Seah
After kong matulog kanina ay bumalik na ako sa klase. Dumaan nalang ako sa isang stairs para hindi ko na madaanan ang room ng siraulong 'yon. Nakakapang-init siya ng ulo. Ano ba kasi talagang problema niya saakin. Nag sorry naman ako sa kaniya a? Masiyadong hambog! At ano yung sinasabi nila na tahimik daw iyon? Mukha nila. Napakaraming dada. Putak nga ng putak bunganga non, tahimik pa iyon sa kanila?
"Girl, ang puti puti mo no? Pinalaklak ka ba ng gluta noong bata ka pa?" Natatawang sabi ng katabi kong bakla. Sinamaan ko lang ito ng tingin. Are we close? Psh. Sa lahat talaga ng mapapasin yung balat ko pa e. Sa totoo lang, ang dami talagang nagsasabi niyan saakin. Akala nga nila nag gugluta talaga ako. Namana ko lang kay mama yung kulay ko. Pati si kuya. Kaso si kuya, kamukha si papa samantalang kamukha ko naman si mama. Pero parehas kami ng kulay ng mata. Hazel Brown. Nasa lahi na rin yata namin ang pagiging matangkad. Pero hindi naman sobra haha. Eighteen palang ako, pero napagkakamalan akong mas matanda pa sa edad ko. Jusko.
Anyways, ten minutes nalang dismissal na namin. Siguro, kakain nalang muna ako sa cafeteria at bibili ng pang hapunan para hindi na ako lalabas mamaya. Nakakatamad kaya. Niligpit ko na ang mga gamit ko at nilabas na ang earphone para magamit ko mamaya. Masiyado kasing maingay mga estudyante rito. First day palang kaya hindi pa masiyadong nakakapagod. Introduction lang naman e, wala pang pa homework.
"Okay class, don't forget the materials tomorrow, also the index card. That's for your graded recit. Without it, you're grades would be F. Class dismiss." Nagtayuan na ang mga kaklase ko para lumabas. Kinuha ko na rin ang bag ko at nagmadaling umalis. Uwian na. For sure, punuan sa caf.
Habang naglalakad ako ay pansin ko ang tinginan ng ibang estudyante sa akin. Sinusuklian ko lamang ito ng matalim na tingin at agad na umiiwas ang mga ito. Ano ako artista, para pagtinginan nila? Oh, spare me to their chikas. Mga kalaban ng McDo e.
"Two large Burger Steak, three Pringles and two large Milktea." Sabi ko sa cashier sabay abot ng bayad ko. Nagmamadali ako kasi balak kong manood ng anime ngayon. Tatapusin ko na yung last episode.
"That would be Three hundred and seventy pesos, ma'am." Sabi pa nito bago tanggapin ang pera. Tama nga ang hula ko kanina. Punuan ngayon dito sa caf. Ang ibang estudyante kasi ay dito na kumakain since marami naman talagang lamesa't upuan dito. Malamang, cafeteria 'to. Dzuhhh
Usually sa mga students dito ay mahahalata mong may circle of friends dahil sa puwesto nila sa lamesa. Ang iba naman ay may kaniya kaniyang mundo at nag-iintay ng pagkain. As if naman lalapit ang pagkain sa kanila. Mga batugan.
Pagkakuha ko ng order at sukli ay tumalikod na ako para sana umuwi ng makita ko si kuya. Patay.
#operationtagokaydragon
Sumama ako sa mga kupol ng tao para hindi mapansin. Para pa namang may hinahanap at palinga linga. Huhu Sea, run for your life. But I'm not scared ha? As if.
"Sea Blu!" Paktay.
Hindi ko na sana ito lilingunin dahil pinagtitinginan na rin siya ng mga tao nang biglang may humila sa braso ko. Guess who? Amoy pa lang alam na. May sariling buhay, pero pakialamero. May mata nga, ako naman lagi ang nakikita. Grrrr I so hate you, Magnus!
"Tss. You think you can fool me, baby girl?" O diba, pati tawag sa akin nakakasalbahe?
"Baby girl mo mukha mo!" Inis na sabi ko rito. Alam naman niyang ayaw kong tinatawag ng ganoon. Nakakawala ng poise.
"Why are you so sad, baby girl? Aren't you happy to see me?" Kapal ng mukha. Gawa sa semento.
"As if! You're so feeling. Bitaw nga, pinagtitinginan tayo. Mukha kang pusit kung makakapit!" Sita ko rito. Abay halos ayaw humiwalay. Ano't nag-iinarte itong kuya ko?
"Anong inaarte-arte mo riyan?" Kaasar. Isip bata ka ba bro?
"Anong kalokohan na naman ba kasi ginawa mo this time, ha? I already told you that you should stop being a rebel and focus on your studies instead." Litanya nito. O diba sabi sainyo, madakdak din ito di kuya e. Sinimangutan ko lang ito nang patago. Patago dahil hihilahin niya ang nguso ko. Ang daming tao, nakakahiya.
"Nakakaasar kasi kuya, that asshole is harassing me. What do you what me to do? Let him? Sakalin ko siya, walang bitaw." kunot noo kong sabi rito. Aray! Napatingin ako sa babarng bumangga sa akin. Bakit ba kasi kami sa gitna ng caf nag-uusap? Boang.
"Mmm, tumabi nga muna tayo. Come, I'm with my friends. Doon ka na sa table namin." Hayss buti naman nakaramdam 'to ano? Inayos ko ang paper bag dahil bahagya itong nabutas. Dahil siguro sa drinks.
"Blu, my friends. Guys, this is Sea." Pakilala sa akin ni kuya habang nakayuko ako at kinakalikot ang dala. Baka matapon, sayang.
"Hi, sea. I'm Light, Mags' friend." Nag-angat ako ng ulo nang bigla itong maglahad ng kamay. Ngunit hindi ako sa kaniya napatingin kundi sa katabi niya. Parehas na nanlaki ang mga mata namin nang makilala ang isa't-isa.
"You!" Sabay namin sigaw. I can't believe this! Of all people na magiging kaibigan ni Magnus, bakit ito pang ulupong na 'to? Nananadya ka ba, Lord? Alam mo kung gaano ako kainis dito, tapos ito?
"What is she doing here, mags?" Supladong tanong nito. Inirapan ko lang ito. As if, gusto ko ito?
"Hi pretty miss! I'm Leonardo, but you can call me Leo. Nice to meet you!" Pang sasapaw ng kaibigan nito. Halatang nakakaamoy. Tinignan ko lang siya habang nakangiti nang pagkalaki-laki.
"Sea. Magnus' S---"
"She's Sea Blu, my girlfriend." Nak ka ng tokwa. Agad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni kuya mags. Aba'y abuso ito a? At gusto pa akong magsinungaling. Tinignan lamang ako nito na parang nagsasabi na sakyan ko nalang ang sinabi niya. Unti-unti akong napatango habang nakatingin ng matalim sa kaniya.
'Mamaya ka sa akin, magnus.'