CHAPTER 5- Kick and Bite

2999 Words
Araw ng sabado kaya walang pasok. Maghapong nasa loob lang ng kanyang kwarto si Dale at naglalaro lang siya sa kanyang computer. "s**t!" biglang sigaw niya nang matalo siya sa huling round ng kanyang nilalaro. Padabog siyang sumandal sa kanyang upuan saka huminga ng marahas. Maya-maya ay narinig niyang tumunog ang kanyang cellphone kaya lumingon siya para hanapin ito. Nakita niyang nasa ibabaw ito ng kanyang kama kaya agad siyang tumayo at naglakad papunta sa direksyon ng kanyang kama para kunin nito. Kaagad niya itong binuksan at tiningnan kung sino ang nag-text sa kanya. Kumunot ang kanyang noo nang makitang si Sharon na naman ang nag-text sa kanya. Salubong ang kilay niya habang binabasa ang message nito. Napapikit siya na lang siya nang mabasa niyang niyaya siya nitong sumamang mag-beach kasama ang mga kaibigan nito. Hindi niya muna sinagot ang text nito dahil pag-iisipan niya pa muna kung sasama ba siya sa mga ito. Pero wala siya sa mood para sumama sa mga ito at lalong wala rin siyang maapuhap na magandang dahilan kung sakaling tatangi man siya sa paanyaya ni Sharon. Ano ba ang idadahilan niya rito? Saka hindi naman niya kilala ang mga kaibigan nito kaya alam na niyang ma-out of place lang siya roon. ILalapag niya na sana ang kanyang cellphone nang may maalala. Kaya muli niya itong binuksan at nag-type doon para hanapin ang number ni Jhanna. "Sungit," usal niya ng mahina sa number na ipinangalan niya kay Jhanna at hindi niya maiwasan ang mapangiti nang maalala kung gaano niya ito kadaling nakuha. Matagal niya muna itong tinitigan bago naisipang i-text ito para kumustahin. Dale: Hi. Dale: It's me, Dale. Dale: How are you? Hinintay niya itong magreply sa kanyang mga message ngunit sampung minuto na ang lumipas ay wala pa ring reply mula dito kaya naisipan niyang maligo na muna. Nilapag niya muna ang kanyang cellphone at naglakad papuntang banyo. Nang matapos sa pagligo ay bigla niyang naalala na wala pala siyang dalang tuwalya pagpasok niya sa banyo. "F**k! Wala pala akong dalang tuwalya," asar niyang sambit. Lalabas na sana siya nang makita niya ang kapatid niyang si Devon. Nasa ibabaw ito ng kama at hawak nito ang kanyang cellphone. Lumaki ang kanyang mga mata nang may tinitingnan ito roon. "Don't you know how to knock on the door first, Devon? And, why are you holding my phone?" hindi niya maiwasan ang mainis rito. "Kanina pa ako kumakatok pero walang sumasagot," sagot naman nito sa kanya at sa phone niya pa rin nakatingin. "Paabot naman ako ng tuwalya," utos niya rito. Agad naman itong sumunod sa utos niya. Kumuha ito ng malinis na tuwalya at inabot sa kaniya nang bigla na lang itong tumingin sa kanya at ngumisi. Nagtaka siya rito kung bakit ganoon na lang ang reaksyon nito sa kanya. "What?!" asik niya rito. "Who is, Sungit?" tanong nito sa kaniya na ikinakunot-noo naman niya. "Why?" Nakita niyang ngumisi na naman ito sa kanya kaya napaisip tuloy siya kung bakit nito naitanong iyon. "Hindi kasi siya nagreply sa mga text mo," biglang sagot nito. "Kaya tinawagan ko siya," nag-alangan pa ito kung dugtungan pa ang sasabihin nito sa kaniya. Nainis siya sa pabitin nito kaya suplado na naman niya itong tinanong. "What, sasabihin mo ba o hindi?!" tanong niya dito na nag-iinit na ang kanyang ulo. "Ano kasi, Kuya.. Invalid iyong number niya!" maya-maya ay sinabi rin nito. Lalo lamang kumunot ang noo niya at naguguluhan siya sa sinasabi ni Devon. "What do you mean invalid?" tanong niya habang kumuha ng damit at pumasok uli sa banyo para magbihis. "Tawagan mo para malaman mo ang sinasabi ko," sabi nito bago lumabas sa kanyang kwarto. Nagtaka siya kung bakit nasabi ng kapatid niya iyon kaya naisip niyang sundin ito. Kinuha niya ang kanyang cellphone at dinial ang number ni Jhanna. Nagulat siya dahil tama nga ang sinabi ng kanyang kapatid. Invalid nga ang number na binigay ni Jhanna sa kanya. Napasimangot siya dahil naisahan siya nito. Hindi number nito ang ibinigay sa kanya kundi ibang number. "Jhanna Ramos, kakaiba ka talaga," ngiting usal niya. "But you will pay for this! At sisiguraduhin kong hinding-hindi mo na ako maiisahan!" gigil niyang saad at may namumuong plano sa kanyang isipan. HABANG hinihintay ni Jhanna ang kanilang Mapeh teacher ng hapong iyon, ay naglalaro muna siya sa kanyang cellphone. Seryoso siya sa paglalaro nang magulat siya na may biglang tumabi sa kanya. Kaya inangat niya ang kanyang ulo upang tingnan kung sino ito. Naninigas siya kanyang inuupuan nang makitang si Dale pala ang tumabi sa kanya. Matiim siyang tinitigan nito at mukhang galit ito sa kaniya na hindi niya alam kung bakit. "Bakit?" nakataas ang kilay niyang tanong rito. Pero hindi ito sumagot sa kanya at seryoso lang itong nakatingin sa kanyang mukha. Bigla siyang naasiwa sa paraan ng tingin nito sa kanya kaya naisip niyang mag-tanong kung may dumi ba siya sa mukha? Wagas kasi kung makatingin ito sa kaniya. Kaya hindi na siya nakatiis ibinaba niya ang kanyang cellphone saka hinarap ito. "Bakit, may problema ka ba sa 'kin?" mataray niyang tanong rito at bahagya pang nakaas ang kilay niya. Nagulat ito sa kanya pero agad din nakabawi. Lumapit ito sa kaniya at bahagyang bumaba ang ulo nito para pumantay ang mukha nito sa mukha niya at halos maduling na siya sa sobrang lapit nito sa kanya. "Ano ba ang ginagawa mo?" medyo kinakabahan na tanong niya. Alam niyang nangangamatis na ang mukha niya at lumakas na rin ang kaba sa kanyang dibdib. Ngunit mas lalo pang pinalala nito nang marinig niya ang mga sunod na sinabi nito sa kanya. "Ang ganda mo pala sa malapitan," anito sa kanya. "Your eye's, nose...." Pulang-pula na ang mukha niya sa mga sandaling iyon. Lalo pa't bumaba pa ang tingin nito sa mga labi niya. Pakiramdam niya ay parang aatakihin na siya sa puso sa sobrang bilis ng t***k nito. Nanlalamig na rin ang mga kamay niya. "And those lips of yours parang ang sarap halikan," dagdag pa nito na hindi inaalis ang tingin sa kanyang labi. Napasinghap pa siya at parang gusto na niyang lumubog sa inuupuan niya kaya mabilis niya itong tinulak at marahas siyang tumayo. Kaya agad rin itong natauhan sa kanyang ginawa at mabilis ring tumayo. "Bakit ibang number ang binigay mo sa akin?" salubong ang kilay nitong. Nginisihan niya ito. Kaya pala binawian siya nito ngayon, dahil sa maling number na ibinigay niya dito. "Buti nga sa'yo!" sigaw niya rito at tinalikuran na ito. Lalabas na sana siya nang bigla na lang nitong kinuha ang kanyang cellphone at mabilis na itinaas nito ang kamay nang tangkain niyang kunin mula rito. "Akin na 'yan!" sigaw niya rito. "Kunin mo kung kaya mong abutin sa kamay ko," pang-aalaska pa nito sa kanya at lalong itinaas pa nito ang kanyang cellphone niya. Napatingin sa kanila ang iba pa nilang mga kaklase. Naasar na siya dahil ayaw pa rin ibigay nito iyon. At sa tingin niya tuwang-tuwa pa itong asarin siya. "Akina sabi 'yan," nanggigil niyang sabi niya rito na pilit pa rin niyang kinukuha ang kanyang cellphone na parang wala na itong balak ibigay sa kanya. "Bakit naman kasi napakatangkad nito.." himutok niya pang bulong sa sarili. "Ibibigay mo ba o hindi?!" tanong niya muli rito at dahil nakaisip na siya ng paraan kung paano niya ito makuha. "Nope.." tugon nito na inaasar pa siya lalo. "Ayaw mo talaga ibigay sa akin huh!" galit niyang sabi at walang sabing sinipa niya ito nang sobrang lakas sa paa kaya natigil at napaluhod ito sa sakit. Hawak-hawak ang paang sinipa niya ay kitang-kita niya na namimilipit ito sa sakit. Kaya mabilis niyang kinuha rito ang kanyang cellphone. Pero mahigpit pa rin nitong hinawakan at wala talaga itong balak bitawan. Pero mas nangingibabaw ang kagustuhan niyang makuha rito ang kanyang cellphone kaya bago pa ito makatayo ay kinagat niya ang kamay nito kaya bigla itong napasigaw sa sobrang sakit, dahilan para mabitawan nito ang kanyang cellphone. "s**t!" Agad niyang kinuha rito ang kanyang cellphone at akmang aalis na sana siya nang biglang hinawakan nito ang kanyang baywang. Nanlaki at nanigas siya nang maramdaman niya ang kamay ni Dale sa kanyang baywang. "Where do you think you're going huh?!" matigas nitong sabi sa kanya. "Is there any problem?!" Halos dumadagundong ang boses ng nagsasalita. Lahat ay napatigil at natahimik. Gulat at sabay na napatingin silang dalawa sa may pintuan. Nakita nilang nakatayo doon ang kanilang MAPEH teacher na si Mr. De Guzman at mataman itong nakatingin sa kanilang dalawa lalo na sa kamay ni Dale na nakahawak pa sa baywang ni Jhanna. Parehong nanlaki ang mga mata nila nang makitang ang kanilang Mapeh teacher ang nagsalita. "De Jesus! Ramos! May problema ba?!" ulit nito sa malakas na boses. Agad na pinalis ni Jhanna ang kamay ni Dale sa baywang niya at parang wala pa yata itong balak na bumitiw sa pagkakahawak nito doon. "No, sir!" halos magkasabay nilang sagot sa teacher nila at tumuwid nang tayo. "Go back to your seats now!" sigaw nito sa kanila at sa mga iba pa nilang kaklase na katulad nila ay wala sa sariling upuan. Sa takot, mabilis na nagsibalikan sa kani-kanilang upuan ang mga iba pa nilang kaklase. Ayaw kasi ng kanilang teacher na kung saan-saan nakaupo dahil gusto nito na kung saan sila nakaupo ay doon lang din dapat sila umupo. "Get your book and open it now!" galit nitong utos sa kanila. Agad na tumalima si Jhanna sa sinabi ng kanilang teacher. Ngunit hindi pa rin nawawala sa isip niya ang nangyari kanina sa kanila ni Dale dahil ramdam niya pa rin ang mainit na mga kamay nito sa maliit niyang baywang. "Ang kapal niyang hawakan ang baywang ko," inis niyang bulong sa kanyang sarili. " Ni wala pang nakahawak nito kahit na sino. Pero siya? ganun-ganun na lang kadaling hawakan niya! Haist..bwisit talaga ang lalaking yun!" nagpupuyos siya sa galit at nanggigil tuwing maiisip niya iyon. Hindi niya kayang tanggapin na may nakahawak na lalaki sa katawan niya. Lumingon siya ng bahagya upang tingnan ito na pinagsisihan naman niya dahil seryoso din pala itong nakatingin sa kanya at hindi niya alam kung ano na naman ang iniisip nito. Nakaramdam siya ng takot dito at baka bigla siyang gantihan nito sa pagsipa at pagkagat niya sa kamay nito kanina. NAMIMILIPIT pa rin si Dale sa sakit ng kanyang kamay at paa. Hindi niya akalain na ganoon pala kalakas ang babae kung sumipa. Hindi niya inaasahan na parang isang lalaki ito kung kumilos. Hindi man lang nagdalawang-isip na sipain at kagatin siya. Pakiramdam niya tuloy lalo siyang na cha-challenge rito. Tiningnan niya ito sa likod nang bigla naman itong lumingon sa kanya at nanlilisik ang mata nitong nakatingin sa kanya. Hindi niya tuloy alam kung magagalit ba siya o matatawa na lang rito. Kaya tinitigan niya rin ito nang mabuti at maya-maya ay wala sa sariling ngisihan ito. At dahil doon bigla na lang siya nitong pinaningkitan ng mata bago tumalikod saka umayos na ito ng upo. Lalo lamang siyang napangisi sa inakto nito. Naalala niya tuloy nang hawakan niya baywang nito. Hindi niya akalain na napaka-liit pala ng baywang at napaka-sexy pala nito. Parang halos ayaw na niyang bumitiw roon at kung hindi lang dumating ang kanilang teacher kanina ay baka hindi lang hawak ang nagawa niya kanina sa babae. Tiningnan niya kung anong oras na sa kanyang cellphone at nakita niyang mag-alas kwatro na pala ng hapon. Naisip niyang malapit na palang mag-uwian. Tumingin ulit siya kay Jhanna nakita niya itong nagtatali ng buhok. Halos mapako ang tingin niya sa leeg nito. "Wow. . ." wala sa sariling sambit niya nang makitang napaka-kinis ng leeg nito. Biglang tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang klase nila sa hapong iyon at uwian na. Kaya inihanda ni Dale ang kanyang sarili para sa gagawin niya kay Jhanna. Nakita niya itong inaayos na ang gamit at lumabas na rin ang kanilang teacher pati ang iba pa nilang mga kaklase. Hinihintay niya muna itong tumayo bago siya tumayo sa kanyang upuan. Nang mapansin niyang tumayo at paalis na ito agad niya itong sinundan at nilapitan. Mabilis niyang hinablot ang cellphone nito na nasa isang kamay nito. Bahagya pa itong nagulat sa kanyang ginawa kaya hindi agad ito nakapag-react. At iyon naman ang sinamantala niya upang mabuksan ang cellphone nito. Mabilis niyang tinype ang kanyang number sa cellphone nito at agad na denial. Nang mag-ring ang cellphone niya agad niya itong ibinalik kay Jhanna. Pagkatapos ay halos takbuhin na niya ang pintuan para lang makalayo rito dahil pag-hindi pa siya umalis ay baka hindi lang sipa at kagat ang abutin niya rito. "Yes!" Malakas niyang hiyaw ng makalabas na siya sa silid. Tuwang-tuwa siya nang magtagumpay siyang makuha ang totoong number nito. Kanina niya pa ito pinaplano pero hindi siya sigurado kung magtatagumpay siya, but he made it. Naisahan niya ito ng walang kahirap-hirap. Malalaking hakbang ang ginawa niya para hindi siya mahabol ni Jhanna. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone na nasa bulsa niya para tignan ang call history. Nakita niya doon ang number na walang pangalan at hindi niya maiwasan ang ngumiti ng number na nga ni Jhanna iyon. Agad niya itong sinave sa kanyang phonebook at pinangalanan niya itong 'Miss sungit' napangiti siya ng maalalang halos hindi ito makagalaw sa bilis ng kilos niya. Now, we're even! ani sa kanyang isip. Nakita niya itong kalalabas pa lang ng silid nila. Binuksan niya ang kanyang cellphone at hinanap ang number nito saka nag-type doon. Aasarin niya ito para makita niya kung paano ito magalit. Dale : Thank you! --message niya kay Jhanna. Nakita niya ang pagsimangot nito habang palinga-linga. Alam niyang siya ang hinahanap nito dahil nakita niyang binasa na nito ang pinadala niyang message. Kaya agad niya itong kinawayan para ipaalam kung nasaan siya. Kaagad naman siyang nakita nito. Nangunot ang noo nitong nakatingin sa kaniya kaya pasimple niya itong kinindatan at nginisihan bago umalis ng school. NABIGLA si Jhanna sa ginawa ni Dale sa kanya nang mabilis nitong kinuha ang cellphone niyang nasa kamay niya at dinial ang number nito sa cellphone niya. Nang mag-ring ang cellphone nito ay mabilis rin nitong binalik sa kanya saka mabilis na lumabas ng kanilang silid. Maya-maya naman ay tumunog ang message tone niya. Agad niya itong kinuha at tiningnan kung sino ang nag-message sa kanya. Gulat pa siya dahil hindi naka register ang number sa phone book niya. Binuksan niya ang message at lalo siyang nagulat ng mabasa niya ito at kung sino ang nag-message sa kanya. Walang iba kundi si Dale, ang kinabubuwesitan niyang kaklase. Dale : Thank you!- sabi pa nito sa message. Hindi niya alam kung magrereply ba siya o hindi kaya agad niya itong hinabap dahil sa tingin niya ay nasa paligid lang ito. Hindi nga siya nagkamali dahil nakita niya itong nakatayo sa may hindi kalayuan at kumakaway pa ito sa kaniya na animo close na close sila. Kaya agad niya sinimangutan para ipakita rito na hindi siya natutuwa sa ginawa nito sa kaniya. Sa gulat niya bigla na lang itong kumindat sa kanya saka ngumisi bago umalis sa kinatatayuan nito at naglakad palayo. Kaya lalo tuloy siyang nainis rito dahil hindi man lang niya ito nagantihan. Habang naghihintay kay Joan sa labas ay pinag-iisipan niyang palitan na lang kaya niya ang kanyang simcard para hindi na niya mabasa ang mga message nito. At nasa ganoong sitwasyon siya naabutan ni Joan. "Hoy, bes! Okay, ka lang ba?" tanong pa nito sa kanya. Parang nagulat pa siya sa kanyang kaibigan. Medyo natulala kasi siya sa pag-iisip kung anong gagawin niya para hindi na siya mai-text ni Dale. "Oh, bes kanina ka pa ba diyan?" balik tanong niya rito. "Medyo," sagot nito sa kaniya. "Parang ang lalim ng inisip mo, ah? May problema ba? Nakatulala ka kasi," dugtong pa nito sa tanong. "Ahmm..wala, bes," sagot niya at pilit na ngumiti rito. "Sabihin mo na dahil alam kong meron. Kilala na kita, bes, kapag may problema ka," sabi nito at hinuhuli siya. "A-ano kasi..." nag-aalangan siya kung sasabihin pa ba niya sa Bes niya. "Ano?" naiinip nitong tanong sa kanya. Bumuntong-hininga muna siya bago sinabi rito ang lahat ng nangyari sa kanila ni Dale at pati na rin ang ginawa nito sa kanya kani-kanina lang. "Talaga? Bakit hindi mo sinabi sa akin agad," sabi nitong may himig na pagtatampo. "Akala ko kasi wala lang iyon at saka hindi ko naman akalain na gagawin niya sa akin 'yon," nakanguso niyang sagot. "O, anong plano mo?" "Palitan ko kaya sim ko?" bigla niyang sabi rito ang kanina pang nasa isip niya. "Ha? Huwag na! Sayang naman kung magpapalit ka pa, e, nandiyan lahat ang mga importanteng contacts mo," sabi uli nito. "Hayaan mo na 'yon. Number lang naman nakuha sayo at hindi naman ang a-ano mo," makahulugang sabi nito sa kanya na tumingin pa sa baywang niya. Agad niya itong pinandilatan ng kanyang mga mata. At ang bruha niyang bes ay tumawa lang ito sa reaksyon niya. Agad niyang iniba ang usapan saka niyaya na ito para umuwi at baka kung saan pa mapunta ang kanilang usapan. Maya-maya ay tumunog na naman ang message tone niya. Kinuha niya ang kanyang cellphone at agad na tiningnan kung sino ang nagpadala ng message sa kaniya. Nanlaki ang kanyang mata nang makita kung sino ang nag-message sa kanya at kung ano na naman ang message nito sa kaniya. Dale : Take care and keep safe 'Miss Sungit. Agad niya itong pinatay at ibinalik sa kanyang bulsa. Nanlalamig at kinakabahan siya na hindi niya maipaliwanag kung bakit. Kasabay nito ang bilis ng t***k ng puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD