Sa pagpasok palang ng gate ay agad ako nag suot ng kapote upang di ako mabasa o madumihan sa pagpasok ko dahil alam ko na may magbabato sakin ng kung ano ano. ready Kaya to!. bulong sa aking sarili.maingat ako pumasok at nagmasid masid kung may estudyante ba nagkalat sa paligid at mabuti Wala sila pero napaisip ako kung bakit walang estudyante sa paligid, di Kaya walang pasok o sadyang Wala pa sila
" Miss bat nandito ka". tanong sakin ng security guard ng nasalubong ko sa field.
" bakit po?, bakit po walang mga estudyante Dito eh araw palang ng martes?". tanong ko sa security guard.
" Walang pasok ngayon miss, di ba na announcement Yan kahapon dahil sa special meeting ngayon ng mga ROYAL BOARD MEMBERS, dahil pag usapan ata nila Ang mga school event sa sunod na buwan dahil darating daw Ang mahal na duke at Ang anak nya na Ms. Aira upang makilahok Dito".
" Ah, ganun po ba. sige po salamat po kuya".
" Teka lang miss!Dito ka ba talaga nag aaral? bat Ang pangit mo? wag ka magalit ah, no offense pero totoo!, ".
" alam mo kuya! Akala ko mabait ka dahil sa pakikiusap mo sakin kanina pero ngayon binabawi ko na dahil tulad ka rin Pala nila!".BIGLA nalang napatawa Ang security guard.
" Wag kang magalit, sadyang ganito lang ako at paumanhin mo miss, kaylangan ko na bumalik sa pwesto ko at ikaw miss kailangan mo na rin umuwi".
napangiwi nalang ako sa Turan nya sakin. pagkatapos nyang umalis ay nagtungo ako sa room pero ito ay nakasara at di ko magawa Ang mga plano pero ganun pa man ay may plan B ako. at Yun ay sa field at gymnasium.
Dali kong tinawagan Ang mga Kasamahan ko noon at kasabwat ko sa mga kalokohan ko pag may ginagawa akong kalokohan o may ginagantihang tao.
" Hello! asan ka na at Dito ako ngayon sa field at dahil dito ko gaganapin ang paghihiganti ko sa kanilang lahat mga ngiting aso na sunod sunuran sa amo nila na walang utak".
" Pababa na kami at bitbit na namin ang mga materyales na kailangan mo sa amin". sabi ng best friend ko na si ferri.
" Sige salamat, aakyat na ako sa rooftop at dun ka nalang kayo antayin sa taas dahil nakikita ko na kayo sa himpapawid na pababa na dito".
" ibang klase ka talaga era, ang talas ng paningin at pakiramdam mo!". pag baba nila galing sa himpapawid na dala dala nila ay parachute upang lumanding ay tagumpay sila nakalapag sa rooftop bitbit Ang mga materyales na kailangan ko.
" nakakatakot ka talagang kalaban era, di talaga uso sayo Ang paapi at kailangan talaga gantihan lahat?".
" Kilala nyo naman ako at di uso sakin Ang paapi o mag paapi!". inaayos ko lahat Ang mga bitag ko upang makaganti sa lahat ng mga estudyante Dito. ha ha ha. dinumihan nyo ako pwes mag gantihan tayo at matira ang matibay. Yan Ang iniisip ko habang naka ngiting aso.
" alam kong ngiting Yan dahil ngiting demonyo Yan o sabihin nalang natin battle jerking mode ka at lahat talaga sila ah at Saka paano kung malaman nila na ikaw pala ang may gawa nito at paano kung malaman din ng dad mo, Anong gagawin mo?".
" Relax, Hindi nila malalaman na ako Ang may gawa dahil Ang alam nilang lahat na ako ay isang beggar, squatter and poor woman, Kaya don't worry dahil sa dami ng mga pinarusahan nilang mag aaral ay panigurado na di nila maiisip na ako Ang may gawa".
" Talaga paano kung may CCTV Dito, wait gusto mo burahin na namin para malinis Ang mga gawa natin at walang ebidensyang na tayo Ang may gawa".
" Dont worry nagawan ko na ng paraan Yan at inayos ko na rin''. dahil unang araw ko palang dito ay kinabisado ko lahat kung saan nakatapat ang mga CCTV at main source nito dahil specialty ko Ang pag hack ng mga computer systems at Ang tawag nila sakin ay "GENIUS INTELLIGENCE HACKER".
" Sabagay, Genius intelligence hacker ka kaya at madali lang sayo manipulahin Ang mga computer systems kahit pa Ang pinakamahirap o naka security ay nahahack mo pa rin".
Mula sa rooftop ay tinulungan nila akong tatlo, Sina Yuna, Ferri at Thena Na ayusin ang mga bitag at bawat building ay nilagyan ko na rin at pati field." tignan nalang natin kung ano Ang pakiramdam ng binubully,hahahahaha". nagulat Ang mga Kasamahan ko na bigla akong tumawa. sila ay napailing nalang.
" thank you girls, salamat sa pagtulong".
" ikaw pa, Saka tayo tayo lang din naman Ang nagtutulungan Diba at maiba tayo next week kaylangan mo pumunta sa hideout natin dahil hinahanap ka ni Ms. braba".
" Sige salamat sa pagtulong ah, sige Pakisabi pupunta nalang ako ".
"Kami ay aalis na at pakiusap wag mo sila pahirapan ah dahil Kilala ka namin na isa lang sadista" Saad sakin ni Yuna.
" Don't worry, Di ko sila pahirapan dahil kung ano lang Ang ginawa nila sa akin, Yun din Ang gagawin ko sa kanila".
" Talaga lang ah sabagay white petals leaf palang mga ito means 1st warning". Saad sakin ni Thena.
" HUWAG lang nila antayin Ang 12 petals leaf dahil delubyo Ang aabutin nila sa mga kamay ko!". gigil Kong Saad.
" hay naku! Akala namin magbabago ka na dahil Dito ka lumipat pero di namin akalain maging mas masahol ka pa pala Dito". Saad ni ferri
" hayaan nyo na, kahit ano pa Ang sabihin natin sa kanya ay gagawin parin nya Ang NASA ISIP nya, EIRRAND Kaya Yan di pwede apihin! hahaha". sabi Yuna
" Basta Era, wag masyado ah baka may maospital tulad noon, naka 189 na ata Ang dinala sa ospital dahil lang sa kalokohan natin, hahaha''. Saad ni Thena
" Di ko Yan mapapangako, Basta girls salamat sa pag ayos at pagtulong sa paghihiganti ko sa kanila ah, pag dating talaga sa trap the best kayo, bukas tignan natin kung sino Ang di kawawa! he he he he he!".
" Sige Mauna na kami , may como plague kami Dito Kaya don't worry Di kami makikita , Basta tawagan mo lang kami if you need backup".
" Salamat ulit girls". pagkatapos ko ligtipin Ang mga traps ko at nilagyan ko to ng invisible wiring para di nila Makita pagkatapos kahit apakan nila Ang mga bitag na ginawa namin ay di pa rin gagana dahil may remote control ako upang activate lahat ng traps kung kaylan ko nanaisin simulan Ang mga traps namin.
Pagkalabas ko sa LLU ay umuwi Muna ako upang pumasok sa trabaho at Ito Ang unang araw ko bilang saleslady sa Mall sa MDE. Tulad ng kasunduan di na ako naglagay ng mga abubot sa mukha at black makeup Kaya light makeup pero tulad ng style sa buhok Ang ginawa ko..curly pigtail at makapal na salamaning pero Wala naman sinabi na di pwede mag facemask Diba .
HABANG patungo ako sa mall ay Nakita ko Ang mga ilan na mga kakla ko tulad nila Anna, tummy at toby Saka Ang taong kinamumuhian ko na si mich Dave.
didiretso sana ako sa manager namin para sabihin sa kanya na ready na ako mag simula ngayon pero sadyang lampa Ang dalawa Kong paa ay natulak ko nanaman Ang isang lalake sa harapan ko upang pareho kaming matumba pero Ang di ko inaasahan ay SI mich Dave nanaman Ang naitulak ko muli. " bwesit ma buhay to ah, lagi ko nalang nadidisgrasya si mich Dave". bulong na isipan ko.
" IKAW NANAMAN!?".