CHAPTER 2- Eavesdrop

1112 Words
"Bes, mamaya, ha? Samahan mo ako doon sa mall at bibilhin ko lang 'yong damit na nakita ko kahapon ang ganda kasi!" Paalala ni Joan sa kaniya at kitang-kita niyang excited na itong mabili ang damit na iyon kaya napangiti nalang siya sa kasiyahang nakita niya sa mukha nito. Bestfriend at kapitbahay niya si Joan. Matagal na silang mag-bestfriend at lahat ng pinaka-tagong sekreto sa isa't-isa ay alam ng bawat isa sa kanila. Dahil bawal ang sekreto sa kanila at iyan ang sumpaan nilang mag-bestfriend simula nang maging magkaibigan sila. Mas kapatid pa nga niya itong ituring kaysa sarili niyang mga kapatid. Kumain ng sabay, magkatabing matulog, maligo ng magkasama at kulang na lang ay hakutin ang mga damit nito sa bahay at ilipat sa kanila. Ganyan sila ka-close. Nagdadamayan sa problema at mahal na mahal nila ang isa't-isa. "Okay, bes!" nakangiting sagot niya rito. "Alam mo naman na hindi kita kayang pabayaan,eh!" dugtong niya sa sinabi na halatang nag-dadrama lang naman. "Aahh? I love you, bes!" nagpapa-cute pa na sabi nito sa kaniya at ngumuso pa ang labi nito para halikan siya pero mabilis niyang iniwas. Dahil nasa public sila at nakakahiyang maraming makakakita sa kanilang ka-sweetan. Baka isipin pa ng mga ito sa kanila na tomboy ang isa sa kanilang dalawa. "I love you too, bes!" nakangiting tugon niya nalang rito dahil tila nagtatampo ito sa pag-iwas niya. Ganyan sila kung mag dramahan na akala mo mga artista. Mga artistang hindi nadiskubre dahil hindi naman sila nag-audition. Pero kinahiligan naman nilang dalawa ang kumanta. Minsan nag-videoke sila sa bahay ni Joan at minsan sa bahay rin nila. Halos magkapareho sila ni Joan ng hilig kaya sila naging mag-bestfriend dahil magkasundo sa lahat ng bagay. Nasa canteen sila para bumili ng pagkain dahil oras na ng break time at nagwawala na rin ang alaga niya sa loob ng tiyan niya. Habang namimili ng makakain, kinuha niya ang kanyang cellphone para tingnan kung may nagtext o tumawag man lang sa kanya pero wala siyang nakita ni isang text o tawag kaya ibinalik niya uli ito sa bulsa ng kaniyang palda at tumitingin na rin ng pagkain sa canteen. Mukhang lalo lang siyang nagutom dahil sa mabangong usok na amoy niya galing sa pagkaing nakikita. "Bes, anong gusto mo?" tanong ni Joan sa kaniya habang namimili ng pagkain sa canteen at mukhang ililibre na naman siya nito. "Kahit ano, bes! Basta huwag lang lason," tatawa-tawang biro niya rito. Tumawa rin ito sa biro niya. "Walang ganyanan, bes! Hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa akin," madramang sagot naman nito. Hindi niya rin mapigilan ang matawa sa kadramahan nilang magkaibigan dahil sinasabayan pa talaga nito ng pag-arte. Nang iabot sa kanila ang pagkain ay agad nila itong binayaran. Paalis na sana sila nang mapadako ang kaniyang tingin sa isang table na may dalawang nakaupong lalaki. Bigla nalang itong tumawa nang malakas na akala mo walang ibang tao sa paligid. Nakilala niya ang isa sa dalawang lalaki. Kaklase niya ito, at ang pangalan ay Dale. Nakita niyang tumingin rin ito sa kinaroroonan nya at nagtama ang kanilang mata. Nagkatitigan at sa hindi niya inaasahan ay bigla na lang itong kumindat at ngumisi sa kanya pagkatapos. Agad siyang nagbawi ng tingin rito dahil hindi niya maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman. "s**t na malagkit!" bulong niya sa sarili. "Bes, may sinabi ka?" Bigla ay tanong ni Joan sa kaniya dahil mukhang narinig yata nito ang bulong niya. "Wala, bes! Tara, balik na tayo sa classroom," pagyaya niya rito para hindi na rin ito mangulit pa. "Okay!" sang-ayon nito sa kanya. Umalis na agad sila sa canteen at nagdesisyong bumalik na sa kani- kanilang classroom. Mabilis ang mga hakbang niya kaya napahabol si Joan sa kanya at umaangal dahil halos madadapa na ito sa pagmamadali para maabutan lang siya. "Bes, nagmamadali ka ba?!" Hindi mapigilang tanong nito sa kaniya at hingal pa itong hawakan siya sa may braso. "D-dahan-dahan lang!" nauutal pa ito nang hinarap niya. "Hindi naman," sagot niya rito at palingon-lingon sa pinanggalingan nila. "Bakit para kang hinahabol? Ang bilis mo naman yatang maglakad?" tanong nito sa kanya at bahagyang nakakunot ang noo. "Wala! May nakalimutan lang akong gawin kanina," pagsisinungaling niya rito. "Ah, gano'n ba? O, sige na! Gawin mo na at babalik na rin ako sa classroom ko basta mamaya, ha?" paalala muli nito sa kanya. "Okay," tipid niyang sagot. Umalis na rin ito at bumalik na sa kabilang classroom dahil magkatabi lang naman ang silid nila. Pumasok na rin siya at umupo sa upuan niya upang hintayin ang susunod na subject. Maya-maya ay nakita niya ang kaklaseng si Dale na naglalakad at papasok na rin ito sa silid nila. Bigla siyang yumuko at nagkukunwaring may hinahanap sa kanyang bag para hindi siya mapansin nito dahil sa nangyari kanina sa canteen. At nang masigurong nakalagpas na ito sa kanyang upuan isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan at dahan-dahang inangat ang ulo saka umaayos ng upo. "Hi, Dale!" narinig niyang pagbati ng kaklase niyang babae na walang iba kundi si Sharon. Nakilala niya ang boses nito dahil sa may kaartehan ito kung magsalita. Malandi kumbaga sa madaling salita. "Hi," walang ganang sagot naman nito kay Sharon. "May gagawin ka ba mamaya,Dale?" tanong ni Sharon. Habang siya ay patuloy sa pakikinig. Bigla-bigla nalang siyang naiinis sa hindi maipaliwanag na dahilan. "Nope! Why?" sagot pa rin ni Dale kay Sharon. "Kumain naman tayo sa labas mamaya, my treat!" narinig niyang pagyaya ni Sharon rito na lalo niyang ikinainis at hindi niya alam kung bakit gano'n nalang ang naging reaksyon niya sa mga ito. Bahagya pang tumaas ang kilay niya habang hinihintay ang sagot ni Dale. "Ay! Grabe si Ateng! Siya pa talaga ang unang nagyaya sa lalaki?" Mahinang bulong niya sa kanyang sarili habang patuloy sa pakikinig sa dalawang nasa likuran niya. "Aba'y, matindi! Gano'n na ba talaga ka high-tech ngayon? Babae na ang nagyaya sa lalaki? Tsk, tsk, hindi lang pala gadgets ang nagiging high-tech ngayon dahil pati tao nagiging high-tech na rin!" inis niyang bulong sa sarili habang ang tainga ay nasa dalawang nag-uusap sa kaniyang likuran. Daig niya pa ang isang chismosa sa kaniyang kapilyahan. Kung siguro nakikita at naririnig lang siya ng dalawang nag-uusap ay baka kanina pa naasar ito sa kaniya lalo pa sa mga komento at pakialamera niya sa dalawa. Mabuti nalang at nasa likod niya ito at mukhang nag-eenjoy sa pakikipag-usap sa isa't-isa o mas tamang sabihin na nakikipag-flirt sa bawat isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD