Marahang humarap si Selena, at tumigil ang t***k ng puso niya nang makita ang tatlong armadong lalake. Nakataas ang mga braso, at baril sa kaniyang pwesto.
"Ibigay mo ang bata!"
"Pa-pakiusap, wala siyang alam. Huwag ninyo siyang idamay," mahina niyang pakiusap habang nagsusumamo ang mga mata.
"Miss, siya ang pakay dito. Kaya ibigay mo na ang bata bago pa kumalat iyang utak mo!" gigil na saad ng lalake, at mas itinapat sa kaniya ang nguso ng baril.
"Aunt Selena-"
Aakmang haharap si East sa mga lalake pero maagap niyang hinawakan ang ulo nito, at hindi hinayaang makita ang mga lalakeng handa na silang patayin anumang oras.
"Sshhh.., East," pigil ang iyak niyang bumulong dito habang hinihimas ang buhok.
"Ibaba mo na iyang bata!" hurimintado ng lalake, at marahas na kumamot sa ulong nakasuot ng bonnet.
Mabibigat ang hiningang palihim na tumingin sa kaliwat-kanan si Selena. Kailangan niyang mag-isip ng paraan para matakas sa kamatayan na ngayon ay nasa harapan niya, at ni East.
Masyado pang bata si East para sa katapusan. At sigurado siyang hindi rin gugustuhin ni Alanna ang kahihinatnan ng bata.
Nangalit ang mga ngipin niya nang maalala ang kaibigan. Kung paano ito basta na lamang itinulak, at walang habas na binaril.
Napakurap ang dalaga nang makita sa gilid ang ilang security guard na wala na ring buhay, at nakahiga. Muli niyang ibinalik ang tingin sa mga lalakeng nakatayo, at naiinip ang mga anyo.
Ano bang laban niya sa mga ito, ganoon na rin sa baril, isang kalabit lamang nito ay siguradong babagsak silang dalawa?
"Na-nakikiusap ako sa inyo, hayaan ninyo ang bata-"
"Wala akong panahon makipagtawaran sa iyo, Miss!"
"Kung ayaw mong bitawan ang bata, e, 'di sabay na lamang kayong makita si San Pedro!"
Nanlalaki ang mga mata niya nang makitang kakalabitin na nito ang gatilyo. Napapikit na lamang siya ng mariin, at itinalikod ang sariling katawan para harangan ang bata sa bala.
Ngunit ilang segundong pagkakapikit ni Selena ay wala pa rin siyang naramdamang bala sa katauhan.
Ganoon ba tamaan ng baril, manhid?
Nagdesisyon siyang imulat ang mga mata, at isang sinag mula sa sasakyan ang bumungad sa kaniya.
"Ahhh!!!" sigaw ni Alanna habang buong lakas na pinaandar ang itim na kotse patungo sa mga lalake.
At nang tumama ang mga armado sa unahan ng sasakyan ay idiniretso nito sa isang malaking puno.
Muling napapikit ang dalaga nang makitang dumikit ang mga ito sa puno.
"A-aunt Selena," untag ni East.
Mabilis na dumilat si Selena, nagtatakang mukha ng batang lalake ang nakaharap sa kaniya.
"East."
Napatingin siya muli sa puno. Umuusok ang sasakyan, at nag-uumpisang gumapang ang gasolina mula rito.
"East, dito ka lang, maliwanag?" Natatarantang niyang ibinaba ang bata.
Tumakbo si Selena palapit sa sasakyan ng amo. Nagtungo siya sa bintana ng driverseat, at kalunos-lunos ang imahe ni Alanna nang madatnan ng dalaga.
"A-alanna," umiiyak niyang gising dito, at ipinasok ang kamay sa basag na salamin. Pilit niyang hinawi ang buhok na nakasaboy sa magandang mukha ng kaibigan.
"Se-selena," nanghihinang sagot naman nito.
"Alanna, tutulungan kitang makalabas diyan."
"Sandali, hihingi lamang ako ng tulong," akma niyang ilalabas ang kamay ngunit hinawakan iyon ng mahigpit ni Alanna dahilan para mapatingin siya rito.
"N-no. Too late."
May lumabas na dugo sa labi nito. Bukod pa, ang dugo sa noo dahil sa malaking sugat nito.
"Alanna-"
"Take East away from here."
"Hindi," halos hindi makahinga si Selena sa pag-iyak, at pagtutol habang nakayuko.
"Please, Selena, listen to me," nakikiusap ang hirap na tono ng kaibigan.
Walang nagawa ang dalaga kung 'di itaas ang mukha, at nasalubong nito ang umiiyak na amo. Hinawakan nito muli nang mahigpit ang kamay niya.
"I love East so much."
"Take care of him."
"Huwag mo siyang hahayaang malayo sa iyo. You're the only one I trust."
Ang bawat katagang iyon ay bumabaon sa puso ni Selena. Mabigat ang bawat salitang binibigkas ni Alanna habang nag-aagaw buhay ito.
"Alanna-"
"Promise me, Selena."
Lumagpak ang masasagana, at buong sakit na mga luha ni Selena, at tumango ng sunod-sunod bilang pagsang-ayon sa butihing kaibigan.
"Thank you-"
Napalinga ang dalaga sa mansion kung saan nanggagaling ang ilang ingay. Sa tantiya niya ay palapit pa ang ibang estrangherong lalake.
"Go, Selena. Tumakas na kayo!" utos ni Alanna ,at pilit na itinulak ang mga braso niya palabas.
Isang nakaaawa, at nakalulungkot na tingin ang inilipad niya rito. Kung nanaginip man siya ngayon ay sana magising na siya.
Dahil hindi karapat-dapat ang kaibigan sa ganitong pangyayari. Masyado itong mabuti para maranasan ito.
"Go!" kahit walang lakas ay itinulak ni Alanna ang pinto. Agad naman siyang umatras.
Nakayuko ang kaibigan habang hindi maipinta ang mukha dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Sinundan niya lamang ito ng tingin.
"Puntahan mo na si East. Pipigilan ko sila."
"Just run and don't ever turn back whatever you hear, Selena," matigas nitong bilin, at kinuha ang baril.
Tumakbo ang dalaga sa pwesto ni East. Kinarga ang bata, at sa huling pagkakataon ay nilinga ang kaibigan. Matapang na nakatayo, inaabangan ang mga lalake sa gitna habang nakahanda ang baril.
Kung ito ay nagagawang maging matapang sa ganitong sitwasyon. Kahit na nawalan ng asawa, nasa bingit na rin ang buhay ng anak, at ang sariling buhay.
Bakit hindi siya?
Habol ang hiningang sinulyapan ni Selena ang batang karga. Nakatanaw ito sa ina.
"East, East," tawag niya rito habang tumatakbo.
Banayad itong lumayo sa katawan niya, at tiningnan ang kaniyang mukha.
"Pumikit ka, at magtakip ng tenga," pinakaswal niyang utos kahit na gumagaralgal ang boses.
Kahit nagtatanong ang anyo ng bata ay tumalima naman ito sa kaniyang utos. Marahan itong nagtakip ng magkabilang tenga, ipinikt ang mga mata bago yumakap sa kaniya.
Desidido, at buong tapang na ipinagpatuloy ni Selena ang paglabas ng gate. Rinig na rinig niya ang pagtawag ng mga lalake, at ang mga banta nito pero hindi siya lumingon. Pinatigas niya ang leeg ,at sinunod ang mga bilin ni Alanna.
At nang sapitin ang malaking gate ay walang tigil na putok ng baril ang narinig ng dalaga. Kahit na dumadagundong ang puso ay pinilit niyang maging kalmado.
"Patay na iyong babae, Boss!"
"Kaso nawala iyong bata!"
Nakatakip sa bibig si Selena habang nakakubli sa loob ng isang malaking basurahan. Nagkatinginan sila ng katabing si East na takip niya rin ang bibig.
"Hahanapin po namin."
"Yes, Boss!"
"Sinong boss?" mahina niyang tanong sa sarili.