"Pakisabi na lang po kay East, Manang Garing." Nakaupo si Selena sa sofa kasalukuyang kausap niya sa kabilang linya ang matandang kasambahay para sabihing hindi siya makauuwi. At ibinilin na rin ang alaga rito. "Paki-tingnan na lang din po si East." "Walang problema. Kami ang bahala sa bata. E, ikaw ba kumusta?" Hirap na hirap si Kiray sa pakikinig sa cellphone na hawak ng kaniyang Lola. Sinasamaan pa siya nang tingin ng matanda, at binabatukan. "A-ayos lang ho ako. Magpalipas lang po ako ng gabi rito." "Sigurado ka ba-" "Akin na nga 'yan, Lola. Ako na ang kakausap!" Hindi na nakapagtikis si Kiray na agawin ang cellphone kay Manang Garing. Agad na lumayo ito sa matanda. "Hoy, Selena! Girl, ano ba'ng nangyari?" bungad nito. Natigilan si Selena. "Alam mo ba narito si Papi North,

