" Mich Dave Pov"
Sa pagpasok ko palang ng room ng special A ay Nakita ko na agad si Eirrand at uminit Ang dugo ko kaagad dahil siya palang Ang kauna unahang tao na bumalik pagkatapos nakatanggap ng punishment ko. habang abala sya sa pagbabasa ng libro ay tinabig ko sya dahil sa sobrang inis ko sa kanya. Nang ako'y nakaupo na at bigla nalang ako tinamaan ng libro sa mukha ko. Nagulat ako sa ginawa nya at pati mga kaklase namin dahil siya palang Ang kauna unahang tao na lumaban sakin ng physical. Nadagdagan Ang inis ko sa kanya dahil palaban Pala itong pangit na ito at ayaw magpatalo. Tatayo sana ako at bigla pumasok ang lecturer namin.
" Humanda ka sakin mamaya". banta ko sa kanya dahil di ko sya titigilan hanggang di sya sumusuko o umalis Dito. Nag announced Ang lecturer namin na SI prof. watson tungkol sa event at nakiusap pa si "Witch demon" Tama dahil mukha nya palang witch na at demon pa Ang ugali. Nakiusap sya na kung maari na wag daw siya pumunta at sadyang mapilit SI prof. watson dahil kaylangan talaga kumpleto Ang buong klase ng special A. at kinausap din ako ni prof. watson na gusto ako makausap at Makita ng first love ko na SI airah na kinapula ng MUKHA ko. pagkatapos ng announcement ni prof. watson ay nagturo na sya sa amin at pagkalabas nya ay nagkanya kanya Ang usapan Ang mga kaklase namin kung ano Ang kanilang susuotin dahil Walang makeup at accessories sa katawan pero di maalis Ang mata ko at Tenga sa mangkukulam na Yan. Nag uusap sila ni Dein tungkol sa event at kwento nya SI witch na Yan Ang pagkakilanlan ko bilang bahagi ng royal blood. Na ikinatuwa ko para malaman nya kung sino Ang binabangga nya pero nagulat ako sa sinabi nya sakin at di sya natakot.
" Kaya Naman Pala, Kaya demonyo Ang ugali". Narinig ko Ang bulong nya Kay dein at kinainis ko.
" Anong sabi mo, Sinong demonyo!?". tumayo na ako sa aking upaan.
" relax Dave, bakit Ang init ng ulo mo ngayon". tanong ng pinsan ko si Jake
" Paano binato ako ng witch demon na Yan". Turo ko sa ugly witch na to.
" Anong sabi mong delubyo ka!". tumayo sya at nakipagtitigan din ng masamang tingin sakin.
" What did you call me, Delubyo!". di ko na nagugustuhan Ang tabas ng dilang ito at pakiwari ko binabastos na nya ako.
" Bingi ka ba! oo Tama Ang rinig mo delubyo ka!". sabi pa nya sakin.
" Damn you! Witch demon!,".
" Relax Dave, babae pa rin yan". awat ni Jake sakin
" Yan babae ba Yan! tomboy Yan at Ang PANGIT na WITCH DEMON!".
" Oo tomboy ako at ikaw naman ay BAKLANG DELUBYO!". Tumatawa naman SI Jake at toby sa sinabi nya at kinapula ng mukha ko sa inis sa kanya.
" Di na ako magtaka baka darating Ang araw kayo pa Ang magkatuluyan". Saad ni Jake sa amin at nakatanggap ng batok mula sakin dahil sa bangugot na sinasabi nya sa akin.
" THAT'S IMPOSSIBLE AT DI YAN MANYAYARE GANYANG MUKHA!?". tinignan ko mula ulo Hanggang paa at talagang napaka pangit nya tapos Ang aboy pa manamit.
" EWAN KO LANG KUNG MAY MANLILIGAW PA SA KANYA!". Saad ko sa kanya at ayaw talaga magpatalo.
" TALAGA LANG AH, ANG MASASABI KO LANG AY KAWAWA ANG MAGIGING KASINTAHAN MO DAHIL MAGIGING DELUBYO ANG MAGIGING BUHAY NYA SA FEELING MO!". Na umabot na talaga Ang pikon ko sa kanya at lalapitan ko sana sya ng pumasok Ang prof. namin.
" Anong nanyayare Dito?"
" Wala po Miss prof at nagkatuwaan lang po sila". sabi ni toby sa prof namin. naniwala naman Ang prof at nagsimula na syang mag lecture. tapos na Ang kanya tinuro ay nag ring Ang bell.
" Di ko palalagpasin Ang ginawa mong ito!". Banta ko sa kanya at ready na ulit Ang punishment ko sa kanya na double Ang dadanasin nyang hirap sakin.
Lumabas na ako at aantayin sya sa labas upang isagawa ko ang bagong punishment ko sa kanya at tinawag lahat ng mga class president upang isakatuparan Ang pangalawang punishment.
"Magkinig kayo!, Hanggat di pa natatapos ang kanyang punishment ay sisiguraduhin nyo na mapapaalis sya Dito sa LLU dahil tignan natin kung hanggang saan Ang kakayahan nya sa gagawin natin!". utos ko sa lahat ng mga class president.
" Mr. Echavesm, ano po Plano nyo at gagawin namin sa kanyang parusa?". habang nag iisip ako ay Nakita ko sa gilid Ang mga pintura Kaya naiisip ko ay sabuyan sya ng pintuan at buhusan ng kung ano ano. napapangiti ako ng mala demonyo sa isipan na Yun.
" Ok! makinig kayo. kunin nyo Ang mga pintura ng mga Yun at pag labas nya ay isaboy nyo Yan sa kanya at batuhin nyo sya ng harina, buhangin o kahit ano pero wag na wag nyo lang sya batuhin ng matigas na bagay o matatalim, maliwanag ba!?". di ko alam pero BIGLA ako kinabahan parang may masamang manyayare.
" uyy, Dre iba na Yan ah, bigla ka nagkaroon ng concern sa kanya". Saad ng baliw Kong kaybigan.
" Gago! Hindi, ayaw ko lang Malagay sa kahihiyan Ang eskwelahan natin dahil lang dun sa babae na Yun at pag maospital sya at kakalat ito sa media dahil sa ginawa natin sa kanya, Kaya ayaw kong Malagay sa alalahanin Ang LLU dahil lang dun sa pangit na babaw na Yun. Maya maya ay bigla nalang lumutang Ang mga pintura sa timba.
" anong nanyayare?". nalilito ako dahil nakarinig kaming sigawan, takbuhan at umiiyak.
" Ano Yun! Tara puntahan natin." Saad ko at biglang tumilapon Ang mga pintura sa timba at natalsikan kaming lahat."
" Damn!". BIGLA akong nagalit at pinagmumura kung sino man Ang may gawa nito at Maya Maya ay may lumipad ng mga itlog, harina at malalala sa lahat ay baog na itlog na sobrang napakabaho.
" Napatakbo kami dahil nag sisiliparan Ang mga mga itlog, harina o kung ano ano pa tapos sa pag labas namin sa meeting area ay bigla kaming napadulas lahat at bumagsak sa sahig na may asete na kulay itim. Hindi mawala Galit ko at ganito sana gagawin namin Kay witch demon na Yun at parang kami pa Ang NABIKTIMA.
" Bullshit! sigurado ako SI witch demon Ang may gawa nito!". nàalala ko kanina Ang sinabi nya sakin na " Handa na ako pero Handa ba kayo?" Hinding hindi ko malimutan Ang sinabi nya.
" Impossible Yan Dre!, ganyan karaming itlog, harina pintura at kung ano ano pang nag sisiliparan ay paniguradong malaking halaga Ang gagastusin nya para masigawa Ang lahat ng ito.". Saad sakin ng best friend Kong SI toby. Sabagay may point sya dahil halata naman na galing sya sa mahirap na angkan Kaya imposible sya o di Kaya may tumulong sa kanya. magsasalita na sa ako ng
" Alam mo Dre, baka isa ito sa taong ginawan mo ng punishment at gumaganti lang sayo o di Kaya magsama Sama na sila upang isagawa Ang lahat ng mga bitag na ito.
" Napakahusay naman nila mag set ng traps dahil sakto at Tama Ang anggulo Saka dalubhasa lang gagawa nito Kaya imposible din sila pero isa lang Ang naiisip ko pwede may gawa nito!?". Saad ni christop
"Sino?". Nakatingin kami sa kanya
" SI Dein , Dahil isa sya sa pinakamagaling na magsagawa ng mga traps at HENYO sya sa pag huli ng mga bibiktamahin Kaya nga nakasali sya sa special A!". Napaisip kami.
" Imposible Yan!, Mabait SI Dein at may takot Yan Kay Mich Dave". Saad ni toby.
" Sige pag sya ay madungis tulad natin ay di sya Ang may gawa ng lahat ng ito pero kung sya ay Malinis at walang dumi panigurado na sya Ang may gawa!".
" Sige, Tara na Puntahan na natin sya!". Sigaw ko at nagagalit ako dahil kung sakali man na may kinalaman dito SI Dein ay di ko sya palalagpasin at may kakalagyan sya!.