Chapter 21

2108 Words
"Ano balak mo dyan sa bata?" Nasa sala kaming lahat nila nanay dito sa bahay namin sa Albay. Nagulat nga ako nang dumating ako dito ay nandito sila ate at kuya. Yumuko ako, "I-I will keep the baby." "Jusmiyo naman anak! Ipalaglag mo yan ngayon din. Kung ayaw mo bahala ka na sa buhay mo tutal mamamatay ka na rin naman" sabi ni mama sa akin kaya tumulo ang lihang pinipigilan ko kanina pa.  Naramdaman kong tumayo si nanay at lumabas ng bahay. Sinundan naman sya ni tatay kaya niwan kaming tatlong magkakapatid sa sala. "Hope! Ano ba ang hindi mo naintindihan sa sinabi ko sayo noon?! Akala ko ba na nahkaintindihan tayo na hindi ka pupwede mabuntis dahil ikamamatay mo iyan! Ano bang hindi mo maintindihan sa salitang mahina ang puso mo kaya hindi mo kakayanin pag nanganak ka? " Sabi ni ate sa akin at ramdam ko ang frustration sa boses nya. "Heaven, huminahon ka" awat ni kuya kay ate pero maski sya ay kita kong nag pipigil lang sya. Umiling si ate kay kuya, "Kuya, paano ako kakalma? Sabihin mo nga sa akin? Ilang taon kong inalagaan iyang si Hosea" sabi ni ate at nakita kong itinuro ako, "Tapos malalaman ko nalang na nabuntis sya?" Nanatili akong nakayuko habang umiiyak ng tahimik. "Bahala ka sa buhay mo. Dapat sinabi mo nalang na gusto mong mamatay ng maaga para hindi kami nag aksaya ng pera" malamig na sabi ni ate sa akin bago sya umalis papunta sa kwarto nya. "Hosea, pamilya mo sila hindi ka dapat mag tanim ng galit sa kanila. Mahal mo sila hindi ba?" Paalala ko sa sarili ko habang hinahagod ang dibdib ko paikot. Naramdaman ko rin na umalis si kuya sa sala kaya naiwan akong mag isa dito. Itinaas ko nag paa ko sa sofa at sinubsob ang mukha ko sa tuhod ko havang umiiyak ako. Naintindihan ko sila. Nakukuha ko kung ano ang ipinararating nila sa akin. Wala na nga akong pake kung sabihin nila ako ng masasakiga na salita eh. Ang hindi ko lang maintindihan sa sarili ko, ay bakit kahit ganon sila eh mahal ko pa rin sila? Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa at nag lakad papunta sa kwarto ko. Nadaanan ko pa nga ang kwarto ni ate at tinignan nya lang ako ng malamig at nag iwas ng tingin. Humiga ako sa kama ko, patigilid at paharap sa pader. Akap ko ang isang unan at nakalagay iyon sa may bibig ko para hindi makagawa ng ingay habang umiiyak ako. Nang tumunog ang phone ko, kinapa ko sa ilalim ng unan ko amg phone para kunin iyon. Icerael calling.... Accept  Decline Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang palad ko at huminga ng malalim bago ko pinindot ang accept button. "Hi Icerael! Kumusta ka dyan? Break nyo ngayon?" Bungad ko habang nakangiti ng peke sa kawalan. [I'm fine. How are you? Are you okay?] "Oo naman noh, okay na okay ako" sagot ko at kinagat ang pang ibabang labi para mapigilan ang sarili na umiyak. [Are you sure? Ano sabi sayo ng pamilya mo?] Pinunasan ko ang mga luhang naglalandas sa pisngi ko, "Okay nga lang ako. Sila nanay, ayun s-susuportahsn naman daw nila." [That's good. Atleast your family is there to support you.] Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang sarili na makagawa ng ingay sa kakaiyak. [Are you really sure that you're okay?] "Yeah I'm fine. Kumain ka na ba dyan?" Tanong ko sa kanya dahil pag inulit na naman nya ang tanong na are you okay ay baka hindi ko na mapigilan sarili ko. Ayoko lang marinig nyang umiiyak ako dahil mag aalala sya ay hindi sya makapag focus sa pag aaral nya. [Yeah. I'm with Khyro and Taurus, we're actually eating here in Rodics. Ikaw, kumain ka na ba?]  I pursed my lips. Pag tapak ko kanina sa bahay, ni hindi nila ako pinakain ng kahit ano dahil diretso usap kami. Mabuti na nga lang at kumain ako sa labas bago ako pumunta dito sa bahay kasi alam ko ng mangyayari ito. Yun nga lang, kaninang 9am pa iyon.  "Yeah, kumain na ako. Busog na nga ako eh. Grabe ang dami nilang pinakain sa akin dahil daw baka magutom si baby" sagot ko sa kanya at sinubsob ang mukha ko sa unan para hindi nya marinig ang hagulgol ko. [That's good, atleast nakakain ka na ngayon. It's already 12pm.] "Yeah. Osya sige, ibababa ko na ang tawag kasi lalabas daw kami pupunga sa hospital" excuse ko para maibaba na nya ang tawag dahil hindi ko na kaya. [Alright. Take care and I love you.] "Okay, I love you too and ingat ka rin" sagot ko at ako na mismo ang nag patay ng tawag. Tumayo agad ako para kunin yung oxygen ko na nandito sa kwarto ko at agad ko iyon ginamit. Hirap na hirap akong makahinga. Parang nauubusan ako ng hangin kahit alam kong imposibleng maubusan ng hangin. Bawat hinga ko ay para akong malalagutan ng ugat kaya dahan-dahan lang ang ginagawa ko dahil natatakot ako. Basang basa na rin ako ng pawis kaya pinupunasan ko iyon gamit ang palad ko. Nakakapit ang isang kamay ko sa hamba ng kama ko, habang yung isa ay nakahawak sa oxygen mask na nasa ilong ko. Nakatapat sa akin yung electric fan pero parang hindi tumatalab. Nilagyan ko ng maraming unan ang likod ko para mas kumportable akong nakaupo at nakasandal. At walang nakakaalam sa pamilya ko ang tungkol dyan. "Hope, bumangon ka dyan at kakain na." Iminulat ko ang mga mata ko. Nakatulog pala ako? Tinignan ko kung ano itsura ko at ganon pa rin ang position ko. Nakaupo ako at nakasandal sa pader habang may dalawang unan na malaki ang nasa likuran ko. Suot ko pa rin ang oxygen mask sa ilong ko. Tinanggal ko ang pagkakalagay ng oxygen mask sa ilong ko at pinatay ang tanke. Binalik ko ito sa ayos at inayos ang kama at sarili ko bago lumabas ng kwarto ko. "Kumain ka dito" malamig na sabi ni nanay s aakin habang abala sya sa pag aayos ng mesa. Naupo ako sa tabi ni ate pero umalis sya sa pagkakaupo at lumapit ng pwesto. Sinundan ko sya ng tingin pero iniwas ko rin nang tumingin sya sa akin. Tinignan ko kung anong nakahain sa mesa ngayon. Laking pasasalamat ko na may ulam na nakahain at may kamatis iyon. Walang nag sasalita sa amin habang kumakain kami, kahit nang matapos kaming kumain ay walang nag iimikan sa amin. Usually ay maingay kaming pamilya, pero ngayom hindi. At dahil iyon sa akin. Huhugasan ko na sana ang pinagkainan namin nang kuhanin ni tatay ang sponge at sya ang nag hugas. Tinignan ko sya pero walang emosyon ang mukha nya habang nag huhugas sya kaya umalis nalang din ako. Kumuha ako ng baso at kinuha ang gatas na nilagay ko sa ref namin saka nag salin doon sa baso na hawak ko. Habang umiinom ako, pinagmamasdan ko sila nanay at ate na masayang nakukwentuhan sa sala. Kung isa lang itong ordinaryong araw, malamang kasama nila ako at nagkukwentuhan kami ng masaya. Dapat makaradam ako ng kahit konti ng galit o inis sa kanila dahil sa ginagawa nilang pagtatrato sa akin pero hindi ko magawa. Kahit nga noong panahon na inuubos nila nanay ang pera para sa bisyo nila, hindi ako nagalit sa kanila. Kahit noong panahon na pinipilit nila akong kunkn ang kurso na Engineering, hindi ako nagalit sa kanila. Kahit ipinagkait nila sa akin ang kasiyahan ko sa photogw, hindi ako nagalit sa kanila. At ngayon kahit masakit ang salitang binitawan nila sa akin. Cold at silent treatment ang ginagawa nila sa akin. Hindi pa rin ako galit sa kanila. Pagkatapos kong inumin ang gatas ko ay binaba ko iyon sa mesa bago ako pumasok sa loob ng kwarto. Nag bihis ako ng color pink na dress at tinali ko ang buhok ko into a high ponytail. Kinuha ko yung puting sling bag at nilagay doon ang wallet ko, phone ko, panyo at gamot. Sinuot ko na rin ang sandals ko na puti bago ako lumabas ng kwarto. Balak ko kasi na dumaan sa simbahan ngayon. "Aalis po ako, babalik naman po ako mamayang hapon" paalam ko sa kanila pagdaan ko ng sala. "Edi umalis ka" malamig na sabi ni nanay sa akin kaya lumabas na ako ng bahay. Kinuha ko yung folding na umbrella at binuksan iyon bago akomag lakad sa initian. Mabuti at malapit ang waiting shed dito sa bahay namin. "Kuya sa Our Lady of the Gate Parish po" sabi ko pagkasakay ko ng fx na dumaan dito.  Pagkababa ko sa simbahan, nag lakad ako paakyat sa simbahan.  "Ate, ate, ate!"  Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko yung bata na binilhan ko ng sampaguita noong pumunta kami ni Icerael dito.  Nginitian ko yung bata, "Oh, nandito ka ulit pala."  Tumango sya sa akin, "Opo, dito po ako pumupwesto palagi kasi ho inaabangan ko po kayo eh."  Napakunot ang noo ko sa kanya, "Bakit mo naman ako inaabangan, bata?"  Humighik lamang yung bata sa akin, "Ate, buntis ka na po ba?"  Natigilan ako sa sinabi nya, "H-ha? Bakit mo naman iyan natanong?"  Nag kibit balikat sya sa akin, "Naalala ko po kasi may lalaki ka pong kasama dito noon, baka po kasi may baby na po kayo eh."  "Ah ganon ba? Well, oo" sabi ko at hinawakan ko ang tyan ko, "May baby na dito."  Lumaki ang ngiti ng bata sa akin, "Talaga po ate? Nako, sigurado po akong mabait at maganda o gwapo po iyan pag laki."  Nanatili ang ngiti sa labi ko, "Sana nga."  Tinaas nya yung kamay nya na may hawak na sampaguita, "Bibili ka po ba ate?"  Nginitian ko sya at bahagyang ginulo buhok nya, "Yung bentd ulit."  Agad naman nya binigay sa akin iyon at binigyan ko ulit sya ng isang daan.  "Gaya ng dati, huwag mo na akong suklian. Bigay mo nalang iyan sa mama mo. Nasaan ba sya?" Tanong ko sa kanya dahil hindu ko makita yung nanay nya na tinuro nya dati.  "Ah, nag papahinga na po sya eh" sagot nya habang nakangiti sa akin.  "Ah ganon ba? Oh sayo muna iyan ah. Huwag mo iwala" bilin ko sa kanya at tumango sya sa akin ng nakangiti.  "Pagpalain ka po sana ng Diyos ate. Balang araw po, maibabalik ang kabutihan na ginagawa mo sa iba. Huwag po kayong mag alala dahil makakapag pahinga na po kayo. Salamat po at nanatili ka pong mabait kahit po nabubuhay ka sa masalimuot na mundo" sabi ng bata sa akin ay tumakbo na sya palayo sa akin.  Nagtataka man ay nag lakad na ako papasok ng simbahan. Bukas ang simbahan ngayon at gaya ng dati, walang misa na nagaganap.  Naupo ako sa isang pew dito at taimtim na nanalangin.  Hindi ko na po hihilingin na gumaling ako at magkaroon ng milagro pag nanganak ako, pero may hiling po ako sa inyo na sana dinggin nyo.  Huwag nyo ho sanang pabayaan ang pamilya ko. Tulungan nyo po sila nanay na makaiwas na sa bisyo at mag simula nalang ng bagong buhay. Huwag nyo ho sanang pabayaan ang mga kaibigan ko. Sana pag may pinagdadaanan sila ay gabayan nyo po sila. Huwag nyo rin ho sana pabaesi Icerael at yung magiging anak namin pag dating ng panahon.  Yun lang po, Amen. Tumayo ako at nang mapadaan ako sa aisle ay yumuko ako para mag bigay galang sa altar, bago ako tumalikod at lumabas ng simbahan.  Hinagilap ko kung nasaan yung bata at hindi naman ako nabigo. Nakita ko syang nakaupo sa dulo ng hagdan ng simbahan at nag bibilang sa daliri nya.  "Bata" tawag ko sa kanya at napalingon naman sya sa akin.  "Ay ate" nakangiting sabi nya at tumayo saka pinagpag ang pwetan nya, "Nandito ka po pala ate. Ano pong sasabihin nyo sa akin?"  "Ah, anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya at agad syang ngumiti sa akin.  "Malalaman nyo po ate, sa takdang panahon" makabuluhan na sagot nya sa akin at tumakbo na palayo sa akin.  Napakunot ang noo ko pero pinagpaliban ko nalang iyon. Baka nantitrip lang yung bata. Tumawid ako para makapunta sa kabilang side.  "Ganda, anong nais mo?" Tanong ng ale na nakaupo sa sahig at Mukherjee mang huhula.  "Ah, wala po. Salamat po" sagot ko sa ale at ambang aalis na nang mag salita sya.  "Ang isang katulad mo hija ay hindi nababagay sa mundong ito. Pasalamat ka nalang na may mga kaibigan ka na hindi pinagsamantalaan ang kabutihan mo. Hayaan mo, maibabalik ang ginawa mong kabutihan dito sa munding ibabaw pagdating ng panahon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD