"I'm good," parang mainit na kalderong binitawan ni North ang pulsuhan ng dalaga kasabay nang pag-atras. Ganoon din si Selena, malaking hakbang ang ginawa niya palayo rito habang hindi alam kung paano ito haharapin. Hindi makapili ng binata kung saan ipapaling ang mukha. Nakaiilang ang nangyayari sa kanila ngayon ng babysitter ng kaniyang pamangkin. "I-i, have to go!" Natataranta siyang nagpalinga-linga, hindi niya mawari kung saan siya dapat dumaan. Awang ang labi ni Selena habang naguguluhan sa nararamdamang kaba na dahilan para hindi maisip ang una at dapat niyang gawin. Nang akmang maglalakad nang diretso si North ay napaharap si Selena. Parang pareho silang tinamaan ng kidlat nang magdugtong ang mga mata. Habang nakatitig ito sa mga mata niya ay bumilos ang t***k ng puso ng bin

