Chapter 24

2179 Words
"What the f**k? Bakit pati sila nandito?" Gulat kong sabi kayla Chelsy nang pumasok sila ng bahay namin kasama sila Taurus at Khyro. Nagkibit balikat si Azure bago naupo sa tabi ko, "Well sabi nila kasi na gusto ka raw nila makita since ilang weeks na lang, manganaganak ka na." Kumunot ang noo ko, "Oh tapos? Share nyo lang?" Umiling iling si Gail bago sumalapak ng upo sa pang isahan na sofa, "Nag tatanong ka, tapos babarahin mo kami pag sumagot naman kami. So saan lulugar aber?" "Saka pumayag naman na kami, para na rin may kapalitan sa pag drive si Icerael" dagdag ni Chelsy. Napailing nalang ako sa kanilang lahat. Pinagmasdan ko sila isa-isa, oo nga at next week ang kabuwanan ko, pero kailangan pati iyang dalawang lalaki ay kasama? "Tsk, user" bulong ko pero narinig nila Alysia iyon. "Well, slight lang" dipensa ni Alysia. "Kayo ba mga pumapasok pa. Napapansin ko na halos every week nandito kayo ah. Lalo ka na Icerael" sabi ko at tinignan sila isa isa.  "Grabe, pumapasok naman kami noh. Pasado naman kami, chill ka lang dyan baka pumutok panubigan mo ng wala sa oras" biro ni Azure at nilingkis nya ang braso nya sa akin.  "Ilan sasakyan gamit nyo?" Tanong ko sa kanila.  "Dala namin sasakyan ni Icerael, and also my car" sagot ni Khryo habang pina paikot nya ang susi ng sasakyan nya sa middle finger nya.  Nilapitan ako agd ni Icerael saka ako hinalikan sa noo, bago sya yumuko para mahalikan ang baby bump ko. "Hi baby. Daddy's here again. Malapit na kitang makita" nakangiting bulong ni Icerael sa tyan ko habang hinahagod iyon paikot. "Dad, paalalayan ako tumayo" biglang sabi ko. Nakita ko kung paano sya natigilan bago nya ako nilingon. Nag taas ako sa kanya ng isang kilay ng hindi sya kumikilos sa kinalalagyan nya. "W-what did you just say?" Hindi makapaniwalang tanong ni Icerael sa akin. Bumuntong hininga ako, "Sabi ko, dad paalalayan ako patayo. Bingi ka ba?" Umiling sya sa akin bago ko nasilayan ang ngiti sa labi nya. "Ngingiti ngiti mo dyan? Hatakin ko labi mo eh" banta ko sa kanya pero mas lalong lumapad lang ang ngiti nya sa akin. Ambang susuntukin ko sya ng bigla nya na akong inalalayan patayo. Agad akong napahawak sa balikat nya para sumuporta sa balanse ko. Putangina, ang sakit sa likod! "Tara sa kusina, malamang gutom na kayo. Alas quatro na ng umaga oh. Pasalamat kayo dito ako sa sala nakatulog at pinagbuksan ko kayo ng pintuan" sabi ko sa kanilang lahat bago ako naglakad papunta sa kusina, syempre sa tulong ni Icerael. Tinanggal ko ang takip ng pagkain dito sa mesa. Mabuti na nga lang at may natirang kanin at ulam.Yun nga lang, hindi ako sigurado kung kakasya sa kanilang lahat. "Saan kayo matutulog nyan?" Tanong ko sa kanila habang kumakain sila. "Well itong si Taurus may guest house pala dito sa Albay ang pamilya, yun nga lang sa may Daraga iyon. Malapit lang ba iyon?" Tanong ni Gail habang ngumunguya sya ng kanin nya. Kinuha ko yung baso ng gatas na inabot sa akin ni Icerael, "Mula dito hanggang Daraga, 30 minutes ang byahe." Nag sitanguan naman silang lahat, "Doon kayong lahat ba?" "Oo, si Icerael lang maiiwan dito" sagot ni Khyro habang nag sasalin sya ng tubig sa baso nya. Pagkatapos nilang kumain, nag paalam din sila Chelsy na pupunta na sila sa guest house nila Taurus para makapag pahinga na. "Pahinga ka na, for sure pagod ka sa byahe" sabi ko kay Icerael at bahagya akong tumingala sa kanya para mahalikan sya sa panga nya. We're here inside my room at pareho kaming nakahiga sa kama ko. Pinailalim nya sa ulunan ko ang braso nya kaya iyon ang naging unna ko, habang ang isang braso nya ay nasa leeg nya. Pareho kaming nakatingin sa kisame. I'm hugging his wait at yung baby bump ko lang ang nag sisilbing harang para hindi magdikit ang lower body namin. "Did I already tell you how much I love you?" Madamdamin na sbai ni Icerael bago ako tinignan sa gilid ng mata nya.  Napangiti ako sa kanya, "You didn't, pero lagi mo naman sa akin pinaparamdaman, and that's okay."  Yumuko sya para mahalikan ako sa noo. Kusang napapikit ako nang maramdaman ko ang paglapat ng labi nya sa balat ko.  Nag angat ako ng tingin sa kanya hanggang sa may maisip ako.  "Icerael" tawag ko sa kanya.  Tinignan nya ako mula sa gilis ng mata nya, "Hmm?"  "W-what will you do kung isang araw, mawala ako?" Tanong ko sa kanya and I felt him stiffened.  "What do you mean?"  Bumuntong hininga ako, "Well paano kung isang araw mawala ako............... permanently."  Tumagilid sya ng higa paharap sa akin. Yung braso nya na nasa ulunan nya kanina ay ngayon ay nakasandal na sa unan ko at doon sa siko nya sinandal ang panga nya.  "Bakit ka nag sasalita ng ganyan? You're not dying" puna nya sa akin at naoakagat ako sa labi ko.  "W-wala, tinitignan ko lang kung ano ang mga posibleng mangyari pag manganak ako. Sabi kasi nila na pag nasa loob ka raw ng delivery room, ang isang paa mo ay nasa hukay----"  Hindi nya ako pinatapos sa pagsasalita, dahil bigla nalang syang yumuko para mahalikan ako. To shut me up. I immediately put my hands on his nape, pulling him closer to deepen our kiss.  We stopped kissing each other to catch some air. Nagkatinginan lang kami ng diretso sa mata before caressing my hair.  "You will not die."  "Oh come on, lahat naman tayo dyan pupunta. Hindi nga lang natin alam kung sino mauuna" sabi ko at agad na sumeryoso ang mukha nya.  "Bakit mo bigla ito binring up? Are you hiding something?" Tanong nya sa akin.  Umiling ako at ngumiti sa kanya, "Tinatago? Ano naman itatago ko?"  He licked his lower lip, "I don't know."  Pinalibot ko ulit ang mga braso ko sa leeg nya para mahatak ko sya pababa at mag lapat ang labi namin. We're kissing each other like there is no tomorrow.  "We should stop. Baka hindi ako makapagpigil" he while we're kissing.  Humgikhik ako bago ako tumigil sa pag halik sa kanya. Tinignan ko sya ng matagal bago umangat ang kaliwang kamay ko to caress his face. Tinagilid nya ang ulo nya at nahawakan nya ang kamay ko at hinalikan nag palad non.  "Remember this Icerael, no matter what happen, nasa tabi mo lang ako" sambit ko sa kanya at nakita kong tumango sya.  He's still kissing my fingers one by one. Diretso lamang ang tingin nya sa aking mga mata habang ginagawa nya iyon. Napapakagat ako sa pang ibabang labi ko habang pinagmamasdan sya.  "Pupunta tayo kanila Taurus ngayon? Alam mo kung saan yung guest house nila?" Sunod sunod kong tanong kay Icerael pagkagising ko.  Nagising kasi ako nang may marinig akong mga kaluskoks. Nakita kong nag aayos ng gamit si Icerael at nakaupo sya sa monoblock chair ko na nakaharap sa salamin.  Kaliligo lang nya at amoy na amoy ko ang bango nya. He's drying his hair with his towel bago nya iyon ginulo gamit ang kamay nya.  "Taurus sent me their address" sagot nya at tumayo sya para halikan ako sa labi, at para din halikan ang tyan ko.  Agad akong nahiya at napatakip sa bibig ko. Hindi pa ako nakakapagsipilyo, gago! Gustuhin ko man takbuhin ang distansya mula dito sa kwarto ko hanggang sa banyo, ay hindi ko magawa.  He chuckled before removing my hands on my lips, "Cute."  Sinamaan ko sya ng tingin, "Tche! Dali nga, tatayo na ako para makaligo na, nakakahiya naman sayo."  Agad naman syang sumunod at inalalaya ako patayo, yun nga lang ay tumatawa sya kaya tinitignan ko sya ng masama.  "I already prepared you clothes" sambit nya at tinuro ang damit na inihanda nya na nasa dulo ng kama ko.  Simplenh maternity dress na kulay yellow iyon at mga underwear na. Saka may black doon na cycling pang loob.  Awkward kong tinignan si Icerael, "T-thanks, pero pati ba naman yung undies?"  Tinignan nya ako nginsian bigla, "Why? Are you still shy? Come on, we already made love and now we're going to have a baby, you're still shy?"  Sinamaan ko sya ng tingin at tinaas ang gitnang daliri ko, "f**k you."  "I can't f**k myself, but I can f**k you" sabi nya at mas lumapad ang ngisi sa labi nya Kumulo ang dugo ko sa kanya at ramdam kong umangat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko. Gusto ko syamg tadyakan at irolyo sa banig, tapos itapon sa Dapitan.  Pwede ba?!  "Tangina mo, gago ka" tanging nasabi ko nalang sa kanya kaya natawa sya.  Kinuha nya nag damit na hinanda nya para sa akin at inabot sa akin. Padabog kong kinuha iyon sa mga kamay nya, bago ako nag lakad ng dahan-dahan papasok ng banyo.  Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko ang dress ko at lumabas ng banyo habang yung twalya ko ay nasa buhok ko. Naabutan ko si Icerael na nakahilig sa hamba ng kwarto ko at nakahalukipkip. He's playing with his lower lip bago nya ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.  "What?" Pagtataray ko sa kanya nnag lapita ko sya.  Umiling sya sa akin bago ako hinapit palapit sa kanya Dumukwang sya para mahalikan ako sa noo.  "Lets go? Nagluto ako" aya nya sa akin bago nya ako ginaya papunta sa kusina.  Pagkakita ko sa pagkain na nakahain sa mesa, agad na mumalam nag sikmura ko at nanibig kaagad ang bagang ko.  Amoy ng kamatis palang, nakakabusog na.  "Ikaw, hindi ka kakain?" Tanong ko sa kanya nnag mapansin kong pandesal at kape lang ang kinakain nya.  Umiling sya sa akin, "I don't eat breakfast. Besides, nakakabusog ka ng tignan" sabi nya at kinindatan pa ako saka nya pinagaptuloy ang pagkain nya.  Lumingon ako sa magkabilang gilid at nang masigurado kong wala sila nanay o ate, saka ako nag salita, "Putangina, gago, f**k you."  Hindi sya umimik pero nakita kong tumawa sya habang hinahalo ng teaspoon ang kape nya. Kain lang ako ng kain hanggang sa pumasok sa kusina si nanay.  "Oh, nag aagahan na pala kayo mga anak" puna nya at humikab pa.  Agad na tumayo si Icerael para mahalikan si nanay sa pisngi, "Magandang umaga po. Pasensya na po at ginalaw ko po yung mga gamit nyo sa kusina" nahihiyang sabi ni Icerael may nanay.  Napailing nalang ako habang piniligilan nag safili na matawa. "Ano ka ba hijo, ayos lang sa akin iyon" sabi ni nanay at agad na tumango ng nakangiti si Icerael.  "May lakad kayo mga anak?" Kapagkuwan ay tanong ni nanay sa aming dalawa. "Nandito po sa Albay mga kaibigan namin" panimula ko at agad na lumiwanag ang mukha ni nanay.  "Oh? Nasaan sila?"  "Nasa guest house po ng isa naming kaibigan. Hindi sila dito mag stay dahil masyado silang marami" dagdag ko at agad na tumango si nanay sa akin.  "Osya, magluluto ako para dalhin nyo ito sa mga kaibigan nyo" agad na sabi ni nanay pero agad ko rin naman syang pinigilan.  "Huwag na ho, mag focus ka nalang po sa pagluluto ng almusal ninyo nila tatay. Aalis na rin naman po kami ni Icerael" pigil ko kay nanay at tinignan nya ako bago tinignan si Icerael.  "Ayos lang ba?" Paniniguro ni nanay sa akin at agad akong tumango ag nag thumbs up sa kanya.  "Osya, pag may nangyari tawagan mo agad ako, Hosea" bilin sa akin ni nanay habang nag lalakad kami papunta sa garahe kung nasaan kotse ni Icerael.  Humarap si nanay kay Icerael, "Hijo, pag may nangyari sabihin mo kaagad sa akin. Saka, bantaya mo itong si Hosea."  Ngumiti si Icerael kay nanay, "Opo, makakaasa po kayo."  "Manang, gising na po sila Taurus?" Magalang kong sabi nnag marating namin ang address na binigay ni Taurus.  Agad na tumigil sa pag wawalis si manang para lapitan ang gate, "Ay, oho gising na ho sila. Pasok ho kayo." Agad na binuksan ni manang ang gate para papasukin kami. Simple lang yung guest house nila Turus. Dalawang palapag lamang ito. Kulay brown ang kukay ng buong bahay at my terrace sa taas, sa mismong gitna ng bahay.  Pagbukas ng pintuan ng bahay, agad namin narinig ni Icerael ang boses ng mga kaibigan nmain na nag sisigawan at nagkakagulo.  "Gago, malapit na raw sila!"  "Taurus! Hindi iyan dyan!"  "Abigail naman, ang kulit sabing ito ang ilagay eh."  "Uh, ano nangyayari?"  Dahil sa biglaang pagsalita ko, nakita ko kung paano nagulat silang lahat. Si Chelsy na may hawak na balloon ay ngayon nabitawan nya kaya umangat ito sa ere. Si Taurus na may hawak na banner ay ngayon ay nasa sahig na. "Congrats!" Awkward na bati ni Alysia at nilapitan kami ni Icerael para paulanan ng confetti.  "Para saan ito?" Tanong ko sa kanila habang pinagmamasdan ang buong dining area.  "Celebration. Para sa engagement niyo, and para sa baby ninyo. Peace, medyo nahuli" sagot ni Chelsy at nag peace sign pa.  Napangitia ko at agad na nanubig ang mat ako bago ko sila niyakap.  "Salamat, salamat sa lahat. Hindi ko ito makakalimutan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD