CHAPTER 3- Kick

2474 Words
Habang naghihintay sa susunod na subject si Jhanna naririnig niya ang pag-uusap nina Dale at Sharon sa kanyang likuran. Niyaya ito ni Sharon na kumain sa labas at treat pa nito. Napataas ang kilay niya sa mga naririnig. "Ay! Grabe si Ateng! Siya pa talaga ang nagyaya sa lalaki? Hindi ba pwedeng hintayin na lang niya kung kailan siya nito yayain?" Mahinang bulong niya sa sarili. "High-tech na talaga ang panahon ngayon dahil babae na pala ang nagyaya sa mga lalaki. Akala ko cellphone lang ang nagiging high-tech pati tao din pala?" patuloy sa pagbulong at mukhang naiinis na siya ng tuluyan sa hindi kaaya-ayang narinig mula sa dalawa. "Sure! Alam mo naman mahirap tumanggi sa grasya," Pagpayag ni Dale kay Sharon na ikina-init ng ulo niya. "Really, Dale?!" Mukhang excited pa si Sharon sa naging sagot ng lalaki. Napasimangot si Jhanna sa narinig dahil pumayag ito sa paanyaya ni Sharon na kumain sa labas. At mukhang gustong-gusto pa nito dahil babae nga naman ang nag-yaya rito at hindi man lang nag-isip muna kahit kunwari lang. "Ay, Grabe! Wala man lang pag dadalawang isip? Napaghahalatang babaero talaga. Kapag palay nga naman ang lumapit, sunggab agad!" patuloy na pagbulong ni Jhanna sa sarili at mukhang masyado na siyang affected sa pag-uusap ng dalawang nasa likuran niya. Marami pa itong napag-usapan pero nawala na ang atensyon niya sa mga ito dahil tuluyan ng nasira ang mood. At naasar na rin siya sa pakikinig lalo pa at pumayag ang lalaki na kumain sa labas kasama si Sharon. Pakialam ko ba sa inyo? Wala akong pake! nanggigil niyang isip lalo na kay Sharon. Si Sharon na wala nang inaatupag kung hindi magpapansin sa mga kalalaki. Basta guwapo sa paningin, sige lang! Napaka-arte nito kung magsalita na akala mo laging may kaharutan na lalaki dahil sa malanding boses nito. Marami na rin itong naging boyfriend kasi lagi niya itong nakikita na may kasamang lalaki sa likod ng school at ang masaklap pa ay iba-ibang lalaki pa! Collect and select 'ata ang hilig nito, eh! Hindi ito matalino sa klase kaya dinadaan nalang sa pagreregalo sa mga teacher para tumaas man lang ang grades nito sa bawat subject. Pero mayaman ito kaya sunod ang lahat ng luho nito kahit anuman ang gugustuhin nito. Maganda at sexy rin ito kaya marami ang nagkakagusto at nahuhumaling na lalaki rito. Marami rin itong alipores na laging nakabuntot rito at kung saan-saan pa niya ito nakitang tumatambay kaya alam niya kung sinu-sino ang mga kaibigan nito mapa-lalaki man o babae. Minsan narinig niya ito at ang mga kaibigan nitong nag-uusap. At ang topic ay s*x habang naka-drugs. Ang sabi pa nito sobrang sarap daw sa pakiramdam kaya dahil sa sinabi nito naisip niyang sanay na ito sa bagay na iyon lalo pa't marami na itong naging nobyo. Balewala nalang rito ang bagay na dapat ay sa mag-asawa lang sana ginagawa. "Okay, Dale mamaya, ha?" maarteng paalala nito kay Dale. "Okay," tipid nitong tugon naman kay Sharon. Dahil sa narinig lalong napasimangot si Jhanna at mukhang mainit na rin ang ulo niya na hindi niya mawari kung bakit gano'n nalang ang inakto niya na akala mo ay girlfriend siya ni Dale at grabe kung magselos. "Napakalandi talaga nitong babaeng ito! Akala mo mauubusan ng lalaki!" nangigil niyang bulong sa sarili at nag me-make-face pa. Selos ka? anang epal niyang isip. "Bakit naman ako magseselos? Aber?! Paki ko ba!" Piping isip niya at mukhang konti nalang pwede na talaga siyang dalhin sa mental dahil sa pakikipag-usap niya sa sarili. "He's not my type! At wala rin akong gusto sa kanya!" sige pa rin ang bulong niya na akala mo may kausap talaga siyang iba. Daig niya pa ang may kaibigan na kaluluwa o 'di kaya ibang katauhan. Weh? Di nga? Bakit ka nanggagalaiti ngayon? "Hindi! Hindi! Hindi!" wala sa sariling napasigaw siya dahil sa hindi niya kayang aminin sa sariling nagseselos na siya sa dalawa. At asar na asar na talaga siya ng mga oras na iyon. At sa hindi sinasadya napasipa pa siya sa upuang nasa harapan niya. Bigla nalang siyang natigilan at natauhan ng may sumigaw na babae na nakaupo sa harapan niya. "Aray!" biglang sigaw ng kaklase niyang nasa unahan. Napalingon ang lahat ng classmate sa kinaroroonan niya. Lalo na ang naging dahilan kung bakit niya nagawa iyon na walang iba kundi si Dale at Sharon. Napahinto ito sa pag-uusap ng may kumalabog at sumigaw na kahit siya ay nagulat din sa nangyari. "Ano ba ang problema mo?!" Galit na tanong ng kaklase niyang nakaupo sa harap na walang iba kundi si Diane. "Sorry," paghingi niyang paumanhin rito at bahagyang nakangiwi dahil sa itsura nito na galit na galit at kulang nalang ay sabunutan na siya. "Sinasadya mo siguro no?!" mataray nitong tanong. "Hindi, ah!" mabilis niyang sagot rito. "Namanhid kasi ang paa ko kaya ini-unat ko muna pero napalakas pala ang pag-unat ko sa upuan mo kaya akala mo sinipa kita," pagsisinungaling niya rito. Hindi ito nagsalita at nanatiling nakatingin lang ito sa kaniya habang umuusok na ang ilong nito sa galit. Nakaramdam tuloy siya ng pagsisisi kung bakit hindi niya napigilan ang sarili kaya wala sa sariling nasipa ang upuan ni Diane. Hindi niya alam kung maniniwala ba ito sa sinabi niya dahil sobrang talim nito kung makatingin sa kaniya. Kung nakamamatay lang ang bawat titig nito ay malamang kanina pa siya nakabulagta sa sahig. Kaya kailangan niyang humingi ng sorry kahit paulit-ulit pa dahil siya naman talaga ang may kasalanan sa nangyari. "Sorry talaga, Diane! Hindi ko naman sinasadya," pagpakumbaba niya kay Diane. Hindi ito sumagot. Bagkus tinaasan lang siya ng kilay nito at tumalikod na. Padabog pa itong umupo sa sariling upuan nito. Lumingon si Jhanna sa kanyang likuran at kitang-kita niya ang pag-ngisi ni Dale sa kanya. Pati na rin ang iba pa niyang kaklase. Pinagtatawanan siya nito at nginisihan pa! Kaya sobrang hiya ang kaniyang nararamdaman. Buwesit! Nakakainis! Dahil kaiisip ko sa lalaking 'yon magkakaroon pa yata ako ng kaaway! Hay naku! Badtrip! Naputol ang pag-uusap nina Dale at Sharon nang may marinig na sigaw at kalabog kaya napatingin sila dito. Nakita niya ang namumulang si Diane na bumagsak ito sa upuan at nakita rin niya ang classmate niyang hindi niya tanda ang pangalan pero hindi makalimutan ang magandang mukha at ang sinabi nito sa kanya nang mag pakilala siya sa harap ng mga kaklase niya. Narinig niyang nagsalita si Diane at galit na galit itong humarap sa likuran nito na halos umuusok na ang ilong nito sa galit. Nasipa pala ang upuan nito kung saan ito nakaupo sa unahan. "Ano ba ang problema mo?!" galit na tanong nito. "Sorry," hinging paumanhin naman ng isa. Maya-maya ay tumalikod na ito at lumingon naman ang isang babae sa kinaroroonan niya. Nginisihan niya ito habang sinimangutan na naman siya nito at bigla nalang tumalikod. Namamangha talaga siya rito tuwing nakikita niya ang reaksyon nito at kapag nahuli niya itong nakatingin sa kanya. Naiisip niya tuloy na may gusto ito sa kanya kaya gano'n nalang ang reaksyon nito palagi. Mukhang gaganahan na siyang pumasok araw-araw sa school dahil sa babaeng ito. Wala sa sarili na muli itong tingnan at suriin. Maganda at simple lang ito pero may pagka-suplada. Maputi ito, mahaba ang buhok, sakto lang ang height nito. Mapupula ang mga labi nang minsang matitigan niya ito kanina. Wala pa siyang nakitang may sumundo ditong lalaki kaya siguro wala pa itong naging nobyo. May nakita siyang isang babae na lagi nitong kasama. Siguro ay magkaibigan ang dalawa. "See you later, Dale." Naputol ang pag-iisip ni Dale sa sinabi ni Sharon. "Okay," walang ganang sagot niya. Niyaya siya nitong kumain sa labas at ito na daw ang bahala basta pumayag lang siya. Bigla tuloy siyang napatingin rito at pagmasdan ito. Maganda si Sharon at sexy pa! Independent ito at alam niyang may gusto ito sa kanya dahil sa lagkit ng tingin nito at laging nagpapapansin na hindi naman niya kayang balewalain. Kaya pumayag na lang siya sa paanyaya nito dahil wala naman siyang lakad mamaya. MALL.. "Bes, tingnan mo 'to?" tanong ni Joan sa kaniya. Agad naman siyang tumingin sa kaibigan. "Maganda 'di ba? Bagay ba sa'kin?" Excited nitong idinikit ang damit na napili sa katawan. "Oo, bes! Bagay na bagay sayo!" Masayang tugon niya rito at ngumiti sa nakikita dahil maganda at bagay nga ito sa bes niya. "Iyan ang gusto ko sayo eh! Very supportive ka sa akin kaya mahal na mahal kita!" Pambobola pa nito sa kanya. Nginitian lang niya ito ng napakatamis at idinikit pa lalo ang damit nito sa katawan ng bes niya. "Ang ganda ng kulay, bes. Bagay na bagay sayo!" Lalo naman itong napangiti sa mga sinabi niya. "Ikaw, bes wala ka bang napili?" Kunot-noong tanong nito sa kanya dahil mukhang napansin siya nito na sinamahan lang talaga niya ito para bumili ng damit. "Meron kaso wala naman akong pambili," pag-amin niya rito. "Sige na kunin mo na at ako na ang bahalang magbabayad," alok pa nito sa kaniya at bahagya pa siyang tinulak ng marahan para kuhanin niya ang napili niyang damit. "Wag na, bes!" tanggi niya rito. "Lagi mo na nga akong nililibre eh!" Pigil niya rito dahil nahihiya na siya sa panlilibre nito sa kaniya. "Asus! Ito naman parang others!" nakataas pa ang kilay. "Sige na, kunin mo na," pamimilit pa rin nito sa kaniya at mukhang hindi ito titigil hangga't hindi niya kinuha ang damit na 'yon. Kaya naisip niyang hilain nalang ito doon sa tindahan ng damit dahil hiyang-hiya na talaga siya sa panlilibre nito sa kaniya. "Halika na nga!" hila niya sa kamay nito pagkatapos bayaran ang damit na binili nito. Agad na silang lumabas sa botique dahil alam na niya ang kasunod. Pipilitin na naman siya nitong kuhanin iyon at hindi ito papayag na ito lang ang mayroon tapos siya ay wala. "Bes, sandali lang! Kunin mo na 'yon at baka makuha pa ng iba," pigil nito sa kaniya at gaya nang nasa isip niya ipipilit talaga nito na kuhanin iyong damit. "'Wag na nga sabi, bes! Dahil marami pa naman akong damit na bago at hindi ko pa nasusuot 'yong iba ng mga 'yon! Ang maganda pa ilibre mo na lang ako ng pagkain at tiyak hinding-hindi ko tatanggihan 'yan!" nakangiting saad niya rito at sinamahan pa ng beautiful eyes. "Sigurado ka? Hindi ka iiyak?" tudyo pa nito sa kanya na ikinatawa naman niya. "Oo, naman! Baliw ka talaga, bakit naman ako iiyak? Ano ako bata?" tatawa-tawang sagot niya kay Joan. Natawa na rin ito sa kaniya. "Oh, sige na nga! Tara na punta tayo doon banda," yaya nito sa kanya. At naglakad na nga sila sa mall upang makahanap ng makakainan at kalaunan ay may nakita naman sila sa may 'di kalayuan at agad nag-kislapan ang mga mata na parang mga batang tuwang-tuwa dahil sa nakita. "All time favorite! Jollibee!" sabay nilang sabi at nagtatawanan bago mabilis nilang hinayon ang naturang fast food. Agad na pumasok sa loob at naghahanap ng mauupuan. Hindi naman sila nabigo dahil may nakita agad sila sa bandang gitna. Kaagad na umupo at baka maunahan pa sila ng iba dahil maraming tao lagi sa fast food na iyon. "Oh, dito ka lang, bes, ha! Pipila lang ako," sabi nito sa kanya at agad na siyang tumango rito. "Okay!" sagot niyang nakangiti. Habang wala pa si Joan ay kinuha niya muna ang kanyang cellphone na nasa bulsa niya at tiningnan kung may nagtext o tumawag man lang sa kanya. Pero wala siyang nakita kaya naisipan na lang niyang mag selfie. "Makapag selfie na nga lang," mahinang bulong niya sa sarili at agad kumuha ng picture sa sarili. Click! Click! Click! Maya-maya ay dumating na rin si Joan at dala na nito ang mga pagkaing binili. Nakita niyang burger, french fries at sundae ice cream ang mga in-order nito na pareho nilang paboritong mag-bestfriend. Agad nitong nilapag sa lamesa at umupo na rin sa kaharap niyang upuan. "Lafang na, bes!" nakangising yaya nito sa kaniya at nagsimula na silang kumain. Pagkatapos nilang kumain sumaglit muna sila sa washroom para maghugas muna ng kamay at magbanyo na rin bago lumabas para mag ikot-ikot muna silang magkaibigan. Dahil maaga pa naman at may oras pa para mamasyal at mag-window shopping. Naisipan rin nilang mag-picture taking sa magandang view sa loob ng mall. "Bes, kunan mo ko doon banda sa may restaurant," Nakangiting sabi ni Joan at mabilis nitong inabot sa kaniya ang cellphone nito. "Okay!" Kaagad niya itong kinuha at tumakbo naman ito malapit sa may restaurant at agad nag-pose. "Ready?" tanong niya rito at tumango naman ito sa kaniya bilang pagsang-ayon. "1 2 3 click! Isa pa!" sigaw niya rito at kinuhanan uli ito. "1 2 3 click! Okay na, bes!" hiyaw niya at nag-thumps-up pa rito. "Ikaw naman, bes! Doon banda sa kabila!" masayang saad sa kanya at itinuro nito ang kabilang side. Agad siyang nagtungo at hindi niya alam kung anong pose ang gagawin. Kaya itinaas na lang niya ang dalawang kamay at bahagyang nakanganga ang bibig na akala mo susubuan. "1 2 3 click! Isa pa, bes!" sigaw nito pero tumanggi na siya dahil napansin niyang maraming tao na nakatingin sa kanila. "Okay na yan, bes! Patingin nga kung maganda ba?" Nakangiting sabi niya rito at agad na kinuha ang cellphone para tingnan ang kuha ni Joan sa kaniya. Nakangiti siya nang makitang hindi naman pala masagwa ang pose niya. "Okay na 'to, be--" Naputol ang sasabihin niya nang may makita siyang photobomber sa picture. Tiningnan niya ito ng mabuti at nilakihan pa ang picture para malinaw kung sino iyon. Nanlaki ang mata niya nang makilala ito. Ang kaklase niyang lalaki na walang iba kundi si Dale De Jesus. Nakangisi ito sa kuha at nakaupo sa may likuran niya pero nasa loob ng restaurant at parang may kasama pero hindi kita sa picture dahil natakpan ito ng katawan niya. Nagpalinga-linga siya at hinahanap kung saan ito nakapuwesto. Nakita naman niya agad ito kasama si Sharon at mukhang nagde-date ang mga ito. Bigla niyang naalala ang pag-uusap ng mga ito kanina sa silid nila. Nakita niyang tumingin rin ito sa kanya at mataman siyang tinitigan. Kaya sinamaan niya ito ng tingin. Gano'n nalang ang paglaki ng mata niya nang bigla nalang itong kumindat sa kanya at ngumisi na animo inaasar na naman siya. Napatanga tuloy siya habang hindi inaalis ang masamang tingin rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD