Chapter 4- Wrong Number

2577 Words
Nakaupo sina Dale at Sharon sa isang restaurant. Habang hinihintay ni Dale ang kanilang order, ay kinuha niya ang kanyang cellphone at tinignan kung may nag-message sa kanya. May nakita siyang may nag-message nga sa kanya, ang kanyang kapatid na si Devon. Naka-silent mode kasi ito kaya hindi niya napansin na may nag-message na pala sa kanya. Devon: Kuya hanap ka ni Daddy at Mommy. May importante daw silang sasabihin sayo. Agad naman siyang nagtipa para replyan ito. Dale: Okay, give me one hour. "Let's eat!" pagyaya ni Sharon sa kanya. Dumating na pala ang kanilang order nang hindi niya napansin dahil sa message ng kanyang bunsong kapatid. "Okay," sagot niya dito. Nag-umpisa na silang kumain pero bigla na lang siyang nawalan ng ganang kumain. Iniisip niya kung ano na naman kaya ang important message na sasabihin sa kanya ng kanyang Daddy na sinasabi ni Devon. Baka ipilit na naman nito sa kanya na sa abroad siya mag-aaral. Lagi na lang nilang pinagtatalunan ang bagay na 'yon. Gusto kasi ng Daddy niya na sa abroad na siya magtapos sa pag-aaral para mas malawak ang kaalaman niya sa Business. Nasa huling taon na siya ng high school kaya gusto niya dito muna magtapos ng high school para makasama muna niya ang kanyang pamilya at mga kaibigan bago ipagpatuloy ang pag-aaral ng college sa abroad. Mayaman sila pero hindi niya ipinagyayabang iyon. Mas gusto niya ang simpleng pamumuhay dahil hindi na-obliga sa mabigat na responsibilidad. Gaya na lang ng Business ng kanilang pamilya na sa kanya ipapasa kapag nakatapos na siya ng kolehiyo. Malaking responsibilidad iyon kaya kailangan niyang ipakita dito na karapat-dapat siya sa posisyong iyon. "Are you okay?" putol ni sharon sa malalim niyang pag-iisip. Tiningnan niya ito, at kanina pa pala ito nakatingin sa kanyang plato. "Bakit, may problema ka ba? Parang wala kang ganang kumain ni hindi mo nga nabawasan 'yang pagkain mo," sabi nito sa kanya. "Wala," sagot niya rito na nakangiti. "Are you sure?" "Yeah! nagtext kasi ang kapatid ko na hinahanap daw ako ni Daddy at may importanteng sasabihin raw sa akin," pag-amin niya rito. Alam niyang hindi siya titigilan nito sa pagtatanong kung anong gumugulo sa kanyang isipan kaya mas maganda ng sabihin na niya ang totoo para hindi na mangungulit pa. "Ah, gano'n ba? Sige bilisan na natin kumain at ng makauwi na tayo." "Okay," tipid niyang sagot. Tapos na silang kumain at binayaran na rin ni Sharon ang kanilang kinain. "Let's go?" yaya na niya dito. "Wait! I just go to the restroom first," pigil na sabi nito sa kaniya. "Okay, I'll just wait you here," nakangiting sagot niya rito. "Thank's! Just give me 5 minutes," pacute na sabi nito bago umalis. Umupo muna siya habang hinihintay si Sharon. Tumingin siya sa labas nang napansin niyang may nag-pi-picture taking sa labas, kung saan sila kumain ni Sharon. Nakilala niya ang mga ito dahil ang isa ay kaklase nila ni Sharon, si Jhanna at ang bestfriend nito. Alam na niya ang buong pangalan nito dahil tinanong niya pa sa kaklase niya kanina bago magsi-uwian. Nakita niyang kung saan-saan ito pumuwesto para kumuha ng litrato. Nakita niya na ito ang may hawak ng cellphone ng kaibigan nito upang ito naman ang magpakuha ng picture. At nang matapos ay ito naman ang kinuhanan ng kaibigan nito at itinuturo nito ang malapit sa pwesto niya. Yumuko siya saglit upang di siya makita nito dahil papunta na ito sa puwesto niya. Nang makita niya itong naka pwesto at nakatalikod na sa kanya, ay itinaas na niya ang kanyang ulo. Nakita niya na itinaas nito ang mga kamay at nakanganga pa kaya naisip niyang ngumiti din para makasama siya sa picture nito. Gusto pa sana ng kaibigan nito na kuhanan pa ito ng isa pa pero umayaw na ito at naglakad na pabalik sa kaibigan. Nakita niyang kinuha nito ang cellphone sa kaibigan at tiningnan nito ang kuhang picture. Napansin niyang nangunot ang noo nito at nagpalinga-linga pa na tila ba may hinahanap ang mga mata nito. At nang makita na nito ang hinahanap ay hindi niya maiwasan ang ngumisi dahil kitang-kita niya ang inis sa mukha nito nang makita siya. Pero hindi niya maitatago na nagagandahan siya rito kahit lagi pa itong nakasimangot sa kanya. Hindi niya alam kung paano niya ito babatiin, kaya bigla na lang siyang kumindat at ngumisi pa lalo. Gusto na niyang humahalakhak nang makitang naningkit ang mga mata nito at sobrang pula ng mukha na akala mo ay nag-blush-on. Pagkatapos ay bigla na lang itong tumalikod. Hinila nito ang kaibigan at mabilis na ang mga itong naglalakad palayo. "Shall we?" untag ni Sharon sa kaniya. Nakabalik na pla ito nang hindi niya namalayan dahil sa kalokohan na ginawa niya kay Jhanna. Tumayo na siya at naglakad na rin sila palabas ng restaurant. Sumakay na rin sila ng taxi at umuwi na rin. Pagdating niya sa bahay ay agad siyang kinausap ng kanyang Daddy. As usual, gano'n pa rin ang topic nito. Gusto na nitong doon na niya ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa ibang bansa. "Dad, isang taon na lang. Please, pagbigyan mo na ako," pakiusap niya rito. "Gusto ko dito ko tapusin ang high school day's ko, Dad. Promise, pagkatapos nito pupunta na ako ng abroad.." pangako niya pa rito. "O, sige, kung 'yan ang gusto mo pagbibigyan kita! But after that sundin mo lahat ng gusto ko!" final desisyon ng kanyang Daddy. "Yes, Dad! I promise," nakangiti niyang sagot. "Sige na lumabas ka na at marami pa akong gagawin," sabi nito sa kanya. "Okay, Dad." Lumabas na siya sa kuwarto nito at pumunta sa kanyang sariling silid para matulog na sana pero maya-maya lang ay may narinig siyang kumatok sa pintuan. "Pasok," sabi niya rito. Bumukas ang pinto at sumungaw ang kasambahay nilang si Manang Deding. "Sir Dale kakain na po," sabi nito. "Kumain na po ako sa labas Manang," sagot niya dto. "Ay, ganoon po ba? Sige, sir sasabihin ko na lang sa Daddy at Mommy mo," nakangiting sabi nito bago sinara ang pinto. Kinuha niya ang kanyang cellphone nang may makita siyang mayroong nag-message sa kaniya. Tiningnan niya kung kanino galing iyon at nakita niya mula iyon kay Sharon. Hiningi nito ang number niya kanina. Niyaya na naman siya nito na mag beach. Naisip niyang malaki ang pagkagusto nito sa kanya dahil hindi na siya tinatan-tanan nito. Pero wala siyang gusto rito ni katiting. Naalala niya ang nangyari kanina. Napangiti siya nang maalala ang mukha ni Jhanna at ang reaksyon nito sa kaniya. Naalala pa niya ang suot nito kanina sa mall. Nakasuot ito ng tshirt, naka skinny jeans at pinarisan ito ng flat sandals. Ang sexy nito sa simpleng suot lang. Malaki ang hinaharap at ang liit pa ng baywang nito. Coca-cola body kumbaga. Sa naisip ay lalo siyang napangiti dito at hindi niya namamalayan na lumalalim na ang gabi at hindi pa rin siya nakakatulog dahil sa kaiisip kay Jhanna. "Jhanna Ramos, iba ka! Hindi mo na ako pinapatulog," asar niyang sabi sa kanyang sarili. KINABUKASAN maagang pumasok si Jhanna dahil may tatapusin siyang isusulat sa kanyang notebook. Hindi niya kasabay si Joan nang araw na 'yon dahil magpapa late daw muna ito kaya nauna na lang siyang pumasok. Naglakad siya papasok ng gate nang may biglang tumabi sa kaniya at nang tiningnan niya ito, ay namukhaan niya ito. Isa sa mga kaklase niya, si Harry. Isa sa pinaka-gusto niyang kaklase dahil maalalahanin ito at maunawain rin. Hindi ito mayabang gaya ng iba at Class President din nila ito. "Morning, Jhanna," nakangiting bati nito sa kaniya. "Morning too, pres," ganting bati rin niya dito na nakangiti. Natawa ito sa kanyang sinabi. "Pres, talaga?" Ngiti nito. "Bakit, ayaw mo ba na tawagin kitang Pres?" Tumingin ito sa kanya. "Hindi naman sa gano'n nakakahiya sa ibang makakarinig," nahihiyang tugon pa nito. "Duh! Hayaan mo sila," balewalang sabi niya saka tumawa. "Siya nga pala ba't ang aga mo ngayon?" tanong nito sa kanya. "May nakalimutan kasi akong isulat sa notebook kahapon kaya dito ko na lang gagawin." "You need help?" alok pa nito sa kanya. "Hindi na, pres. Salamat na lang. Yakang-yaka ko to!" nakangiting sabi niya kay Harry at itinaas pa ang braso niya. Natawa ito sa kanyang ginawa. "Okay. But if you need anything, I'm always right there," itinuro nito kung saan ito nakaupo. "Okay, salamat.." ngiti niya rito. Aalis na sana ito nang may nakalimutang sasabihin. "Jhanna.." sabi nito na tila nahihiya. "Yes?" " Can I get your number?" medyo nag-aalangan na sabihin iyon sa kanya. "Bakit?" "Ahmm..please ?" napapakamot ito sa ulo. "Okay, akin na ang phone mo," sabi niya dito. Kinuha nito at inabot sa kanya. Agad niya itong kinuha at nag-dial doon. "Love me, like you do. La..la..love me like you do..ohh...What are you waiting for?" tunog ng ringtone ni Jhanna. "Ito na," nakangiting ibinalik niya ang cellphone nito. Namangha ito sa ringtone niya na narinig nito. "Is that your favorite song?" gulat pang tanong nito. "Ahmm..Oo," nakangiti niyang sagot. "That's nice huh!" manghang komento nito. "Thanks." ngiti niya rito. "Okay, thanks," sabi nito bago tumalikod. Kinuha na niya ang kanyang notebook at libro. Nakalimutan niyang mag-take notes kahapon dahil nagmamadali ang kanyang bestfriend na magyaya kahapon papuntang mall. May gusto kasi itong bilhing damit at baka daw makuha pa ng iba kaya hindi na siya nakapag sulat pa. "Ang tahimik naman nakakaantok. Baka tatamarin ako nito. Mag-patugtog kaya ako," kausap niya sa sarili. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nag-headset para hindi makaistorbo sa mga estudyanteng gaya niya ay nagsusulat din. Iyong iba naman ay natutulog pa habang wala pa ang kanilang subject teacher. Nagsidatingan na rin ang iba pa niyang mga kaklase kaya medyo maingay na rin. Tsismis dito, tsismis doon kaya nilakasan niya ang volume ng kanyang cellphone. "Love me, like you do. La...la...love me like you do.... ohhh. What are you waiting for?" sabay niya pa sa kanta na medyo napalakas 'ata dahil nag palakpakan ang mga kaklase niya kaya napalingon siya sa mga ito. "Woah! What a voice!" sabi ng isa niyang kaklase niya. "Sana all!" sabi naman ng iba. Iyong ibang babae naman ay napaismid at nagtaas lang ng kilay sa kanya. So, what? kumanta rin kayo kung gusto niyo. Insecure lang ang peg," ani sa kanyang isip at itinuloy ang kanyang ginagawa. NARINIG ni Dale ang pagkanta ni Jhanna kaya hindi niya maiwasan na mapanganga sa boses nito. Hindi lang pala mukha ang maganda dito dahil pati boses rin pala. "Jhanna Ramos, kakaiba ka talaga. Pinuyat mo na nga ako kagabi tapos ngayon mapapanganga mo pa ako sa boses mo. Tss..sa tingin ko, mukhang magkaka-interes na yata ako sayo. Damn," mahinang bulong niya habang nakatitig kay Jhanna. "Okay class, dissmis!" malakas na sabi ng kanilang teacher bago ito lumabas ng silid aralan. "Dale, bakit parang ang laki ng eyebags mo?" tanong ni Sharon sa kaniya na nasa tabi na pala niya. "Hindi ka ba nakatulog kagabi?" dagdag pa nito na may himig na pag-alala. "Yeah, hindi talaga ako nakatulog kasi may iniisip ako," sagot niya dito na ang tingin ay kay Jhanna pa rin. Marami pa itong sinasabi sa kanya pero hindi niya na iniintindi ito dahil busy ang kanyang isip kay Jhanna. Hanggang may isang babaeng tumawag dito at nagpaalam ito sa kanya na aalis na upang sumama sa kaibigan nito. Tumayo siya at naglakad papunta sa pintuan. Sumandal siya sa hamba nito habang nakatingin kay Jhanna. Nakita niya itong tumayo at naglakad papunta ito sa kanyang direksyon. Hinarang niya ang kanyang paa sa pinto at nagulat ito sa kanyang ginawa. "Stop!" Pigil niya rito. "At bakit?!" sagot nito na lumaki ang mata. "Password," sabi niya na nakatitig sa mukha nito. "Password?" ulit nito sa kanyang sinabi. "Yes." "Anong klaseng password ba 'yan?" Nag-isip siya kunwari. "Ahmmm.. your number." "Anong number?" tanong nito at medyo naiinis na. "Cellphone number mo!" mabilis niyang sagot rito at ngumiti ng tipid. "E, paano kung ayoko?" nakataas ang kilay nito. "Simple lang. No number, no out!" ngisi niya rito. Nanlaki ang mga mata nito. Gusto na niyang tumawa sa kalokohan niya pero pinipigilan niya lang. Nakipagmatigasan ito sa kanya. Seryoso rin ang kanyang mukha. "Akin na," maya-maya ay sabi nito at nakalahad ang kamay. "Ang?" "Cellphone mo." inis nitong sagot. "Ah, wait." Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa at binigay dito. Nag-type ito doon at ibinalik agad sa kaniya. "Tabi!" singhal nito pagkatapos ibalik ang kaniyang cellphone. Natahimik siya at napatingin rito. "Sungit," mahinang bulong niya at sinundan na lang ito ng tingin. Tiningnan niya ang cellphone at nakita niya ang tinype na number doon. Agad niya itong sinave at pinangalanan. Sungit ang nilagay niya doon dahil lagi itong nakasimangot sa kanya. NAGLAKAD si Jhanna papunta sa canteen para puntahan ang kanyang bestfriend na si Joan. Nauna na kasi ito doon dahil mas naunang natapos ang klase nito. Habang papunta doon ay naisip niya ang kanyang ginawa kay Dale. "Huh! Akala niya siguro maisahan niya ako. Buti nga sa kanya! Mag-text siya doon sa number na binigay ko na hindi ko alam kung kanino. Ba't ko ibibigay ang number ko sa kanya? Ano siya sinuswerte?" Kausap niya sa kanyang sarili habang hindi mapigilan ang tumawa nang bahagya. "May paharang-harang ka pa ng paa ha! Lintik lang ang walang ganti!" Nang nasa canteen na siya ay nakita niya si Joan na nakaupo sa bandang sulok at nakita rin siya nito at agad siyang kinawayan. "Bes, ang tagal mo," sabi nito pagkarating niya. "Bwesit kasi ang isang classmate ko," sumbong niya dito. "Bakit, anong ginawa sa'yo? Tara resbakan natin," biro nito sa kaniya at ngumiti. "Wala!" natatawang sagot niya rito. "Wala? Sabi mo bwesit siya?" tanong pa nito. "Yaan mo na nakaganti na rin naman ako sa kanya." Ngiti niya rito. "Bakit ano ba ang nangyari?" bigla ay tanong nito sa kaniya. Kinuwento niya ang nangyari dito. Pati ang pagbibigay ng ibang phone number niya kay Dale. Natawa ito sa kanyang ginawa. "Grabe ka, bes, hiningi lang naman pala ang number mo ba't ayaw mo pang ibigay?" tatawa-tawang sabi pa nito. "Pabayaan mo siya naiinis kasi ako sa kaniya. Namumuro na eh." inis niyang sabi. "Siguro guwapo iyan no? Tsaka crush mo?" tanong nito na may kasamang tudyo. Namula ang mukha niya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. Tumawa naman ito sa kanyang reaksyon at mukhang alam na nito ang sagot sa sariling tanong. "That's it! Alam ko na ang sagot. Ikaw, bes, ha?! May hindi ka sinasabi sa akin," nagtatampong sabi nito sa kaniya. "Sorry, bes, hindi ko sinabi sayo kasi wala naman ibig sabihin 'yon. Tsaka wala akong gusto sa kanya, no?" sagot niya rito. "Talaga ba? Bakit parang nagbublush ka?" panunukso pa nito sa kanya at may ngumiti ng nakakaloko. "Hindi ah!" mariin niyang tanggi. "Weh? 'di nga?" asar pa nito sa kaniya na tinitingnan pa ang kanyang mga mata. Mabilis niyang iniwas ang tingin dito. Bigla na lang itong tumawa ng malakas sa ginawa niyang pag-iwas. Tiningnan niya ito at nakatingin naman ito sa kanya na parang nanunukso kaya sinusungitan niya na lang ito para tumigil na sa pang-aasar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD