PROLOGUE
Nakaupo sa isang sulok ang lalaking mahal na mahal ko. Tanging kasama ang matapang na alak. Muli kong sinimsim ang margaritang hawak ko. Napangiti ako ng mapait ng makita ko kung paano niya tunggain ang bote ng alak.
'Kung ako nalang sana Yuri hindi ka masasaktan ng ganyan.' ani ko sakin isipan.
Inubos ko ang aking alak bago lumapit sa kinaroroonan niya. Alam kong lasing na siya. Inawat ko ang kamay niya ng akmang tutunggain na naman niya ang bote ng alak. Mapungay ang kanyang magkatinginan kami.
"Tama na yuri. Iuuwi na kita" malumanay na sabi ko saka ko nilayo ang mga alak sa kanya. Hindi siya nagsalita basta lang siya umupo at sumandal. Kaya umupo din ako sa katapat niya. Tanging nakatingin lang ako sa kanya. Habang siya nakatulala sa kisame ng Bar. Nanatili kaming ganito halos kalahating oras.
"Ganito pala yon," natatawa niyang bigkas at umayos ng upo. Hindi ako nagsalita. Nilabas nya ang pulang kahon, kumalabog ang aking dibdib dahil sa sakit. Alam ko na agad kung ano ang laman nun, kahit hindi na niya buksan at sabihan pa.
"This is the night na dapat yayain ko siya magpakasal. Sinadya kong tagalan ang pag uwi ko kahit pa sobrang miss ko na siya, sinadya kong tiisin hindi siya kausapin ng higit isang linggo para sa araw na ito, sa araw na isu-surprise ko siya" mapait siya nakangiti habang nakatingin sa kahon.
" tapos ako pala ang na surprise" nakayoko niyang ani.
Gusto ko magalit kay scar pero hindi ko magawang magalit sa kaibigan ko dahil ngayon palang ipinag pasasalamat ko ng ibang lalaki ang pinakasalan niya.
"Tama na yan Yuri ano ba!" muli kong awat sa kanya.
"Hayaan muna ako, gusto ko makalimut kahit ngayon lang" pagsumamo niya.
Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Hindi ko na kayang makita siyang nasasaktan ng ganito, masakit dahil mahal ko siya. Mahal ko siya higit pa sa inaakala niya.
"Tama na please,nakikiusap ako sayo tama na"halos pabulong na pakiusap ko sa kanya. Bumitaw ako sa kanya. Namumula na ang pisngi niy nguni't andoon pa din ang pangingilid ng luha niya. Sakit ang tanging nakikita ko sa kanyang mata.
I cupped his paired cheeks.
"Ako nalang Yuri please, ako nalang"pagmakaawa ko.
Hindi ko inaasahan ang gagawin niya. Ang matagal ko ng pinangarap.
Yuri kissed me.I only could do to respond on him.Mabilis ko kinapit ang kamay ko sa leeg niya ng mas lumalalim pa ang halik niya sakin. Hindi ako tinamaan sa alak na ininum ko pero sa kanya,ang lakas ng tama ko.
Maluha-luha akong tinanggap ang lahat ng nanyari samin ni Yuri. Sinusuklay ko ang hibla ng kanyang buhok habang mahimbing natutulog ito. Pangarap ko ito, ang siya makauna sakin pero hindi ko inakala na ang kapalit ng pag tupad ng pangarap ko ang milyong-milyong saksak sa puso.
"Bakit Yuri?" tanung ko kahit alam kong tulog siya.
"Bakit si Scar at hindi ako? Bakit hindi ako na mahal na mahal ka ng higit 11 taon na? My love for you was undying Yuri" maluha-luha kong bulong sa kanya.
Humigpit yakap ni Yuri sa bewang ko.
"I love you scar"
Parang gripo na ang aking mata. Ang sakit na ako ang kasama nguni't sya pa din. Pinagsawa at pinagod ko ang aking mata bago yumukod upang halikan ang noo niya.
"I love you Yuri" I whispered to him while sobbing.
TO BE CONTINUE.....