PAY BACK TIME

2459 Words
"Mich Dave Pov” Habang naglalakad kami sa pagmamay-ari ng mall ng dad ko ay biglang may bumangga sakin at sabay kaming dalawang natumba at Ang posisyon namin ay nakaibawbaw sya sa akin, Nang iangat nya Ang mukha nya ay nagulat ako at nagalit dahil Yun babaeng kinamumuhian ko ay nakaibawbaw nanaman sakin at kahit pa naka facemask pa sya ay kilalang Kilala ko dahil sya lang naman Yun may mahilig mag pigtail at may malaking nunal malapit sa mata. '' IKAW NANAMAN!." Tanging sigaw ko sa kanya at sa dami rami ng taong pwede bumangga sakin ay lagi nalang siya dahil halata ko naman na Malaki Ang pagkagusto nito sakin at ninakawan pa nya ako ng halik. Galit ako tumayo at tinulak sya dahil sa di ko inaasahan na bigla nya hinimas Ang gitna ko at nakapa pa nya Ang naninigas Kong ari dahil sya palang Ang unang gumawa nito sakin. " Kababae mong taong manyak ka!, Sinusundan mo ba kami!". " Aba Malay ko, nandito kayo dahil Dito ako nagtratrabaho". Wika nya " Di ko naman kasalanan kung natisod ako at ikaw pa Ang nabangga ko". " Sabihin mo sinasadya mo Ms.Witch dahil alam namin lahat na type na type mo SI mich Dave at grabe ah grabe na Yan ilusyon mo". Wika ni Tummy na sumingit sa amin. " Hoy bakla!, Anong pinagsasabi mo at gusto mo idikdik ko dyan sa utak mo na di ko sya type at Lalo na di ko sya ilusyon, nakikita nyo naman siguro Ang uniform ko dito diba o bulag ka lang!". " Anong sabi mo!? Sinong bakla?! Bawiin mo sinabi!" Sasabunutan sana ni Tummy si eirrand ng dumating Ang manager ng mall o tauhan ng dad ko. " Excuse me, anong meron dito?". Awat ng manager. " Pagsabihan mo tong employee nyo ah, napakabastos at sinabihan akong bakla!?". Galit na galit na wika ni Tummy. " Ano ba Ang totoong nanyare?." tanong ng manager. " Ganito po Kasi Yun, ma'am." " Habang papasok ako Dito sa entrance ay natapilok ako at di ko sinasadya na nabangga ko sya at sabay kaming natumba at tapos may isang bullfrog na Biglang sumingit sa usapan namin at nagwala dahil di ata nadiligan Kaya MAINIT Ang ulo". wika ni eirrand. dahil sa sinabi nya di ko alam kung matatawa ako o maiinis dahil sa ginawa nya sakin. " Hoy mukhang bruha na ubod ng pangit,!, Sinong bullfrog sa Ganda Kong tong at ikaw Ang bullfrog dahil face mo pa lang nakakatakot na!". " Pasensya na kayo ah, pero mas mainam po siguro na kakausapin ko Muna sya." tinawag nya si EIRRAND at umalis sa harapan namin dahil alam namin na pag sasabihan sya. di mawala sa ngiti namin na naririnig namin na pinapagalitan sya at pinagsabihan ng manager. " Eirrand Pov" Kinausap ako ng manager at pinagsabihan ako dahil di daw maganda Ang ginawa ko sa taong nang insulto sakin. " hija, di maganda Ang ginawa mo, sabihin nalang natin sya Ang nauna at inunsulto ka nya pero di maganda Ang mga sinasabi mo sa kanya dahil lang sa kanyang kasarian." sermon nya sakin. " Tama ka, ganyan nga Ang kasarian nya pero di mo na dapat pang sabihin sa kanya Yan dahil malaking insulto sa kanila na sabihan Silang bakla pero kung ano man Ang sinabi nya sayo ay mas mabuti na wag mo nalang pansinin at iwasan." " wala naman akong ginagawa sa kanila pero kung tratuhin nila ako ay parang nakakadiri sa lipunan". pero kung alam lang nila Ang tunay Kong pagkatao baka lumuhod na sila sa harapan ko. " kahit na hija, kung sakaling tawagin ka ng di mo gusto at ayaw mo, ano sa tingin mo Ang maradamdaman mo". natahimik ako at patuloy lang akong nakikinig. " Diba maiinsulto tayo at magagalit dahil di natin gusto na tawagin tayo ng ganun dahil may matino naman tayo ng pangalan pero hija, wag ka sana magalit o magtampo sakin kung sakaling pinagsabihan Kita ah pero para rin to sa ikakabuti mo Lalo pat saleslady ka Dito sa mall dapat mahaba Ang pasensya mo sa mga customers". Tama naman sya at di na ako nagsalita pa pero nakuha nya Ang respeto ko dahil sa mga sinasabi nya sakin. " sige na hija, mag ayos ka na at puntahan mo nalang SI Celine dahil sya Ang magtuturo sayo kung ano ang dapat o Hindi dapat Gawin". tinuro nya SI Celine na nakatayo sa clothing area. " sige po, maraming salamat po at pasensya na po talaga sa nanyare kanina ". "huwag ka sakin humingi ng pasensya hija, dun sa taong nakipagtalo ka kanina". napangiwi nalang ako bigla. " pasensya na po pero di ko Yan magagawa dahil may mga kasalanan din po sila sakin, pasensya na po". " ikaw bahala hija, desisyon mo Yan at Saka naalala ko pala magkakilala Pala kayo ng anak ng boss ko na si mich Dave?". " Opo". Walang gana na sagot ko. " hija, Ang payo ko sayo ay Iwas iwasan mo nalang din sila at Lalo rin na iwasan mong magalit si mich dave dahil di ka nyan titigilan hanggat di nya nakukuha Ang nais nyang paghihirap ng taong gusto nyang pahirapan". " Sige po". paano ba kung di sya titigil pwes di rin ako titigil. " Sige na hija, magtrabaho ka na". Sa totoo lang parang magkaugali si nanay Nella at Ang manager ng MDE kung magsermon sakin. Kinabukasan Pagpasok ko sa LLU ay nagulat lahat ng estudyante na Nakita ako at nagbulong bulongan na naman. Nandito nanaman sya OMG! Ang kapal Naman ng MUKHA nya Squatter Kasi Kaya makapal Di na nahiya sa ginawa nyang eskandalo Naku! Witch talaga sya, nakakatakot Humanda sya mamaya satin guys ha ha ha ha ha Wait nya lang at tignan natin kung di pa siya aalis dito Naririnig ko Ang mga usapan nila sakin at Wala akong pakialam dahil kayo ang bibiktamahin ko at Hindi ako. Patuloy ako sa paglalakad hanggang narating ko Ang pintuan ng special A. pag kabukas ko ng pintuan ay lumingon lahat sila sa akin at makikita sa expression ng kanilang mukha ay gulat, pagkamangha, inis at Galit sa akin. " Hay naku! Sira nanaman Ang araw ko!". wika ni Anna. " bakit pa Kasi pumasok Yan Dito! makapal din ah pagkatapos NANYARE kahapon, palibhasa squammy! hahahaha". wika naman ni Tummy na nakakairitang tawa. Umupo nalang ako sa aking silya at nagbasa nalang mga libro kahit paano ay mawala Ang inis ko sa kanila at gusto ko sana iactivate ang mga traps ko pero NASA tamang oras pa Yun. habang abala ako sa pag babasa ay di ko namalayan na pumasok na Pala Ang hari ng delubyo at tinabig Ang hawak Kong libro at umupo sya sa kanyang silya pero sa inis ko sa kanya ay binato ko Ang libro sa kanya at natamaan Ang kanyang mukha. Lahat sila ay nagulat sa ginawa ko at Ang mga mata ni delubyo ay nangangalit at gustong mapanakit. Lumapit ako sa kanya at kinuha ko Ang libro na binato ko sa kanya at nag smirk ako ng nakainis sa kanya. Tatayo sana sya ng pumasok Ang lecturer namin at nasabi ng " humanda ka sakin mamaya". Patay malisya ko lang dahil alam ko na Ang rules and regulations Dito. habang nandito ka sa room ng special A ay bawal mambully at manakit pero kung bago ka palang at di mo alam Ang rules and regulations ay pwede Kang gumanti at Yun Ang ginawa at advance sa kanila. " Ok! handa naman ako! Ang tanong ko Handa ba kayo?". " What do you mean?". " Wala, Handa Kong harapin Ang hamon nyo at dapat handa rin kayo na di ako susuko". " Hmmmp, Tignan natin".Umalis na ako sa pyesto nya at umupo na ako sa aking silya. '' Handa na ba kayo sa NATURAL BEAUTY EVENT na gaganapin na next month". Sabi ng lecturer namin na SI mr.Walton " How about her!?". turo sakin ng isang lalake. " ahmmm. Miss. Fiorra may alam ka na ba tungkol sa gaganapin na event, Next month". " Wala pa po". tanging sagot ko dahil di ko naman talaga alam Ang event na Yun " Ok Ang event na ito ay natural beauty means walang makeup, walang nilalagay na kung ano sa katawan, mukha o ano pa man dapat natural lang". " Pwedeng Hindi pumunta". Wika ko dahil di ko ata gusto Yun dahil di ako komportable na di ganito Ang ayos ko at nagtawanan lahat sila maliban lang Kay delubyo na seryoso Ang tingin. " Hindi pwede, Dapat lahat ay present Saka darating din Ang mahal na Duke at Ang anak nito Kaya kaylangan kumpleto kayo". Nawalan na ako ng GANA dahil di ako sana'y na walang makeup at ugly look. " ha ha ha, kinakabahan sya dahil baka mas Lalo pa ata sya pangit pag walang makeup hahahaha". sabi ng isang babae na barkada ni Anna. " Alam ko Ang iniisip mo ms.Fiorra at Bawal mag suot ng pantakip sa mukha dahil nakakabastos Yun sa mahal na Duke". " Paano po kung di ako pumunta dahil meron biglaan na emergency ". Di ko talaga nais na pumunta dahil talagang ayaw ko. " Kahit anong reason mo ay di Yan tatanggapin dahil lahat ng students sa special A ay dapat na kumpleto maliban lang kung ikaw ay lilipat ng paaralan, Pag Hindi ka pupunta ay tatawagan namin Ang iyong pamilya upang sabihin sa kanila Kung ano Ang iyong rason o dahilan upang di makilahok sa aming Natural Beauty day event ". Wala talaga , Ayaw ko rin malaman nila ate at dad Kaya Wala na ako magagawa kundi pumunta. " Sige po, naintindihan ko". Walang habang sagot ko " Ang tanong Sir, kung tatagal ba sya Dito?". Sabat ni Tummy " I think magmukha lang syang naligaw na pulubi Dito at namamalimos sa araw na Yun, prof. walton nakakahiya sa Duke pag Nakita sya". sabi ng isang lalake na kaklase ko sa akin. " Mas mainam talaga na di na sya pumunta dahil nilalagay nya lang sa kahihiyan Ang ating paaralan". " Tama yan prof. Walton, hayaan nalang sya na di pumunta ". " Enough!, Sa ayaw at sa gusto nyo dapat kumpleto kayo!. Bakit di nyo nalang sya tulungan kaysa na nilalait nyo sya!". Himala,Ngayon Lang ako nakaranas na may isang professor na pinagtanggol ako sa taong nagmamaliit sakin. " Kagustuhan din na mahal na duke na dapat kumpleto Ang special A at makilala kayong lahat dahil makikilahok Ang anak nya na SI airah megan.". " Mr. Echavesm, Pinapasabi ni Ms.Megan na nais ka nyang Makita at makausap." Biglang namula Ang mukha ni delubyo dahil tinutukso sya ng barkada nyang SI toby. " Parang kulang kayo?, Asan Ang Mr. Jake Lawrence Echavesm. pasaway talaga". " Pakisabi rin sa kanya na dapat kumpleto kayo sa araw ng event". " Sige po prof.". pagkatapos ng announcement ni professor Watson ay nagsimula na rin syang mag lecture sa amin. pagkalabas nya nag usap usap sila sa event at kanilang susuotin dahil darating daw Ang mahal na duke. " ahm, ikaw Ms.era may susuotin ka ba sa gaganapin na event pwede Kita pahiramin ng susuotin ko". " wag ka na mag abala pa sakin, wag ka mag alala meron ako". ngiting sabi ko dahil kahit papaano may concern parin sakin SI dein. " Sige tawagan mo ako kung kailangano ng susuotin ah, ito Ang number ko". " sige salamat". pumasok na rin SI Jake Lawrence at naghihikab hikab pa at tumabi sa pinsan nyang SI delubyo na masama Ang tingin sakin. " Laki ng problema nun". bulong ko pero narinig ni dein. " ah, sino?". " Wala, wag mo nalang pansinin". " Alam mo ba hanga ako sayo, dahil ikaw palang Ang unang taong tumanggap ng hamon at hinamon si mich Dave tapos binato mo pa ng libro sa katunayan nga Yan lahat ng estudyante Dito ay takot syang saktan dahil isa sya sa bahagi ng royal blood". Nagulat ako sa sinabi ni Dein at isa palang royal blood. " Kaya Naman Pala, Kaya demonyo Ang ugali". bulong ko Kay dean Kaya nga lang matalas talaga Ang pandinig ng delubyo " anong sabi mo, sinong demonyo!". tumayo sya sa kanyang kinauupuan. " relax Dave, bakit Ang init ng ulo mo ngayon". tanong ng pinsan nya SI Jake " Paano binato ako ng witch demon na Yan". umigting Ang Tenga ko at di ko gusto Ang sinabi nya sakin na witch demon " Anong sabi mong delubyo ka!.tumayo rin ako at nakipagtitigan ng masamang tingin sa kanya". " What did you call me, Delubyo!". " Bingi ka ba! oo Tama Ang rinig mo delubyo ka!". " Damn you! Witch demon!,". " Relax Dave, babae pa rin yan". awat ni Jake " Yan babae ba Yan! tomboy Yan at Ang PANGIT na WITCH DEMON!". " Oo tomboy ako at ikaw naman ay BAKLANG DELUBYO!". Tumatawa naman SI Jake at toby sa sinabi ko at kinapula ng MUKHA ni delubyo. " Di na ako magtaka baka darating Ang araw kayo pa Ang magkatuluyan". Saad ni Jake na nakatanggap ng batok mula Kay mich. " THAT'S IMPOSSIBLE AT DI YAN MANYAYARE GANYANG MUKHA!?". tinignan ako mula ulo Hanggang paa. " EWAN KO LANG KUNG MAY MANLILIGAW PA SA KANYA!". " TALAGA LANG AH, ANG MASASABI KO LANG AY KAWAWA ANG MAGIGING KASINTAHAN MO DAHIL MAGIGING DELUBYO ANG MAGIGING BUHAY NYA SA FEELING MO!". Di ako pwede mag talo sa delubyo na to at umigting Ang kanyang panga, lalapit sana sya sakin nun pumasok Ang pangalawang prof. " Anong nanyayare Dito?" " Wala po Miss prof at nagkatuwaan lang po sila". sabi ni toby sa prof namin. naniwala naman Ang prof at nagsimula na syang mag lecture. tapos na Ang kanya tinuro ay nag ring Ang bell. " Di ko palalagpasin Ang ginawa mong ito!". sabi sakin ni mich at lumabas na sa room at lahat ng kakaklase ko ay lumabas na din. " Mag IINGAT ka at Wag ka sana sumuko". sabi sakin ni dein at lumabas din pero pinigilan ko sya lumabas dahil mag sisimula na Ang palabas. " Wag kamuna lumabas, Saluhan mo ako sa pagkain?". "Sige ano ba yan?". " May dala akong pagkain baka gusto mong sabay tayo?". nilapas ko Ang creamy carbonara chicken at burger " Wow! favorite ko Yan". sabi ni dein at kinatuwa ko, sabay kaming kumain. habang kumakain sya ay pinindot ko na Ang activate trap para mag simula na aking paghihiganti sa kanila. Maya maya ay nagsisigawan Ang mga tao sa labas na may nagmumura,umiiyak at nagwawala " Ano Yun, anong nanyayare?". Saad sakin ni dein at tumayo sya upang tignan kung ano Ang nanyayare sa labas at nagulat sya na lahat ng estudyante ay madungis at mabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD