"Salamat, Greg." Isang maliit na ngiti ang kumurba sa labi ni Selena habang kaharap ang kaibigan. Inihatid siya nito hanggang sa labas ng gate ng Mansion. "Ayos ka na ba talaga?" paninigurado nito. "Oo. Salamat ulit, at pasensiya na rin sa istorbo." "Hindi ka istorbo, Selena, alam mo 'yan." Muli siyang napangiti. Talagang inasikaso siya ni Greg magdamag. Sa pagkain at pagtulog. Kahit nahihiya na doon magpalipas ng gabi ay wala rin siyang pagpipilian. "Hindi ko pa rin alam kung ano, at sino ang dahilan ng problema mo kagabi. Pero nasasaktan akong makita ka sa ganoong sitwasyon." Parehong naging seryoso ang kanilang mga imahe. Siya naman ay pinagmamasdan lamang ang maamong mukha ng pulis. "Kung si North man 'yon. Sabihin mo lang, kukunin kita sa kaniya, Selena." Nagkatitigan silang

