"Sandali lang ha?" paalam ni Greg nang makarating sila sa tapat ng billing station. Napilitang tumayo si Selena para siya na mismo ang magbayad. Mabilis na napatingin sa kaniya ang pulis. "Sele-" "Okay na. May pera ako, ako na ang magbabayad," agap niya, at binalingan ng tingin ang nurse sa loob. Walang nagawa ang binata kung 'di alalayan na lamang siya. "Magandang umaga. Bill po ni Selena Ortega," pagbibigay alam niya. "Okay po. Wait lang," sagot nito, at may binasang mahabang papel. Matiyaga naman silang naghintay nang itaas muli nito ang mukha, at ngumiti. "Okay na po, Miss Ortega. Wala na po kayong babayaran." "H-ha?" usal niya bago sila nagkatinginan ni Greg. "Binayaran na po ni Mr. North Castellana." Kumurap ang mga mata niya sa pangalan na narinig. Kung hindi pa siya ha

