. Buti nalang may nakita ako around the corner at buti nalang bukas na sila ng ganito kaagad. Within 30 minutes ay dumating ang inorder ko.
Mika: Uyy Kim, pwede na ba to?
Kim: Oo Ye, ano ba yan. Para ka namang teenager niyan eh.
Mika: Duh. First time ko kaya!
Kim: Hahaha! Basta kalma ka lang. Katukin mo nalang sa kwarto niya.
Mika: Luh baka magalit. Iwan ko nalang sa labas ng pinto niya.
Ganun na nga ang ginawa ko, naglagay nalang ako ng note at inilagay sa may tapat ng pinto niya. Nagsulat naman ako ng note:
"Ara G.
Sabi ni Peter Pan,
think of the happiest things,
it's the same as having wings.
Well I want to let you know that
you are my wings.
Good morning mahal ko!
Love, Mika"
Nang mailagay ko na ang bulaklak ay nagluto na ako. The best way to a woman's heart daw is through her stomach kaya nagluto nalang ako ng breakfast ala Mika haha.
Sakto namang pagkatapos ko magluto ay pababa na siya ng hagdan, since nakasaklay pa siya ay tinulungan ko siya pababa.
Mika: Good morning pretty :)
Ara: Alam ko naman Ye, sus maliit na bagay.
Mika: Hangin naman po. Kain na :) Tadaaah! Breakfast ala Mika.
Ara: Grabe, ganito pala manligaw ang isang Mika Reyes.
Mika: I'm not doing this to impress you. I'm doing this cause I want to :)
Ara: Naks English. Kain na tayo Ye.
Nakita ko namang pinicturan niya muna ang kinain niya, at ayun hahaha. Nagpost na siya.
Mika: Nagustuhan mo ba? :)
Ara: Syempre sa'yo galing eh. Thank you Ye.
Mika: Kain ka na jan :)
Hindi pala madali manligaw lalo na pag tinamaan ng pagiging moody pero push lang. Ginusto ko to. Walang ayawan.
Minsan pag wala akong magawa ay nagttweet nalang ako sa kanya ng kung ano ano.
Katabi ko lang naman siya eh. Nakasandal lang ako sa kanya habang nanunuod kami ng movie.
Ara: Di kita bibitawan Ye. Ipaglalaban kita kahit si kamatayan pa kalaban ko.
Mika: Shh. Baka kaya nangyari yun kasi nga tayo talaga ang meant to be.
Ara: Natatakot ako Ye.
Umayos naman ako ng upo at humarap sa kanya.
Mika: Saan ka natatakot?
Ara: Kay Chel. Pano kung bumalik siya, pano kung sabihin niyang mahal ka pa niya, pano kung marealize mo na siya pa din pala?
Nagsimula naman siyang umiyak kaya agad ko siyang niyakap. Kaloka tong taong to.
Mika: Hey, wag ka nang umiyak kasi hindi na mangyayari yun. Jusko Ara, kulang nalang dalhin ko na lahat ng gamit ko sa hospital nung natutulog ka. Dun na nga ako nakatira eh, dun ako natutulog. Araw araw kitang kinakantahan pa.
Ara: Oh eh ano naman? Ano ba kinakanta mo?
Mika: Eh yung ano.. hehe.. chorus ng sad song..
Ara: Sample nga.
Napakamot nalang ako sa aking batok. At sinimulan na ang pagkanta
Without you, I feel broke
Like I'm half of a whole
Without you, I've got no hand to hold
Without you, I feel torn
Like a sail in a storm
Without you, I'm just a sad song
I'm just a sad song
Ara: Totoo?
Mika: Totoo Ara. You mean more to me than any other person in this whole world.
Ara: Naks. Pero seryoso? Dun ka na natutulog?
Mika: Yes.
Ara: Baliw ka!
Mika: People always do crazy thing when they're inlove.
Nginitian ko siya at Sumandal nalang muli sa balikat niya. Naramdaman ko naman ang kamay niya sa kamay ko. Unti unti niyang pinag-intertwine ang mga kamay namin.