2

1536 Words
"Asan ka na?Ang tagal mo." text sa akin ni Lorraine.Nainip na ang buntis kaaantay sakin.Usapan kasi namin 10 am nasa bahay na dapat nila ako. Kaso kinse minuto na ang nakalipas.Andito pa lang ako sa loob ng taxi.Binabaybay ang papunta kina Lorraine. "Malapit na." reply ko sa text ng friend ko. Hawak ko ng kanang kamay ang phone ko.Habang nakahawak ako sa sandalan ng upuan sa katabi ng driver seat.Nakatanaw sa kalsada sa labas.Para matanaw ko na rin agad ang bahay nina Lorraine. Andun na nga ang buntis. Sabi ko kay manong taxi driver dadaanan namin ang friend ko at ihahatid niya kami sa Robinsons Mall. Sumakay naman agad si Lorraine katabi ko sa backseat. "Nainip ang buntis." sabi ko sa kaniya. "Eh sabi mo 10 am andun ka na sa bahay." sagot nito sa akin. "Walang naghatid sa akin.Nagtaxi lang ako papunta rito alam mo naman ang layo ng lakarin galing ng bahay namin hanggang sa labasan Buti na lang napadaan si Manong kaya nakasakay ako." ani ko rito. "Mahalaga,andito ka na at magkasama na tayo." sagot naman nito sa akin. "Bat kasi sa Robinsons pa tayo.Puwede naman sa SM molino or SM Las piñas,malapit pa." sabi ko sa buntis. "Nakakasawa na dun..sa robinsons tayo para maiba naman." Sabagay tama siya.Kahit ako man ay araw araw ng kumakain sa SM Mall dahil nandun ang branch ng bangkong pinagtatrabahuhan ko. Nang maihatid kami ng taxi ay ako na ang nagbayad.Mamaya pag uwi ay si Lorraine naman ang magbabayad sa pamasahe namin. Excited si buntis na nagtuloy sa Infant's Section ng Department Store. 7 buwan na kasi ang pinagbubuntis nito.kaya kinokompleto na nilang mag asawa ang mga gamit pati ang mga ilalagay sa Nursery room. Puro puti lang ang mga binili naming damit at unisex colors naman sa mga gamit. Nang mapagod ay kumain kami sa isang French Fastfood.Para maiba naman ang lasa ng pagkain na matitikman namin sa araw na ito.Pasado ala una y medya na kaya nagpasya na kaming umuwi.Inihatid na muna ng taxing sinakyan naming dalawa si Lorraine bago ako naman ang nagpahatid.Pero bayad na syempre iyon ni Lorraine.Lalo't ako ang naging tagabitbit ng mga pinamili namin kanina na gamit ng baby nito. Nagulat pa ako ng pagpasok sa loob ng bahay ay nadatnan roon ang Tita Beverly na kasama ang Mama ko na naghahalakhakan talaga. Ang saya saya ng dalawa. Bakit kaya? "Oh nandito na pala ang napakaganda kong mamanugangin." sabi ng Tita Beverly .Habang nagbeso ako sa mga ito. Matapos iyon ay nakakunot noo akong tumingin na wari'y ba'y nagtatanong ang mga mata ko kay Tita Beverly. Pagkatapos inilipat ko naman ang nagtatakang tingin sa Mama ko. Nagtinginan ng makahulugang tingin ang dalawa na may ngiti pa sa labi. "Tita,wala ka namang anak na puwede pang manligaw sa akin.May asawa na si Kuya Rico." Ani ko rito. Totoo naman kasi na may asawa na rin ang pangalawa nitong anak na si Kuya Rico.Ang sumunod naman dito na dalawa pa ay mga babae naman.Si Ate Hazel at si Asther nga na kababata ko. "Meron pa..Iyong panganay ko.Wala pa palang asawa.Akala ko nag asawa na siya sa Florida.Hindi naman pala." Excited na paliwanag sakin ni Tita at inakbayan ako para akayin paupo sa sofa. Di makapaniwalang tiningnan ko ito. Ang panganay daw niya. Hindi kaya iyong dumating kaninang Mamang matangkad.At nasa balcony?At nakipagtitigan sakin? No..cannot be. "Matutuloy na ang pagiging magbalae natin.." sabi nang Mama ko sabay abot ng mga kamay ni Tita Beverly. "Ma,ano na naman ba yang mga plano niyo?Bat ngayon niyo lang sinabi?" nakataas ang mga kamay kong sabi sa Mama ko upang patigilin ang mga ito sa kaexcited-ran nila. "Matagal na naming balak iyan ng Mama mo.Ang maging magbalae kami.Ang kaso wala nagkagusto sa mga kuya mo sa mga anak kong babae.At ito namang si Rico mas unang nag asawa dahil bata ka pa naman noon.Di ka namin nireto sa kaniya.Itong panganay ko naman na nakatira sa ibang bansa ang sabi sakin nag asawa na raw siya roon.Ngayon kasinungalingan lang pala ang lahat.Kaya ngayong nalaman na namin ng Tito mo ang totoo..Di na siya maaaring humindi.Magpapakasal kayong dalawa sa lalong madaling panahon." mahabang sabi ni Tita Beverly na sinang ayunan din ni Mama. Lumaki ang mata ko sa gulat. Nanghina rin ang tuhod ko.Laglag ang balikat ko. Uminit ang ulo ko. Hindi puwede ito. Bakit nila didiktahan ang buhay ko.? Pag aasawa ito.Hindi ito kaning isusubo at iluluwa kung napaso. "Hindi ako magpapakasal sa hindi ko nobyo at hindi ko kilala." iyon lang at tumayo na ko at nagmartsa paakyat ng hagdan. Narinig ko pang tinatawag ako ni Mama. Manigas sila. Hindi ako magpapakasal sa Anak ni Tita.Sino ba iyon? Saka ang tanda na nun sakin.Panganay siya bunso ako. Aba..ang layo ng agwat namin ng edad ah. Padabog kong isinara ang pinto ng kuwarto ko. Pabagsak akong humiga sa kama ng patihaya. Nagbounce pa ko ng kaunti. Napasabunot ako sa buhok ko. Arrrghhhhh.... Kainisss.... Nagpagulong gulong ako sa nadamang frustration. Oo matagal ko nang alam na gusto nila na maging magbalae sila.Hindi nga lang nangayari noon tapos ngayon daw matutuloy na? Pero bakit ako pa? Nananahimik ako rito. Ni hindi nga ako nagboboyfriend. At mula ng magtapos ako ng College wala namang nangahas na magparamdam sakin kahit manliligaw sa bahay na ipinagtataka ko rin. Hindi kaya sinabotahe nila na pigilan kung sino man ang magtatangkang manligaw? Imposible naman iyon. Pero pwede ring oo.Mayaman naman sila Tita. Wait.. Oo nga mayaman sila.May kakayahan sila. Pero Iyong panganay nilang anak,marami naman iyong makikilalang babae sa ibang bansa.Mas maraming lahing magaganda,mayayaman di katulad ko na wala namang espesyal. Oo maganda ako. Matangkad àko. Maputi at makinis,pero mas maraming nakahihigit sa akin na mga beauty queen.. Imposible talaga. Nang mapagod kaiisip ay nagpasya na akong magpalit ng pambahay. Isang chalis spaghetti blouse na nilalaso sa may balikat ang magkaparehang strap may terno na itong maikling short na flowy pa rin ang tela.Kulay Oldrose ito.Gusto ko ang mga ganitong tela.Presko sa pakiramdam ko. Lumabas ako ng balcony namin.Di kaaganong kalakihan ang balcony namin hindi katulad ng kila Tita beverly.Malawak at puro pa marbles ang hawakan.Samin Stainless Steel lang. Humawak ako sa railings at bumuntong hininga. Alam ko na dumating na si Papa.Natanaw ko ang sasakyan sa Garahe.Mas lalo silang nagtatawanan sa baba. Ako itong di mapakali at gusto kong malinawan. Makailang buntong hininga ang ginawa ko. Nagpapadyak ako at napakamot sa ulo ko ng naiinis. Ngunit ng igala kong muli ang paningin ko sa kabilang bahay. Nagulat pa ako ng makitang andun pala iyong lalaki kanina. Nasa bandang sulok ito nakaupo kaya di ko napansin kanina.Lalo't katabi ito ng halaman. Wait naninigarilyo siya. Ewwww... Di ko type ang naninigarilyo. Ewwww talaga. Muli kong tinitigan ang lalaki. Nakatitig na naman sa akin. Ba't ba ang hilig manitig ng isang ito.At ito kaya ang panganay ni Tita Beverly? Parang dia naman siya iyong nasa picture.Ahmm..teenager pa lang pala siya dun sa family picture.Malamang Mama na to ito ngayon.Kaya nagmatured na rin. Tingin ko Masyadong seryoso sa buhay. Ni hindi naman nagbago ang ekspresyon ng mukha.Walang ngiti,di man lang kumaway. Suplado. Hindi kaya napipilitan din lang siya na magpakasal sakin? Arranged marraige nga di ba? Iyong mga magulang lang namin na gustong maging magbalae by hooks or by crooks ang nagdesisyon. Pero andun na siya sa ibang bansa. Ano pang dahilan at umuwi uwi siya rito? Letsugas. Pwede naman siyang maghire ng papakasalan doon.Tulad ng mga nababasa ko sa mga novel.Sigurado mapera naman siya. Ang labo niya ha! Gusto ko talagang maliwanagan.Kung seryoso ba sila Mama at Tita sa sinabi nila kanina. Kailangan ko silang kausapin. Tama. Kakausapin ko sila. Kaya dali dali akong bumaba sa living room. Wala na sila roon. Mukhang nasa Dining na sila Mama. Kaya naman doon na ko nagtungo. Mga magulang ko na lang ang nandoon at nagbibiruan. Mukhang masaya si Mama sa pagkukuwento kay Papa.Sumasang ayon naman si Papa. Excited daw si Mama na makita akong ikasal at magkaapo.Nagtawanan ang dalawa. Hindi nila alam andito na ko nakatayo sa hamba ng partisyon ng dining. Napabalik ako sa living room. Ang totoo,magandang makitang masaya ang magulang ko At boto sa pakakasalan ko kung sinuman iyon.Ang problema ay ako. Ang hirap kaya magpakasal at makisama sa di ko kilala at di ko mahal. Naniniwala pa naman ako sa Pagmamahalan.Kasi pag nagmamahalan ang dalawang tao magkasama nilang haharapin ang buhay may asawa ng magkasama sa hirap at ginhawa.Sa kalusugan at karamdaman. Naniniwala rin ako sa Sparks. Sa Love at first sight.Wala naman ako noon.Puro mga puppy love lang iyong dumaan sa akin noon.Wala pa iyong True love. At kung ipakakasal ako sa Zion na iyon,asan ang love doon? Araw ng sabado ngayon,dapat nagrerelax ako dahil wala ako sa trabaho pero heto ako at na -i stress ng bongga. Kanina lang umaga ang saya saya namin ni Lorraine.Tapos heto ngayon,Sumasakit ang ulo ko pati dibdib ko sa nalaman na ipagkakaaundo ako sa anak na panganay ni Tita Beverly. Susmaryusep Kailangan kong hadlangan ang mga gusto ni Mama.Lalo't panghabambuhay na kaligayahan ko ang nakataya rito. May Freedom ako na dapat kong ipaglaban. Dapat na irespesto din iyon ng mga magulang ko. Mahalaga din ang nararamdaman ko.Hindi lang ang pangarap nila na maging magbalae. Pasensiya na sila.tututol ako.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD