Rad's POV
Muli kong pinagmasdan ang mahal ko. Gusto ko man bawiin ang mga nasabi ko ay hindi maari.
"Uhmm Rachel, tara na. Okay lang ba?"
Rad: Ah sige Jovs. Sunod nalang ako sa sasakyan.
I kissed my babe once again. I just can't get enough. Sobrang miss na miss ko na siya. Kung pwede ko lang araw arawin to, ginawa ko na, kaso bantay sarado ako. Haaaay.
Nilock ko na ang pinto ng condo namin, nagulat naman ako sa taong nakatayo na nakatingin sakin, wala pang 3 am ah.
Rad: Ara...
Ara: Bakit mo ginawa yun?
Rad: Hindi niyo ako maiintidihan.
Ara: Aalis na kami dito, dadalhin ko na sa Manila si Mika.
Hindi ako makasagot, kahit ayokong malayo si Mika sakin ay wala naman akong karapatan na pigilan siya.
Ara: Kukunin ko na siya sa'yo. Isa lang naman ang gusto ko, sabi ko alagaan at mahalin mo. Pero bakit Chel? Bakit mo ginawa yun? Bakit mo dinurog si Mika?
Rad: Pano mo nalaman?
Ara: Luckily, she dialled the wrong number. Ako yung natawagan sa halip na ikaw, pinapauwi ka na niya. Guess what? Wala ka ng uuwian.
Rad: I'm sorry Ara.
Ara: Tatanggapin ko lang yan kapag hindi na nasasaktan si Mika. If you'll excuse me, kailangan ko pang alagaan yung mahal ko :)
Pumasok na siya sa condo namin, sa pagsara ng pinto ay hindi ko na mapigilan ang pagbuhos ng luha at dumirediretso na sa parking.
Jovs: Rachel, panyo oh.
Rad: Salamat nalang. Hindi ko kailangan niyan.
Jovs: Sorry kung kailangan mo pang pagdaanan to.
Rad: Bakit ka nagsosorry? Kasalanan mo ba to?
Jovs: Sorry Rachel. Alam kong mahal mo siya.
Rad: Hindi ko siya mahal. Mahal na mahal lang. Mahal na mahal.
Jovs: Please stop crying.
Rad: Thank you kasi sinamahan mo ko dito
Jovs: It's the least that I can do.
Rad: Umuwi na tayo baka magising na papa mo.
Sa kanya lang naman ako gustong ipakasal ng mga magulang ko bilang bayad utang. I am thankful dahil kahit papaano ay sinamahan niya ako ngayong araw para makita si Mika.
Jovs: What if kasalanan ko pala to Rachel?
Rad: So be it.
Jovs: Sorry.
Wala naman akong magagawa diba? Wala akong ibang pwedeng gawin kundi sundin sila. Palibhasa hindi naman sila yung nasasaktan eh. Hindi sila yung makakakita ng unti unting pagkawala ng mahal mo. Hindi sila ang makakaramdam ng sakit. Punyeta.
I scrolled through my inbox. Maliban sa pag iyak ay ito nalang din ang ginagawa ko. Re-reading her text message over and over again.
My King Babe
(June 24, 2017)
Happy 1st anniversary my queen babe! ❤️ Sorry I had to get up early, hindi na kita ginising dahil alam ko wala kang pasok today so hinayaan nalang muna kita mag beauty rest. I hope you'll like the breakfast I prepare for you. Aba ginawa ko yan with love so sobrang sarap yan! Hahaha. Goodmorning babe! I love youuuuuuuu!! ❤️❤️
(jan 23, 2017)
Babeeee! Uwi ka na!!! Gutom na gutom na ko, gusto ko ng lantakan tong niluto ko hahahah. I love you ingat pag-uwi ❤️
(feb 14, 2017)
Everyone says you only fall in love once, but that's not true coz every time I look at you I fall over and over again ❤️ My ghaaad babe! Patay na patay na ata ako sayo hahahah! See you in a bit! I'm on my way na to youuuu. I love you! ❤️❤️❤️
Bigla ko nalang niyakap ang stuff toy na binigay sa akin ni Mika ng mahigpit. Lagi ko 'tong dala simula ng maghiwalay kami. Ito nalang yung bagay na pwede kong yakapin at isiping si Mika.
Miss na miss ko na siya.
Ara's POV
Pagkapasok ko ng condo ni Mika ay nagligpit muna ako ng nga nakakalat na bote. Infairness hindi pinabayaan ni Mika ang condo nila dahil napakalinis neto. Nang makatapos ako maglinis ay nahiga muna ako sa sofa nila para matulog.
Tumunog na ang alarm ko kaya't tumayo na ako at nagluto. Gaya ng inaasahan ko, walang laman ang ref at cabinet. 1 itlog nalang ang natira. Nang makapagluto ako ay ginising ko na din si Mika.
Ara: Ye? Mika... Kakain na..
Mika: Bakit ka andito?
Ara: Susunduin na kita :)
Mika: Ara...
Naramdaman ko nalang ang pagyakap niya sa akin. Okay lang yan Ye, magiging okay din ang lahat. Asahan mo.
Ara: Tahan na Ye.
Mika: Ang sakit daks, ang sakit sakit.
Ara: Everything happens for a reason. Kain ka na, aalis na din tayo mamaya. Hindi ka makakatanggi.
Mika: Wala akong balak tumanggi.
Tumayo naman na siya at kumain, napakabilis na kausap neto, mabuti nalang at hindi niya ako pinahirapan. Nang makatapos siya magligpit ay umalis na din kami agad, tulala lang siya buong byahe namin.
Gabi na nang makarating kami sa bahay, simula kanina ay puro tango lang ang sagot niya sakin at iling, hindi ko nalang din kinulit.
Kim: Ye! Uyy ano nangyari sa'yo bakit ka namayat?
Mika: Break na kami.
Walang nagsalita sa kanila, miski ang kambal natahimik.
Mika: Pahinga muna ako.
Ara: Ah sige Ye, ako na bahala sa gamit mo.
Mika: Thanks.
Nang makapasok na si Mika sa kwarto niya ay kwinento na agad ni Carol ang nangyari sa kanila.
Cams: Uyy kambal wag ka na umiyak.
Cienne: Bakit ba ganito ang nangyayari kay Mika? Ano bang ginawa niyang mali?
Ara: Alam ko may reason si Chel, pero sana pinaintindi niya.
Kim: Maybe time lang hinihingi ni Rachel?
Ara: Time? Gaano ba katagal na oras gusto niya? It's been 8 months! 8 f*****g months! Hindi niya ba makita kung gaano nahihirapan si Mika?! Hindi niya ba nakikita yung effort ni Mika?! Nakakagago!
Carol: Ara kalma naman.
Ara: Kalma?! Carol ikaw dapat pinakanakakaintindi sa kanya! Ang pinag kaiba niyo lang siya pinakita niya lahat! Ginawa niya lahat, ikaw tinago mo. Lahat ng gusto mong sabihin idinaan mo sa sulat pero never mo binigay kay Camille. Pinabasa sakin ni Mika lahat ng nasa cellphone niya! And it breaks me! Araw araw pinaparamdam niya yung pagmamahal niya pero ano?! Ni ha ni ho wala!
Cyd: Hindi lang si Mika ang nahihirapan dito Ara. Hindi niyo naman alam ang pinagdadaanan ni Rachel!
Ara: Then ipaintindi niya ng hindi nagkakaganyan si Mika!
Cyd: Bakit ka ba nagkakaganyan ha?!
Ara: Unang una sa lahat, bestfriend ko yung nasasaktan. Isa pa, hanggang ngayon mahal ko pa din si Mika! Hindi naman nagbago yun! Mahal ko pa din siya!
Umakyat na ako sa kwarto ko, sobra akong naiinis!
Cams' POV
Nagulat ako sa sinabi ni Ara, sulat? Why.. Akala ko ba...
Carol: Camille. Pwede ba tayo mag-usap?
Cams: Su..sure.
Nagpunta kami sa garden at naupo sa may bench.
Carol: Kung ano man ang narinig mo, balewalain mo nalang.
Cams: Bakit?
Carol: Ayoko makagulo sainyo at isa pa, masaya ka naman sa kanya. :)
Cams: All this time you were pretending?
Carol: Yes and No. Yes dahil pinipilit kong maging masaya pag kasama ka and no dahil masaya talaga ako para sa'yo.
Cams: Carol..
Carol: Camille, wag mo na ko intindihin okay lang ako. :) It takes time naman.
Cams: Carol, hindi ako masaya.
Carol: Saan?
Cams: Sa relationship namin.
Bigla kong naramdaman ang mga kamay niya sa pisngi ko.
Carol: Bakit ka umiiyak?
Cams: I still long for your love. Ikaw pa din eh. Akala ko yung normal na buhay yung makakapagpasaya sakin. Ikaw lang pala makakapagpasaya sakin Carol.
Carol: Iiyak na ba ko?
Cams: Basag ka trip ka pa din. Kainis
Carol: Hahaha, joke lang.
Cams: Uyy ano naaa. Di mo naman pinansin sinabi ko eh.
Carol: Hahahahahaha. Hindi ko alam sasabihin hahahaha.
Cams: Baliw ka! Bahala ka jan.
Carol: Hahahha, ayusin mo muna yung sa inyo ng boyfriend mo bakla ka.
Cams: Haha, mana sayo. Matulog ka na.
Carol: Crush mo lang ako eh sus.
Cams: Crush na crush po hahaha.
Carol: Ang ganda mo kamo.
Cams: Alam ko. ;)
Carol: Love you :)
Binigyan niya ako ng isang halik sa pisngi at tumakbo.