"Hijo, kapag lalabas kayo, ingatan mo iyang si Hosea ah" bilin ni tatay kay Icerael bago sya lumabas ng bahay para mamasada ng jeep.
"Makakaasa po kayo" sagot naman ni Icerael.
Sabado na naman ngayon at nandito si Icerael sa Albay. Ginagawa na nga nyang Cubao ang Albay dahil kada linggo, nandito sya. Sila Chelsy, once a month sila bumibisita dito. Kapag naman wala silang ginagawa o hindi masyado busy, twice a month.
"Punta lang ako sa bayan mga anak, may papasabay kayo?" Tanong ni nanay habang abala sya sa pagkuha ng bayong.
Nagkatinginan kami ni Icerael, "Wala ho nay."
"Osya sige, mauna na ako. Baka mahirap sumakay lalo na at Sabado ngayon" paalam ni nanay saka nya ako hinalikan sa noo bago sya lumabas ng bahay.
"Do you want to go outside?" Tanong ni Icerael sa akin.
Yung kaliwang braso nya ay nakaakbay sa akin at yung ulo ko ay nakahilig sa balikat nya. I felt him caressing my left shoulder with his left thumb.
"Saan naman? Nakakatamad eh, init init" reklamo ko.
He chuckled before planting a soft kiss in my hair, "I don't know. You choose."
"Hmm."
Tinagilid ko ang sarili ko paharap sa kanya. I put my arms around his nape and I heard him groan. Ngumisi ako at humgikhik bago pinatakan ng mababaw na halik ang labi nya.
"Hey.......s-stop it" awat nya sa akin dahil panay ang halik ko sa labi nya.
Ngumuso ako, "Ayaw mo na sa akin?! Why, because I'm fat now?! Tsk, tangina ka!"
After that nagtatampo akong umalis sa sala at nag lakad papasok sa kwarto ko at humiga sa kama ko, paharap sa pader. Good thing wala si ate dito at nandoon sya kasama ni tatay mamasada, kaya hindi nya nakikita itong kadramahan kineme ko tangina.
"Baby..."
Naramdaman kong humiga si Icerael sa tabi ko at agad nyang pinulupot ang braso nya sa bewang ko, pulling me closer to him. Hinagilap nya ang kamay ko and he intertwined our fingers.
"Tangina lubayan mo ako! Bakit ka ba kasi nandito, ha?!" Taboy ko sa kanya at pilit na kumakawala sa bisit nya, pero masyado syang malakas.
"I think I'd be liable for negligence if I neglected to come over and talk to you."
"Putangina, lubayan mo ako sa mga law-law na iyan sasapakin kita" irita kong sabi sa kanya.
Lately napapansin ko na ang dali kong mairita sa mga tao, lalo na kay Icerael. Sa simpleng bagay nabubwiset ako sa kanya. Yung tipong makita ko lang mukha nya, naiirita na ako parang gusto ko syang itapon sa Dapitan.
He chuckled before kissing my right ear and hugging me tightly, "Lets talk, hmm?"
Umirap ako sa kawalan, "Lets talk mo mukha mo. Tche!"
"Baby, calm down okay?" Bilin nya sa akin.
"Baby, calm down okay" pang gagaya ko sa sinabi nya, "Calm down mo mukha mo, gago."
Hindi sya umimik kaya hindi na rin ako nag salita pa. Walang nag sasalita sa aming dalawa, which is good kasi kumalma ako, hanggang sa basagin ni Icerael iyon.
"Are you done?"
Hindi ako nag salita, bagkus ay tumango lang ako sa kanya. Mas hingpitan nya ang pagkakayakap nya sa akin. Itinaas nya ang kamay namin na nakasiklop at dinala nya ito sa labi nya para halikan ang likuran ng palad ko.
"If loving you is a crime, then I'm looking at a life sentence" sabi nya sa akin habang titig na titig sa mata ko.
Humikab ako at mukhang nakita iyon ni Icerael kaya hinalikan nya ang leeg ko, "You should rest."
Ambang kakalas sya sa pagkakayakap sa akin, nang hawakan ko ang braso nya na nakayakap sa akin para pigilan sya.
"Stay......please?"
Hindi sya nag salita at but instead, he pulled me closer to him. He placed his head on my neck, inhaling my scent. Ramdam na ramdam ko ang pag daplis ng tungki ng ilong nya sa leeg ko, kaya napapaiwas ako dahil sa kiliti na nadarama.
"You smell so good" he said using his huscky voice.
"Ows, talaga tol?"
Naramdaman kong napangiti sya bago ako hinalikan sa leeg ko. Inangat ko ng dahan-dahan ang kamay ko para maabot ko ang buhok nya. I caressed it softly. Magsasalita pa sana ako nang marinig ko ang mahina nyang pag hilik.
Natawa ako ng bahagya bago sya hinalikan sa noo. Gumalaw sya ng kaunti para mas iipit ang mukha nya sa leeg ko kaya napangiti ako sa kawalan.
"I love you, and I will always love you...........until the end of time."
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog, pero nagising nalang ako na wala na si Icereal sa tabi ko. Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakahiga ko sa kama ko, at nag lakad palabas ng kwarto.
"Hosea, gising ka na pala" agad na sabi ni nanay nang makita nya akong lumabas ng kwarto ko.
Agad akong nilapitan ni Icerael, "Did you sleep well?"
Tumango ako sa kanya. Napansin ko na nag aayos si nanay ng mya pinamili nys, at mukhang tinutulungan sya ni Icerael kanina bago ako gumising.
"Sige tulungan mo muna si nanay, mauupo lang ako" sambit ko kay Icerael at tumango naman sya bago ako inalalayan na maupo sa sofa sa sala.
Nang masigurado nya na okay at maayos ang pagkakaupo ko, umalis sya para tumulong ulit kay nanay. Kinuha ko ang phone ko na nasa center table saka ito binuksan, pero naagaw ng tingin ko ang phone ni Icerael na may tumatawag. Binaba ko ang pagkakahawak ko sa phone ko para tignan ang phone ni Icerael.
Taurus calling....
Accept Decline
Nilingon ko si Icerael na ngayon ay tinutulungan si nanay. Hindi naman sya nakatingin dito kaya sinagot ko ang tawag ni Taurus.
[Bro, buti sinagot mo! Kanina pa kami nag tumatawag sayo, hindi ka macontact.]
Tumikhim ako, "Si Hosea ito, anong meron?"
[Hosea? Oh s**t!]
Kumunot naman ang noo ko, "Taurus, anong meron? May research ba kayo na hindi pa natatapos dahil kay Icerael?"
[Ha? H-hindi sa ga----]
Hindi ko na narinig ang sasabihin ni Taurus dahil inagaw na ni Icerael sa akin ang phone nya.
"Taurus, I already sent to you my part before I went here. Saka nag sent ako kay Khyro for extra copies" sabi ni Icerael habang nakapamewang sya.
Tinitignan ko lang sya habang kinakausap nya si Taurus sa kabilang linya. Nakita kong napakunot ang noo nya, kaya nag taka ako.
"That's bullshit. Try to contact Khyro or yung iba nating kagrupo. Hindi pupwedeng nawawala ang files ngayon."
Napalunok ako at umiwas ng tingin nang mapatingin sya sa akin. Kinuha ko ang phone ko at iyon nalang ang pinagkaabalahan ko. Naramdaman kong naupo si Icerael sa tabi ko at inakbayan ako, bago nya hinawakan ang ulo ko para sumandal sa balikat nya. Automatic na yumakap ako sa bewang nya habang nakatingin sa mesa na nasa harapan namin.
"I will try to send my own copy later. Kaso, hindi iyon buo unlike yung sayo" rinig kong sabi ni Icerael.
Nag angat ako ng tingin at naabutan kong nakapikit sya ng mariin, "I will send it later. Sa ngayon, try to do something to get back your files."
After that ay binaba na ni Icerael ang phone nya sa mesa bago nya ako hinalikan sa buhok.
"Nawawala files ng research nyo?" Tanong ko sa kanya.
He breathe a large amount of air before nodding his head, "Nakay Taurus lahat ng files when it comes to our research project. Good thing everytime we have a research paper, I always made my own copy, yun nga lang hindi sya ganon kakumpleto."
Tumango nalang ako sa kanya. Kita ko sa mata nya na namomorblema sya, pero pikit nyang hindi pinapakita sa akin iyon. Well, kung ako rin kasi nasa lugar nya, mamomorblema rin ako. Kahit na sabihing may back up copy na hindi buo, iba pa rin yung mismong copy na ginawa.
Napatingin ako sa pintuan ng bahay namin nang pumasok si kuya. As usual, may dala syang breifcase at naka suot sya ng dress polo na color white, slacks na black, at may neck tie pa sya n kulay itim. Yung coat nya na itim ay nakasabit sa braso nya.
"Kuya!"
Napatingin sya sa amin dalawa ni Icerael. Lumapit sya sa akin at bahagya syang yumuko para halikan ako sa noo. Nang mapatingin sya kay Icerael ay simpleng tango lang ang binigay nya dito.
"Ma" tawag ni kuya kay nanay na ngayon ay abala pa rin sa pagliligpit kaya hindi nya napansin ang pag dating ni kuya.
Lumiwanag ang mukha ni nanay nang makita si kuya, "Anak, nandyan ka na pala!"
Niyakap ni kuya si nanay at hinalikan ito sa ulo, "Si Heaven saka si papa?"
"Yung tatay nyo namasada, tapos si Heaven ay sumama sa kanya. Alam mo naman iyong kapatid mong iyon, hindi mapirmi sa iisang pwesto."
Nakita kong tumawa ng bahagya si kuya bago sya nag paalam na papasok sa kwarto nya.
"Hindi ako makapag intay na makita kitang ganon ang suot mo" sabi ko kay Icerael at nilingon sya.
Hinalikan ako ni Icerael sa sentido ko, "I can't wait to see you holding a blueprint of our house."
Napangiti ako sa kawalan habang nakatingin ako sa mesa na nasa harapan namin ngayon. Kung sana nga mangyayari iyon.
"Hosea, Icerael, kumain kayo rito ng meryenda, may pagkain dito na dinala ang kuya mo" aya sa amin ni nanay kaya tumayo kami.
Naunang tumayo si Icerael para alalayan ako sa pagtayo. Habang nag lalakad kami papunta sa kusina, panay ang himas ni Icerael sa tyan ko na may kalakihan na.
"Hi baby, kumusta ka naman dyan sa tummy ni mommy" malambing na sabi ni Icerael at nang banggitin nya ang salitang mommy lumingon sya sa akin habang nakangiti.
Kumain kami ng puto at kutsinta na dala ni kuya. Nag timpla pa nga si nanay ng juice para daw may inumin kami. Sa kalagitnaan ng pagkain namin, pumasok si ate at nag tatatakbo na lumapit sa amin.
"Hi kuya! Nandito ka na pala!" Masayang sambit ni ate habang nakayakap sa leeg ni kuya mula sa likuran.
Natawa si kuya at bahagyang tinanggal ang mga brasong nakapalibot sa leeg nya, "Nahuli ako, may inayos kasi ang papeles sa opisina. Saka may cliente pa ako kanina bago umalis."
"Ah, kaya pala haggard ang itsura mo. Don't worry wala naman nag bago, panget ka pa rin" asar ni ate bago kumuha ng puto pero agad na tinapik ni kuya ang kamay ni ate.
"Ah ganon? Oh sige, hindi ka kakain nyan" sabi ni kuya kaya napataas ang isang kilay ni ate namewang pa.
"Aba, bakit ikaw ba may dala nito?"
"Oo, angal ka?" Taas noong sabi ni kuya kaya bigong napayuko si ate.
"Biro lang. Kumuha ka na" kaagad na bawi ni kuya at
bahagya pang ginulo ang buhok ni ate.
Napailing nalang ako habang pinagmamasdan ang dalawa kong kapatid. Kahit kelan palagi silang nag tatalo sa simpleng bagay. Dati rati, hindi matatapos ang isang araw hanggat wala silang napapag awaya. Mabuti nga at hindi na sila madalas magkita, dahil nabawasan ang pag tatalo nila.
"Ang cute ng mga kapatid mo" bulong ni Icerael sa akin sa tainga ko.
Natawa ako ng bahagya bago ako kumagat sa kamatis na hawak ko. Oo, may kamatis at puto kutsinta ang kinakain ko, angal kayo?
Pagkatapos namin kumain, inaya ko si Icerael sa likuran ng bahay namin kung saan may bahay kubo na nakatayo.
"You didn't tell me that you have this" Manghang sabi ni Icerael pagkapasok namin sa loob ng bahay kubo.
May banig naman na nakalatay sa sahig dahil minsan pag may away kaming pamilya, ako o si kuya ang dito nag sstay para magpalipas ng sama ng loob.
"Eh hindi ka naman nag tanong" sagot ko sa kanya.
Iginaya nya ako paupo sa banig bago sya naupo sa tabi ko. Pareha kaming nakaharap sa pintuan na gawa sa kawayan, at nakatingin sa bahay namin.
"Nga pala, bakit mo naisipan na Hilary Jace ang pangalan ni baby?" Kapagkuwan ay tanong ko at nilingon sya.
Tumikhim sya pero nanatili ang tingin nya sa labas, "I don't know, someone whispered in my ears kaya nasabi ko ang Hilary."
Hindi ako umimik dahil mukhang alam ko na kung sino iyon.
"Eh yung Jace, saan nanggaling iyon?" Tanong ko sa kanya at bahagyang tinapik ang tuhod ko nang may dimapo na insekto.
"Noon paman, sinabi ko na once nagkaanak ako, ipapangalan ko syang Jace" sagot nya at tinignan ako.
Sandali kaming natahimik bago gumalaw si Icerael paluhod at paharap sa akin. Napakunot ang noo ko habang tinitignan sya. May nilabas sya sa bulsa ng suot nyang denim shorts, at hinarap sa akin.
Agad na nanlaki ang mata ko at nag uunahan ang mga luha ko habang ang kamay ko ay nasa bibig ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.
"Please don't think that I'm only doing this because of the baby" panimula nya.
He hold my hand and caressed my ring finger, "I'm tired of hearing De Sanjose as your surname, can we change it into Monteferrante?"