[Mag drop ka na dyan sa UP at umuwi dito sa Bicol.]
Napahilot ako sa sentido ko habang nakaupo dito sa may Sunken garden. Kasama ko ngayo si Icerael na nakatingin sa malawak na field dito sa harapan namin. Nama Indian seat ako habang kinakausap si nanay sa telepono.
"Ma, uuwi naman po ako dyan. Pero hindi po ako mag dr---"
[Mag drop ka na sa UP. Yung perang ginagamit mo dyan pang eskwela, gagamitin para sa hospital fees mo. Saka ano pa ba ang saysay eh mamamatay ka rin naman.]
Nanlamig ako at bigla akong nakaramdam ng sakit sa loob ko. Hindi ko lang pinahalata kay Icerael na nasasaktan ako ngayon para hindi sya mag alala.
Of all people, sa pamilya ko pa talaga maririnig ang mga salitang iyan. Kay nanay mismo. Alam ko naman na mamamatay na ako, pero the fact na sinabi nya diretso sa akin iyon, tangina lang.
[Umuwi ka, ngayon din. Isama mo si Icerael.]
Napatingin ako kay Icerael na ngayon ay nakatingin din pala sa akin habang nakakunot ang noo nya.
"Ma, kailangan mag aral ni Icerael dito. Hindi naman pupwede na pati sya mag ddrop, kung iyon ang gusto mo. May pangarap si Icerael, huwag nyo naman sanang ipagkait sa kanya iyon" sabi ko kay nanay habang hindi nakatingin kay Icerael, dahil ramdam ko ang titig nya sa akin.
[Ay basta, ikaw bahala dyan.]
Pagakasabi ni nanay non ay agad nyang binaba nag tawag. Ni hindi nya ako inintay pa na mag salita. Bigo kong binaba ang phone ko na nasa tainga ko.
"I can sacrifice---"
Agad ko ng pinutol ang sinasabi nya dahil alam ko ang sasabihin nya, at ayokonh marinig iyon sa kanya.
"It's fine, ako na mag ddrop" sabi ko habang nakayuko ako at pinaglalaruan ang daliri ko
Naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko kaya naptingin ako sa kanya. Insaw a lot of emotions sa mukha nya. Guilt, sadness, at pagkadismays.
"Hey, ano ba huwag ka ngang ano. Kung gusto mo, once in a while, bumisita ka sa amin. Sa ngayon, idedelay ko ang pangarap ko" mauudlot pangarap ko.
Hindi sya nag salita kaya tinapik ko sya sa balikat nya, "Cheer up! Makikita mo naman ako eh" makikita mo pa naman akong buhay. Maabutan mo naman ako.
Nilingon na nya ako, he's caressing the back of my palm, "Don't worry, pagkatapos mong manganak, you can study again."
Ngumiti ako sa kanya, "Oo, gagawin ko iyon" pero hindi na mangyayari iyon.
That same day, dumaan ako sa main office para makapagsabi sa dean na mag do-drop na ako, at uuwi na ako sa Bicol para doon mag stay hanggang sa araw ng kapanganakan ko.
"Hija sayang ka, I thought you're different form the others" sabi ng dean sa akin habang pinuounasan ang frame ng salamin nya.
Napakagat ako sa labi ko, "I'm sorry po, I hope you understand."
Sinuot muli nya ang salamin nya at pinagsiklop ang mga kamay na nasa mesa, "I understand your situation hija, I just hope that you will be back again."
Tumango ako, "S-sige po."
Kinuha nya ang mga papeles na nasa tabi nya at pinatitigan iyon, "I will just update your professors about your situation and your decision."
"Opo, salamat po" sagot ko at tumayo na sa pagkakaupo ko.
Aalis na sana ako sa loob ng office nang magsalita si dean ulit, "Hija, I'm looking forward sa pagbabalik mo. You're one of the top students this year sa Engineering department nyo, and makakalungkot ang nangyari. I just hope that you're going to be back again" nakangiting sabi ni dean sa akin.
Ngumiti ako at tumango kay dean bago ako lumabas ng office nya. Naabutan ko si Icerael na nakasandal sa pader, nakapamulsa. Nang makita nya akong lumabas ng office ay napaayos sya ng tayo at nilapitan ako.
"What did she say?" Tanong nya at hinapit ako sa bewang.
"Uhm, she's okay with it" sagot ko dahil ayoko namang ikwento ng buo sa kanya kung anong nangyari.
"Hatid na kita sa dorm nyo para makaligpit ka" aya sa akin ni Icerael pero umiling agad ako.
"Pumunta ka na sa klase mo, baka mahuli ka lang pag sumama ka" pigil ko sa kanya.
Tinignan nya ako, "I insist."
Umiling ako sa kanya, "It's fine. Walking distance lang naman na ang dorm mula dito eh."
Kaya lang naman sumama si Icerael sa akin ngayon dito sa office ay dahil vacant ng Pol Sci ngayon. Ako, sinadya kong hindi pumasok sa klase ko dahil alam kong mag do-drop na ako. Kagabi palang, napag desisyunan ko na at alam na nila Chelsy iyon.
"Are you sure you're going to be okay?" Paninigurado nya at tumango ako saka nag thumbs up sa kanya.
"Now go. Mamayang gabi ko pa naman balak lumuwas, may oras pa para makita mo ako" sabi ko sa kanya at agad syang tumango.
He leaned down to kiss my forehead, "Sunduin kita mamayang gabi, hatid kita sa terminal."
Tinanguan ko sya ng nakangiti, "Sure. Now go, baka mahuli ka na sa klase mo."
Tumango sya bago ako nginitian. Sabay kaming bumaba ng office building pero nag hiwalay kami dahil sa magaibang landas ang tatahakin namin. Siya, pupunta sa Pol Sci building habang ako sa dorm, uuwi sa pinanggalingan ko.
Pagbukas ko ng dorm namin ni Chelsy, agad kong binuksan ang ilaw at nilibot ang paningin ko sa buong kwarto. Hay, this will be the last time na makikita ko ito.
Pinasadahan ko ng kamay ko ang bawat gamit na nandito sa dorm namin. Habang ginagawa ko iyon ay nanubig ang mga mata ko. Hindi pumapasok sa utak ko na ngayong uuwi ako sa Bicol, doon na magsisimula mag bago ang lahat.
Hindi ako agad nag impake, bagkus ay naupo ako sa sahig at sinandal ang likod ko sa kama ko. Sinubsoh ko ang mukha ko sa tuhod ko at umiyak ng tahimik. Yung isang kamay ko ay nasa tyan ko, bahagyang hinahagod paikot.
"Baby, isipin mo nalang na kung ano ang mangyayari in the future, para sayo iyon. Nandyan naman si daddy at aalagaan ka naman nya" umiiyak kong sabi habang hinahagod ang tyan ko.
Sandali pa akong nag stay sa ganong position bago ko napagdesisyunan na kumain muna. Nakaramdam kasi ako ng pagkagutom. Binuksan ko ang ref at nakita ko ang isang plastic na puno ng kamatis. Kinuha ko iyon at kumuha na rin ng dalawang red egg na nakita ko sa gilid.
Simandok na rin ako ng kanin sa plato ko at nilapag iyon sa mesa. Hinati ko sa gitna ang red egg at sinimulan ko ng kumain. Yung kamatis ay hindi ko hinati dahil kinakain ko siya na pra bang mansanas iyon.
Tumayo ako para kumuha ng tubig at gatas, saka ako bumalik sa upuan ko at pinagpatuloy kumain. Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko ang kinainan ko at hinugasan iyon.
Binuksan ko ang cabinet at isa-isa kong tinanggal ang mga damit ko at nilalagay sa bag ko. Tahimik lang ako at parang lumulutang ako habang ginagawa iyon. Lagay lang ako ng lagay sa bag ko, wala na akong pake kung hindi ba iyon maayos na nakatiklop basta nilalagay ko lang iyon.
Pagkatapos non ay nag lakad ako patungo sa kusina para kumuha ng tubig at uminom. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang gc naming magkakaibigan.
Chelsy Makinano: @Hosea De Sanjose inannounce na ng prof na hindi ka na papasok for the whole sem. Don't worry, hindi naman sinabi yung reason
Alysia Mañarez: Gago! Uuwi ka na ng Bicol?
Gail Shin: Samahan ka ba namin?
Azure Demecilio: Are you okay? Lol, as of sasagot ka ng hindi.
Napangiti ako sa kawalan habang pinagmamasdan ang mga message ng mga kaibigan ko. Sila yung tipong lowkey lang na aalagaan ka. Hindi sila bumabase sa status ng buhay mo. Yung tipong sasamahan ka sa kahit anong mangyari. Pagsasabihan ka ng diretsuhan pag may nagawa kang mali. Hindi gumagamit ng mga sugar coated words.
Swerte ko na nakilala ko sila ngayon.
Hosea De Sanjose: Pinauuwi na ako ni nanay ngayon din, kaya mamayang gabi ihahatid ako ni Icerael sa terminal
Hindi na ako umaasa na sasagot pa sila dahil malamang nag kakalase sila sa oras ngayon. Ibinaba ko sa lababo ang baso na ininuman ko, saka ako pumasok sa banyo para maligo.
Simpleng denim maong shorts ang suot ko at white short ang suot ko. Ito na rin kasi ang suot ko mamaya pauwi sa Bicol. Mag susuot nalang ako ng plaid polo pang patong ko sa lamig.
Since wala naman akong ginagawa, nag pasya nalang akong bumawi ng tulog dahil malamang mamaya sa byahe ay mahihirapan akong matulog. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog, pero nagising nalang ako at nakita ko si Chelsy na dahan-dahan na pumapasok sa dorm namin.
"Ay, gising ka na pala. Kumakatok ako ng ilang beses pero walang nag bubukas, so I assmue na tulog ka. Nagising ba kita?" sabi nya habang tinatanggal ang suot nyang jacket. Napansin ko ang mga marka ng cuts na nasa braso nya kaya napakunot ang noo ko.
"Napano yan?" Tanong ko at nakaturo sa braso nya.
Nakita ko kung paano sya natigilan pero agad din syang lumingon sa akin, "Ah, nasabit lang ako sa mga alambre dito sa campus. By the way, kumain ka ba?" Tanong nya, obviously iniiwasan na pag usapan iyon.
At nirerespeto ko naman iyon, "Kanina pa bago ako mag impake at matulog."
Humarap sya sa akin, ngayon nakikita ko ang lungkot sa mga mata nya na pilit nyang ititnatago sa likod ng ngiti nya.
"Sa katapusan bibisita ka namin nila Alysia sa Albay" sabi nya sa akin pagkaupo nya sa sabig, sa harapan ko.
"It's fine ano ba. Mag focus kayo sa pag aaral nyo lalo na sila Alysia na graduating ngayon" sabi ko sa kanya pero agad syang umiling.
"We can still focus on our studies naman kahit umuwi kami at bisitahin ka. Mas importante ka naman sa amin eh" sabi nya kaya hindi ko napigilan na manubig ang mga mata ko.
Natatawa kong pinunasan ang luha ko, "Tangina, ang emotional ko ngayong nakaraaang araw."
Lumuhod si Chelsy para maabot nya ako at mayakap. Naramdaman kong hinahagod nya ang likuran ko kaya mas lalo akong naiyak doon.
"Ano sabi ni tita?" Rinig kong tanong ni Chelsy sa akin habang hinahagod nya ang likuran ko.
Nag kibit balikat ako, "I don't know. Of course sino bang matutuwa gayong mas napalapot ang anak nya sa kamatayan."
Naramdaman kong umiling sya, "Huwag mong pangunahan. Pwedeng may milagro na mangyari hindi ba?"
Alam ko naman na sinasabi lang nya iyan para gumaan ang loob ko, pero hindi gumagana. Simula palang tinanggap ko na mamamatay ako, mas maaga nga lang sa inaasahan ko pero ayos na sa akin iyon.
May iiwan naman akong munting anghel sa mga taong nag mamahal sa akin. At ayos na sa akin iyon.
Binitawan ako ni Chelsy para tignan ako, "Mag ingat ka doon ah. Pag may nangyari, tawagan mo kami. Kahit 13 hrs ang byahe mula Manila hanggang Albay, puountahan ka namin."
Nginitian ko naman sya, "Grabe naman yon, baka singilin mo ako sa gasolina nyo" biro ko sa kanya kaya bahagya syang natawa.
"Ipagdarasal ka namin ah. Manalig ka lang. Diba nga, ikaw si Hope Asea?" Sabi nya at nginitian ako.
Natawa ako ng bahagya sa kanya, "Joke ba iyon? Kailangan ko bang tumawa?"
Agad naman syang sumimangot sa akin, "Ewan ko sayo" sambit nya at tumayo, "What do you want for dinner?"
"Any basta may kamatis" sagot ko sa kanya at nilingon nya ako ulit.
"Pag yang anak mo lumabas at mukhang kamatis, hindi na ako magtataka" biro nya bago sya pumunta sa kusina.
Kinapa ko ang phone ko sa kama ko at kinuha iyon. Binuksan ko at nakita kong may text message na galing kay Icerael.
From: Icerael
Hi love, I will fetch you at your dorm at exactly 7pm, is that okay with you?
Agad akong napatingin sa orasan namin dito sa dorm. 6pm palang naman, so may isang oras pa ako para mag chill.
To: Icerael
Okay lang, para makabili agad ako ng ticket
Nang matapos lutuin ni Chelsy ang ulam namin, tinawag na nya ako para makakain na kami.
"Mamayang 7 susunduin ako ni Icerael" sabi ko sa gitna ng pagkain namin.
Tumango si Chelsy, "Samahan ka namin nila Azure sa lounge."
Pagkatapos kumain ay ako ang nag hugas ng pinagkainan namin bago ako pumunta sa banyo para mag sipilyo at para kunin ang mga gamit ko. Pagkatapos non ay lumabas ako ng banyo at si Chelsy naman ang pumasok.
Kinuha ko sa shoe rack namin ang sapatos ko na kulay puti at iyon ang sinuot ko. Nakita ko mula sa gilid ng mata ko na lumabas si Chelsy sa banyo. Agad syang nag angat ng tingin sa orasan namin.
"Tara, 6:45 na" aya nya sa akin.
Tumango ako. Tinulungan nya akong bitbitn ang mga bag ko. May dalawang bag ako at isang maleta na dala. Si Chelsy ang nag buhat ng dalawang bag para daw hindi ako mahirapan.
Pagkababa namin ni Chelsy sa lounge, agad kong nakita sila Azure dito, hinihintay ako. Agad nila akong sinalubong ng yakap at nag simula silang umiyak.
"Hoy, naman eh, kung pwede lang na pati kami sumama sayo, ginawa na namin" si Azure ang nag sabi non habang pinupunasan ng palad nya ang mga luha nya.
"Promise, bibisita kami doon pag free kami. Saka pag malapit ka na manganak, nandoon kami. Hindi ka namin iiwan" si Gail ang nag sabi non.
Nakita ko si Alysia na humahangos na papunta sa amin at agad na nakisama sa yakap, "Grabe akala ko hindi na kita makikitang umalis, pero tangina ingatan ko sarili mo ah."
Tinanguan ko naman sila kaya umalis sila sa pagkakayakap sa akin. Nakita ko yung sasakyan ni Icerael sa labas at bumaba sya doon. Pumasok sya sa building at naglakad papunta sa amin.
"Hoy Icerael, ikaw makakakita sa kanya na umalis. Huwag kang mag alala pag free tayo, bibisitahin natin si Hosea sa Albay" sabi ni Alysia at tinapik nya si Icerael sa balikat.
"Yeah, I'm going with you all. Sabihin nyo lang ako" sabi ni Icerael sa mga kaibigan ko.
Lumapit sya kay Chelsy para kunin ang dalawang bag ko at sya ang nag bitbit non.
"We're going to wait for you to come back here, Hosea" sabi ni Icerael at nakita ko kung paano nag siiwas ng tingin ang mga kaibigan ko.
Awkwarda kong tumawa, "O-oo, d-diba?"
Hindi nakaimik agad ang mga kaibigan ko pero tumango nalang sila. Nilingon ko si Chelsy para yakapin sya.
"He's clueless. Sabihin mo na kaya, para hindi sya umasa na babalik ka sa Manila?" Bulong ni Chelsy sa tainga ko.
"Hindi pa ako handa sa ganon, Chelsy" bulong kong sagot sa kanya.
Nag paalam na kami sa mga kaibigan ko bago kami ni Icerael umalis papunta sa Cubao terminal. Since gabi namin na, wala masyadong traffic kaya mga quarter to 8 ay nakarating kami sa Cubao.
"Wait lang" paalam ko at pumila sa ticket booth.
Tulad ng inaasahan mo, halos walang pila sa ticket booth ngayon. Hindi naman kasi uwian sa probinsya dahil panahon pa ng klase. Nang makabili ako ng ticket ay agad akong bumalik kay Icerael.
"Paalis na yung bus ko, so......"
Hinatak ako ni Icerael palapit sa kanya at hinalikan ang noo ko, "Stay safe. Pupuntahan kita sa inyo."
Tumango ako sa kanya, "Osya sige. Mag ingat ka pauwi mo ah. I love you."
"Kaya mo na bang pumunta sa bus mo?" Tanong nya at agad akong tumango.
"Ayan lang oh" sagot ko at tinuro ang bus na malapit sa amin.
Lumapit si Icerael sa akin at hinalikan ulit ako sa noo, "Can you just stay here?"
Ngumiti ako ng malungkot sa kanya, "Alam mo naman na ang rason diba?"
Bigo syang tumango sa akin. Bumuntong hininga ako bago tumingkayad para maabot ang labi nya.
"I love you" I whispered.
"I love you too" he answered in a low tone.
"See you again?" Tanong ko sa kanya habang kinukuha ang gamit ko.
Tumango sya, "Wait for me."