"Hope! Arat na sa mansion ni manay Alysia!" I heard Gail said pagkapasok ng dorm namin.
"What?!" Literal na napabalikwas ako sa pagkakahiga ko, "Eh kakapunta lang natin doon ah?" Taka kong sabi habang itinatali na ang buhok ko into a high ponytail.
Alysia sat down sa kama ko na nasa baba. Double deck kasi at ako ang nakahiga sa baba. Mag ka-dorm kasi kami ni Chelsy, habang sila ni Gail at Azure ang mag ka-dorm. Ni hindi ko nga alam, kung paano napunta ngayon si Gail dito eh.
"Eh, may pa-party daw ang mga iyon," bumuntong hininga siya, "Paano ba naman kasi, first time makakuha ng dos sa Biology. Alam mo naman, puro tres siya," tumawa siya ng bahagya at dumi-quatro, "Kaya nagwa-walwal sa mansion at naga-a-aya ng kasama," dugtong pa ni Gail habang pinagmamasdan niya ang kanyang bagong manicure na kuko.
Tamad akong tumayo sa harapan niya, saka namewang, "Oh sige na. Sasama ba si Chelsy?"
Nag angat siya ng tingin sa akin, at tinaasan ng kilay, "Ka-dorm mo si Chelsy, sa akin mo itinatanong iyan?" Sabi niya habang nakaturo sa saraili.
Bumuntong hininga ako at umirap sa kawalan, "May nakikita kang Chelsy Makinano dito ngayon? Wala diba," naupo ako sa tabi niya, "Saka, hindi naman kasi umuwi iyon at hindi nag pasabi."
Napasapo siya sa bibig niya at agad na napatayo, "Oh my God! Baka kung ano na nangyari sa kanya!" Pabalik-balik siyang naglakad sa harap ko, "Baka na kidnap tapos r****t pala tapos chinop-chop katawan niya!"
Agad ko siyang binatukan, kaya napahawak siya agad sa ulo niya, "Gago!" Sigaw ko, "Paranoid mo naman, amputek! Nandyan lang iyan sa tabi-tabi."
As if on cue ay tumunog phone ko kaya agad ko iyon tinignan. Agad naman na tumabi si Gail sa akin, kaya tinaasan ko siya ng kilay. Mukhang mas gusto niya pang siya ang mauna makakita ng mensahe noh. Nakakahiya naman kasi sa may-ari ng cellphone.
"What?" Inosenteng tanong niya.
Inirapan ko nalang siya at binuksan ang messages ko. Text iyon galing kay Chelsy.
From: Chelsy
Hey gurl! What's poppin'? Umuwi ako sa bahay namin kagabi sa Batangas, and hindi ako nakapagpaalam sa iyo. By the way, highway, hindi ako makakapunta sa pa-party 'kineme' ni Alysia ngayon; obviously wala ako sa Manila right now. Pakibatukan nalang si Alysia sa akin para mawalan ulit siya ng braincells. Ciao!
Napasapo naman ako sa noo ko, "Lets just go. Hindi naman pupunta si Chelsy."
I looked at myself muna sa mirror na nandito malapit sa pintuan. Mabuti nga at nakaligo na ako kanina bago pa dumating si Gail dito. Nakasuot lamang ako ng denim jeans, white shirt at itinali ko sa waist ko ang isang plaid polo na na red at binagayan ko ito ng white sneakers. After that, we both went outside the dorm. Since wala namab akong sasakyan at may sasakyan si Gail, hindi hassle ngayon sa pag commute. Joy-ride it is.
"Ano ba yang suot mo, ang jologs mo tignan!" Puna sa akin ni Gail pagkaupo ko sa shotgun seat.
I glanced at her at tinaasan ko siya ng isang kilay, "What? Ikaw nag susuot? Ha? Ha?" Sunod-sunod kong tanong, "Mabuti nga may suot, kaysa naman wala diba," umirap ako sa hangin saka nag suot ng seatbelt.
Hindi nalang siya umimik after that. Gail is wearing a ripped jeans as her bottom and a sleeveless maroon as her top. May suot din siyang Adidas jacket na itim, while her hair is on a high ponytail din, kaya kitang kita ang kumikinang niyang round earing na may kalakihan. Shining, shimmering, splendid pa!
Halos ilang minuto bago kami nakarating sa mansion nila Alysia. Hindi naman kasi ganon kalayo mula UP Diliman papuntang LGV, kung saan nakatira si Alysia. Pagdating namin sa tapat ng mansion nila ay marami ng mga sasakyan sa labas. Gail just parked her car, before we both went inside.
"Oh! Abigail Shin and Hope De Sanjose! Buti nakarating kayo!" Bati ni Alysia habang gumegewang pa. Kinailangan ko pa nga siyang hawakan sa braso para hindi siya dumausdos pababa.
Nagkatinginan nalang kami ni Gail at sabay na napailing. Gandang bungad ng kaibigan namin ah! Tsk, mukhang lasing na ah. Alam namang hindi high ang tolerance nito sa alcohol, kung maka-inom eh akala mo wala ng bukas! Tapos ang ending, ayun palaging tumatawag ng uwak.
"Mga hija! Mabuti at nakarating kayo," bineso kami ni tita sa pisngi.
Ngumuwi ako at napakamot sa batok, "Hehe, ano po, malakas po sa main iyang si Alysia eh," tinuro ko ang salas kun nasaan sila nagkakasiyahan.
"Halika na muna kayo rito at kumain kayo," anyaya ni tita sa amin at iginaya kami ni Gail patungo sa kusina.
Crowded kasi ang living room dahil doon nag iinuman ang halos lahat ng bisita. Saka ang sakit sa tainga ng tugtugan nila! Makabasag ear drum siya mga sisis! Hindi ako sanay. Plus, the fact na andami kong nakikita na nag haharutan kaliwa't kanan......nakakakilabot.
"Maupo muna kayo. Gutom ba kayo?" Tanong sa amin ni tita at iminwestra ang kamay sa upuan na nasa harapan namin ngayon ni Gail.
Naupo naman na kami agad ni Gail at nginitian si tita, "Kakakain lang po namin tita, no worries," sagot ni Gail.
"Ah ganon ba?" tumango si tita at tinignan ang paligid, "Basta if you need something, just approach any of the maids here. Titignan ko lang ang anak ko at baka kung napaano na iyon," sabi sa amin tita bago nya kami iwan dalawa ni Gail sa kitchen.
Since nasa harapan namin ang mga pagkain, kumuha nalang kami ng ilan lamang. Promise, iilan lamang. Gaya ng barbeque, cupcake, yung leche flan at ang ipinagmamalaki nating lahat.........ang shanghai! Nag stay kami dito sa island counter ng kitchen nila; walang space doon sa may dining table. Iyon nga lang ay nakatayo kami pareha.
"Grabe talaga ang yaman nila Alysia noh," rinig kong bulong ni Gail, "Nakakalula naman," tinitignan niya ang buong paligid, kaya nakaigaya rin ako.
I agree. Sa aming magkakaibigan, sila ni Alysia at Chelsy ang masasabi naming pinanganak ng may ginto sa bibig. Habang sila Gail at Azure ay nasa middle class. Habang ako naman, I must say na ako yung pinakamababa sa kanila.
"Oh s**t! Sorry miss!"
Agad akong napalayo sa pwesto ko ng may matapon na cocktail sa damit ko. Pucha naman! Nakaputi ako eh! Sa daming mga oras mga tol, ngayon pa talaga?!
Ngayon pa talaga ako minalas?
Inis kong tinignan yung lalaking nakatapon ng cocktail sa damit ko, "Gago ka ba?!" Binaba ko ang kinakain ko sa mesa at sinunggaban siya, "Hindi mo tinitignan ang dinaraanan mo?! Can't you see na payapa akong kumakain dito?!" Wala na akong pakielam kung may nakakakita man sa akin ngayon.
I saw how his lips pursed, "S-orry miss, hindi ko talaga sinasadya," nakayuko pa niyang dagdag.
Naramdaman kong hinawakan ako sa braso ni Gail, "Hey kumalma ka na, bitawan mo na siya. Huwag mo ng pansinin," mahinanon na sabi niya.
Binigyan ako ng lalaki ng tipid na ngiwi, bago nakayukong umalis sa harapan ko at sumama sa barkada niya. Umirap nalang ako sa hangin at nakasibangot na tinignan ang pagkain ko. Now what?! Nawalan tuloy ako ng gana na kumain. Mabuti nga at umalis na siya, at baka maitapon ko sa kanyanitong pagkain na dala ko.
Para quits.
"Hope! Gail!"
Napatingin kaming dalawa ni Gail sa may entrance ng kitchen at nakita namin si Azure na tumatakbo papunta sa amin. Niyakap niya ng mahigpit si Gail, and she was about to hug me pero napatigil nang makita niyang basa damit ko.
"What happened there?" She pointed out my wet shirt.
Bumuntong hininga ako, "Ayun, natapunan ng cocktail," simple kong sagot sa kanya.
Huminga siya ng malalim na para bang nabunutan siya ng tinik sa lalamunan, "Don't worry. Mabuti na lang may extra akong damit dito sa akin," may kinuha siya na kung ano sa bag niya, "Lets go to the washroom na para makapag palit ka na" sabi ni Azure sa akin at agad na hinatak ako paalis ng kitchen.
We left Gail there para mamaya may babalikan kaming puwesto doon sa kitchen. Dumeretso kami ni Azure dito sa washroom nila Alysia dito sa first floor. Good thing walang tao na gumagamit ngayon dito.
"Here, try this. Hindi ko lang sure kung bagay yan sa suot mo ngayon," sabi ni Azure while she was handling me her green tube.
Napangiwi ako, "W-wala ka bang ibang dala?" Hawak ko sa damit.
Bumuntong hininga si Azure saka umiling, "Wala na eh. Sorry."
Matunog akong bumuntong hininga saka pumasok sa cubicle. Hindi bale, mabuti nalang may polo naman ako at pwede ko iyon suotin para matakpan ang balikat ko. I'm not used to wearing such revealing clothes unlike my friends, na halos kinulang sa tela ang damit.
I locked the cubicle bago ko tinanggal ang white shirt ko. Mabuti nalang na yung bra na suot ko ay strapless kaya hindi makikita pag suotin ko ang tube. Pagkasuot ko ng green na tube, agad akong nakaramdam ng pagkailang dahil nga hindi ako sanay mag suot ng ganito. Itinanggal ko sa pagkakatali sa bewang ko ang polong checkered saka ko isinuot bago ako lumabas ng cubicle.
Agad na tumaas kilay ni Azure sa akin ng pasadahan niya ako ng tingin, mula ulo hanggang paa, "Really? Mag popolo ka while wearing that?" Turo niya sa damit niya na hiniram ko.
Ngumuso ako habang tinitignan ang suot ko, "Pangit ba? Hindi naman ah?" Napakmot ako sa buhok ko, "Alam mo naman na hindi ako comfortable na suotin ng tube lang, diba? You know me Azure."
Bumuntong hininga si Azure saka tumango, "Fine, fine. Lets go."
Nauna sa paglalakad sa akin si Azure kaya kita ko ang suot niya. She is wearing a denim skirt as her bottom, a white strapless as her top and a white boots as her shoes. Nakalugay naman ang buhok niya kaya medyo gumagalaw ito pa side to side habang naglalakad siya.
"Talagang ayaw tanggalin yung polo eh," siniko ako ni Gail sa tagiliran, :Conservative mo naman masyado! Paano ka makakauha ng boylet?" Tawang sabi sa akin ni Gail while she was looking at me.
Inirapan ko siya at tinaasan ng kilay, "I'm not into boys. Kailangan ko muna tapusin ang pag aaral ko bago ako lumandi landi dyan."
Nagtawanan naman silang dalawa ni Azure at nag high-five pa, pero agad din napatigil ng may lumapit sa kanila na lalaki.
"Hi miss, what's your name?" Rinig kong tanong ng lalaki sa dalawa.
Napailing nalang ako at umatras ng bahagya. Nakita ko kung paano ngumiti si Azure sa lalaki. Tinignan ko yung itsura ng lalaki, at.....pwe! Hindi naman gwapo! Pero kung makalingkis yung mga kaibigan ko, akala mo naman sing level ng mga ginagawa nilang fling noon eh.
Ano teh, bumaba standards niyo?
"Just call me babe if you want," nangaakit na sabi ni Azure while she was biting her lips.
"Call me love, baby boy," si Gail ang nag sabi nyan at nilagay ang braso sa leeg ng lalaki.
YUCK!
Napailing nalang ako sa kanilang dalawa, at tumalikod dahil baka masuka na ako. Paano ko ba ito naging kaibigan? Batukan niyo nga ako. Ipaalala niyo nga sa akin. Ang lalandi nilang tatlo eh. Parang kaming dalawa ni Chelsy ang matino at mabait and the three of them, my God no!
Umalis ako sa kitchen dahil sa nasusuka ako sa pinag gagagawa nung dalawa kong kaibigan. Nakita ko sa living room si Alysia na lasing na lasing na habang nakaupo sa kandungan ng isang lalaki. Napailing nalang ako at piniling lumabas ng bahay.
Paikot ikot lang ako ng lakad, para hindi ako kagatin ng lamok. Mag isa lang ako dito, dahil ang mga tao ay nasa loob, nagkakasiya. Tahimik lang ako dito habanag pinagmamasdan ang mga bituin sa langit.
"Alone?" Aaaaaaaaaloownnnnnnn!!!
Napalingon ako sa likod ko para tignan kung sino ang nag salita, at literal na nanlaki ang mata ko nung makita kung sino iyon.
"I-icerael? N-nandito ka pala?" Gulat kong tanong sa kanya at naglakad patungo sa kanya ng dahan-dahan.
He pursed his lips and nodded a lot of times, "Yeah," he shrugged, "Naimbetahan lang ako ng ka-barkada ko."
Nag aaral din si Icerael sa UP pero he's taking up Political Science, habang ako I'm taking up Engineering. We're both in our 4th year, at swerte nga niya dahil gagraduate na siya this year sa college, habang ako, may isang year pa ako na mag aaral. Pero, sa pagkakaalam ko, he's going to take up law, I think? So, after UP, papasok na siya sa law school?
Sumandal siya sa pader ng bahay habang nakapamulsa, saka ako tinignan, "By the way, what are you doing here?"
I bit my lower lip and stared at the night sky, "Kaibigan ko si Alysia," binalik ko ang tingin ko sa kanya, at naabutan ko siyang nakatitig sa akin.
May kung ano akong naramdaman sa tiyan ko habang nakatingin sa mga mata ni Icerael. Parang hinahalukay, na parang may nagliliparaan sa loob nito gayong imposible naman, kaya minabuti ko nalang na iiwas ang tingin ko sa kanya.
Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko siyang tumango, "Buti natitiisan mo siya. I know Alysia and not to be mean, but she is kinda---"
I cut him off, "Malandi? Yeah may paglamalandi nga siya," humalukipkip ako, "Actually hindi lang naman siya ang may pagkamakati when it comes to boys. Tatlo sila. Habang ako at yung isa naming kaibigan, total opposite."
I heard him chuckled, "Good thing you're not like them."
I sighed at sumandal din sa pader, opposite sa kanya kaya magkaharapan kami. Nilagay ko sa loob ng pocket ng polo ko ang mga kamay ko, habang pinapalobo ang pisngi ko.
"Well, I don't want to be like them," sagot ko at bahagyang binasa ang labi ko, "Conservative akong tao eh."
He nodded his head and looked up para tignan ang mga bituin sa kalangitan. Walang nag sasalita between the both of us kaya nanaig ang katahimikan sa aming dalawa, pero naputol nang tawagin siya bigla.
"Jeron! Pare! Halika dito ipapakilala kita sa---"
"You?" Turo ko sa lalaking tumawag kay Icerael, "Ikaw yung nakatapon sa akin kanina diba?" Dagdag ko.
Nahihiyang napakamot sa batok yung lalaki habang si Icerael ay hindi umiimik sa tabi. Bigla nalang akong napaatras at nanalaki ang mga mata ko, ng biglang lumuhod sa harapan ko ang lalaking tumawag kay Icerael.
"Sorry talaga miss, hindi ko sinasadya," sincere at seryosong sabi nung lalaki sa akin habang nakatingala sa akin na may nagmamakaawang mga mata.
Napabugha ako sa hangin saka hinawakan siya sa magkabilang braso para mahila siya oatayo, pero nagpabigat siya. I'm still in the state of shock right now, at alam kong pati si Icerael ay nagulat sa biglaang pag luhod ng kaibigan niya.
Sino ba naman kasi ang hindi?
"Yeah, " tumikhim ako, "pabayaan mo na tapos na eh," sabi ko naman sa kanya at agad na lumiwanag ang itsura nya. Hinila ko ulit siya, and this time, kusa na siyang tumayo.
"Really?! By the way I'm Khyro, and you are?" Nag lahad siya ng kamay.
Tinanggap ko ang kamay niya para makipagkamay sa akin, "Hope."
"Hope," rinig kong ulit niya sa pangalan ko, "You give other people, Hope?" Maloko niyang tanong.
Binawi ko ang kamay ko sa kanya, "Ewan ko. Tanong mo magulang ko."
Narinig ko ang mahinang pag tawa niya kaya nilingon ko siya, "Easy miss. Nag bibiro lamang ako."
Imbes na sumagot ay inirapan ko nalang siya, at narinig ko muli ang pag tawa niya.
"Lets go inside pare, pakilala kita sa mga girls," aya ni Khyro kay Icerael at tinapik ito sa balikat, habang si Icerael ay tumango lang sa kaibigan.
Nilingon ako ulit ni Khyro, "Nice meeting you Hope, and I'm really sorry about what happened earlier."
Tumango at nag thumbs up lang ako bilang sagot sa kanya. With that ay tuluyan na silang umalis magkaibigan. Since ako nalang naman na ang mag isa dito sa labas, at medyo nilalamok na ako dito, might as well pumasok ako sa loob kahit na naririndi ako sa kalandian nung tatlo. Baka kung ano na ang ginagawa ng mga kaibigan ko sa loob.
"Hope! Nawala ka, hinahanap ka namin," si Azure ang nag sabi non as soon as nakita niya ako.
Huminga ako ng malalim, "Narinidi ako sa kalandian nyong dalawa!"
Sa sinabi kong yun ay nagtawanan silang dalawa ni Gail, "Pinaalis namin, hindi naman gwapo eh."
"Really?" Sarkastiko kong sabi sa kanilang dalawa kahit na maski ako ay hindi nagwapuhan sa lalaki kanina.
Mukhang adik kaya!
Naramdaman kong hinawakan ako sa braso ni Gail, "Tara doon tayo kanila Alysia," aya niya, "maki-join tayo sa kanila."
Hindi na ako nakaimik pa dahil pinagtulungan na nila akong hatakin papunta sa kinaroroonan ni Alysia. Hanggang ngayon ay buhay pa siya at nakikipagchikahan pa pero halatang anytime mag pass out na. Mabuti nalang at nasa bahay nila siya ngayon, dahil may mag-aalaga sa kanya.
Lumiwanag mukha ni Alysia nang makita niya kaming tatlo na palapit, "Hoy kayong mga bruha! Lapit kayo!" Iginaya niya ang kamay niya na lumapit kami.
Napangiwi nalang ako. Nandito pala sila Icerael saka yung barkada niya at may mga ilan girls na hindi ko kilala. Mga taga ibang department ata? Tumayo si Alysia at pagewang-gewang na nag lakad papunta sa amin.
"Guys! Meet my friends nga pala. Ito si Azure Demecilio, taga Med ito," pakilala ni Alysia kay Azure na nasa tabi ko.
"Hi guys, nice to meet you all," nakangiting sabi ni Azure.
"May manliligaw na ito, so back-off!" Lasing na sabi ni Alysia at hindi namin maiwasan na pag tawanan siya.
Sunod naman ay hinawakan niya ako, "Ito naman si Hope De Sanjose. Taga Engineering naman itong si Hope. Single ito, pero taken by heart!" Pakilala ni Alysia sa akin at bahagyang inalog pa balikat ko.
Awkward akong ngumiti sa kanilang lahat, "Hehe, hello sa inyo."
"Habang ito naman, si Abigail Shin pero Gail tawag namin dito. Taga med din itong bobita na ito! Single and ready to mingle!" Natatawang pakilala ni Alysia kay Gail at naupo naman siya ulit sa sofa na nasa harapan lamang namin.
"Hi ladies, come join us," sabi ng lalaki pagkainom niya ng alak.
Kahit napipilitan ay wala akong nagawa kung hindi ang maupo, dahil hinatak ako paupo nila Azure. Agad naman kaming inabutan ng baso na may laman na alak. Inamoy ko ito ng pasimple at agad kong inilayo sa ilong ko dito.
Ang baho!
"May lime at asin dito kung kailangan niyo," sabi ng lalaki at inabutan kami ng lime at asin.
Inistraight na inom ni Azure at Gail yung kani-kanilang alak, kaya nag hiyawan ang mga tao na nandito ngayon. Agad naman silang kumuha ng lime at asin para budburan ang bibig nila. Para hindi masyado gumuhit sa lalamunan nila ang alak. Ngayon, sa akin sila nakatingin lahat. Napalunok ako. Nakakahiya naman kung hindi ko iniumin dahil lahat sila nakatingin sa kain ngayon. Inamoy ko muna ang alak na hawak ko bago ko ininom ng diretsuhan.
Tangina! Ang tapang! Kaya ka ipaglaban, hindi tulad ng ex mo!
Tumikhim ako, at agad na inabot ang lime at asin para maibsan ang tapang na gumuguhit sa lalamunan ko. Napaka-pait!
"Okay ka lang?" Bulong ni Azure sa akin.
Ngumuwi ako saka lumunok ng ilang beses, bago ako tumango, "Oo......ata?"
Hindi kasi ako sanay na umiinom ng alak. Halata naman, diba? Hindi katulad nila na suki sa mga club na. Pero umiinom naman ako, hindi nga lang ganon kasanay. Plus the fact na, mabilis lang ako malasing
Ilang shots pa na magkakasunod ang ginawa namin bago kami nag paalam na aalis na. Hindi pwede kasing uminom ng marami sila Azure at Gail, dahil mag mamaneho pa sila ng sasakyan. Mahirap na at baka mabangga. Mabuti na ang sigurado.
"Ingat kayo hija sa pagmamaneho ah," paalam ni tita sa amin nang hinatid niya kami palabas ng gate ng bahay nila.
Blurry na ang nakikita ko, at naka-akay sa akin si Gail dahil pagewang-gewang na ako mag lakad. Umiikot nga ang buong paligid ko eh. Nasusuka na rin ako, pero pilit kong nilalabanan iyon dahil ayokong mag kalat ditto.
Nakita kong tumango yung dalawa, "Sige po tita. Salamat po."
Naramdaman kong humigpit ang hawak sa akin ni Gail, "Ingatan mo yan Gail si Hope ah,” si tita ang nag sabi non.
Narinig ko pang sumagot ng ‘opo’ si Gail bago niya binuksan ang pintuan ng shotgun seat. Naramdaman ko pang nilagyan niya ako ng seat belt bago nya inistart ang makina. Nang tumama sa akin yung hangin na galing sa aircon ay agad akong naduwal, pero pinigilan ko ang kung ano man na dapat lalabas sa bibig ko non.
"Gail! Patayin mo aircon! Nahihilo ako!" Reklamo sa kanya at tumagilid ng upo para hindi makalanghap ng aircon.
Narinig ko namang bumuntong hininga si Gail saka niya pinatay ang aircon. Binuksan na lang ang bintaan para hindi kulob at may hangin na pumasok. Habang nagmamaneho siya ay naramdaman kong umiikot tiyan ko na parang susuka ako anytime. Lalo na noong dumaan kami sa Tumana at may kaunting zigzag yung daan pa-akyat.
"Okay ka lang?" Mahinang tanong ni Gail sa akin.
Hindi ako nag salita dahil ramdam ko na pag nag salita ako, susuka na ako. Hindi ko nga alam kung mahina ba talaga ang pagkakasabi niya non, o sadyang malapit na talaga ako mag black-out at pahina nan g pahina ang naririnig ko. Nang malagpasan namin yung maikling zigzag, ay yung mga humps naman ang kalaban ko.
Putangina! Nasusuka na ako!
"May supot ako diyan sa likod. Kukunin ko lang saglit," narinig kong sabi ni Gail sa akin at itinigil ang sasakyan para kunin ang supot na sinasabi niya.
As soon nakuha ko yung supot, nilagay ko agad sa bibig ko iyon at sumuka. Hindi naman na nag reklamo pa si Gail dahil sanay na siya sa akin. Nang makapasok kami sa gate ng UP Diliman agad naman na kaming nakarating sa dormitory dito.
"Teka, aakayin kita," rinig kong sabi ni Gail bago siya lumabas ng drivers seat at buksan ang pintuan sa tabi ko.
"Itatayo na kita ah," mahinang sabi niya at nilagay ang kaliwang braso ko sa likod ng leeg niya, saka niya ako inakay patayo.
Medyo madilim na dito sa dormitory at wala ng mga tao sa paligid. Nasa 3rd floor ang dormitory ko kaya kinailangan pa namin mag elevator. Mas nahihilo pa nga ako kaya ipinikit ko ng mariin ang mata ko. Mabuti nalang din bumukas na agad ang pintuan ng elevator.
"Nasaan susi ng dorm niyo, Hope?" Tanong sa akin ni Gail.
Pinilit kong umayos ng tayo at kinapkap ang bulsa ng jeans ko. Ako na mismo ang nag bukas ng pintuan ng dormitory.
"Oh my God! Anong nangyari dito kay Hope?!"
Iyan na ang huling mga salitang narinig ko, bago ako tuluyang nawalan ng malay.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ms. J