bc

Arranged to be Yours

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
goodgirl
neighbor
heir/heiress
high-tech world
virgin
mxm
office lady
passionate
seductive
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Arranged Marraige.

Ito ang kapalarang naghihintay kina Zion at Stacey.

Itinakda na ng mga magulang nila mula pa noong mga bata pa sila na dapat maging magbalae sila balang araw.

Ang huling alas na maging magbalae ang mga magulang ay nasa kanilang dalawa,dahil nabigo sila nang magsipag asawa na ang mga kapatid na nakakatanda.

Si Zion kailangang magpakasal dahil siya ang napili ng kaniyang Lolo na tagapagmana ng kompaniya nito at mawawalan siya ng mana pag umayaw siya.

Si Stacey kailangang magpakasal kay Zion dahil ito ang Last will nang inang malapit ng mamatay dahil sa karamdaman.

"Sa loob ng isang taon,kapag hindi natin natutunang mahalin ang isat isa,malaya na tayo sa kasal na ito." sabi ni Zion kay Stacey.

"Deal." sagot ni Stacey.

Matutuhan kaya nilang mahalin ang isat isa o mauuwi lang sa hiwalayan ang Arrange Marraige na inumpisahan ng mga magulang para sa dalawa.

>>>

Ang kuwentong ito ay simple lang.Walang maraming thrills,suspense at secrets,Pero sana magustuhan niyo ang buong story.

>>>

chap-preview
Free preview
1
Maaga akong gumising dahil sa araw araw kong exercise routine. Sa araw na ito ng Sabado ay Jogging ang gagawin ko.Suot ang aking jogging attire na boxers sando at botak short ay ipinusod ko ang hanggang balikat kong buhok. 5:30 ng umaga pero ang paligid maliwanag na,palibhasa buwan ng Abril na. Nakatira kami sa isang subdivision dito sa Molino,Cavite Sa loob lang ng subdivision ang tinatakbuhan ko.Sa lawak at laki ba naman ng Camella Homes na ito,aabutin siguro ako ng kalahating araw kung lilibutin ko ang buong subdivision. Sinuot ko ang wireless headset ko, at isinuksok sa beltbag ang phone ko. At sinimulang magjogging. Hindi ako mahilig sa mamahaling cellphone.Tama na sa akin ang may magamit ako para sa communication araw araw.Ang totoo,kaya ko namang bumili ng mga mamahaling cellphone.pwede ko naman iyong icredit card or icash dahil may ipon naman ako. Kaso nga lang sa panahon ngayon na pababago bago ang uso ay sayang lang ng pera kung lagi kang susunod sa uso. Sinasave ko na lang ang perang ipambibili ko noon.Pwede ko pang magamit sa future travel goals ko. Pagkatapos ng 45 minutong marahang pagtakbo ay nasatisfy ako ng makitang pawis na pawis ako. Masarap sa pakiramdam ang ganito.Tumigil ako sa harap ng Puting bahay namin.Puti lahat,Pwera lang sa mga sliding window at sa pintura ng steel gate namin na kulay black.Napag iwanan na ang 2 storey house namin ng mga kapitbahay.Malalaki ang mga bahay at iyong iba bumili na ng lupa upang doon magpatayo ng malapalasyong bahay sa ibang lugar. Nag i-streching ako ng matanawan ang pagdating ng bagong sasakyan sa katapat naming bahay, ang Pamilya Alcantara. Dahil sina Tito Damian at Tita Beverly na lang ang nakatira sa malaking bahay.Nasa ibang bansa na ang mga anak nito.Balita ko may mga pamilya na rin kaya nakabukod na. Close ako sa dalawang matanda.Lagi silang kakwentuhan nila Mama at Papa. Natawa nga ako at gusto raw ng mga ito na maging magbalae.Iyon nga lang di gumana ang mga pagiging kupido nila sa dalawang kapatid kong lalaki.Nakapag asawa ng iba ang mga anak ni Tita Beverly. Kaya purnada na siguro ang pagiging magbalae nila. Pero balita ko may isang anak pa silang lalaki na laging nasa ibang bansa.Baka nakapag asawa na doon.Di ko naman masyadong natatanong dahil sa larawan ko pa lamang nakita iyong isang Anak nila.Ang pinaka panganay ni Tita Beverly.In short Di ko siya know..at pag di ko know..Di ko pinaagkakaabalahang kilalanin. Palibhasa bunso ako kaya siguro bata pa ako ng umalis ito noon sa lugar naming ito. Di ko na matandaan kung kilala ko ba talaga ang Kuya Zion ng kababata kong si Asther.Ang bunso rin ni Tita Beverly pero mas matanda sa akin ng isang taon.Sunod-sunod daw kasi ang mga anak ni Tita.Taon taon daw sabi sa kwento nito. Bumusina ang sasakyan sa harap ng gate. Siguro'y bisita ito ng pamilya. Ipinagpatuloy ko ang ginagawang strecthing. Di ko naman makita ang sakay dahil tinted ang salamin ng sasakyan. Ang totoo..ang gara ng sasakyan.Yayamanin. Matapos ang ginawang strecthing ay pumasok na ko sa loob ng gate namin.Hindi ko na nilingon ang sasakyan sa labas. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig, at magtimpla ng kape. Coffee is life for me. Di ako puwedeng magstart ng araw ng di nakahigop ng kape. Higop talaga.. Naupo ako sa dining table.Dala ang tinimpla kong kape.Naghanap ako ng puwedeng kainin sa mga estante na lalagyan ng groceries.Nag wala akong magustuhan sa mga biscuits at crackers,tumuloy ako sa harap ng double door na refrigerator at doon na naman nagbukas. May tira pang Crema de fruta Cake. Yun na ang kinuha ko at nilantakan. Actually dessert ito,pero pwede na ring almusal. Pagkatapos mag almusal ay naligo na muna ako. Pupuntahan ko pala ang kaibigan kong si Lorraine.Nagpapasama ito sa akin na bumili ng mga baby stuff.Sakto iyon dahil bukas na ang mall ng 10am. May time pa ako na magpulbos at magpabango. Sa edad kong ito na 24 years old ay single pa ko.Nakapagtapos ako sa kursong Banking and Finance.Nagtatrabaho ako sa isang bangko na nasa loob din ng Mall bilang Bank teller. Nagkaboyfriend naman ako ng isa nung highschool at isa nung college pero bago pa kami grumaduate,Nakabuntis ng iba ang loko. Palibhasa di ko isinurrender ang bataan.Ayun naghanap ng mapaparausan ang kaso di nag ingat,nakabuo.Kaya kailangan niyang panagutan,lalo't mga pamilya ng pulis ang babae.Takot lang niyang mabaril ng mga kuya noong nabuntisan niya.Di ko na inalam pa ang nangyari.Wala na akong paki.Total siya itong di nakapag antay sa tamang panahon. Ang mga kaklase ko at mga kaedaran mas marami ang may mga sarili ng pamilya na sa ngayon. Pero ako pachill-chill lang.Ang mga parents ko rin naman ay walang komento sa pagiging single ko.Di ko man lang sila naringgan na " ba't wala pa raw akong boyfriend?" Feeling ko tuloy support lang nila ako sa pagiging single ko. Kung sabagay di naman kailangang magmadali.Puwede pa ko maghabol kahit pa abutin ako ng 30 o lagpas pa. Pagkatapos maligo ay naghanap ako ng maisusuot sa walk in closet sa kuwarto ko. Nakadress si buntis for sure kaya siguro'y magandang magdress na lang din ako. Hinila ko sa pagkakatupi ang bulaklaking offshoulder dress na kulay lavender. Di naman masyadong gusot kaya di ko na plinantsa. Kung titingnan niyo ang kuwarto ko,pati ang mga gamit ko.Di naman masyadong halata na favorite ko ang kulay violet. Mag lavender pa yan,purple or mauve basta may touch ng violet favorite ko yan. Dapat nga raw Violet na ang ipinangalan sakin sabi ng Mama ko kung alam niya raw na kahihiligan ko ang kulay Ube. Pinarisan ko ng doll shoes ko na kulay White.Tutal ang maliliit na bulaklak sa dress ko ay kulay white na daisy. Isinukbit ko ang sling bag ko at bumaba na. Nasalubong ko pa si Mama sa Living room.Namalengke ito. "Aba!saan ang lakad?" tanong nito sakin. "Kila Lorraine ho,magpapasama sa aking bumili ng mga baby stuff." sagot ko. "Doon na rin kami kakain ng tanghalian sa labas.Huwag niyo na kong antayin." Dagdag ko pa.Sabay halik sa pisgi ni Mama. "Ingat kayo." sagot na lamang ni Mama sa akin. Kilala naman niya si Lorraine.Bridesmaid ako ng ikasal ang kaibigan ko last year lang,nabuntis din agad.Kaya magkakababy na sila ng asawa nito. Isinara ko ang gate pagkalabas ko.Huminto ako sa labas at naghanap ng taxing masasakyan.Luminga linga ako sa magkabilang eskineta. Walang dumaan. Dapat pala nagpabook ako ng sasakyan kanina online. Tsk mag aantay ako nito sa labasan.Tiningala ko ang langit dahil medyo mainit na rin ang araw ng 10 ng umaga. Pagbaba ko ng tingin nahagip ng mata ko ang lalaking nakatayo sa tapat ng balcony nina Tita Beverly. Nakatiklop ang dalawang braso sa tapat ng dibdib.Nakasuot ng White V-neck shirt at maong pants.Nakatanaw sa bahay namin..or sa akin? May ilang segundo kaming nagkatitigan. Ako na rin ang unang nag iwas ng tingin.Grabe kasi ang titig sa akin.Wala naman sigurong mali sa suot ko. Kinilabutan tuloy ako.Iba kasi ang paraan nang pagkakatitig sa akin. Pero in fairness ha, Hot ng Mamang iyon.Mama na siya, kasi feeling ko matured na siya.35 or so.. Binuksan ko na lang ang folded umbrella ko.Nagpasyang maglakad hanggang labasan. Wala kasi si Papa.Di ako mahahatid kina Lorraine.Siguro inihatid lang nito si Mama pagkagaling sa palengke.At baka may pinuntahan.Di pa naman ako marunong magmaneho. Nerbyosa akong tao.Bike lang na bmx ang kaya kung sakyan Iyong abot lang ng paa ko para di ako ma-out balance. Dahil kung marunong akong magdrive,sana may sarili na akong sasakyan.Palibhasa naaksidente kami ng kuya noong highschool ako.Di na maalis alis ang nerbyos ko.Kahit di naman kami napuruhan noon,konting galos lang sa awa ng dios ang natamo namin ng sumalpok sa harap nang sasakyan namin ang isang motor.Lasing ang driver kaya nakatulog daw. Habang naglalakad Nililipad ng ihip ng hangin ang laylayan ng dress ko.Above the knee lang kasi ang length ng dress ko. Nilingon kong muli ang lalaki sa balcony nina Tita Beverly.Nakahabol pa rin siya ng tingin sa akin. Hmmm.. Medyo kinilig ako. Attracted ba siya sa ganda ko? Naseseksihan ba siya sa suot ko? Ewan. Di ako magaling manghula. Basta alam ko di naman ganun kalaswa ang suot ko.Di ko naman ibinaba ng sobra ang offshoulder na garter nito.tama lang na nakalabas ng konti ang collar bone ko at balikat,di nga kita ang cleavage ko. Walang malaswa. Kaya sigurado na hindi naman nalalaswaan sa suot ko iyong lalaki kanina. Ipinagwalang bahala ko na lamang hanggang sa wakas ay nakapara na ako ng taxi bago pa man ako makarating ng labasan.Siguro may inihatid na pasahero sa loob ng subdivision . Kaya agad akong sumakay. Nakakapagod kaya maglakad,lalo't nagjogging na ko kaninang umaga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

His Obsession

read
73.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook