Pagkamulat ng mga mata ko, agad akong napaupo sa kama ko habang sapo ang ulo ko. Hinihilot ko pa ang aking sentido, nagbabakasakali na baka mawala ang sakit ng ulo ko. Dahan-dahan akong naupo sa kama ko, habang hinihilot pa rin ang sentido ko.
"Ayan sige, inom pa. Oh heto gamot, ng humupa iyang sakit ng ulo mo."
Napatingin ako kay Chelsy nang marinig kong magsalit siya. Nakaupo siya dito sa aming mini dining area habang kumakain ng kanyang almusal. Napakamot ako sa buhok ko at tumayo para maupo sa katapat nyang upuan.
"Kelan ka pa nakauwi?" Mahina ang pagkakasabi ko non, pero sakto na para marinig niya.
Natawa naman siya kaya muntik na syang mabilaukan sa kinakain niya. Ayan, sige, tawa pa, "Pft! Lasing ka na nga kagabi. Ni hindi mo na maalala na nandito ako pagkauwi sayo ni Gail."
Nangunot naman ang noo ko at pilit inalala ang nangyari kagabi, kaso punyeta wala akong maalala. Ni katiting eh wala akong maalala.
Wait........AY SHUTANGINA!
Agad kong pinaghahampas sa braso si Chelsy, kaya agad niya iyon nilayo sa akin habang nakakunot akong tinitignan, "Anong problema mo?!" Singhal niya sa akin.
Nangingiti akong tumingin sa kanya, "Nagkausap kami ni crush kagabi!"
Tumango siya, "Ahhh," maya maya ay natigilan siya saka ako dahan-dahan na tinignan, "ANO?!"
Humalakhak ako habang pumapalakpak pa. Halos mapaluhod na nga ako sa sahig ng dorm namin habang tumatawa. Napaka slow!
"Nagkausap kami ni Icerael kahapon," tumatawa ko pa ring sabi.
"Sana all."
Tumigil ako sa pagtawa, saka umayos ng upo, "Oh kumain ka na para naman makainom ko na ng gamot pang hang over mo," malumanay na sabi ni Chelsy sa akin habang itinutulak sa akin ang platong may dalawang pirasong hatdog, sunny-side up egg at fried rice.
Tumayo si Chelsy habang umiinom ng tubig sa baso niya at gumagamit ng kanyang phone. Hindi ko naman na sya inimik pa dahil sinimulan ko ng kumain ng almusal ko.
"Mauna na ako, terror kasi yung prof ko ngayon sa unang subject ko. Mapapaputragis nalang ako pag nalate," sabi niya sa akin habang sinusuot niya ang kanyang Chanel na rubber shoes na kulay puti.
Punyeta. Chanel?! Sa UP?!
Pinagmasdan ko ang suot nya ngayon. Naka high waisted shorts sya na denim as her bottom and a loose denim polo shirt as her top. May belt naman siya na kulay itim na Chanel. Binagayan niya ito ng relo nya na kulay rose gold. Yung buhok nya ay nakatali into a half ponytail. Wala naman kasing dress code dito sa UP eh. You can wear whatever we want daw inside the campus.
Nakakapunyeta awrahan nya ah. Papasok lang naman siya.
Nang matapos nyang isintas ang sapatos niya, tumayo siya sa pagkakaluhod sa sahig at tinignan ako, "Mag ingat ka. Pag hindi mo kayang pumasok, huwag mo pilitin. Pag pumasok ka naman, huwag kang pahalata na uminom ka."
Uminom ako sa baso ng tubig sa tabi ko para malunok ko ang gamot at nang aasar na tumingin sa kanya, "Yes mommy."
Inirapan niya ako, "Ciao!"
Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan namin pareha. Naligo na rin ako pagkatapos ko mag hugas. Bahagya kong pinatuyo ang buhok ko para maitali ko siya into a high ponytail. Simple lang naman suot ko dahil wala naman akong pera pambili ng mga mamahaling damit. Naka itim na skirt lamang ako pambaba at crop top na pink ang suot ko. Galing ukay-ukay pa yan ah.
Inayos ko lamang ng bahagya ang mga gamit ko na nakakalat pa rin sa kama ko. Halos isuksok ko lahat ng notebook ko sa bag ko para makaalis na ako agad sa dorm. Nang masigurado kong maayos na, pinatay ko na ang ilaw dito sa dorm at naglakad na palabas.
"Oh, hindi mo kasama si Chelsy?"
Napatingin naman ako kay Alysia nung akbayan nya ako habang nag lalakad ako palabas ng dorm.
"Nauna na yun eh. Nagmamadali akala naman nya hindi kami same na engineering," tamad kong sagot sa kanya.
Napatikip naman siya sa bibig nya kaya taka ko syang tinignan, "Oh, anyare sayo? Para kang nakakita ng multo."
Hinampas niya ako sa braso kaya sinabunutan ko siya pabalik, "Aray! Ang sakit mo manabunot!"
Binitawan ko naman na buhok niya, "Huwag mo kasi akong hahampasin."
Nginusuan nya ako, "Eh kasi, nandoon si Icerael sa dulo nitong street na nilalakaran natin oh."
Napakunot noo ko sa kanya at tinignan si Icerael na nakasandal sa poste sa kanto nitong street. Binalik ko ang tingin ko kay Alysia na ngayon ay nagtatago na sa likuran ko.
"Ano ba kasi yun?" Irita kong sabi sa kanya at nilingon siya.
"Nahalikan ko kasi siya kagabi............accidentally," nakanguso nyang sabi habang nakatungo sya.
"Ah, yun lang naman pala. Na ha---"
Tinignan ko si Alysia habang ang isang kilay ko ay nakataas, "HINALIKAN?!"
Agad ko syang pinaghahampas sa braso kaya todo ilag siya, "Okay, okay, I'm sorry alright? Lasing ako kagabi at hindi ko naman alam na nahalikan ko siya. Swear to God, hindi ko hahalikan ang crush mo ng ganon-ganon lang."
Mas lalo ko syang hinampas sa braso, "Bakit ka nanlalaglag?! Kung may makarinig sayo dyan eh."
Huminga ng malalim si Alysia, "Oo na hindi na. Sorry, lasing ako at hindi ko alam ginagawa ko, okay?"
Nang mapadaan kami sa kinaroroonan ni Icerael, bahagya kaming dalawa ni Alysia na nanahimik na parang walang nangyari.
"Dito na building ng Archi, babush na," paalam ni Alysia at walang pasabing tumawid para makapunta sa building ng Archi.
Napailing nalang ako. Hindi naman na ako nag salita kahit pa alam kong nasa tabi ko na ngyaon si Icerael. Hello, baka mahuli pa ako sa klase kung maglalalandi pa ako dito.
"Hatid kita sa Melchor Hall?"
Naagaw agad niya ang atensyon ko at agad naman ng umiling.
"No, no, it's fine. Ano...uhm... walking distance naman eh. Tsaka, diba may klase ka?" Awkward kong sabi sa kanya.
Nilagay niya ang dalawang kamay nya sa bulsa ng kanyang shorts saka tumingala at bumuntong hininga. He's wearing a khaki shorts, long sleeves button down shirt na color light blue. Bahagya pang nakafold ito sa may bandang siko niya at nakabukas ang tatlong butones sa taas, dahilan kung bakit nakikita ang white shirt niya sa loob.
Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Baka mamaya mapansin nyang pinagmamasdan ko sya, baka mag feeling gwapo at lumaki ulo.
Well gwapo siya, pero basta yun!
"What? Lets go?" Aya niya sa akin at maglalakad na sana nang pigilan ko siya.
Nakakunot ang noo niya nang lumingon siya sa akin, "Yes?"
Tumingin ako sa kaliwa at kanan at lumunok ng mga ilang beses, "Uh, wala ka bang klase?"
Bumuntong hininga siya, "Lets go. I don't have any class kaya hahatid na kita."
Hindi naman na ako nag salita pa. Wala naman pala syang klase, so bakit pa sya lumabas ng tinitirhan nya? Ano, trip nyang mag lilibot dito sa campus habang wala syang klase?
"Uh, bakit political science ang course mo? Ano ba balak mo sa future?" Tanong ko sa kanya habang nag lalakad kami.
Para naman hindi tahimik at may maitopic diba.
"I want to become a lawyer in the future," sagot naman niya sa akin habang hindi inaalis ang tingin sa harapan.
"Bakit PolSci? Pwede naman mag Legal Management hindi ba?" Tanong ko sa kanya.
Sa pagkakaalam ko kasi yun ang mostly kinukuha ng mga tao pag gusto mag abogado.
"University mo ba talaga ito? Did you know that UP doesn't have Legal Management as a course?" Sarkatiko nyang sabi sa akin.
"A-ah, ganon ba? Wala pala non dito? Baka sa Ateneo ata yun, doon meron sigurado ako," sabi ko para naman masalba ko sarili ko sa pagkapahiya.
Tangina, apat na taon ako dito nag aaral bilang kolehiyo, hindi ko alam na wala palang Legal Management na ino-offer ang UP.
Nang makarating kami sa Melchor Hall, hinatid niya pa ako sa pinakaloob ng hall kahit na sinasabi kong hanggang stairs nalang siya.
"Goodluck. Have fun sa klase niyo," paalam niya sa akin bago sya umalis at bumaba sa stairs ng Melchor Hall.
Lutang akong naglalakad papunta sa first class ko, which is math. Pagkapasok ko ng classroom ay maiingay ang mga tao. Nakita ko pa nga si Chelsy kaya nagulat ako. Masyado syang busy sa phone nya at hindi nya ako napansin na naupo sa tabi nya.
"Madali-madali ka pa kanina. May pasabi ka pang 'terror prof ko sa unang klase ko' eh pareha naman tayong engineering ang kurso at same schedule. Sino niloloko mo?" Sabi ko sa kanya nang maupo ako.
"Ay putangina ka, gago ka!"
Napatakip naman ako sa bibig ko nung narinig ko syang nag mura dahil sa gulat. Nang maka recover naman siya, ay agad nya akog sinamaan ng tingin.
"Oh ano? Ikaw ba ay may itinatago sa akin?" Tanong ko sa kanya at nilagay ang braso ko sa mesa at pinatitigan siya.
"Wala! Ano naman itatago ko sayo?" Tanong naman niya sa akin pabalik.
Ngumisi ako sa kanya bago ako bumuntong hininga bago ko kinuha mga notebook ko sa bag, "Ewan ko sayo, bakit defensive ka?"
"Tangina Hope, wala nga akong itatago sayo. Wala naman akong boyfriend eh," pangungumbinsi niya sa akin.
Mula sa pagbabasa ng notes ko ay napatingin ako sa kanya, "Wala akong sinasabi na may boyfriend ka. Binubuking mo lang sarili mo."
Ngumuso siya at inilingkis ang kamay sa braso ko na kinagulat ko, "Eh, huwag mong sabihin muna kayla Azure, lalo na kay Alysia dahil alam mo naman yun may paga judgemental."
Tumawa naman ako sa kanya at itinaggal ang kamay niya sa braso ko, "Fine, fine. Patingin nga, sino ba iyan?"
Sa halip na sumagot ay inilabas nya ang kayang iPhone at iniharap sa akin ang screen para makita ko kung sino. Kumunot naman ang noo ko dahil bahagya akong nasilaw.
"Taurus Del Señor? Sino yun?" Tanong ko pagkabasa ko ng pangalan na pinakita niya.
Lumapit siya sa akin, "Isa sa kaibigan ni Icerael. Taga Political Scinece din siya."
Nginiwian ko naman siya, "Heh, kilig ka naman? Kaya ba ang aga mo umalis kanina?"
Agad syang tumango sa akin at sumandal sa upuan niya, "Well, inabangan nya kasi ako sa labas ng dormitory tapos sabay kaming pumunta dito. Wala daw kasi pasok ngayon ang PolSci. Sanaol."
Tumango naman ako kahit na alam ko naman na yun. Malamang, hinatid ako ni Icerael kanina eh. Binalik ko naman sa kanya ang tingin ko nung may maalala ako.
"Eh akala ko ba iintayin mo matapos yung doktor mo sa UST?" Tanong ko sa kanya at pinaningkitan siya ng mata.
Agad syang napatingin sa akin ng gulat, "f**k, antagal na non eh. 2 years ago na yun, nandoon ka pa rin?"
Before kasi sya mag UP, nasa UST muna sya simula first year at doon nya nga nakilala ang first ever ex nya na balak mag doktor balang araw. Hindi ko nga alam kung bakit sya umalis doon at lumipat sa UP gayong fourth year na. Dalawang taon na nga lang, umalis pa sya.
I just shrugged, "May pasabi sabi ka pang iintayin mo siya maging doktor, ikaw pala itong magkakajowa pagkaumalis ka na."
Pinaningkitan niya ako ng mata, "Eh sya nga nauna eh. After 1 year, nalaman ko nalang na may dinedate sya doon na med student din."
Natawa naman ako sa kanya kasi parang ang bitter ng tono nya, "So, ganon na lang? Sa pagkakaalam ko kasi sa kwento mo, nangako kang---"
Agad naman nyang tinakpan nag bibig ko ng kamay niya, "Heh, heh, heh, manahimik ka na lang. Andaldal eh."
Natawa naman ako at tinanggal ang pagkakahawak niya sa bibig ko, "Hindi na nga. Pwe, ang alat ng kamay mo!"
Inirapan naman niya ako, "Ayan kasi, ang daldal. Hanapan nalang kita jowa mo."
Agad akong nag ekis ng kamay, "Ayoko ng boyfriend. Sagabal sa pag aaral ko yun."
Umirap na naman siya sa kalawakan, "Magiging sagabal kung hindi mo kaya imanage."
I made sa face sa kanya, "Whatever you say, gagrduate akong single. Ayoko magka jowa, kasi pag nagkajowa magkakaroon ako ng asawa. At pag nangyari yun, kailangan namin ng anak. At....ayoko non."
Binatukan naman niya ako, "Ano, alam mo na agad ang future? Sabi ko jowa, bakit ka napunta sa anak? Ang advance masyado."
Nag make face na naman ako sa kanya, "Edi shing. Edi wow."
"Guys, wala tayong math ngayon. Absent si prof," anunsyo sa amin nung president namin kaya agad kaming nag diwang.
"Tara na sa next class," aya niya sa akin at nauna ng maglakad palabas.
Noong break time, hindi na namin binalak na lumayo pa ng building para kumain. Nag stay nalang kami dito sa may tapat ng building at swerte na may nag titinda dito ng street foods.
"Kuya, limang kwek-kwek nga po," sabi ko kay kuya na nag piprito ng street foods.
"Ako kuya, sampung fishball," narinig kong sabi ni Chelsy.
Hindi naman nag tagal at inabot na sa amin ang order namin na street foods. Nakalagay pa ito sa plastic cub at may nakatusok na agad na stick pang kuha. Nilagyan ko ng suka yung akin habang si Chelsy ay nilagyan nya ang fishball nya ng matamis.
"Salamat po kuya!" Paalam namin ni Chelsy sa vendor bago kami bumalik sa building.
Nag stay kami muna dito sa may stairs habang inuubos ang pagkain namin. Ganito kaming dalawa ni Chelsy tuwing break time, kaming dalawa lang magkasama dahil kami lang ang magkaparehong course. Tuwing lunch time naman, nagkikita kita kami sa Rodics para kumain. Doon lang kaming lima nagkakasama sama, tuwing lunch time.
"Taralets, akyat na tayo," aya sa akin ni Chelsy nang mapansin nyang patapos na ako kumain.
Pinunasan ko ang bibig ko ng panyo ko para masigurado kong malinis ako tignan at wala akong dumi.
"Tara," sabi ko sa kanya at nag lakad kami paakyat.
Itinapon namin ang plastic cup namin sa basurahan na nadaanan namin. Dumaan din kami muna sa banyo para makapag hugas ng kamay namin pareho.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ms. J