Chapter 9

1680 Words
Ara's POV Pababa na ako ng hagdan ng maamoy ko ang niluluto niya. I'm really glad na hindi na siya nagkukulong sa kwarto niya. Ara: Goodmorning Ye. Mika: Aga mo naman, haha. Ara: Ikaw ang maaga ngayon, may plano ka ba? Mika: Ah, meron. Maghahanap ng work. Hahahaha, almost 11 months na pala ako walang trabaho, di ko alam pano ako nabuhay. Ara: Hahaha, baliw ka! Si Carol naggogrocery daw sayo pag napunta siya dun! Mika: Hahaha, puro itlog naman yung binibili niya at de lata. Ara: Paano hindi ka naman daw nagluluto! Wag ka na magreklamo jan. Mika: Sasamahan mo ba ako? Ara: Pwede naman, sige tatawag nalang ako sa grill :D Mika: Lakas ko naman sa bestfriend ko :) Ara: Pasalamat ka nagluto ka, kung hindi di ako papayag haha. Mika: Edi thank you. "Waaaaah!" Aga aga naghaharutan nanaman yung dalawa. Nagkikilitian nanaman siguro. Mika: Lagi ba silang ganyan? Ara: Last week lang Ye, kala mo mga teenagers pa eh. Mika: Hahah, pabayaan nalang natin. Carol: waaah Ye! Si Cams oh. Mika: Ano nanaman problema niyong dalawa ha? Cams: Pakagat na kasi Cars.. Carol: Ayoko, nagpasa kaya yung kagat mo nung nakaraan oh! Ayan oh kulay ube pa! Ara: Cams, puntahan mo na sila para makakain na tayo. Cams: Pakagat muna :( Mika: Kayo na ba para saktan mo siya? Cams: Sabi ko nga gigisingin ko sila eh, eto na oh. Eto na talaga. Umakyat na si Camille at ginising na sila. Agad din naman kaming kumilos ni Mika at bumili ng dyaryo para tignan kung saan pwede mag-apply. Ara: Ye, pang ilang school na ba natin to? Mika: Di ko na din alam, haha. Pagod ka na ba? Pwede naman tayong umuwi na he. Ara: 4 na taon na nga ako naghihintay oh, di pa din ako napapagod. Eto pa kaya? Mika: Ha? Ano un? Ara: Hahaha, sabi ko go na push mo na yan te. Mika: Oh eto last na to. Pumasok na kami at nagtungo sa may HR. "Ms. Mika Reyes?" Mika: Ms. Charleen?! Cha: Uyy, ikaw pala Mika. Akala ko kung sinong Mika Reyes. Ang ganda naman ng babaeng to. Pumasok na sila sa HR room. After 30 minutes ay lumabas na sila. Akala ko wala ng uwian eh tss. Mika: Uyy sorry, mejo napakwento eh. Ara: Okay lang. 30 minutes lang naman, ikumpara mo sa 4 years walang wala yun. Mika: Halika na. Makakauwi na tayo. Ara: Tanggap ka na ba? Mika: Ewan ko haha. Sabi ko naman diba last na to ngayong araw. "Mika!" Mika: Uy Charleen, bakit? Cha: Okay na tanggap ka na. You can start next week :) Mika: Talaga? Thank you! Daks, narinig mo yun? Tara na! Libre... Ay joke wala pala akong pang libre hahaha. Ipagluluto ko nalang pala ikaw :D Cha: You look good together :) Mika: Ay Charleen, si Ara nga pala. Best friend ko. :) Ouch. Best friend zone na ba?  -_- Cha: Akala ko girlfriend mo haha. Sorry. Ara: Hi ate Charleen :) Ara Galang po, soon to be girlfriend ni Mika mwahaha. Cha: Soon to be ano? Ara: Ayyy wala po wala po. Cha: Charleen Cruz. Cha nalang :) Uhm sige Mika, balik na ako doon. Mika: Sige ms. Charleen :) Umuwi na kami ni Mika at gaya nga ng sabi niya ay nagluto siya. Ara: Ye, ikaw nalang lagi magluto para laging masarap. Cyd: Hoy Ara, hindi ba masarap luto ko? Ara: Mas masarap yung kay Mika ate. Cyd: Bias ka lang kamo! Carol: De mas masarap talaga luto ni Mika. Hahaha Cyd: By... Kim: Ako nalang kakain ng luto mo by. Cyd: Yey thank you by! Carol: Kim, mukang isda si Camille. Camille: Luh bakit inaano kita? Carol: Ikaw si Kim? Kim: Bakit ba? Carol: Coz she ISDA one ;) Nak ng tokwa nagbanatan pa eh, bitter ako ngayon. Bitter. Cyd: Kim, uling ka ba? Kim: -_- Oo na sige na maitim na ako. Cyd: Hahaha, baliw ikaw ang nagbibigay alab sa puso ko :* Edi sila na lovers tss. Cienne: Ara, Ara. Ara: Oww? Cienne: Paabot nung kanin. Napasapo nalang ako sa aking noo, at nagtawanan naman ang iba kong kasama. Loko loko tong Cienne na to. Mika: Daks, bato ka ba? Ara: Bakit? Mika: Coz you rock my world haha. Ara: Ikaw bato ka ba? Mika: Bakit? Ara: Ang manhid mo kasi. "Booom! HAHAHAH" Sabay sabay nilang sinabi haha, napairap nalang si Mika. Mika: Manhid? Kaya pala hanggang ngayon nasasaktan pa din ako noh? :) She faked a smile. Okay sobra akong nakonsensya sa nasabi ko. Ara: Hala! Joke lang! Tara kain na. Oh Ye, say ahh. Mika: Wag mo kong dadskflkdjfad. Sinubuan ko lang naman siya ng hindi na magdaldal haha. Nang matapos kami kumain ay pumunta muna kami ni Mika sa garden. Ara: Ye, kamusta? Mika: I feel much better. Ara: Good for you. Ayoko na makita kang nagmumukmok daks. Mika: Ayoko na din. Sayang ang buhay, nasayang na yung isang taon ko. Ara: Nagmahal ka lang naman Ye. Mika: I hope she's doing fine. Wala man lang akong balita sa kanya, ayoko naman kausapin si Cyd tungkol dito. Ara: Wala naman din sasabihin yan si ate Cyd eh. Mika: Kamusta pala si Thomas? Ara: Ang huli kong balita sa kanya is nung nakalaya siya. Mika: I see, nasayang din yung isang taon ng buhay niya sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Ara: Buti nalang binawi nung dalawa, mabait naman si Thomas eh, ayun lang nagloko siya once. Mika: Ayiee, second chance na ba ito? Ara: Nyeeeh nyeeh, walang ganun daks. Tayo nalang sana ang may second chance, magiging masaya pa. Mika: Bakit di ka pa pumapasok sa relationship? Wala ka bang nagugustuhan? Or I mean, wala bang pumasa sa mga nanligaw sa'yo Ara: May hinihintay kasi ako. Mika: Ano? Ara: Wala daks. Mga hindi naman seryoso, tsaka busy din. Mag-iipon muna ako. Mika: So hard working naman ng bestfriend ko. Pero what if magkita ulit kayo ni Thomas? Ara: Edi hi? Hahaha, we'll see when I get there. Mika: Baka naman may hinihintay ka? Ara: Ikaw. Nagkatitigan kami, napako yung mga mata ko sa mga mata niya, those gray eyes. I missed looking at them. Bigla namang nag sink in sakin yung sinabi ko. Ang tanga lang Ara. Ara: Uhm, I mean ikaw. Baka ikaw ang meron. Mika: May dapat pa ba akong hintayin? Ara: Meron, yung tamang tao :) malay mo anjan lang sa tabi tabi. Nandito naman kasi ako. Mika: Sa tabi tabi? Or nasa tabi ko? Ara: HAHAHHAHA, either way daks. Malay mo ako pala talaga yung para sayo hahah, matutulog na ako. Goodnight. Umalis na ako dahil ayoko naman ng marinig ng sasabihin niya tungkol samin. Baka masaktan lang ako, sana itake niya nalang din na joke yun or mas maganda kung kakalimutan niya nalang na sinabi ko yun. Ayoko muna gumawa ng move knowing na umaasa pa din siya, masasaktan lang din ako pag ganun. Ang mahalaga sa ngayon yung hindi na siya umiiyak. In time Ye, sasaya ka ulit, pero when that time comes, sana ako yung kasama mo :) Rad's POV Kausap ko ngayon si Cyd sa phone, tinatanong ko lang kung kamusta na si Mika. Cyd: Well lumabas na siya ng kwarto niya and balita ko naghanap na din ng work. Oww, natanggap din pala siya kanina. Rad: Mabuti naman. Tumaba na ba siya? Cyd: 3 weeks after nung naglalalabas siya ay masasabi kong, yes. Kumpara nung dumating siya dito. Rad: Pinuntahan ko pa siya before siya umalis. Cyd: What?! Ano sabi ni Mika?! Rad: Anong oras na din ako pumunta nun. Around 1 am. Tulog na siya and lasing. Nung pauwi na ako nakasalubong ko si Ara then yun iuuwi na daw jan sa Manila. Cyd: So ilang beses mo na ginawa yang pag puslit mo pag tulog si Mika? Rad: I asked someone to keep an eye on her, so pag lasing na lasing siya dun lang ako nakakapunta. It's true, paglasing siya dun lang ako napunta. Well kasama ko si Jovs dahil hindi naman ako papayagan umalis ng papa niya. Para akong preso sa bahay nila. Cyd: Buti sinasamahan ka niyang jowa mong hilaw. Rad: Hindi ko siya jowa and yes, hindi ko din alam bakit siya ganun. Cyd: Hey insan, gusto mo ba makita look ni Mika ngayon? Rad: Ah sure why not. She then sent me a picture of her and Mika. Nakakainggit :( Ang cute cute naman ng babe ko :( Rad: Hey! Grabe crush mo babe ko kaya ka nagpapicture noh! Cyd: Matagal na hahaha, para namang hindi mo alam. Teka, eto pa oh. Baka lalo kang mainlove hahaha! Hindi ko mapigilan ang pag ngiti. Bagay sa kanya yung hair color niya eh. Lalo siyang naging magandang gwapo sa paningin ko. I wish I could see it personally and compliment her. Cyd: Hulaan ko, punit na labi mo jan noh? Haha. Rad: Bakit ba kasi ang gwapo ng mahal ko? Cyd: Eh sa gwapo talaga eh. Kung ako sa'yo bibilisan ko na ang pagkilos. Baka maunahan ka na kay Yeye. Rad: Thank you ha. Tss. Sige na goodnight. Cyd: Goodnight! Ikikiss nalang kita kay Mika! Sa lips ba gusto mo? Rad: Don't you even dare couz. Bye. I really miss my babe. Muli kong tinignan yung pangalawang picture na sinend sakin. Napakapogi niya dun sa gitnang picture. Yung mga ngiti niya, miss na miss ko na. Yung ngiting nakakapagpagaan ng loob ko, yung ngiting nagbibigay saya din sa akin. Di ko maiwasan ang hindi nanaman maiyak. Gustong gusto ko na yakapin ang mahal ko. Niyakap ko nalang ang unan kong may pabango niya, nakuha ko ang idea na to sa kanya. Haaaay. Miss na miss ko na siya. *Ting From: My King Babe  Goodnight my queen ☺️ I love you. I miss you. ❤️ I am glad na hindi pa rin siya tumitigil sa pagpaparamdam pero nalulungkot ako dahil paikli na ng paikli ang mga text message niya. Sabagay, never naman ako sumagot sa mga text niya. Ang hirap ng ganito. Hirap na hirap na ako sa situation namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD