Chapter 34

1052 Words
Buong hapon kong inisip kung ano ang ibig sabihin ang mga salitang binitawan ni Kiel sa akin kanina sa canteen. Para nga akong nasa cloud 9 habang nag lalakad papunta sa sakayan dahil paulit-ulit na umiikot sa utak ko ang mga katagang iyon na hindi ko naman maintinidhan. 8pm na ako halos nakapabas ng UP, at mabuti nakang tapos na ang rush hour kaya nakauwi rin ako ng maaga. I was gripping my bag tightly while walking down the dark streets going to our subdivision gate. Sa kaliwang kamay ko ay hawak ko ang binili kong softdrinks na nasa supot. I was also kicking a small stone while walking. Payapa kong pinagmamasdan ang madilim na paligid, being aware of my surroundings. "Good evening po," nakangiti kong bati kay manong guard nang makarating na ako sa guard house ng subdivision namin. Kasalukuyan siyang kumakain ng dinner niya, kaya napatayo siya at sumaludo sa akin, "Mam, good evening po. Nandyan na po si sir," sabi ng guard sa akin na tinanguan ko bilang sagot. Hindi naman gaano kalaki ang subdivision namin, sakto lang para sa iilang bahay. Bukod kasi sa bago pa ito, ay talagang ginawa ito para sa mga nagtatrabaho sa judiciary or sa mga nasa law field. Sino nagpagawa? Syempre si daddy, sa tulong naman nila lolo at lola. Kaya sobrang higpit ng security dito. Hindi basta-basta pinapapasok ang mga outsiders, at tumatawag muna sa may ari ng bahay para kumpirmahin na bisita nga talaga nila ang darating. Ang mga bahay din dito ay may kani-kanilang guard na nag papatrol sa umaga at sa gabi. Kaliwa't kanan ang CCTV na makikita dito. Kulang na nga lang ay isipin kong nasa campo kami eh. "Hi daddy!" I kissed the left cheek of dad once I entered the house. "Good thing you're back," naramdaman kong hinalikan ako ni dad sa itaas ng ulo ko, "manang already cooked dinner for us," anunsyo ni dad saka ako iginaya papasok ng tuluyan sa bahay. He is still wearing his white long sleeves button down polo na nakatupi hanggang siko niya, kaya alam ko na kararating lang din niya. Nakalapag lang din sa receiving area ang suit niya pati ang briefcase niya, kasama ang itim na sapatos niya. Binaba ko ang bag ko sa sofa at bahagya pang nag unat ng katawan. "Hi manang," bati ko kay manang na ngayon ay abala sa pag lalagay ng mga plato sa mesa. Nilingon naman ako ni manang, "Oh, anak, buti at nakauwi ka naman ng ligtas," iginaya niya ang dalawang upuan, "upo na po kayo sir, nak." Habang kumakain kami ni dad ay tahimik lang kaming dalawa. Rinig na rinig ko ang tunog ng mga kubyertos dahil sa sobrang katahimikan. It became our routine not to talk anything while eating as a sign of respect, and we will just start asking how our day went after dinner. I planned to tell him after dinner about me, buying a car for myself. "Dad," panimula ko nang matapos kaming kumain. He wiped his mouth with the table napkin before looking at me, "Yes?" "I will, uhhhh. buy a car," nakangat ko ang pang ibabang labi ko habang tinitignan siya. "When?" Agad na tanong ni dad sa akin. He really wants me to have my own car, pero hindi lang niya ako kinukulit na bumili. I think he is just waiting for me to initiate to do things on my own. Iyon ang gusto ko kay dad. Hindi niya hilig makielam sa mga desisyon ko sa buhay, unless kailangan talaga. He wants me to learn base from my own experience. He let me explore things. Hindi siya controlling na type ng tatay, which I really like. Hinahayaan niya ako magkamali sa buhay, at palagi niyang sinasabi sa akin na, ang pagkakamali ay bahagi ng buhay. "Maybe this coming weekend?" I suggested and gave him a small smile. Saglit siyang tumingin sa itaas, feeling ko inaalala niya kung may nakaschedule ba siyang gagawin this coming weekend, "I will try to accompany you." Agad naman akong umiling, "I know you're a busy person, dad. I can manage myself," tumango ako ng may ngiti sa aking labi. "You sure?" Tinitigan ako ni dad ng matagal. Tumango ako, this time with conviction, "Yes." After that sligt talk, nag patuloy kami ni dad sa pagkamusta sa isa't isa, hanggang sa maubusan kami ng maikukwento. Umkayat na kami sa aming mga kwarto para gumawa naman ng sariling gagawin. I just took a quick shower before changing my clothes into a sleepwear. Nilabas ko ang mga dambuhalang librong babasahin ko at nilapag iyon sa aking study table para makapag simula na mag basa. First day palang pero may syllabus na agad na binigay. Meron kaming kailangan basahin na limang case per subject, na gagawan namin ng digest at yung iba ay preparation para sa recit. Iniisip at tinititigan ko palang, ang mga gagawin ko gusto ko nalang agad matulog. "Hindi, Hilary, kaya mo ito," sabi ko at bahagya pa akong sumuntok sa ere, "pinili mo ito, kaya dapat, panindigan mo. Hindi ikaw yung tipong tao na hindi marunong manindigan, Hilary," syempre binobola ko lang sarili ko para sipagin ako na mag basa ng halos nakamamatay na bilang na case. Sinimulan ko mag basa Crim I ng eksaktong 9pm. I took a 5 mins break every after 30 mins of reading, o yung po odora techinique na sinasabi ng iba. For me, working naman itong techinique sa akin. Sana lang mag function utak ko ng maayos habang nag babasa. I was busy reading cases and doing my handwritten digests na hindi ko namamalayan na halos mag 12 midnight na.  "Hayyyy...." bumuntong hininga ako at nag stretching habang tinitignan ko ang mga natapos kong handwritten digests. So far, so good naman.  Mabuti nalang talaga at namana ko ang talino ni dad pag dating sa critical thinking at analysis, saka sa bilis ng pagbabasa with comprehension. Tapos yung skills ni mommy na pag engineer na ang ganda ng sulat kahit nag mamadali na. Perks of having a lawyer and engineer parents. Nagpatuloy ako sa pag gawa ng tasks ko hanggang sa inumaga na ako. I took a nap around 6am, to get ready para umalis ng ala-una ng hapon. Well...pinasok ko itong larangan na ito, kailangan marunong ako mag sacripisyo ng mga bagay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD