CHAPTER 7- Like or Love?

2804 Words
"Pakk!" tunog ng malakas na sampal ni Jhanna kay Dale. Nabigla si Dale sa hindi inaasahang sampal sa kanya ni Jhanna. Gulat naman na napatingin din sa kanila si Devon kaya agad itong lumapit sa kanila. "Sh*t!" tanging nasambit niya pagkatapos dumapo sa kanyang mukha ang kamay ni Jhanna. Tinignan niya ito ng masama habang hawak niya ang nasampal na mukha. "What happened?!" takang tanong sa kanila ni Devon ng makita ang ginawang pagsampal ni Jhanna sa kanya. Tiningnan siya nito ng may pag-alala pero hindi agad siya nakasagot kaya bumaling ito kay Jhanna. "Jhanna, bakit mo naman sinampal si, Kuya?" tanong nito sa kanyang kaklase na namumula na ang mukha sa galit. "Eh, bastos 'yang kuya mo eh! Namumuro na sa kamanyakan!" galit na galit nitong sagot sa kapatid niya. "What?!" nanlaki ang mga mata ng kapatid niya sa narinig. "What do you mean bastos?" takang tanong nito na sa kaniya nakatingin. "Kuya?" naguguluhan na nag-palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ng hindi siya kumibo. "Nananantsing na kasi 'yang kuya mo," inis na paliwanag ni Jhanna kay Devon Hindi niya alam kung paano ipaliwanag sa kanyang kapatid ang kahihiyang ginawa niya kay Jhanna. Dahil kasalanan niya talaga ang nangyari at sesermunan lang siya nito kahit siya itong matanda sa kanila. Kaya sa inis niya, bigla na lang niyang tinalikuran ang dalawa. "Hintayin na lang kita sa sasakyan Devon," sabi niya sa kapatid at tinapunan niya ng masamang tingin si Jhanna na para bang sinasabi niya kay Jhanna 'You will pay for this! Bago naglakad pabalik sa sasakyan. Padabog niya itong binuksan at marahas siyang sumandal doon. "Sir, Dale, bakit po?" tanong ng driver sa kanya. "Wala! Dito na lang ako maghintay kay Devon," suplado niyang sagot rito. Hinawakan niya ang nasampal na pisngi. Ang sakit ng sampal niya huh! Humanda ka sa akin! aniya sa isip at may balak na gumanti kay Jhanna. Gagantihan kita! Nakita niyang pabalik na ang mga ito kaya nagkunwari siyang tulog para hindi na siya abalahin pa. "Kuya," narinig niyang tawag ni Devon sa kaniya ngunit ayaw niyang idilat ang mga mata dahil sa kahihiyang ginawa niya kanina. "Manong, kanina pa ba natutulog si Kuya?" tanong ni Devon sa kanilang driver. Nilingon siya nito. Dumilat siya at tiningnan niya ito ng masama. Napakamot sa ulo ang kanilang driver sa ibinigay niyang tingin. "Ah, ma'am opo kanina pa po 'yan tulog," pagsisinungaling nito kay Devon kaya napangiti siya ng palihim. "Ha? kanina pa? E, kababalik lang yan 'di ba?" hindi makapaniwala na tanong ni Devon sa kanilang driver. Pigil niya ang sarili na huwag mainis sa kapatid para hindi siya mabuko na nagtulog-tulugan lang siya. "O, sige na Jhanna aalis na kami. Pagpasensyahan mo na si Kuya ha? Ako na humihingi ng dispensa para sa kanya," narinig niya pang sabi nito kay Jhanna. "Joan salamat din sa'yo, ha? Dito sa libro dahil kinuha mo para hindi mawala," sabi ein nito sa kaklaseng si Joan. "Sige, alis na kami at salamat uli," paalam nito sa dalawa. "Sige, ingat kayo..." sabi naman nina Jhanna at Joan sa kanyang kapatid. "Bye.." nakangiting paalam ni Devon at kumakaway pa sa dalawa. Naramdaman niyang nasa tabi na niya ang kanyang kapatid pero mas gustuhin niyang magkunwaring tulog para hindi nito ungkatin pa ang nangyari kaninang ginawa niya. "Kuya, dumilat kana at mag-usap tayo.." sabi ni Devon sa kaniya na ikinagulat niya dahil mukhang alam nito na umaarte lang siya. "Alam kong nagtulog -tulugan ka lang kaya dumilat ka na at sagutin mo ang tanong ko," utos pa nito sa kanya. Kaya wala na siyang nagawa sa pagkukunwari niya dahil alam niyang kukulitin lang siya nito at hindi siya nito titigilan sa kakatanong hangga't hindi nya ito sinasagot. "What?!" inis nyang sagot rito. "Anong what, Kuya? Ayaw mo ba talagang aminin sa akin ang totoo?" balik tanong nito sa kanya. Ito na ang sinabi niyang pangungulit ni Devon. Hinding-hindi ito titigil hanggat hindi ito na-satisfied sa sagot. "Okay, fine! I admit it!" inis niyang amin rito. "What?! Ginawa mo talaga 'yon?!" hindi makapaniwala sa pag-amin niya. "At kailan ka pa naging ganyan? Ang alam ko never mo 'yan ginagawa ever since 'di ba? Don't tell me... that you liked her?" tanong nito sa kanya at ngumisi. Hindi siya makasagot sa kanyang kapatid dahil kahit siya ay hindi rin makapaniwala sa kanyang nararamdaman kay Jhanna. "Oh, I see! I think I knew it!" bulalas nito na may kasamang panunudyo. Wala siyang maapuhap na palusot kaya tahimik lang siyang nakatingin sa labas ng bintana. "So, tell me, Kuya. Siya ba si Miss Sungit ?" diretsong tanong nito sa kanya na balak yatang interview-hin siya. Sa pagkakataong iyon, ay nilingon niya ito na bahagyang kumunot ang kanyang noo at masama niya itong tinignan. "Shut up, Devon!" pikon niyang sabi rito. " Ano ka ba, Imbestigador?!" Kunwaring galit siya para tumahimik na ito. Bigla itong tumawa ng malakas. "I think, hindi mo lang siya gusto, Kuya…" patuloy pa rin nito sa pang-aasar sa kanya. "Because, you love her!" sabi pa nito bago tumalikod sa kanya. Ano daw? I love her? No! sigaw ng utak niya. Kailan ko lang siya nakilala, tapos mahal ko na siya? May sakit ba itong kapatid ko? O, kaya ay may tama na sa utak..tss.. Napapailing na lang siya sa mga namumuong maling akala ng kapatid niya. Hindi pa niya kayang tanggapin na mahal na niya si Jhanna. Maybe he started to like her and that's it! Dahil sobrang bilis naman yata kung mahal na niya ito. At isa pa, wala sa dictionary niya ang ma-inlove na lang basta- basta! Natatawa lang sya dito at namamangha tuwing nagagalit ito sa kanya. Iyon lang 'yon, period. Weh? Hindi nga? And why not?" Maganda siya.. dugtong ng utak niyang mas baliw pa sa kanya. F**k! Pagdating nila sa kanilang bahay ay agad siyang dumiretso sa kanyang silid. Pabalik-balik siyang naglalakad sa kanyang kwarto at nag-isip kung anong gagawing hakbang sa paghihiganti niya kay Jhanna. "Hindi pwedeng gano'n na lang 'yon!" aniya sa kanyang isip asar na asar. Naisipan niyang i-text ito kaya mabilis niyang kinuha ang kanyang cellphone at humiga sa kama saka nagtipa doon. Dale : Humanda ka sa ganti ko. Pagbabayaran mo ang ginawa mong pagsampal sa akin. Maya ay tumunog ang message tone niya. Nakita niyang nag-reply si Jhanna. Miss Sungit : Hoy! Anong pinagsasabi mong ganti at bayad? Ikaw na nga ang may atraso sa akin, tapos ikaw pa ang may ganang magalit at gumanti! Abay matindi ka! Ang kapal ng mukha mo! Manyak!" mahabang reply nito sa kanya. Napangiti si Dale sa haba ng reply ni Jhanna sa kanya. Alam niya galit na galit pa rin ito sa kanya. Sa tingin niya ay baka umuusok na ang ilong nito habang nagtitipa ng reply sa kanya. Naalala niya ang kanyang ginawa kanina. Hindi niya alam kung bakit niya ginawa 'yon kanina. Bigla na lang siyang nawala sa sarili nang magkalapit sila ni Jhanna. Hindi niya alam kung bakit niya pa hinapit ang baywang nito. Ayan tuloy nasampal ka! Malikot kasi ang mga kamay mo! Sermon ng utak niya. Dale : Alam mo bang wala pang nakakasampal sa 'kin kahit ni isa?. Miss Sungit : Pwes! Meron na at ako 'yon! Manyak! Napangiti si Dale sa reply na 'yon ni Jhanna. "Ang tapang naman nito." Dale: Alam mo ba ang kapalit non? Miss Sungit : Hindi! At wala akong pakialam kung ano man iyon! Dale : Malalaman mo pagnagkita tayo. Napangiti siya sa naisip niyang paghihiganti dito. Kailangan niyang pag-isipan at paghandaan kung ano man ang kahihinatnan niyon. Miss Sungit : Humanda ka rin! Dahil hindi lang sampal ang ibibigay ko sayo. Humahalakhak na siya sa reply na iyon ni Jhanna. Lalo pa niya yatang nagustuhan ito kapag galit na galit na ito sa kanya. Lalo siyang na-chalenge dito. Excited na tuloy siyang pumasok sa school dahil dito. Pinag-iisipan niya kung anong klaseng pag-higanting gagawin nya. Kiss her! sigaw ng malandi niyang utak nya. Napangisi siya nang maisip iyon. "Why not?" sang-ayon naman niya. "Let's see, what's her next move.." Sa naisip na iyon, ay napatulala siya kasabay nito ang biglang pagtahip ng dibdib niya. Parang nagkakagusto na 'ata siya kay Jhanna. Masaya siya kapag nakikita ito sa school. Na-amaze siya rito kapag namumula na ito sa galit. Kapag nagdikit naman ang katawan nila ay libo-libong kuryente ang nararamdaman niya. Hindi niya agad kayang lumayo dito, gaya na lang ng nangyari kanina. Kaya siya nasampal nito dahil parang ayaw na niyang ilayo ang katawan nito sa kanya. "Ito na ba ang tinatawag nilang love? Na sinasabi ng kapatid niya kanina? At mariin niyang itinanggi? F**k! I'm crazy in love with the sss girl." frustrated niyang sabi sa sarili. KASALUKUYANG nakaupo si Jhanna sa may upuan sa canteen nang matanaw niya sina Dale at Sharon sa may di-kalayuan. Parang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito. Usap? Baka naglalandian! anang utak niya. Hindi niya nilubayan ng tingin ang dalawa kaya naman hindi niya napansin ang paglapit ni Joan sa kanyang tabi. Sinusundan nito ang kanyang tingin. "Ang sweet nila no?" Bigla siyang napabaling dito. "Uy, bes kanina ka riyan?" tanong niya dito at ngumiti. "Tama lang na makita ko ang reaksyon mo," makahulugang sabi nito sa kanya. Nakataas ang kilay niyang tiningnan ito. "Anong ibig mong sabihin?" "Iyang nguso mo nagkandahaba na. Iyang kilay mo na halos mag-isang linya at ang tingin mo ay nakakapatay.." tatawa-tawang patutsada nito. Pinaningkitan niya ito ng mata. "Puro ka naman kalokohan eh!" "Hindi, ah? Sinasabi ko lang kung ano ang nakikita at pinapaliwanag ko lang sayo ang isang babaeng nagseselos." "Selos? Anong ibig mong sabihin, bes? Na nagseselos ako sa dalawang 'yon?!" nanlaki ang mata niya at hindi siya makapaniwalang iyon ang iniisip ng kaibigan niya. "Exactly!" ngising sagot nito. "Ano?! Bes, may lagnat ka ba?" biro niyang tanong rito at sinalat pa niyan ang noo nito. "Tangek! Huwag ka ng mag-palusot! Para saan pa ang pagiging mag-bestfriend natin kung hindi kita kilala!" nakangusong bara naman nito sa kanya. "Hindi, ah?!" mariing tanggi niya sa kaibigan. "Weh?" "Hindi nga! Ang panget-panget niyan, e! Saka manyak!" Gusto niya sanang i-dugtong kaso baka mag-usisa pa ito at hahaba lang ang usapan nilang dalawa. "Talaga ba, bes? Sige nga, sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari sa inyo noong pumunta ang magkapatid sa atin? Bakit 'di mo pa rin kinu-kwento sa akin ang bagay na 'yon?" may himig na tampong turan nito. Naalala niya ang pangyayaring iyon. Inalalayan siya nito para makapag lakad ng maayos ngunit nararamdaman niya ang pagpisil nito sa kanyang baywang at kamay. Sinaway niya ito pero hindi ito huminto. Kaya sa sobrang asar niya ay bigla niya itong sinampal ng malakas. Nagulat ito sa kanyang ginawa dahil napahiya rin ito sa kapatid nito, kaya nag-walk out ito bigla. Bumalik ito sa sasakyan at doon na lang daw maghintay. Kaya sila na lang ni Devon ang nagpatuloy sa pagpunta kay Joan upang kunin ang librong naiwan nito. Pagbalik nila sa sasakyan ng mga ito ay tulog na ito. Kinagabihan naman ay tinext siya nito at tinanong kung bakit niya ginawa iyon. At nagbabanta pa ito na gagantihan daw siya. Pero thank god dahil hindi pa nangyari 'yon at iyon ang pinaghahandaan niya at baka magulang na lang siya bigla nito. Simula noon, iniwasan na niya ito para walang sakitan muna ang magaganap. At ganoon din ito sa kanya. Iniisip niya, siguro ay napahiya ito sa kanya kaya kusa na itong umiwas. Saka masyado rin itong busy kay Sharon. Katulad na lang ngayon sa nakikita niya. Hindi na niya nai-kwento kay Joan ang lahat dahil nahihiya siya sa nangyari. At saka tatlong buwan na rin ang nakalipas. Tatlong buwan na silang nag-iiwasan at tatlong buwan na din na namimiss niya ang pang-aasar nito sa kanya, sa totoo lang. Unti-unti na niyang nararamdaman ang tinatawag na selos sa tuwing nakikita niyang kasama nito si Sharon. "A-ano K-kasi, bes, wala na 'yon saka matagal naman na kasi 'yon." sa halip ay sabi niya rito. "Pakiramdam ko hindi na ikaw ang bestfriend ko," nakasimangot nitong sabi at halatang nagtatampo na talaga ito. Nilambing niya ito. "Kaw naman, wag ka na magtampo. Promise, sasabihin ko na sa'yo sa susunod," ngumiti siya rito. Nalusaw agad ang tampo nito sa kanya dahil sa paglalambing niya dito. "O, sige na nga. Pinapatawad na kita sa hindi mo pagsasabi sa akin." nakangiting sabi naman nito sa kanya. "Pero sa isang condition." Napatingin siya dito at nangunot ang kanyang noo. "Condition? Ano naman 'yon ?" salubong ang kilay niya ng tanungin niya ito. Biglang kumislap ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Ano naman kaya 'yon? tanong niya sa sarili. Nauutal pa itong sabihin sa kanya. "A-ano ka-si bes-- " Dilat niyang tinignan ito. "Ano?" "Pakilala mo ko doon sa kaklase mong lalaki," nahihiyang sabi nito sa kanya. Iniisip niya kung sino ang lalaking tinutukoy ng bestfriend niya. Hindi kaya si Dale? Huwag naman sana. Mag-aaway pa ata kami kapag nagkataon," aniya at tumahip ang dibdib niya. "Sino doon, bes?" tanong niya dito na walang ideya kung sino. "Si Harry," nahihiyang tugon nito at medyo namula ang mukha nitong nakatingin sa kanya. Tiningnan niya itong may pagdududa. "Mayroon ka rin bang hindi sinasabi sa akin?" nakabusangot niyang tanong. "Binawian lang kita, bes." At tumawa ito sa kanya. "Hmp! Kaya pala ang bilis nawala ng tampo mo sa akin." nangingiti niyang sabi dito. "Dahil may gusto kang hinging kapalit." Patutsada niya sa kaibigan. "May gusto ka ba sa kanya?" nangingiti niyang tanong. Tumango ito tanda ng pag-amin. "O, sige. Mamaya punta ka doon sa room namin," nakangiti niyang sabi rito. "Talaga?" masayang tugon naman nito na para bang kinikilig. "Oo, kaw pa! Malakas ka sa akin, e." "Sige, mamaya ha? Tara na at mag-umpisa na ang susunod nating klase." yaya na nito sa kanya. Tumayo na rin siya at naglakad pabalik sa kanilang silid. Tiningnan niya uli ang kinaroroonan nina Dale at Sharon ngunit wala na ang dalawa doon. San na kaya nagpunta ang mga 'yon? Hmp! Bahala na nga sila sa buhay nila! Maganda na rin 'yon para pareho kaming tahimik." aniya sa sarili pero may lungkot na nararamdaman. Pagpasok ni Jhanna sa silid aralan ay nakita niyang magkatabi sina Dale at Sharon sa upuan. "Pati ba naman dito?" nakasimangot niyang bulong sa sarili. "Jhanna.." Napabaling ang tingin niya sa tumawag sa kanyang pangalan. Nakita niyang si Harry iyon. Ngumiti siya dito bago ito tinanong. "May kailangan ka, Harry?" nakangiti niyang tanong. Lumapit ito sa kanya. "May gagawin ka ba mamaya?" tila nahihiyang tanong nito at bahagyang kumamot pa sa ulo. "Bakit mo naman naitanong?" "Gusto sana kitang imbitahang kumain sa labas, kung okay lang sayo?" seryoso nitong wika. Naisip niyang ito na ang pagkakataon niya para ipakilala ang kaibigan niya kay Harry. Kaya agad siyang pumayag siya sa paanyaya nito. "Sige.." nakangiti niyang sagot dito. "Than--" Hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil may bumangga dito sa balikat. Tumayo ito at nilingon ang kung sino man ang bumangga dito. "Excuse me?" sabi ni Harry sa bumangga dito. Lumingon ito at humarap sa kanila. Nakita nilang si Dale iyon at nakakunot ang noo nitong tumingin sa kanila. Galit ba 'yon? takang tanong niya sa isip. "What?!" asik nitong nakatingin kay Harry. "Ganyan ka ba humihingi ng sorry?" tanong ni Harry dito na nakakunot na rin ang noo. "Nasa daanan ka at nakaharang pa! Kung gusto niyong mag-ligawan 'wag sa daanan." asar nitong saad kay Harry at tumingin sa kanya ng matalim bago tumalikod. Problema no'n? sa isip-isip niya. Baliw! "Baliw na 'ata ang taong 'yon," narinig niyang sabi ni Harry bago nilingon ang likod nito. Kahit siya ay nagulat sa inasal ni Dale. Alam niyang malaki pa ang espasyo ng daan nito sa likod ni Harry. Kahit dalawang tao na magkasabay ay kasyang-kasya pa. "Papansin talaga 'yon." aniyang nakasimangot. "Sige, Jhanna. Mamaya na lang," nakangiting sabi nito. "Okay.." nakangiting sagot niya bago ito umalis. Naisip ni Jhanna na ipaalam ito sa bestfriend niya kaya naisip niyang puntahan ito sa kabilang silid aralan. Papalabas na sana siya sa pintuan nang bumangga siya sa mataas at matangkad na lalaki. Muntikan na sana siyang matumba nang maagapan siya ng mga kamay nito. Napaangat ang mukha niya sa sinumang bumangga sa kanya. Ganoon na lang ang paglaki ng mga mata niya nang makitang si Dale pala ang nakabanggaan niya. Seryoso at walang kangiti-ngiting tinititigan siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD