CHAPTER 8- First Kiss

2656 Words
Narinig ni Dale na tinawag si Jhanna ni Harry. Kitang-kita niya nang lumapit ito at kung paano naman ngumiti ng matamis si Jhanna dito. Nag-init agad ang kanyang ulo sa nakita. Matagal niya itong iniwasan simula noong nangyari ang pagsampal nito sa kanya at hindi na rin siya nagtetext dito. Dahil pakiramdam niya ay unti-unti ng nahuhulog ang loob niya kay Jhanna. Samantalang ito ay galit na galit pa rin sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gagawin para hindi na ito magalit pa sa kanya, dahil sa tuwing magkalapit sila nito ay laging nauuwi sa awayan. Kaya grabe ang ginawa niyang pag-iwas niya rito. Saka ibinaling niya na lang ang atensyon sa ibang bagay at kay Sharon na gustong-gusto naman nito. Lagi silang magkasama nito kahit saan man sila magpunta. Lagi itong nakahawak sa kanya kahit marami pa ang nakatingin sa kanila. Minsan nag-beach na rin sila, nalasing, nauwi sa kwarto at may nangyari na sa kanila. Hindi lang isang beses kundi maraming beses na. Kaya pakiramdam niya ay pagmamay-ari na siya nito. Hindi na niya kayang balewalain ito dahil sa namamagitan sa kanila na kahit walang ligawan na nangyayari sa kanilang dalawa. Sabi pa nito friends with benefits lang daw ay sapat na. Kaya malinaw ang lahat sa kanila na hindi sila mag-boyfriend at kung magkagusto sila sa iba, ay malaya silang makipag-relasyon dahil nga magkaibigan lang sila pero may benefits. Pero nagi-guilty pa rin siya rito dahil umabot na sila sa ganoong sitwasyon. Pero nagpatianod na lang siya sa gusto nitong mangyari at kahit labag man sa kalooban niya ay hinayaan na lang niya para lang maiwasan niya si Jhanna. Naningkit ang mga mata niya nang makitang masyado itong malapit kay Jhanna na para bang hahalikan na nito ang babae kaya tumayo na siya at binangga niya ang braso nito nang malakas para matigil ito sa anumang sasabihin nito kay Jhanna. Nawalan ito ng balanse at napasalampak sa sahig. "Excuse me?" nakakunot na tanong nito sa kanya. "What?!" asik niya dito. "Ganyan ka ba humingi ng sorry?" Lalong nag-init ang ulo niya kaya hindi niya na napigilan ang lumabas sa kanyang bibig. "Nasa daanan ka, at nakaharang pa! Kung gusto niyong mag-ligawan 'wag sa daan!" asar niyang sabi rito at tiningnan ng masama si Jhanna bago lumabas ng silid. Dumiretso siya sa banyo at doon naglabas ng galit. Pinagsusuntok niya ang pintuan at sinisipa ang basurahan. "Sh*t! Sh*t! Sh*t! F**k!" Hingal na hingal siya pagkatapos niyang mailabas doon ang lahat ng galit niya. Hindi niya alam kung bakit niya ginawa iyon. Bigla na lang siyang nawala sa katinuan at nag-init agad ang ulo sa mga nakikita niya. Galit na galit siya nang makita niya si Harry na lumalapit kay Jhanna at makita ang mga ito na nagpapalitan ng matatamis na ngiti. Lalo pa't nakikita niya na masaya si Jhanna sa pakikipagkwentuhan dito. Pagkatapos mahimas-masan ay inayos niya na ang kanyang sarili at nagdesisyong bumalik na sa silid aralan. Papasok na sana siya may pinto nang may bumangga sa kanya. Muntik na sana itong matumba, kaya agad niya itong niyakap sa baywang. Tiningnan niya ang babaeng nakabanggan niya at nagulat siya nang si Jhanna pala iyon. Laking gulat din nito nang mapatingin din ito sa kanya. Lalo na sa kanyang mukha. Seryoso niya itong at tinitigan ng maigi sa mga mata. Naiinis siya dito kanina dahil matamis nitong nginitian si Harry, samantalang siya ay puro irap at simangot ang ibinibigay niya no'ng hindi pa niya ito iniwasan. Kaya gusto niyang ipakita rito na hindi talaga siya natutuwa dahil napaka-unfair nito sa kanya. Nakita niyang lumaki ng bahagya ang mata nitong nakatingin sa kanya. Halos hindi na ito kumurap sa pagtitig sa kanya, kaya hindi niya maiwasan ang ngumiti dahil palipat-lipat ang tingin nito sa labi at mga mata niya. Bigla na lang itong namula nang bumaba ang kanyang tingin sa mga labi nito na medyo nakaawang pa. Parang may bumulong sa kanya na tikman ang mga labing 'yon. Nakita niya rin ang pagkagat ng mga labi nito at paglunok ng ilang beses. Kaya parang nag-init bigla ang pakiramdam niya. Hahalikan niya na sana ito nang mabilis sa pisngi nang may tumawag sa kanya. "Dale!.." Pareho silang nagulat at bumalik siya sa kanyang katinuan nang marinig niya ang malakas na pagtawag na iyon. Bigla siya nitong tinulak nang marahan kaya agad niya itong binitawan. Bigla na lang itong tumakbo palabas kaya nasundan niya na lang ito ng tingin. Nakita niya ang naniningkit na mga mata ni Sharon sa kanya, na nasa tabi niya na pala ito ngayon nang hindi niya man lang namalayan ang paglapit nito. "What are you doing?" tanong ni Sharon na salubong ang kilay. Nagkibit balikat lang siya at naglakad papunta sa kanyang upuan at agad na umupo. 'Sayang! Muntik na sana…' sa isip-isip niya na hindi maalis ang ngiti. "Dale!.." Agad siyang lumingon sa kanyang tabi at nagulat pa siya nang makita niya si Sharon. Nakasimangot at salubong ang mga kilay nitong nakatingin sa kanya. "May sinasabi ka ba?" nagtatakang tanong niya dito. "You're unbelievable!" Ngumiti ito ng mapakla. "Kanina pa ako nagsasalita dito. Tapos tatanungin mo ako ng ganyan?" inis nitong sagot sa kanya. Nakita niya sa mga mata ni Sharon na nasaktan at nagseselos ito kanina kay Jhanna habang nakayakap ang kamay niya sa baywang nito. Kahit hindi nito sabihin na mahal na siya nito ay alam niya iyon. Dahil masyado itong obvious kapag magkasama sila, lalo na pagdating sa kama. Napakahusay nito na para bang sanay na sanay na sa ginagawa. Ito lagi ang nagdadala kapag humantong sila sa kama. At siya naman ay hinahayaan lang ito kung anong gusto nitong gawin sa kanya. Basta lagi siyang may dalang proteksyon kapag umabot na sila sa kama. Katulad ng inaasahan niya, ay hindi na ito virgin. Alam niya 'yon dahil malimit niya itong nakikita na kung sinu-sino ang kasama nitong lalaki at kung saan-saan pa nagpunpunta. Malinaw naman sa usapan nila na magkaibigan lang sila kahit marami na ang nangyayari sa kanilang dalawa. Maganda si Sharon. Kung tutuusin lahat ng lalaki ay gugustuhin ito. Malambing at masayahin itong kasama, iyon nga lang ay may pagka-maldita minsan. Kahit anong gawin niya ay hindi niya magawang mahalin ito. Hindi rin niya alam kung bakit at kung ano ang problema sa kanya. "I'm sorry.." tanging nasambit niya dito. Bigla na lang nagdilim ang mukha nito ng tingnan niya saka marahas na tumayo at naglakad palabas ng pinto. Huminga na lang siya nang malalim nasundan ito ng tanaw. "Tabi!" singhal pa nito sa kaklase niyang lalaki na nakaharang sa may pintuan. Napailing na lang siya sa nakita. Paglingon niya sa kaliwang banda ay nakita niya si Harry nakatingin sa kanya na parang nang-uuyam. Tinignan niya ito nang masama na para bang sinasabi niya dito. 'Shut up and get lost !' Napailing ito sa kanya at ngumiti ng nakakaloko. Nakita niyang pumasok na uli si Jhanna sa silid nila. Tiningnan niya ito sa mukha pero nakayuko ito. Gusto sana niyang makita at titigan ang mga mata nito pero ni hindi man lang ito tumingin sa kanyang direksyon. Kaya pumikit na lang siya at huminga ng malalim. "Jhanna, sabay na tayo mamaya, ha?" Agad siyang dumilat sa kanyang narinig. Nakita niyang si Harry na naman ang nagsalita. Pinaalala nito kay Jhanna ang imbitasyon na inalok nito kanina. Tiningnan niya ito ng masama pero nginisihan lang siya nito. Kaya uminit agad ang kanyang ulo kay Harry. "Okay.. " nakangiting sagot naman ni Jhanna dito. Lalong nag-iinit ang ulo niya nang marinig niyang pumayag ito kay Harry. Parang gusto niyang gulpihin si Harry para hindi na matuloy ang lakad ng mga ito. Para umuwi ito ng lumpo. Nag-isip siya kung ano ang kanyang gagawin para hindi na sumama pa si Jhanna dito. Pero sumakit na lang ang ulo niya sa kaiisip pero wala siyang maisip na paraan. Nang makita niya ang kanyang cellphone ay biglang sumagi sa isip niya na i-text ito. Dale : Jhanna, huwag kang sumama. Habang nagta-type siya sa kanyang cellphone ay panay din ang tingin niya dito dahil hindi pa ito nagre-reply sa mga message niya. Nagkandahaba na rin ang leeg niya sa kakasilip sa kamay nito, kung hawak ba nito sa kamay ang cellphone. Nagtataka na siya dahil nakita naman niyang hawak nito iyon pero bakit hindi pa rin ito nagre-reply sa kanya. Tatayo na sana siya sa kanyang upuan para lapitan ito nang bigla na lang itong humarap sa kanya at nagsabi ng... "Wala kang paki!" singhal nito na sakto lang sa pandinig niya. NARINIG ni Jhanna ang message tone ng kanyang cellphone na nasa bulsa, kaya kinuha niya ito at tiningnan kung sino ang nag message sa kanya. Gulat na napatingin siya dito nang makitang si Dale ang nag-me-message sa kanya dahil ngayon lang ulit ito nag-text makalipas ang tatlong buwan. Bwesit : Jhanna, huwag kang sumama. Nagtaka siya kung paano nalaman ni Dale ang pagyaya ni Harry sa kanya. Matagal na hindi sila nagpapansinan nito sa isa't isa, tapos ngayon bigla na lang itong nagpaparamdam sa kanya at ang masaklap pa ay inutusan pa siya nitong huwag sumama kay Harry. Kaya agad tumaas ang dugo niya dahil sa message nito. Nakakapang-init talaga ng ulo. Dahil kung sila nga ni Sharon ay halos libutin na ang loob ng campus sa paglandian ay wala siyang pakialam kung ano ang mga pinag-gagawa ng mga ito. Tapos, siya ngayon ay bigla-bigla na lang pakikialaman at uutusan. At saka parang ang weird? Dahil bigla na lang itong umakto nang ganoon. Katulad na lang ang nangyari kanina, muntik nang magtagpo ang mga labi nila kung hindi lang sumigaw si Sharon. Alam niya iyon, dahil kilang-kilala niya ang boses nito. Kaagad siyang tumakbo palabas nang makatayo siya ng maayos. Grabe ang kabang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Tinawag niya agad si Joan sa silid nito upang ipaalam ang pagyaya ni Harry sa kanya. Dahil 'yon na ang pagkakataon niyang ipapakilala si Joan kay Harry. Natuwa naman ang kaibigan niya sa kanyang sinabi at mas excited pa ito sa kanya kahit siya itong niyaya ng lalaki. Pagkatapos niyang masabi sa kaibigan ay agad na rin siyang bumalik sa silid-aralan. Pumasok siya sa silid nang nakayuko para hindi niya makita si Dale, na alam niyang nakatingin ito sa kanya. Dahil nakikita niya ito sa gilid ng kanyang mga mata. Tinawag siya ni Harry para ipaalala ang lakad nila mamaya after school. Ngumiti at tumango siya dito bago umupo. Mamaya lang ay tumunog ang cellphone at iyon na nga inutusan siya nito na huwag sumama kay Harry. Hindi niya alam kung re-reply-an ba niya si Dale sa message nito sa kanya kaya pinag-iisipan niya muna kung bakit siya nito tinext na naman. Pero bigla niyang naalala ang ginawa nito kay Harry kanina kaya bigla siyang humarap dito. "Wala kang paki!" singhal niya kay Dale na tama lang para marinig nito iyon. Nakita niyang nagulat ito sa kanyang sagot at parang lumambot ang mukha nito. Pero maya-maya lang ay biglang tumigas ang anyo nito. Kinakabahan siya sa kanyang nakitang reaksyon sa mukha nito. Na para bang anumang sandali ay may gagawin itong hindi maganda sa kanya. Nakita niyang pahablot nitong kinuha ang bag at dire-diretsong naglakad palabas ng pintuan. Nagtaka na siya sa ikinikilos nito at kung saan ito pupunta. Kaya mabilis niya itong sinundan at nakita niya itong papunta sa palikuran. Nagulat siya nang bigla na lang itong nagsisigaw. Pinagsusuntok at pinag sisipa rin ang basurahan sa loob ng banyo. Mabuti na lang at walang ibang estudyanteng naroon bukod sa kanya. Kaagad niya itong nilapitan at tinanong kung ano ang problema nito. "Hoy! Ano bang problema mo?!" matapang niyang tanong kay Dale na hinihingal sa pagwawala. Lumingon ito sa kanya at kitang-kita niya ang galit na galit nitong mukha. Nakaramdam siya ng takot kay Dale ng humarap ito sa kanya. Parang gusto na niyang tumakbo pabalik sa silid at pabayaan na lang ito. Imbes na sagutin siya nito sa tanong niya ay naglakad ito papunta sa kanya. Napasinghap na lang siya bigla ng yakapin siya nito nang mahigpit na para bang may aagaw sa kanya. Nakaramdam siya ng takot para sa sarili pero mas ramdam niya ang bilis ng t***k ng puso ni Dale na halos tambol na ito sa sobrang lakas. Bigla siyang nagululuhan sa mga ikinikilos nito. Gusto niyang itulak ito pero parang nagiging yelo ang mga braso niya na para bang naninigas na lang sa lamig. "Please, Jhanna huwag kang sumama sa kanya.." bulong nito sa kanya na lalo pang hinigpitan ang pagyakap sa kanya. "Hindi ko kayang makita ka na may kasamang ibang lalaki," dugtong pa nito sa sinasabi. Napaawang si Jhanna sa kanyang mga naririnig mula rito. Hindi siya makapaniwala at hindi niya alam kung totoo ba ang mga pinagsasabi nito sa kanya ngayon. Gusto niyang itanong dito kung bakit nito sinasabi ang mga iyon. Ngunit hanggang buka na lang 'ata ng bibig ang kaya niyang gawin dahil walang lumalabas ni anumang salita mula roon. Nang hindi siya sumagot kay Dale ay kumalas ito bigla sa pagyakap sa kanya at hinawakan nito ang magkabilang balikat niya. Seryoso siyang tinititigan nito sa kanyang mga mata at halos maduling na siya sa sobrang lapit nito sa kanya. "Bakit hindi ka sumasagot?" nakakunot na tanong nito sa kanya. Nanlaki ang mga mata niyang tumingin rito. " A-ano k-kasi….nakakahiya kay Harry. Dahil ngayo--" Hindi na natapos ni Jhanna ang sasabihin dahil pinatahimik na siya ng bibig ni Dale. Lumaki pa lalo ang kanyang mga mata at nagulat sa ginawa nitong paghalik sa kanya. Animo natuklaw siya ng ahas dahil ni pagkurap ay hindi niya magawa. Hindi niya alam kung ang gagawin ng mga sandaling iyon. Kaya tinulak niya ito ng malakas pero niyakap siya nito nang mahigpit at hindi pa rin bumibitaw ito sa bibig niya kahit nakasara naman iyon. Naramdaman niyang sinipsip pa nito lalo ang labi niya na nagpapabilis ng kaba sa kanya dahil natatakot siya na baka may makakakita sa kanilang dalawa doon. At isa pa, natatakot rin siya dahil ito pa lang ang unang halik niya. Ni hindi niya alam kung paano tugunin iyon. Siya lang ang ang bukod tanging natatakot sa first kiss samantalang ang iba ay excited pa. Kinakabahan at nanlalamig siya pero parang nagugustuhan na rin niya ang ginagawang paghalik nito sa kanya. "Please, open your mouth," paos na bulong nito sa kanya. Sa sinabi nito, bigla na lang siyang natauhan at mabilis niya itong tinulak pagkatapos ay sinampal. Nagulat ito sa kanyang ginawa. "Bakit mo ginawa iyon?!" sigaw niyang tanong rito. "Hindi pa ba malinaw sayo ang ginawa ko?" "Ang ano?" "Na gusto kita, Jhanna!" sagot nito na hinihingal pa. Halos dumadagundong ang dibdib niya sa kaba nang tahasang pag-amin nito. "Ano? Anong sabi mo?" Halos hindi siya makapaniwala sa pag-amin na iyon ni Dale. "Gusto kita! Gusto kita! Gusto kita! Gusto kita, Jhanna! Matagal na!" sigaw nito sa harap niya. Napaawang ang bibig niya sa paulit-ulit na pag-amin nito sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya dito. Tumitig muna siya sa mga mata nito bago bigla niya itong talikuran at mabilis ang mga hakbang pabalik sa silid-aralan nila. Ni hindi niya ito nilingon pa. Basta ang gusto niya ay makaalis muna sa lugar na 'yon at hindi ito makikita dahil wala siyang maapuhap na sagot. "Jhanna!" Narinig niya pang tawag nito sa kanya. Pero hindi niya ito nilingon at halos madapa na siya sa bilis ng lakad niya. Isama pa ang nag aalburuto niyang dibdib kaya dire-diretso lang siya sa kanilang silid at tulalang umupo sa kanyang upuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD