Kabanata 2

1006 Words
"Huwag, please! Maawa kayo sa amin!" pagmamakaawa ni Alanna habang nakaluhod sa mga armadong mga lalaki sa malaki, at magarang sala. "Alanna!" tawag ni West nang pumasok sa loob ng bahay. Ngunit mula sa likuran ay may tumulak dito dahilan para mapaluhod din ito sa tabi ng asawa. Mabilis na pinalibutan ng mga lalakeng nakasuot na itim na shirt, at bonnet ang mag-asawang pareho na nakaluhod. "What do you want?" "I can give you everything! Kunin ninyo na ang lahat ng pera, at gamit sa bahay na ito. Basta, basta, 'wag ninyo lamang kaming sasaktan!" sigaw ni Alanna habang naiyak at magkadupan ang mga nanginginig na kamay. Inalalayan naman ni West ang asawa, at masama ang tingin ang itinangala sa lalakeng nakatindig sa harap nila, at may nakatutok na baril. Mabilis na gumapang ang labis na kaba sa katawan ni Selena habang nasa itaas ng hadgan. Mahigpit siya napakapit dahil pakiramdam niya ay babagsak siya anumang oras dahil sa nakawiwindang na senariong nasasaksihan. "Huwag kayong mag-alala, gagawin namin iyon. Kaso nga lang, hindi basta-basta pagnanakaw ang gagawin namin. Kung 'di," mala-demonyo pa itong ngumisi habang pinuwesto ang baril na nakahanda nang kalabitin ang gatilyo. "Ang utos kasi sa amin ay tapusin kayong mag-asawa." Napatakip sa bibig ang dalaga, at nag-uunahang tumulo ang mga luha buhat sa narinig. Pakiramdam niya ay ilang minuto na lang ay susuko na ang mga nanhihina niyang binti. "Utos?" "Sinong nag-utos sa inyo?" nagagalit na hiyaw ni West, at aakamang tatayo ngunit agad na hinawakan ng isang estranghero ang balikat nito, at pwersahang pinaluhod. "Relax, Mr. Castellana. Magsasama naman kayong mag-asawa. Ganoon na rin ang anak ninyong ipinanganak ng may gintong kutsara sa bibig," kaswal na pahayag nito. "No! No! Huwag ang anak ko!" "Huwag si East!" Nagmamadaling tumayo si Allana, at humawak sa lalake. Doon nakakuha ng tiyempo si West. Dinaluhong nito ang armadong estranghero, at nakipag-agawan sa baril. Mabilis na kumilos si Allana para lumakad, at puntahan ang anak sa itaas. Hindi naman alam ni Selena ang gagawin. Kitang-kita niya kung papaano magpambuno si West, at ang lalake. Aksidenteng siyang napatingin sa kaibigan na nasalubong naman nito. Parehong may luha, at lubos na takot ang mga mukha nila. "A-allana," mahina niyang bigkas. Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa buong kabahayan. Dahil sa nakabibinging putok na iyon ay tumaas ang magkabilang balikat ni Selena, at tumigil ang kaniyang mundo. "West!" tili ni Alanna, at muling patakbong nagtungo sa asawang nakahandusay sa ibaba at may tama ng baril sa dibdib. Ilang beses kumurap ang lumuluhang mga mata ng dalaga habang tulala lamang sa mga amo sa ibaba. Pigil ang bawat hininga niya habang nakatunghay lamang sa mga ito. Unti-unting pinanawan siya ng lakas habang walang hinto ang pagdaloy ng mga luha sa pisngi. Sa eksena lamang sa pelikula niya ito nakikita. Ang mga ganitong kadahas, at karumal-dumal na senario. Kaya anong gagawin niya para tulungan sina West at Alanna sa kamay ng mga armado? Kung ang simpleng paglunok, paggalaw at paghinga ay hindi niya magawa? "West, no! No!" Humahagulgol na sigaw ni Alanna habang nakapatong ang ulo ng walang buhay na asawa sa mga hita. "Mga hayop kayo!" "Sino ba kayo, at ginagawa ninyo sa amin 'to?!" hysterical nito. "Sisihin ninyo ang mga kayamanan niyo!" "Dahil sa yaman ninyo, mamatay kayong dalawa!" sagot ng lalake, at kay Alanna naman itinuon ang baril na uumusok pa. Doon lamang banayad na humakbang ang paa ni Selena paatras. Wala sa hitsura ng lalake na bubuhayin pa ang kaibigan. Desidido, at matatag ang braso nitong nakatutok ang baril sa ulo ni Alanna. "Hoy, kayo!" "Pagkatapos kong patayin ang babae na 'to! Kunin ninyo ang bata sa itaas!" "Iyon ang kabilin-bilinan ni Boss! Iyong bata ang dapat siguradong patay!" mando nito sa isang kasama na nanonood sa gilid. "Sige, ako ng bahala." Naglakad ang isa pang lalakeng nakasuot ng t-shirt na itim ngunit awtomatikong hinarang ito ni Alanna. "No! You can't touch my son!" pagwawala ni Alanna, at sunod-sunod na hinampas sa mukha ang estranghero. "Ano ba?!" "Itigil mo nga 'yan!' "No! You can't kill, East!" "Damn you! He was just a kid! patuloy, at galit na galit ang kabigan habang patuloy sa pagpapaulan nang mga malakas na suntok, at hampas sa mukha ng lalake. Isang malakas na pagtulak ang ginawa ng lalake kay Alanna dahilan para mapahiga ito. Ngunit mula sa pagkahiga ay tumingala ang amo sa hagdan, at nagkonekta ang mga tingin nila. "Go and get East!" utos nito sa kaniya. "Tumahimik ka!" Kinalabit ng armadong lalake ang gatilyo, at dumiretso iyon sa balikat ni Alanna. Mas malalaking pag-atras ng mga paa ang nagawa ni Selena. Nanghihina ang bawat kalamnan niya sa katawan. Ang mga luha niya ay kusa nang kumakawala sa mga nakatulalang mga mata. "Kunin ang bata sa itaas, at patayin!" "Get East now, Selena!" Malinaw niyang narinig ang mahinang boses ni Alanna mula sa ibaba. At dahil sa nakapapangilabot na tinig na iyon ay nagising siya. "Si, si, si East!" ang tanging pumasok sa nawiwindang na isip ni Selena. Matuling kumilos ang dalaga. Hindi niya alam kung papaano nakapunta sa loob ng silid ng bata. Buong lakas niya iyong binuhat habang mahimbing pa rin na natutulog. Habang karga ay humablot din siya ng ilang bag at sinakbit. Alerto siyang luminga sa pinto nang marinig ang ilang boses palapit doon. "Habulin ninyo!" Nagpatuloy lamang si Selena sa pagtakbo habang buhat ang papungas-pungas na si East. Hirap na hirap siya habang tinutungo ang gate. "Putcha! Huwag ninyong hayaang makatakas ang bata!" "Tumigil ka!" Putok ng baril na naman ang namayani sa tahimik, at malamig na paligid. Tumigil sa pagtakbo si Selena habang sabog ang mga luha sa maputlang mukha. "Isang apak pa, sa iyo na tatama ang bala!" may bantang saad mula sa kaniyang likuran. Hirap na hirap siyang lumunok sa labis na panunuyo ng lalamunan. Mahigpit niyang kinarga si East, higpit na hindi niya hahayaang may mangyaring masama sa inosenteng bata na ito. "Humarap ka at ibigay ang bata," maawtoridad na utos nito, at alam niyang malapit na ito sa kanilang kinatatayuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD