Seah
"Wooaaahh! We really can't believe that he has a girlfriend already! Sayang, ganda mo sana e!" The guy with a dark brown said. I think he's Light, from what I can remember. Mmm babaero. I just shrug at him letting him know that I'm not interested.
"Pero wait. You look familiar. I think I saw you somewhere. Wait" Tila ini-isip talaga nito kung saan niya ako nakita. Nakatingin lang ako sa kaniya habang sumusubo ng fries na galing kay Mags. Sunod-sunod akong napa-ubo nang bigla itong sumigaw. Putcha!
"Alam ko na! Ikaw yung matapang na babaeng umaway kay august kahapon dito sa caf!" Tila tuwang-tuwa ito samantalang ako ay nakasimangot. Seriously? Masiyado siyang OA. Tinignan naman ako ni Kuya ng may pagtatakha. Sabagay,hindi ko rin naman talaga nakita si kuya na kasama ng mga ulupong na ito kahapon. Sinenyasan ko nalang ito na bukas nalang ako magkukuwento. Tinaasan lang ako ng kilay nito.
"Yea, right. The one who talks back." Out of nowhere na sabat ni.. Ano nga bang pangalan nito? Leopard? Aishh basta may leo. I'll just call him Leo nalang, 'di ko na maalala e. By the way, nagsasalita pala ito? Kanina pa kasi tahimik e. Hindi ko nga alam na nakikinig pala siya dahil sa suot niyang earphones. I think he's a quiet type of person. Speaking of demonyito, ayon hindi umiimik. Kumakain lang siya habang masama parin ang tingin sa akin. Seriously? Kung tignan niya ako parang nakapatay ako ha? For a lawyer, masiyado siyang nonsense. Psh. Ang pagkakaalam ko sa isang abogado ay dapat magaling itong observant at palaging may sense ang sinasabi. But him? God. Baka naman napilitan lang sa course. Coz you know, sa panahon natin ngayon, marami ng ganiyan e. Intindihin nalang natin.
"Bakit, ano bang ginawang kalokohan nitong baby girl ko, Light?" Seryosong tanong nitong si Kuya Mags kay Light. Nasamid naman si Light kaya agad ko itong binato ng tissue. Kadiri.
"Dahan-dahan kasi. Hindi ka mauubusan." Supladang sabi ko rito. Mukhang tanga kasi.
"Are you serious, Mags? Baby girl? I've never seen you this cliche and corny in my whole entire life. Swear bro." Nakangiwi na sabi nito. Inirapan lang namin siya ni kuya dahil sa ka OA-yan.
Pagkauwi ko ay nadatnan ko ang dalawa na nakahiga at nagc-cellphone. Aga ah? Hindi ko na sila binati at nagtuloy-tuloy lang. Pagkatanggal ko ng sapatos ay nilapag ko ang bag ko sa study table. Dahan-dahan kong hinubad ang uniform na suot ko. Don't worry, naka sando at cycling shorts ako. Pagkakuha ko ng pamalit ay pagod na pumasok ako sa loob ng bathroom. Good thing at may bath tub sila dito. Nagbabad ako ng mga Thirty minutes at pagkatapos ay nagbanlaw rin. Mabilisan lang ang ginawa ko dahil dala narin siguro ng antok.
"Girl, nag dinner ka na?" Tanong ni witch. Tinanguan ko lang ito habang nakapikit ang isang mata. Good God, hinihila na ako ng higaan ko.
"Girl, gising! Your phone is ringing." Naalimpungatan ako sa pagyugyog sa akin. Si witch hawak ang phone ko na nagriring. Kinuha ko ito upang tignan kung sino. Disappointment was written all over my face when I recognized who is it. Psh. Nakasimangot ko itong sinagot. Peste.
"Speak." Asar na utos ko rito.
"Oh dear Sea Blu, I just called your papa, but he's not picking up. Pakisabi naman sa papa mo na dagdagan ang pera na binibigay niya. Or baka naman ayaw niya talagang magbigay kaya hindi siya sumasagot. Pinagtataguan ba kami ng magaling mong ama?" Napangiwi nalang ako sa dahilan nito. Ginising ako para rito? Walang kuwenta.
"Hanggang ngayon parin pala, mukha ka paring pera? Hindi na ako magtatakha kung bakit ayaw kayong kausapin ni papa. And fyi, hindi mo kami bangko para huthutan kung kailan mo gusto. Gusto mo pala ng pera e, bakit 'di ka magtrabaho?" Gigil na sabi ko rito. Ang kapal talaga ng mukha kahit kailan. Sila ang dahilan kaya namatay si mama, tapos ngayon ang kapal ng mukha nilang manghingi ng pera? Agad naman itong nainis sa sinabi ko. Serves you right b***h!
"At hanggang ngayon parin pala ay bastos ka parin, huh? Ano ngayon kung manghingi kami ng pera,e barya lang naman sa ama mo 'yon! Atsaka, baka nakakalimutan niyong nangako si ate na tutulungan kami bago siya mamatay!" Ang kapal ng mukha! Sila pa ngayon ang galit? Mga hayop talaga, walang class.
"Alam mo, hindi na ako magtatakha kung bakit ultimo asawa mo, ayaw sayo. Aba'y saksakan ng sama yang ugali mo ano? Sa tingin mo ba, sa kabila ng ginawa mo sa nanay ko, mapapatawad ka namin?" Halos sumigaw na ako rito sa tindi ng galit ko. Nagising narin ang isa pa naming kasama sa kuwarto. Nakatingin lang ang dalawa sa akin. Tumayo naman si witch para kumuha ng tubig at ibigay sa akin.
"Ha! Wala akong pakialam sa nanay mong matagal ng patay! Ang akin, ibigay ng tatay mo yung sustento na pinangako ng sira-ulo mong nanay!" T-ng-na pala nito e. Pinatayan ko ito ng cellphone. G-go! T-ng-na mo, matilda! Bakit pa kita naging tiyahin? Hay-p ka! Mag harap lang tayo, puputok iyang bunganga mo! T-ng-na,ang lakas niya! Hindi ko alam kung saan kumukuha ng kapal ng mukha yang babaeng yan! Ang kapal ng mukha niyang murahin ang nanay ko, tapos ngayon manghihingi siya ng pera? Hay-p talaga! Tumataas presyon ko rito! P-ta!