Chapter 8

1549 Words
Mika's POV Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang wallpaper ko. Haaay, napakaganda talaga ng babe ko. Anniversary pala namin ngayon, baka magtampo siya pag hindi ko binati :') To: My Queen Babe ❤️ Happy 48th month babe, I miss you. I miss you more than I miss your cooking. I love youuuu. I still do ❤️ *Tok tok Mika: Pasok, bukas yan. Carol: Ye. Mika: Uyy Carol bakit? Carol: Wala chinecheck ko lang kung buhay ka pa. Mika: Siraulo ka talaga. Syempre, babalikan pa ako ni Rachel :) Carol: Ahh Ye.. Mika: Babalik naman siya diba? Carol: Hindi sa hindi kita sinusuportahan sa ginagawa mo ha, pero what if hindi na siya bumalik? Mika: Ikaw gaano ka ba katagal bago nag move on? Carol: Hindi naman ako totally nag move on. Yes I had relationships after, pero siya pa din talaga. Ayoko maging unfair sa mga naka relationship ko kaya tinapos ko kaagad. Mika: Hindi ba pwedeng ganun lang din ang case ko? Carol: Ako naman kasi lagi kong nakakasama, nakakausap. Yung sa'yo naman kasi wala. 10 months na Ye.. Mika: Naniniwala pa din ako samin Carol. Hinawakan ko ang singsing niya at hinalikan, ginawa ko itong pendant so feeling ko close pa din siya sa akin. Miss na miss ko na ang babe ko. Carol: Labas muna ako Ye. I know naramdaman niyang gusto ko mapag-isa kaya siya umalis. At dahil dun hindi ko nanaman mapigilan ang aking pag-iyak. Bakit ganun babe... Miss na miss na kita.. Ara's POV Anniversary ni Mika at Rachel ngayon, wala namang ibang ginawa si Mika kundi magkulong sa kwarto niya for the past 2 months. Gustuhin ko man na may gawin ay hindi ko maituloy tuloy dahil feeling ko kailangan niya pa ng oras para sa sarili niya. Napadaan ako sa kwarto niya, kakatok na sana ako kaso narinig ko ang mga pag-iyak niya. Gustuhin ko man siyang icomfort ay hindi ko magawa dahil pati ako ay naiiyak lang din. Imbis na makatulong, ako pa yung icocomfort niya. Napaupo nalang ako sa may pintuan ng kwarto niya, naramdaman ko din ang pagtakas ng luha ko sa aking mga mata kaya't pinahiran ko ito agad. Bawal umiyak Ara. Nakaupo lang ako, naghihintay na tumigil siya sa kanyang pag-iyak. Lumapit sa akin si ate Cyd. Cyd: Nahihirapan na ako sa kanilang dalawa. Ara: Sino ba ang kalaban dito ha? Nang mapatay ko na. Cyd: Hindi natin kaya kahit pagtulungan nating lahat eh haha. Ara: Grabe lang, mahal na mahal ni Mika si Rachel. Cyd: Mahal na mahal ka din niya, dati. Ara: Past na yun. Cyd: Teka yung sinaing ko, wait lang. Tumungo lang ako bilang tugon, maya maya ay nakarinig ako ng tunog na parang may nabasag. Hoy Mika mahal yung vase na naandyan, kahit mahal kita bibigwasan kita. Agad agad akong pumasok at hinanap agad yung nabasag, baso lang naman pala. Buti naman. Ara: Hoy Yeye, ano bang sumanib sa'yo at nagbabato bato ka na dito ng kung ano ano? Mika: Nabitawan ko lang, eto oh kumuha na nga ako ng walis at dust pan. Ara: Sus, palusot ka pa. Mika: Seryoso. Pati ba naman ikaw hindi maniniwala sa akin? At umiyak nanaman si damulag, sabi ko nga mali yung sinabi ko eh. Ara: Uyy wag ka na umiyak, naniniwala ako sa'yo joke lang eh. Mika: Mahirap ba akong paniwalaan? Ara: Hindi noh, wag ka na umiyak jan.  Tignan mo tong kamay ko ha? Pinakita ko ang kamay kong walang laman, hinawi ko ang tenga niya at poof. Mika: Uyy ang galing! San galing yung bulaklak? Pagkahawi ko kasi ng tenga niya ay may pinakita akong bulaklak sa kanya. Hulaan niyo kung saan galing hahaha. Lumingon naman siya at pinalo palo ako HAHAHA. Mika: Bwisit ka! Kala ko naman magician ka na, may bulaklak naman pala talaga sa likod ko, pumitas ka pa. Ara: At least napangiti kita diba? It's the thought that counts hahaha. Mika: Thank you. Niyakap naman niya ako kaya't niyakap ko din siya pabalik. Ara: Wala yun para ka namang iba niyan eh. Tara kain na tayo. Mika: Ayaw ko, wala akong gana. Ara: Ye, hindi mo dapat pinapabayaan sarili mo. Eto nalang isipin mo ha, pano kung bumalik siya? Tapos pano kung may iba na siya? Dapat either way, presentable ka. Dapat yung magiging proud siya na uyy eto yung mahal ko, kung hindi naman, dapat yung sobra siyang manghihinayang na pinakawalan ka niya. Mika: I got your point, and tama ka. :) Thank you daks. Ara: Oh yakap naman diyan :D Mika: Simpleng chansing sus. Sus, niyakap naman din niya ako, kunyari pa. Gusto din naman niya haha, nang humiwalay siya sa yakap namin ay ginulo niya ang buhok ko.. and I think she's back. :) Mika: Tara kain na tayo, kunyari lang naman na wala akong gana pero gutom na gutom na talaga ako eh. Ara: Alam ko , akala mo ba hindi ko alam yung midnight kain mo ha? Kunyari ka pa. Mika: Hahaha, oyyy wag ka maingay. Secret lang please hahaha. Ara: Walang gana pa more! Hahaha. Nang bumaba kami para kumain ay gulat na gulat naman tong mga kaibigan ko, well dahil sa 2 months na andito si Mika never siyang sumabay sa amin sa pagkain. Kim: Uhhh, goodmorning Ye? Mika: Tanghali na bruh. Mas lalo pa silang nagtaka dahil ngumiti si Mika, sus magic lang pala katapat ng mahal ko. Ara: Pakisara na ang mga bibig ninyo, tumutulo na laway niyo. Hahaha. Cams: Yeeeee! Lumapit si cams dito at niyakap siya. Umiiyak nanaman siya jusko, sinundan na din siya ng kambal niya. Napakaiyakin talaga ng dalawang to. Mika: Tama na huy. Wala tayo sa airport. Cams: kainis ka! Mika: Gutom na ko, mamaya na kayo mag drama. Umupo na kami at kumain. Grabe lang dahil Mika is back, as in she's really back. Ara: Ye, alam mo ba nililigawan ni Cams si Carol? Mika: Hahaha, tama lang yun sus. Carol, pahirapan mo si Camille. Carol: Makakaasa ka Ye, hahaha. Kim: Pstt, ano ginawa mo kay Mika? Ara: Konting magic lang wafs haha. Mika: Hoy, ano pinagbubulungan niyo jan? Ara: Secret walang clue, kumain ka na jan. Mika: Labas tayo maya? Bar? Ara: Kakasabi ko lang sayo na magtino ka tapos magbabar ka?! Mika: OA mo, maglalasing ba ha? Cams: King bully is back! Awkward Kroo krooo Abnormal to si Camille eh, sarap batukan. May pa king king king pang nalalaman. Nakita kong nalungkot si Mika, pero nabawi din ito dahil... Cyd: Ano ba yan by, ang baho ng utot mo. Kim: Sorry hahahah! Mika: Yuck kim, parang patay na daga. Gusto ko na isuka yung nakain ko. Ara: Tara na nga, uyy mamaya ha. Wafs, ikaw maghugas baboy mo hahaha. Kim: Oo na! Nakikiamoy nalang kayo puro pa reklamo! Mika's POV Nasa bar na kami ngayon, light drinks lang naman kinuha ko para sa akin. Nagsasayaw na sila sa dance floor. Si Cienne at Ara nanaman magkapartner dahil well, sila walang partner. May lumapit naman sa akin na babae. "Ms I think I've seen you before?" Mika: Huh? Girl: Mika? Dahil mejo madilim ay hindi ko masyadong maaninag ang mukha n Girl: Oh come on Miks, don't tell me hindi mo na ako kilala? Hahaha. Mika: Uhh, sorry ms. Girl: Cha :) Cha? Cha? Mika: OMG MS CHARLEEN?! Cha: You don't need to shout haha. Mika: What brought you here Charleen? Cha: Nagkayayaan lang kami. Oh wait, aalis na  ata kami. Mika: Ang bilis naman. Sige ingat kayo :) Cha: Sure, enjoy! Umalis na siya at nandito pa din ako sa table namin. Maya maya ay bumalik si Ara at Cienne. Mika: Oh, pagod na? Cienne: Nope :) Ara: Tayo naman magsayaw daks :D Ang sama ko naman kung tatanggihan ko siya diba? And I think it's time to get my life back. Mika: Di ako marunong sumayaw. Bigla naman nagshift ang kanta into slow song. Ara: Daks, ayan na oh! I'm with You! Yan yung sinayaw natin sa perya noon. Mika: Fine fine. Hinatak na ako ni Ara at dinala sa dance floor. Medyo may tama na to, ang likot na eh. Nilagay naman niya ang mga kamay ko sa bewang niya, ang kanya naman ay nasa batok ko. Ara: I miss you Ye. Bakit ka ganyan? Mika: Ha? Ara: Namayat ka na nga pero ang gwapo mo pa din? Mika: Wala eh, gwapo talaga daks. Ara: Nyeeh nyeeh. Pero seryoso, sobrang namiss kita. Tagal mo di nagparamdam eh. Mika: Sorry na, wag ka na magtampo. Andito naman na ko ngayon oh. Thank you kasi kahit anong mangyari, andyan ka pa din. Ara: That's what friends are for daks. Pinagdikit ko ang noo namin at nginitian siya. Nagpasalamat ako syempre at hinalikan siya sa noo. I'm glad na siya ang bestfriend ko. 11:30 kami umuwi dahil may mga work pa sila bukas. Muli kong tinignan ang phone ko, wala pa ding text mula sa kanya. Ako nalang magtetext ng maalala niya naman ako. To: My Queen Babe ❤️ Hi babe :) sana okay ka lang dyan and I hope hindi mo pinapabayaan sarili mo. Simula ngayon I'll fix myself, so that if ever you'll come back to me, presentable pa din ako :) I love you always.❤️ You're still my queen ❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD