Keil Hernandez want to be your friend
Iyan ang bumungad sa notification ko habang narito ako sa canteen ng UP. Wala ang mga prof ngayon dahil sabi ng mga upper ay hindi daw talaga pumapasok ang prof pag first week dahil on going pa ang enrollment. Nagkaroon lang ng assignment ng class beadle at ako ang vinolunteer ng mga kablock ko. I was okay with my block actually. Madali akong naka adjust sa kanilang lahat, although there are girls who doesn't like me. Again, I can't please everyone. Pero hindi naman lahat eh ayaw sa akin, that's far more important.
"Hi, I'm Aya. Do you mind if I sit here?"
Napa angat ang tingin ko sa babaeng chinita na may buhok na hanggang dibdib ang haba na traight na straight. Parang rebonded siya pero natural ang pagkabagsak ng buhok niya. Pwedeng isamabak sa mga shampoo commercial itong buhok ni ate girl!
Tinignan ko ang upuan na nasa harapan ko, "Uh, yeah you can sit naman," nakangiti kong sabi.
Agad naman niyang hinatak ang upuan at naupo sa harapan ko. She placed her things on top of the table, while I am busy watching her moves. This is weird. Nakakagulat na may nag approach sa akin na....hindi ko kablock.
"Do you want some?" She asked while she handed me a biscuit.
Nakangiti akong umiling, "No, thank you. I'm good."
Hindi na siya ulit nag salita after that so I busied myself with my phone. Nag dadalawang isip ako kung iaaccept ko ba ang friend request ni Kiel, pero then again, sabi niya ay tutulungan niya ako kay Josiah, so we really need some mode of communication. I clicked the accept button saka matunog na bumuntong hininga.
"I saw you entering the school campus with Kiel," napatingin ako bigla kay Aya na nakatingin sa kanyang pagkain habang nag sasalita, "what is you relationship with him?" Tinignan niya ako at binigyan niya ako ng matamis na ngiti.
Okay.....I think I know where this is going. For some reason, Kiel is quite famous here in UP. Yung mga freshman ay nagkakagusto sa kanya dahil one year ahead siya sa amin....pwera ako. Wala naman kagusto-gusto sa lalaking iyon kung alam lang nila. Mauubos lang ang pasensya nila kay Kiel pag kausap nila.
I put my phone on top of the table, "Uh, aquaintance."
"Really?" Nag dududa niya akong tinignan kaya napairap ako sa aking isipan.
Kung dahil kay Kiel lang naman ang pinunta niya sa akin, ay mabuti pang umalis na siya. Hindi ko naman alam na sikat pala yung morenong yun dito sa UP, edi sana hindi ako lumapit-lapit sa kanya kahit may connection kay Josiah.
"Look, if you don't believe me then so be it," I shrugged, "wala naman akong utang na explanation sayo."
"Masyado kang mayabang. If I know, you are just one of his past time," at nag mamartsa nga siyang umalis sa harapan ko.
Napasandal ako sa inuupuan ko at malakas na napabuntong hininga. Hindi ko naman siya cinoconsider na kaibigan and hindi ako aware na marami palang babaeng nag hahabol sa kanya. Tapos ang ending, ako pa ang masama?
The audacity
"A penny for your thoughts."
Napa angat ang tingin ko ng may pumitik sa noo ko bigla. Speaking of.
"Ang seryoso mo naman," may kinawayan siya sa likod kaya sinundan ko iyon ng tingin. I think that's his friends, "Ano ba ang problema?" Naupo si Kiel sa harapan ko kung saan naupo si Aya, the maldita, kanina.
I could feel some eyes staring at us...at me but I didn't bother giving them my attention. Binalik ko ang tingin ko kay Kiel na nakapalumbaba ngayon sa mesa at bahagya pang nakatagilid ang ulo at nakangiti habang tinignan ako.
"So tell me some informations about Josiah," panimula ko.
Napansin kong nawala ang ngiti sa kanyang labi at napadiretso siya ng upo. Tumikhim siya at tumingin sa kabilang gilid saglit, bago ako lingunin ng may ngiti ulit sa kanyang labi.
"Atat ka amsyado miss," nanukso pa siya kaya ambang hahampasin ko siya ng notebook ko, pero agad naman siyang umilag.
"That guys is so easy to please, believe me," I frowned.
"Be more specific!"
"Just do things for him. Ayaw niya ng masyadong magastos na girlfriend, so kung may gusto kang ibigay sa kanya, dapat gawa mo so he could see your efforts," sabi niya at ako naman ay nag ttake down ng notes.
"He appreciate small things."
"He doesn't have favorite food, lahat kinakain non"
"Has no allergy."
"He is not that material type of person."
"He likes cuddle"
"He is not that showy when it comes to the person he likes"
"His love language is quality time, touch and words of affirmation."
"Ayaw niya ng maaarte, gusto niya simple lang."
"He never had a serious girlfriend. Only flings."
"And lastly, when you decided to approach him, just be yourself. Ayaw niya sa mapagpanggap na babae."
Patuloy lang ako sa pagsusulat habang si Kiel ay patuloy lang sa pagsasalita.
"Okay, that's enough," awat ko at agad naman siyang tumigil, "thanks for your help."
Matagal akong tinitigan ni Kiel, "You sure you wanna pursuade him?"
Kumunot ang noo ko sa tanong niya, "Why wouldn't? I mean, ang tagal ko siyang inintay to do some moves, during college days, pero wala naman nangyari. So now, I will take the risk. I will make him mine, by hook or by crook."
Kiel just stared at me and I don't know why but I felt uncomfortable so I chose to break the eye contact. Parang may kakaiba sa paraan ng pagtitig ni Kiel sa akin. Parang hinihigop akonng mga mata niyang nakatitig sa akin. Pakiramdam ko binabasa niya ang buong pagkatao ko sa pagtitig lamang niya sa akin.
"Just promise me one thing, Hilary."
Napalingon ako sa kanya dahil sa kung gaano kaseryoso yung boses niya ngayon. Ibang iba sa paraan ng boses niya noong nakaraan na nag uusap kami.Ngayon, hindi mababakas sa kanya ang pagkging maloko.
"A-ano yon?"
"Please don't let yourself get hurt by him," ramdam ko ang seryoso at senseridad sa kanyang boses.
Kahti nag tatakha ay tumango ako, "Promise."
"Non posso sopportare di vederti soffrire a causa sua."
Nag salubong ang dalawang kilay ko at kumunot pa lalo ang aking noo, Ano ang ibig niyang sabihin? Ano ang ibig sabihin ng mga salitang kanyang binigkas. Kung hindi ako nag kamamali ay Italian ang lengwaheng iyon.