Hirap na hirap si Selena nang buksan ang mga mata. Malinaw niyang naririnig ang katok mula sa pintuan. Nag-arko ang mga kilay niya. Ang aga naman ng bisita niya? At wala siyang inaasahang dadalaw sa kaniya. Walang nagawa ang dalaga kung 'di hawiin ang kumot. Bumaba sa kama, at isinuot ang sapin sa paa. Papungas-pungas pa rin siyang naglalakad patungo sa pinto. Nang buksan ang pinto, halos lumuwa ang mga mata niyang nanlalabo ngunit malinaw ang imaheng tumambad sa kaniya. Sinipat nang tingin ni North ang dalaga na nakasuot ng abstract panjama, at puting blouse. Muling ibinalik ng binata ang mga mata sa mukha, alangang tiningnan ang magulo nitong buhok. "M-miss Ortega," nauutal niyang bati. Walang hinto sa pagkurap si Selena habang tulala sa kaharap. Totoo ba ang nakikita niya? Ang t

