"Sagot na. Sino si Sir North o si Officer Greg?" pagmamadaling tanong ni Kiray. Napalinga si Selena sa magkabilang binata. Bago huminga nang malalim, dahil hindi niya kaya sagutin ang tanong ay pikit mata niyang kinuha ang baso ng alak. Nang akmang ilalapat niya na iyon sa labi ay may humawak doon pagkaraan pinigilan siya. Napamulat ang dalaga. Nagdugtong ang mga mata nila ni North. Inagaw nito ang baso ng alak. Nagulat siya nang lagukin iyon ng amo. Pait na pait si North nang gumuhit ang mainit na alak sa kaniyang lalamunan. Pinunasan niya ang labing may ilang butil ng alkohol. "Malalasing ka," aniya nito sa tigalgal na dalaga. "Ang sweet naman ni Sir North," kilig na puri ni Kiray dahilan para sabay silang mapatingin doon. Nagkahiyaan tuloy ang dalawa, at hindi na sinubukan magtin

