CHAPTER 6- Sweet Slap

3415 Words
Habang nakaupo si Dale sa may sala ng kanilang bahay, ay muli na naman siyang napangiti nang maalala ang ginawa niya kay Jhanna kanina. Para siyang t**ga na bigla-bigla na lang tumatawang mag-isa. Baliw na nga siguro siya dahil tuwang-tuwa pa siya kapag nakikita niya itong galit na galit na sa kanya. Muli niyang tinitingnan ang kanyang phone kung may reply na ito pero wala siyang nakita. Kaya agad siyang nagtipa para i-text itong muli. Dahil gusto niyang ipakita rito na hindi siya basta-basta naiisahan. Mabilis siyang nagtipa sa kanyang cellphone pero maya-maya ay binura rin niya ito. Bigla siyang nagdalawang-isip kung i-text ba niya ito o hindi. "Itetext ko ba o hindi? ano naman sasabihin ko?" ani sa sarili at tila naguguluhan na rin. Pero kalaunan ay nagdesisyon rin siyang i-text ito dahil gusto niyang asarin pa ito lalo. Hindi rin niya maintindihan ang sarili pero natutuwa talaga siya tuwing maalala ang itsura nito kanina. Namumula ang pisngi nito na hindi niya alam kung nahihiya ba o nagagalit na ito sa kanya. "Take care and keep safe, Miss Sungit." muling binasa niya ang text bago pinindot ang send button saka ngumisi pagkatapos. Iniisip niya kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nabasa na naman nito ang text niya at kung magrereply na ba ito sa text niyang iyon. Ibinaba niya muna ang kanyang cellphone sa lamesita para kumuha ng maiinom. Para kasing nanunuyo bigla ang lalamunan niya sa kahihintay ng reply ni Jhanna. Hindi naman siya halatang excited sa reply nito kahit pa murahin siya basta lang ay mag-reply ito sa kaniya ay masaya na siya. Pagbalik niya sa sala nakita niya ang kapatid niyang si Devon na hawak na naman nito ang cellphone niya at parang may tinitingnan na naman ito doon. Kaya agad niya itong nilapitan. "What are you doing?" tanong niya rito at may bahid na pagkairita. Nagulat naman ito sa kanya kaya hindi sinasadyang maibagsak nito ang kanyang cellphone na ikinagalit niya. "Oh, sh*t, Devon! Sisirain mo ba ang cellphone ko?!" hindi niya mapigilan ang mag-taas ng boses sa kapatid. Napangiwi ito sa sinabi niya habang mabilis nitong pinulot ang cellphone niya at mabilis na inabot sa kanya. "Sorry, Kuya, hindi ko sinasadya..." hingi nitong paumanhin sa kanya. "Bakit, hawak mo ang cellphone ko?" tanong niya rito habang kinuha ang cellphone mula sa kamay nito. "Nakaupo lang ako dito nang tumunog ang cellphone mo. Akala ko importante kaya sinagot ko ang tawag," sagot nito. Tiningnan niya ito ng pailalim. "And who is it?" tanong niya at hindi mapigilan ang mapa-kunot ng noo. "A girl," sagot nito na nakatingin rin sa kanya. Wala siyang ideya kung ano ang nasa isip nito. Umaayos muna ito ng upo bago sumagot sa kanya. Tumaas ang isang kilay niya na tila hinihintay pa ang susunod na sasabihin nito. "Sharon." Pigil ang hininga niya nang hindi agad sinagot ang tanong niya. Nang sinabi naman nito kung sino ang tumawag nakahinga na siya ng maluwag. Ayaw niyang asarin siya nito dahil malakas rin ito mang-asar sa kanya. Masyado rin itong pakialamera pero pagdating naman sa kanya ay pikon rin naman ito. Aalis na sana siya nang muli itong magsalita kaya muli siyang humarap dito. "And there's another one..." muling sabi nito at nakangisi na ito ng bahagya. Kaya hindi niya mapigilan na kabahan. "What?" tanong niya at kunway naiinis na. "Bwesit!" sabi nito at pigil ang pagtawa. "What?! Minumur--" "Sabi niya bwesit!" malakas na bigkas nito at pigil ang tawa sa labi. "Who?" tanong niya ulit at nag-isang linya na ang kanyang mga kilay. "Miss Sungit, replied to your text!" sagot nito. "She said, you're bwesit daw!" dugtong nito saka tumawa nang malakas bago umakyat sa hagdanan papunta sa kwarto nito. Naiwang nakatulala siya sa may sala dahil sa sinabi ng kapatid niya. Kaya agad niyang binuksan ang kanyang cellphone at tiningnan ang message sa kanya ni Jhanna. Miss Sungit : Bwesit! Naisip niyang tama nga ang sinabi ng kapatid niya. At wala sa sariling nakangiti na naman siya sa message na iyon ni Jhanna. Alam niyang galit na naman ito sa kanya. Natutuwa talaga siya tuwing nakikita niya ang reaksyon nito lalo na kapag namumula ang mukha, lumalaki ang butas ng ilong, at nangungunot ang noo. "Damn! Ano ba ang nasa isip ko? bakit ko ba siya iniisip," bigla niyang tanong sa kaniyang sarili. Hindi niya alam pero naguguluhan na rin siya sa kanyang inaasal nitong nagdaang araw. "Hindi kaya may gusto na ako sa kanya?" sa isip-isip niya. "No!" mabilis niyang kontra. Pero 'yon na ang nararamdaman niya ngayon. "Noooo!!!" biglang sigaw niya na nagpapataranta sa kapatid niyang si Devon at ng mga kasambahay nila. "Sir, Dale! Okey ka lang po ba? May problema po ba kayo?" tanong ng isang kasambahay nila na hingal na hingal pa sa pagtakbo. "Kuya! Why?" tanong ni Devon na napalabas rin sa kwarto nito. Gulat na napatingin siya sa kanyang kapatid at mga kasambahay na patakbong humahangos papunta sa kanya. Halos magkasabay pang tanong ng mga ito sa kanya kung okey lang ba daw siya. Bigla naman siyang napatingin at bahagyang napakamot sa ulo na nakatingin sa mga ito "Nah, I'm just singing," palusot niya at kumakanta para isipin ng mga ito na nagpapractice lang siya sa pagkanta. "No. No. Nonono…? Yeah..! Break it down yo!" kanta niya habang sinasabayan ng paggalaw ng kanyang kamay na animo rapper. Hindi niya alam kung matatawa ba siya sa kanyang pagkanta na wala sa tono o sa mga hitsura ng mga nasa harap niya na lumaki ang mata at hingal na hingal pa rin. "Baliw!" narinig niyang sabi ni Devon bago bumalik muli sa kwarto nito. "Ah, ganoon po ba, sir? Sige po maiwan na namin kayo para makapag practice pa kayo ng mabuti, " sabi naman ng mga kasambahay nila bago umalis sa kanyang harapan. "Ano daw?" tanong niya sa sarili ng tumalikod na ang mga ito. Napataas tuloy ang kilay niya sa sinabi ng mga ito kaya mabilis siyang umakyat sa kanyang kwarto para doon pag-isipan kung ano ang irereply niya kay Jhanna at baka mapasigaw na naman siya bigla. At baka isipin na ng mga kasamahan niya sa bahay na nababaliw na siya. "Hindi nga ba?" kastigo niya sa kanyang sarili. "Bakit, natutuwa ka at excited kapag nagagalit siya?" patuloy nito. Umakyat siya sa kanyang kama at tumalon nang paulit-ulit sabay sipa dahil hindi niya kayang aminin na nagkakagusto na siya sa babaeng lagi niyang inaasar at minsang nahawakan ang maliit nitong baywang. "No! I don't like her! No! I don't like her! No! I don't like her!" paulit-ulit niyang bigkas habang sige pa rin sa pagtalon. Napatigil lang siya nang may kumatok sa kaniyang pinto kaya agad siyang bumaba sa kama at kunwaring naglalaro ng computer game bago sumagot. "Pasok." Bumukas ang pinto at pumasok doon ang kanyang kapatid na si Devon. Dalawang taon lang ang agwat niya sa kapatid kaya minsan lang siya nitong tawaging Kuya kapag gusto lang din nito. Spoiled brat ito at masyado rin itong pakialamera sa mga gamit niya. Pero kahit gano'n mahal na mahal niya ito at kahit minsan hindi sila magkasundo ay hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob rito. Dadalawa na nga lang sila mag-aaway pa ba? Ang totoo ay sinasadya niya iyon para ilayo ito sa mga lalaking hindi katiwa-tiwala. Lalong-lalo na sa bestfriend niyang si Jay na bigla-bigla na lang bumisita sa kanya. "Kuya, can I ask a favor?" sabi nito sa kanya. Kinakabahan siya sa hinihinging favor nito sa kanya. Parang ayaw niyang sagutin ito kung ano dahil iba ang kutob niya. Lalo pa at seryoso itong tumingin ng diretso sa kanyang mga mata. Bigla tuloy siyang naasiwa dahil hindi siya sanay na seryoso ito. Iniisip niyang baka may problema ito kaya ganito ang pakiramdam niya. Ano naman kaya 'yon kung sakali? Pera? E, pareho lang naman sila ng allowance na binibigay ng magulang nila. Naisip niyang tanungin na lang ito at baka may problema na pa lang pinagdadaanan at wala man lang silang kaalam-alam. Kawawa naman kapag nagkataon. Siya pa naman ang nag-iisang Kuya nito, na dapat ay laging dumamay dito sa lahat ng problema. Kaya kahit ngayon, gusto niyang iparamdam na maasahan siyang Kuya at hindi isang pabaya na kapatid. "What is it?" tanong niya sa kapatid. Nag-isip ito kung itutuloy pa ba ang sasabihin o hindi na. "What?" muling niyang tanong. Huminga muna ito nang malalim bago nagsalita. "Pwede mo ba akong samahan sa lugar na ito?" sabi nito sabay abot sa maliit na pirasong papel. "Ano'ng gagawin mo sa lugar na ito at sino ang pupuntahan mo doon?" tanong niya kay Devon at bahagyang nababawasan ang kaba sa dibdib, dahil OA lang pala siya sa pag-iisip. "Iyong kaklase ko at may kukunin lang ako sa kanya," sagot nito. "Ano'ng kukunin mo?" mahinahon niyang tanong. "Iyong libro ko kasi ay naiwan ko kanina sa school. Tapos nakita niya ito kaya inuwi niya muna sa bahay nila at baka raw mawala pa." "Hindi ba pwedeng bukas mo na lang kunin sa kanya sa school?" tamad niyang tanong dahil wala siya sa mood na samahan ito. "No, Kuya! Dahil may kailangan akong tapusin sa librong iyon. Kaya please.." pamimilit pa nito kaya wala na siyang nagawa kundi ang pumayag na rin. "Okay," napilitang tugon niya. Dahil alam naman niyang hindi siya titigilan nito kapag patuloy pa siya sa pagtanggi. Kaya pumayag na lang siya na samahan ito para matapos na ang lahat. Sumakay sila sa kanilang kotse kasama ang kanilang driver papunta sa address na ibinigay ng kapatid niya. Nang makarating sila sa lugar ay agad na bumaba at nagpalingon-lingon ang kapatid niya para maghanap ng taong mapag-tatanungan kung saan ang bahay ng kaklase nito. Nang may makita itong babae na kakalabas lang ng bahay ay agad itong nilapitan ng kapatid niya at lumapit na rin siya sa mga ito. "Hi, miss! Pwedeng magtanong?" agaw pansin ng kapatid niya sa babaeng nakatalikod sa kanila. "Ano po iyon?" sagot nito na hindi man lang sila hinarap. Hindi ito lumingon at patuloy lang sa ginagawa. "Miss, alam mo ba kung saan banda ito?" tanong uli ng kapatid niya sa babae na hindi pa rin sila nito nilingon. Agad nag-init ang kanyang ulo kaya hindi na siya nakatiis dahil parang bastos itong kausap at ni hindi man ito lumingon kahit saglit lang. "Miss! Pwede bang lumingon ka muna? Kahit sandali lang?" asar niyang tanong rito. Tumigil ito sa ginagawa at agad silang hinarap. "Ano ba kasi 'yo---" Hindi na naituloy ng babae ang sasabihin nito dahil gulat na gulat ito sa kanila. Lalo na sa kanya. Lumaki ang mata nito nang makita at makilala siya at sabay pa silang nagsalita at hindi makapaniwala. "Ikaw?!" sabay pa nilang bulalas. Halos hindi makapaniwala si Jhanna na ang kinaiinisan niyang kaklase ang malinginan niya. Ano ang ginagawa nito dito sa lugar nila? Parang natuklaw rin ito ng ahas dahil nagulat rin ito sa kanya. "Kilala mo siya, Kuya?" tanong ng kasamang babae nito na sa tingin niya ay kapatid nito iyon, dahil na rin sa tawag nito. "Yeah, classmate ko," sagot ng kinabwibwisitan niyang kaklase na walang iba kundi si Dale De Jesus. Napansin niyang mataman siya nitong pinagmamasdan mula ulo hanggang paa. At sa tingin niya ay huminto ang mata nito sa bandang hita niya. Kaya bigla na lang siyang napatingin sa suot niyang damit. Ganoon na lang ang pag-init ng mukha niya nang maalalang naka-sando at maikling short lang pala ang suot niya ng mga sandaling iyon. Mabilis niya itong tinaliman ng tingin pero ang loko mukhang walang epekto rito ang ginawa niya dahil ngumisi lang ito saka tumingin uli sa mapuputi niyang legs. "Ehemm!" biglang tikhim ni Devon kaya natauhan sila pareho. "Hi! I'm Devon. Sister niya ako," nakangiting sabi ni Devon sa kanya at inilahad ang kamay. Hindi niya alam kung abutin niya ba 'yon o hindi kasi madumi ang kamay niya sa pag-aayos niya sa hose at hindi pa siya naka-paghugas man lang. Pero nagulat siya nang bigla na lang abutin nito ang kamay niya at ngayon ay nag-shake hands na sila. Kaya napilitan na lang din siyang ngitian ito kahit plastik at nagpakilala na rin. "Hi, I'm Jhanna," nakangiting tugon naman niya rito. Hindi niya maiwasan ang mapatitig kay Devon dahil hindi sapat ang sabihing maganda ito dahil sobrang ganda nito. Lalo na ang matangos na ilong nito at mahabang pilikmata. Sa tingin niya halos magkasing edad lang sila. Hindi niya maiwasan na mapatingin kay Dale dahil halos magkamukha ang mga ito. At sobrang sexy pa na pwedeng pang-laban ng beauty pageant. Sana all! aniya sa sarili at hindi maiwasan ang humanga rito. "Are you done checking on me, Jhanna?" biglang sabi nito na alam nito ang kanyang ginawang pagsusuri. Biglang namula si Jhanna sa kanyang ginawa lalo pa't nakita niyang tinawanan pa siya ng lalaking kinaiinisan niya. Ang lalaking sa tingin niya ay gugulo sa simple niyang mundo. Ang lalaking bubwisit sa huling taon ng high school days niya. Ang lalaking walang ibang ginawa kundi ay ang asarin siya oras-oras. Ang lalaking ha-highblood sa kanya araw-araw. Kaya kailangan niyang paghandaan ito sa anumang pambubwisit na gagawin nito sa kanya. Lalo pa't nakuha na nito ang totoong number niya. "I think, I'm gonna like you now, Jhanna. Feeling ko magkakasundo tayo," sabi pa ni Devon sa kanya at may nakakalokong ngiti. Napataas ang kilay niya sa mga narinig mula rito. E, 'di wow! aniya sa kanyang isip dahil sa tingin niya ay nanunudyo lang ito sa kanilang dalawa ng kapatid niya. "Devon, pwede bang magtanong ka na?" agaw pansin naman ng kaklase niyang epal sa kapatid nito. "It's getting late!" dagdag pa nito at nakabusangot na ang mukha nitong nakatingin sa kanila. Hmp! epal talaga kahit kailan! aniya sa kanyang isip. Pasalamat ka at nandito ang kapatid mo kung hindi sisipain na naman kita. patuloy niya sa sarili. "Okay," sagot naman ni Devon at may ipinakitang maliit na kapirasong papel sa kanya. "Gusto ko lang sanang itanong sayo kung saan ito banda?" tanong nito sa kaniya at parang pinipigilan ang sarili na ngumiti. Tiningnan niya ang maliit na kapirasong papel at may nakita siyang nakasulat na address doon. Nagulat pa siya dahil address ni Joan iyon. Kaya nakakunot ang noo niyang tinanong ito. "Alam ko kung saan ito. Bakit? Ano ba ang kailangan mo sa address na 'yan? At sino ba ang hinahanap mo?" sunod-sunod niyang tanong rito at nag-iisip kung bakit hinahanap nito ang bahay nila Joan. "Si Joan Guevarra, kilala mo ba siya?" sagot nito sa kanya na patanong. "Oo, bakit mo naman siya hinahanap?" takang tanong niya. "May kukunin lang ako sa kanya na libro." "Ah, okay," sagot niya at napapatango pa dahil akala niya kung ano na ang hinahanap nito sa Bes niya. Pasimple siyang tumingin kay Dale dahil parang ang sama ng tingin nito sa kaniya. Problema nitong lalaking 'to? sama makatingin ah! baka namimis na naman ang sipa ko! aniya sa kanyang isip at pasimple itong inismiran. "Sandali lang sasamahan ko kayo," sabi niya kay Devon at nagmamadaling pumasok pabalik sa bahay dahil mukhang nagpipyesta na ang mata ng damuho niyang kaklase sa magandang legs niya. Napa-kamanyak talaga. Gigil na gigil siya nang maalala na naman ang paghawak nito sa baywang niya. Nagmamadali siyang pumasok uli sa loob ng bahay para magpaalam sa Mama niya na sasamahan niya sina Devon at Dale papunta sa bahay ng kaibigan niya. Agad naman siyang pinayagan nito. Kaya pagkatapos niyang magpaalam ay pumasok muna siya saglit sa kanyang kwarto upang magpalit ng damit at baka minamanyak na talaga siya ng kaklase niyang damuho lalo na ng mapansin niya kaninang hindi na maalis-alis ang mata nito sa kanya. Kaagad siyang lumabas pagkatapos niyang magpalit ng damit at niyaya na niya itong samahan sa bahay ni Joan. "Tara samahan ko na kayo," suhestyon niya sa mga ito. Agad naman sumunod sina Dale at Devon sa kaniya. "Manong, hintayin mo na lang kami dto," narinig niya pang utos ni Dale sa driver bago sumunod sa kanila. Hindi niya tuloy maiwasan na mahiya sa mga ito dahil maliwanag pa sa sikat ng araw ang agwat sa buhay nila. "Sige, sir Dale," sagot naman ng driver nito kay Dale. "Malayo ba ang bahay nila?" tanong ni Devon sa kanya. "Medyo," nakangiwi niyang sagot rito. Dahil nakaapak lang naman siya ng matulis na bato at sa tingin niya ay tumagos iyon sa paa niya. "Are you, okay?" nag-alalang tanong nito sa kanya at mukhang napansin pa yata siya nitong ngumiwi. "Okey lang ako," pilit na ngumiti kahit na masakit. "You sure?" tanong uli nito sa kanya. "Kuya, pwede mo ba siyang alalayan?" gulat na napatingin siya rito nang humingi pa talaga ito ng tulong kay Dale. "Bakit ako?" salubong ang kilay na tanong ni Dale kay Devon. "Syempre, ikaw ang lalaki at mas kaya mo siya kaysa sa akin!" mataray na sagot naman ni Devon sa kuya niya na nanlaki pa ang butas ng ilong. Napansin niyang parang magtatalo pa ang magkapatid kaya agad na siyang nagsalita "Hindi okey lang, Devon. Kaya ko namang maglakad, e.." sabi niya sa mga ito para hindi na pagtalunan kung sino ang aakay sa kaniya. Baka isipin pa ng mga tao dito na may love -triangle ng nagaganap sa lugar nila at live pa! Pinilit niya ang sarili para ayusin ang kanyang paglalakad at nang hindi masyadong mahalata ng mga ito na masakit talaga. Pero napapangiwi talaga siya tuwing iapak na niya ang paa sa daan. Nang ihahakbang na sana ulit niya ay bigla na lang may mga kamay na umalalay sa kanya. Kaya hindi niya maiwasan ang mapasinghap dahil sa pagkagulat niya kay Dale nang bigla-bigla na lang nitong hawakan ang baywang niya. Gusto niyang mangilabot sa kanyang nararamdaman dahil sa muling pagahawak ni Dale sa baywang niya. Ang lalaking 'to! Naisahan na naman 'ata ako ah! aniya sa isip at parang gusto na niyang sapakin ito kung wala lang si Devon sa kanilang likuran. Ang bango niya! Samantalang ako hindi pa naliligo! Nakakahiya! tila nahihiyang wika niya sa sarili sabay layo ng bahagya kay Dale. Hindi sinasadyang maamoy ito dahil sa sobrang lapit ba naman nila at kulang na lang ay mag-yakapan na silang dalawa habang naglalakad sa daan. Tumingin siya kay Dale at muling napasinghap nang maramdaman niyang pinisil nito ang kanyang baywang. Daig niya pa ang nakukuryente sa mga sandaling iyon. Pero iniisip niyang baka hindi nito sinadya dahil nagmamagandang loob na nga itong tulungan siya. Ngunit napadilat na lang siya nang muli niyang maramdaman ang pagpisil nito sa kanya. Kaya mabilis siyang bumaling rito para lang makita ang malokong ngiti nito sa kanya. Kaya naisip niyang baka sinadya na nito ang pagkakataon para matsansingan siya sa baywang niya. Tiningnan niya muli ito at ganoon na lang ang inis niya nang makumpirma nito ang nasa isip niya. Sinubukan niyang dilatan ito ng kanyang mga mata pero deadma lang ang sagot nito sa kaniya at pakiramdam niya ay nag-enjoy pa ito sa ginagawang kahalayan nito sa baywang niya. Nakaramdam na rin siya na pag-iinit sa kanyang dalawang pisngi kaya alam niyang pulang-pula na ang mga ito. Pinandilatan at tiningnan niya ito ng masama para tumigil na ito sa ginagawa pero ang damuho ay mukhang walang balak na tumigil sa pagpisil sa kanya. At imbes na masindak ito ay nginisihan lang siya nito at parang lalo pa itong natutuwa sa kanya dahil galit na galit na siya. Ayaw mong tumigil huh! aniya sa isip at nanggigil na hinarap ito. Pinilit niya ang sarili para makatayo man lang ng tuwid. Ngumiti siya ng peke at tiningnan ito ng masama. Nakita niyang ngumiti rin ito sa kanya ng matamis na akala mo ay nagugustuhan niya ang ginagawa nito. "Humanda ka! Isa. Dalawa. Tatlo!" aniya sabay sampal rito nang malakas at tinaliman ng tingin. "Sh*t!" narinig niya pang mura nito at hawak ang nasaktang pisngi. Nabigla ito sa mabilis niyang sampal. Hinding-hindi ito makapaniwala sa ginawa niyang iyon. Nakita niyang pulang-pula ang mukha nito sa galit ng bitawan siya. "What happened?!" tanong ni Devon at palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD