Chapter 32

1169 Words
Today....is my first day in law school. Isang linggo ko naman itong pinaghandaan pero, para akong masusuka ngayon habang nag aayos. I was eating my lunch alone since dad already left this morning. I joined him naman a while ago during breakfast time. Balak ko after lunch time is umalis na dahil simula ng aking klase ay 3pm hanggang 8pm. "Anak, ako na dyan," pilit inaagaw ni manang sa akin ang plato ko na hinuhugasan ko ngayon. "Nay, ano po ba kayo," tumawa ako ng bahagya, "isang plato, isang pares ng kutsara at tinidor, at isang baso lang naman po ito. Hindi naman po ito ganon kahirapa hugasan." "Ay basta ako na dyan," binungo niya ng bahagya ang balakang ko at inagaw na nga ni manang sa akin ang plato ko, "ang mabuti pa ay gumayak ka na para maka alis ka na rin. Medyo malayo ang eskwelahan mo mula dito, tama ba?" Tiningnan ako ni manang saglit. Tumango ako habang nag pupunas ng kamay, "Opo." Narinig kong bumuntong hininga si manang, "Ayaw mo ba talaga bumili ng sasakyan, anak?" Sumandal ako sa counter top namin habang kinakausap ako ni manang, "Hindi ko naman po kailangan." "Kailangan mo iyon hija," agad na sagot ni manang, "Judge ang ama mo, at marami siyang natatanggap na pagbabanta mula sa mga kaso na hinahawakan niya. Hindi lang niya sinasabi sayo," nilingon ako ni manang mulo sa kanyang balikat, "hindi naman sa sinasabi kong mapanganib ang pag commute mo papasok, pero para mapanatag naman ang loob ng papa mo, bumili ka na ng sasakyan para alam namin na ligtas kang makaka alis at makakauwi." Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Alam ko naman kung ano ang pinupunto sa akin ni manang, at naiintindihan ko naman kung saan din siya nanggagaling. Ang sa akin lang, hindi ko pa naman kasi gaano kailangan ang sasakyan, lalo na at may pinag iipunan ako.  "Alam ko na may balak kang sopresahin ang papa mo na pumunta sa Pransya pag tapos mo sa law school, pero ano ang kasiguraduhan na sa ilang taon kang mag cocommute papunta at pauuwi, ay hindi ka mapapahamak?" Siguro nabasa ni manang ang nasa isip ko kaya niya iyon nasabi. Matagal akong natahimik. Tama nga naman si manang. Hindi lang sinasbai sa akin ni dad na hindi siya mapalagay ng maayos sa tuwing aalis ako ng bahay, at commute lang ang gagawin ko. Natrauma na kasi ata si dad noon dahil nang minsan akong lumabas noong College, ay muntik pa akong masagasaan. At hindi lang basta na aksidenteng sagasa, dahil mukhang ako talaga ang target ng motor. Nag iwan kasi siya ng papel na may salitang, mag ingat ka kaya alam kong isa iyon death threat ng taong may kinalaman sa isa sa mga kasong nahawakan ni dad. Mabuti nga at hindi ako napuruhan, at tinakot lamang ako ng rider, pero grabe ang pag hihigpit ni dad sa akin simula non. Tumango tango ako, "Sabihin ko po kay dad," bumigay naman ako sa huli dahil, sa kaligtasan ko rin naman ito. Umakyat ako sa kwarto ko para mag sipilyo, at ayusin ang mga gamit na dadalhin ko. Nag pabango na rin ako bago ako bumaba at mag paalam kay manang na aalis na. Nag lakad ako palabas ng subdivision namin at doon papara ng masasakyan papunta sa LRT.  Payapa at tahimik lamang ako nag iintay ng masasakyan sa ilalim ng araw, nang biglang may tumigil na sa sakyan sa harapan ko. Automatiko kong hinagilap ng pasimple ang aking folding knife sa bulsa at umatras ng bahagya sa sasakyang nasa harapan ko mismo. Pinagmasdan ko kung paano bumaba yung bintana ng sasakyan kaya napakunot ang noo ko. "Relax, ako lang ito." "Kiel?" Ngumiti si Kiel sa akin mula sa loob ng sasakyan niya, "Sabay ka na." Nakangiwi akong umiling, "No, thank you." Nakita ko kung paano siya ngumuso na akala naman niya ikina-cute niya, "Ito naman, para naman magkaibang lugar pupuntahan natin," at tumawa pa nga ng nakakaloko ako moko. "Oh tapos? Kailangan sabay na tayo kung ganon?" Pagtataray ko. "Ohh, feisty," narinig ko pang bulong niya kaya namula ang mukha ko sa pinaghalong init at inis, "tanghali na kasi  at bihira ang sasakyan na dadaan dito papunta sa school, kaya sumabay ka na," tinignan na ako ni Kiel. "Kaya ko sarili ko noh." Narinig ko siyang suminghap, "Ikaw naman parang others oh," tumawa pa siya. At dahil alam kong hindi niya ako tatantanan at, pinagtitinginan na rin kami ng ibang tao dito sa paligid, ay nag lakad na ako patungo sa pintuan ng sasakyan ni Kiel. Nakita ko siyang ngumisi sa akin at nakakaloko niyang tinaas baba ang kanyang kilay na para bang nang aasar pa siya sa akin. Pabalag kong sinara ang pintuan ng sasakyan niya na ikinagulat niya, "Nag dadabog? Edi umalis ka nalang," he pushed me a little kaya hinampas ko ang braso niya. "Ano ba?! Nakaupo at nakapasok na ako oh," naiinis na sabi ko. Ako talaga ay sinasagad nitong lalaking ito eh. He showed me his charming smile na mas ikinainis ko pa, "Hehe, sorry." After that ay nag drive naman na siya papunta sa UP. Paminsan minsan ay tinatanong niya ako pero kadalasan ay hindi ko siya kinikibo. But something came across my mind that made me what to question him. "Kaano-ano mo si Josiah?" Tanong ko bigla sa kanya na ikinalingon niya sa akin. "Curious now, huh?"  Rinig na rinig ko sa boses niya ang kaasaran kaya inirapan ko siya. "He is my boyfriend." "Ano?!" Literal na napahampas ako sa dashboard niya at napalingon sa gawi niya. Muntik pa nga akong masubson sa dashboard kung hindi ako naka seatbelt dahil sa biglaan niyang pag preno. Kunot noo niya akong tinignan, habang ako ay nanalalakihang mga mata ang ibigay ko sa kanya. "Why the hell did you shout?!" Narinig namin ang ilang mga busina sa likuran namin kaya nag maneho na ulit si Kiel. He suddenly stopped in the middle of the road! "Y-you're his b-boyfriend?" Nauutal kong tanong sa kanya habang pinapakiramdaman ko ang bilis ng t***k ng puso ko. Malakas namang tumawa si Kiel habang may panaka-naka pa siyang pag hampas sa manibela niya, "Joke lang naman, ito naman. Hindi kami talo non!" Naipikit ko ng mariin ang mga mata ko at kumuyom ang kamao ko. Hilary, kumalma ka at baka masuntok mo siya ng wala sa oras. Nasa daan kayo, kumalma ka. Paulit-ulit ko iyon sinasabi sa aking utak kaya hindi ako kumikibo ng ilang minuto para pakalmahin ko sarili ko. "Bakit, may gusto ka ba kay Joss?" Bigla kong narinig ang kaseryosohan sa boses ni Kiel, kaya napadilat ako ng wala sa oras at tinignan siya. "Bakit, tutulungan mo ba akong mapalapit sa kanya?" Tanong ko naman pabalik. He shrugged, "Why not?" He answered immediately while his eyes are settled on the road.  Wala ng nag salita sa amin dalawa pagkatapos non, which is good, dahil baka mag bardagulan lang kaming dalawa ni Kiel hanggang sa UP at pumasok akong mukhang tigre.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD