Chapter 22

2097 Words
"Hosea! OMG! We missed you na as in. Sorry hindi kami nakakauwi dito recently sa Albay, kasi alam mo naman na andaming iniitsa sa amin na mga to do list" Sabi ni Alysia at naupo sa sofa namin dito sa sala at humalukipkip. Umiling ako sa kanila, "Ayos lang naiintindihan ko naman yung situation nyo. Kung hindi nga lang ako buntis edi kasama nya ako at nag cacram diba" biro ko at bingyan sila ng juice isa isa. "Ilang months ka na bang preggy?" Tanong ni Azure bago sya sumimsim sa juice nya. Naupo ako ng dahan-dahan sa tabi ni Chelsy at agad naman nyang nilagyan ng unan ang likod ko. "5 months na" sagot ko. "At 5 months ng walang alam si Icerael" dagdag ni Gail at binaba nya ang baso ng juice nya. Natigilan ako. Ilang beses bumabalik si Icerael dito sa Albay, pero ni isang beses hindi ko sinasabi sa kanya ang tungkol sa sakit ko. Mabuti na nga lang at hindi ako inuunahan nila nanay na mag sabi. Noong unang buwan ko dito sa bahay, aaminin ko na mahirap dahil mailap sa akin yung pamilya ko, pero kalaunan ay unti-unti na nila akong kinakausap. Hanggang sa naging normal ang pakikitungi nila sa akin. "Kumusta ka naman? Anong gender ni baby?" Nakangiting tanong ni Cheldy sa akin habang inaayos ang hibla ng buhok ko. Ngumiti ako ng malapad sa kanila, "Babae." Namilog ang mga mata ng kaibigan ko bago nag tititili ng tahimik. Mabuti nga eh dahil tulog pa sila nanay dahil pag nag ingay sila, itatapon ko sila sa kanal. Tangina nila. "Alam na ni daddy Icerael?" Atat na tanong ni Azure sa akin habang nakahawak sa braso ko. Umiling ako, pero agad ding ngumiti, "Mamaya palang. Pupunta sya dito ngayon eh." Nagtilian ulit sila kaya isa isa ko silang pinaghahampas ng walis tambo na nasa gilid ko. "Oh, nandyan pala mga kaibigan mo." Ayan na nga ba sinasabi ko eh. "Good morning po tita, pasensya po ay maingay kami. May dala nga po pala kaming pagkain" normal na sabi ni Alysia at pinakita kay nanay ang dala nilag panci bihon. Napailing nalang ako. Kung makakilos akala mo hindi sya ang may pinakamalakas na tili kanina eh. "Ay nag abala pa kayo mga anak. Halika, pagsaluhan natin" sabi ni nanay at tinanggap ang bilao na binigay ni Alysia. Tumayo sila Chelsy para alalayan ako sa pag tayo ko mula sa pagkakaupo ko sa sofa. "Hosea, anak, maupo ka na dyan para hindi ka mahirapan" agad na sabi ni nanay pagdating namin sa kusina. Si Azure ang nag hatak ng upuan para makaupo ako habang si Gail ay nilagyan ng unan ang likod ko para mas kumportable ako. Pagkatapos nun ay tumulong sila Chelsy kay nanay na nag aayos ngayon ng kusina. Habang nakaupo ako ay hindi ko maiwasan na mapangiti nalang. Sila nanay at tatay, tumigil na sa bisyo nila simula noong nakaraang buwan. Si ate, dito na dumestino muna hanggang sa kapanganakan ko. Si kuya naman, every weekend umuuwi dito. "Hi love." Nagulat ako ng may yumakao sa akin mula sa likuran ko at hinalikan ang sentido ko. Nilingon ko yung taong iyon mula sa balikat ko. "Oh, nandito ka na pala Icerael" nakangiti kong sambit at bahagyang ginulo buhok nya. He chuckled before leaning down to kiss my tummy, "Hi baby. Daddy's here." Napangiti nalang ako at pinunasan ng palihim ang luhang nag landas sa pisngi ko. "Icerael, hijo, narito ka na pala. Halika at kumain na tayo" gulat din na sabi ni nanay pagbaba nya ng mga plato sa mesa. Agad na nag mano si Icerael kay nanay, "Pumasok na po ako sa bahay ninyo, bukas naman po kasi yung pintuan eh." Agad na natawa si nanay kay Icerael, "Ano ka ba hijo, ayos lang. Bukas ang bahay namin sa iyo." "Daddy, upo ka na katabi ni mommy." Nilingon ko yung mga kaibigan ko para tignan kung sino ang nag sabi non. It turns out na si Chelsy pala iyon dahil sya ang tinuro nila Alysia pagtingin ko sa side nila. "Mga batang ito, kumain na nga tayo" natatawang sambit ni nanay at agad na sumunod mga kaibigan ko. Naupo sa tabing upuan ko si Icerael at binigyan pa ng tipid na ngiti, bago nya ako nilagyan ng pagkain sa plato ko. "Anak, nasabi mo na ba kay Icerael kung anong gender ng baby nyo?" Tanong ni nanay sa akin habang kumakain kami. Napansin kong natigilan si Icerael sa pagkain at tinuon ang pansin nya sa akin, "You already know?" Tinignan ko sya at bakas sa mukha nya ang excitement at tuwa kaya tumango ako sa kanya. "It's a girl." Nakita ko kung paano nya kagatin ng mariin ang pang ibabang labi nga para pigilan ang sarili na umiyak sa harapan namin. "Hosea, may naisip ka ng pangalan para kay bebe gurl?" Pukaw ni Azure sa atensyon ko. Tinignan ko sya bago sumubo ng pagkain ko, "Actually wala pa eh. Tulungan nyo nga ako!" "Maganda kapag Selstina Hosefa. Oh diba" agad na sabi ni nanay pero agad ko syang tinignan. .  "Nay! Ang luma naman ng pangalan nyan" reklamo ko at nagsitawanan naman silang lahat. Ngumuso si nanay na para bang nag tatampo ito sa akin, "Anak naman, ayaw mo ba non?" "Kate." "Paula?" "Tiffany." "Hilary." Napalingon ako kay Icerael nang banggitin nya ang sinabi nyang pangalan. "Hilary Jace" sabi nya sa akin at bahagya akong nginitian. "Ay bongga! Ang ganda ng name!" Agad na sabi ni Gail at pumalakpak pa. "Baby Hilary, ang daddy mo ang nag pangalan sayo. Kapag inaway ka sa school mo balang araw dahil sa pangalan mo, sumbong mo sa daddy mo. Don't worry, abogado naman si daddy" sabi ni Alysia at bahagya pang hinimas ang tyan ko na may kalakihan na. "Apo, abay kay ganda naman ng pangalan nire" masayang sabi ni nanay at nag tawanan na naman kaming lahat.  Nag patuloy ang masayang agahan namin. Sa huli, sila Chelsy at Alysia ang nag presinta na mag ayos at mag hugas ng pinagkainan namin.  "Are you okay? May masakit ba sayo?" Tanong ni Icerael sa akin habang iginagaya ako na maupo sa sofa sa sala.  Tumango ako sa kanya, "I'm fine."  Nagulat ako nang bigla syang lumuhod sa harapan ko. Inilapit nya pa ang mukha nya sa baby bump ko at pinatakan iyon ng mababaw na halik.  "I can't wait to see you baby Hilary" malambing na sabi ni Icerael sa tyan ko na para bang maririnig iyon ng bata sa loob.  Nag angat ako ng tingin at nakita ko na pinagmamasdan pala kami ni nanay at ng mga kaibigan ko. Kung kanina ay nakangiti silang lahat sa akin, ngayon ay malungkot ang itsura nila.  Binalik ko ang tingin ko kay Icerael na ngayon ay hinahalikan ng paulit-ulit ang tyan ko. I can't help myself to smile at him while he's doing that, before caressing his hair.  "After mong manganak, sa condo ko tayo titira. Doon natin palalakihin ng sabah si Hilary. What do you think?" Kapagkuwan ay tanong nya. Hindi ako agad nakasalita at parang may nabara sa lalamunan ko, "S-sige." "Gusto makilala nila mama si Hilary. Maybe pag 4 or 5 na sya, dalhin natin sya sa Amsterdam" sabi ulit ni Icerael at tumango nalang ulit ako. Tumayo si Icerael mula sa pagkalaluhod nya sa harapan ko at naupo sa tabi ko, bago ako inakbayan. I felt him kissing my hair while his hands are caressing my tummy. "Hindi ako makapag intay na maging isang buong pamilya tayo" malambing na sabi nya sa akin. Lumunok ako ng ilang beses para pigilan ang sarili ko na umiyak o maluha. Ayokong mkaita nya iyon dahil mag aalala lang sya sa akin. "I love you" sabi nya at bahagya akong hinalikan sa tainga ko. "I love you too" sagot ko. He leaned down to kiss my tummy, "And I love you too." Ganon palagi ang set up namin tuwing weekend. Minsan dumadalaw sila Chelsy dito sa bahay kasama si Icerael, pero madalas si Icerael lang ang umuuwi every weekend. Naaawa na nga ako sa kanya dahil kada Sabado ay nandito sya at uuwi sya ng Sunday tapos diretso sya sa dorm nya sa UP. Madalas rin akong bumibisita sa simbahan at hinahanap ko yung batang nakakausap ko tuwing nandito ako. "Ah si Hilary ba? Yung batang nag bebenta dito ng sampaguita?" Tanong sa akin ng ale na nag titindi ng rosaryo sa paanan ng simbahan. So, Hilary pangalan nya, "Yung buhok po nya hanggang balikat nya. Yung damit po naman nya ay yung puti na marumi na. Lagi po sya kasing nandito at sinabi nyang ikaw daw mama nya." Lumiwanag yung mukha ng ale, "Ah si Hilary nga. Hindi ko sya tunay na anak, inampon ko lang sya. Nakakaawa naman kasi dahil mag isa lang sya." "Asan ho sya? Hindi ko po sya makita ngayon eh. Dati rati po ay sinasalubong nya pa ako." Hinarap ako ng ale at hinawakan ako sa kamay, "Hija, si Hilary ay matagal ng patay. Ilang taon na ang nakalipas." Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa narinig ko. Matagal ng patay? Ibig sabihin, kaluluwa nalang ang nakikita at nakakausap ko noon? Imposible. "Pinaglololoko nyo lang po ako ale eh" sambit ko at tumawa ng bahagya. "Hija, matagal na syang patay. Nasagasaan sya habang nag bebenta sya ng sampaguita" sabi ng ale sa akin kaya napakunot ang noo ko. "H-hindi ho iyan totoo." "Usap usapan na nga dito sa simbahan na may nag papakitang bata na nag bebenta ng sampaguita. Nagpapakita kasi dito si Hilary dahil kinakausap nya iyong mga taong alam nyang may mabubuting loob" sabi ng ale sa akin at mas hingpitan pa nag hawak sa kamay ko. "At isa ka na doon hija."  Inagaw ko sa kanya ang kamay ko at yumuko ng kaunti, "S-salamat po sa oras ninyo."  Pagkatapos non ay dali-dali akong nag lakad paalis ng simbahan. Natigilan ako nang makita ko si Hilary na nasa kabilang side. Hawak nya ang sampaguita na binebenta nya at nakangiti sa akin bago ako kinawayan.  Tumingin ako sa magkabilang gilid para tignan kung may sasakyan ba. Nang masigurado kong wala, ay tumawid ako para makapunta sa kabilang side..  "Hilary pala pangalan mo" bungad ko sa bata nang makarating sa kinaroroonan nya.  Agad syang tumango sa akin at tinaas muli ang sampaguita na hawak nya. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi nya.  "Patay ka na hindi ba? Saan napupunta iyong pera mo?" Tanong ko sa kanya.  "Ate, ikaw at si mama lang naman nag nakakakita sa akin. Yung perang binibigay mo ay binibigay ko kay mama gayan ng sabi mo po para may pandagdag sya. May sakit kasi si mama kaya tinutulungan ko sya. Ayokong mamatay sya eh" sagot nya sa akin.  "Pero hindi naman ako palagi nandito, diba?"  Tumango sya sa akin, "Opo, pero ayos lang po iyon."  "Bakit hindi ka pa nakakatawid sa kabila?" Tanong ko sa kanya at bigla syang yumuko.  "Hindi ko kasi maiwan si mama eh. Paano nalang po sya pag umalis na po ako dito? Saka, may iniintay pa po kasi ako, sabi ko sabay na kaming aalis dito sa mundong ibabaw."  Nakita kong napangiti sya habang nakatingin sya sa tyan ko.  "Hi Hilary, kapangalan pa pala kita" kapagkuwan ay sabi nya iyon kaya nagulat ako.  "P-paano mo nalaman iyan?" Gulat kong sabi.  Nag angat sya ng tingin sa akin at nginitian ako, "Ate, lagi po akong nasa tabi nyo. Inaalagaan ko po kayo."  Kumunot ang noo ko, "Pero hindi kita nakikita?"  Nginitian nya ako bago sya tumakbo palayo sa akin. Tatawagin ko pa sana sya pero napansin kong nakatingin sa aking ang mga tao dito.  Umuwi ako sa bahay at nahiga nalamang sa kama ko. Nakatagilid ako at nakaharap sa pader.  "Hosea, check up mo na" rinig kong sabi ni ate sa akin kaya tumayo ako at pumunta sa kwarto nya.  "Kelan mo balak sabihin ang tungkol sa lagay mo?" Tanong ni ate habang hinahanda nya ang gagamitin nyang gamit sa akin.  Naupo ako sa upuan kung saan ako palagi nauupo dito sa kwarto nya, "Dipende. Mas gusto ko ngang on the day ng kapanganakan ko eh."  Tinignan nya ako, "So paaasahin mo sya na mabubuhay ka?"  "Hindi sa ganon ate. Ayoko lang na makita syang nasasaktan. Atleast pag nalaman nya na sa araw ng kapanganakan ko, hindi ko sya makikitang masaktan kasi wala naman na ako dito."  "Kung saan ka masaya at kung saan ka mapapanatag, doon na rin kami. Wala naman kami sa posisyion na unahan ka" sagot sa akin ni ate kaya tumango ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD