Kabanata 4

986 Words
Seah First day of school. Masaya ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagtatagpo ang landas ng gurang. Mabuti na 'yon no! Ayokong may bumubuntot sa aking parang aso. "Sea, remind lang kita na hindi ka puwedeng ma late, strikto rito. First day na first day, baka mademerit ka niyan, sige ka!" Pagpapaalala sa akin ni Iris. Paalis na siya. Napaka aga pa naman. Well, siya ang president, so ano pa bang aasahan ko? Napairap naman ako sa sinabi nito. Kung makapagremind parang si papa e. "Oo na madam! Umalis ka na nga! Ginugulo mo ang aking beauty sleep." Pangtataboy ko rito. She's so noisy kaya! Takutin niya pa ako. Demerit who? "O siya sige, alis na ako. Lock niyo nalang kapag aalis na kayo a?" Tinanguan ko nalang ito. Pagkapasok ko ng room ay pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Ang iba ay masama ang tingin sa akin at ang iba naman ay naka taas lang ang kilay. Mga walang magawa sa life. "Good morning, class. I'm Miss Rosalia Alveja. I will be your instructor in your AnaPhy subject. In case you don't know what AnaPhy means, it is Anatomy and Physiology." Matanda na ito ngunit mukha naman siyang nice. "So today, I will discuss to you the essentials that you need in this subject. Please take a note of what I'll be going to say. First, you need a laptop or ipad, it depends on you. Second, ready 1x1 ID pictures and index card for it will serve as your graded recitation card..." Madali lang ang una naming klase dahil hindi pa naman nagdidiscuss puro orientation lang ang nangyari. Unlike other colleges, hindi kami ang lumilipat ng room. Ang mga teacher ang pupunta rito. Just like in High School. Siyempre, stress na nga sa studies, hassle pa sa hanapan ng room? E buti sana kung napaka liit lang nitong school. E daig pa yata nito BGC sa sobrang laki talaga. And guys, every subject ay may thirty minutes kaming break. So, keri narin. "Girl, ikaw yung naka-away ni Augustus kahapon diba?" Pang-uusyoso ng katabi kong sa tingin ko ay bakla. Tinaasan ko lang ito ng kilay. Mukha naman itong natakot kaya hindi na ako kinausap ulit. Mukha ba akong may pake kung sino 'yun? Hinila ko ang ilalim ng uniforn ng mapansin kong umaangat na naman ito. Nakakabuwisit tong uniform ng medtech, napakaikli! Dress type ito, parang sa Nursing. Kaso yung amin dark blue, yung kanila kasi puti. Mukha silang kukunin na ng langit. Salbahe ka talaga, Sea. "Guys, free time daw natin ngayon. Nasa meeting ang mga Teachers. Nag hahanda kasi sila para sa Welcoming Night para sa mga freshies." Sabi nung isa ko kaklase na nakabraid ang buhok. Pagkarinig ko non ay agad kong sinalpak ang earpods ko sa tenga ko sabay tayo na para umalis. Wala na akong gagawin dito. Ay wait, I forgot. "Till what time yung free?" Mataray na tanong ko roon sa nag announce. Natahimik naman ang buong room. Psh. Mga OA. "Ahm, untill 3pm." Pagkasabi niya non ay agad na akong umalis. Kaburyo kaya sa room. Sa paglalakad ko ay nadaanan ko ang second floor ng Building namin. Masiyado naman yatang tahimik. Sana ol, mabait na mamamayan. Tahimik lang din akong naglakad as I observe each classroom. Yung iba nakatingin sa akin kaya medyo niyuko ko ang ulo ko at binilisan ang paglalakad ng biglang... "Hey, witch!" Napalinga ako sa paligid ko nang biglang may sumigaw. Psh. Sea, sa dami ng estudyante rito, it's impossible na ikaw 'yon. Atsaka, you're not a witch, no? Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad ng biglang may bumato sa ulo ko ng papel. Napapikit na lamang ako sa inis. Kung sino ka mang damuho ka, ansarap mo! Sakalin! Napalingon ako upang hanapin kung sino yon. Depungal! Pagkakataon nga naman! At nataon pang magkabuilding kami? Nasa pintuan siya ng tinataya kong classroom nila. Salubong ang kilay na nilapitan ko ito. What's his f*ck*ng problem? "Hey! Why did you throw that to me, huh?" Maangas na tanong ko rito. Sarap hambalusin. Tinignan lang ako nito ng madilim. Inaano ko 'to? "What are you doing here in our building? Are you stalking me? Oo nga naman, based on your face, on how ugly you are, you are definitely my stalker." Napanganga ako sa sinabi nito. H-Huwaw! "W-What a nerve! How dare you! I'm not following nor stalking you! This is our building also! Makapagsalita parang akala mo, pag-aari mo 'to a?!" Galit na sabi ko rito. Pero ang damuho, tinaasan lang ako ng kilay. Argggg! He's so nakakainis! Like, no joke! "And why would I believe you? You're not a Law student." Bakit ba kasi ako nakikipag-usap dito? Sinto-sinto 'to e, baka mahawa ako. "Excuse me? Baka nakakalimutan mo, magkasama sa iisang building ang Law at MedTech? Akala ko ba, matalino ka?" Mataray kong litanya. Mas lalong dumilim ang mga mata niya at hinaklit ako bigla sa braso. "Aray! Ano ba? Let go of me! Mamaya mahawa ako sa sakit mo!" Sabi ko rito habang binabawi ang braso ko pero masiyadong mahigpit ang hawak niya masakit din. "Naka uniform na nga ako, di mo parin ba halata?" Mataray na sabi ko rito. Coz duhh.. Halata-halatang MedTech student ako no. Dalawang course lang naman ang may dress-type uniform dito. Boang yata 'to e. "You know what? I really hate your guts. 'Di mo ba alam na ikaw lang ang naglakas loob na sagut-sagutin ako?" Psh. E ano ngayon? Should I treat him well and give him a special treatment kasi iyon ang ginagawa ng iba? Mukha niya. "You know what? You're wasting my time. You're nonsense. For a Law student, you're being unreasonable. Mag-aabogado ka pa niyan a? Abog*go, puwede pa." Inis na sabi ko rito na siyang ikinalaki ng mata niya. Sinamantala ko ang pagkagulat niya para mahigit ko ang kamay ko at umalis. "Peste! Tulog na, naging bato pa!" Sarap niya talagang sapatusin. Kaasar!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD