"Damn," iritableng bulong ni North sa sarili habang hindi alam kung saan ibabaling ang katawan.
Pilit din pinagkakasya ng binata ang sarili sa sofa. Dahil may kalakihan ang pangangatawan, ganoon na rin ang height ay nahihirapan siyang humiga sa makitid na couch.
"Damn it!" bwisit na bwisit niyang hinawi ang kumot na nakatalakbong sa katawan. Marahas niyang ibinangon ang sarili.
Yumukod si North, at ipinatong ang dalawang siko sa magkabilang tuhod. Iginala niya ang mga matang nakararamdam na ng antok.
Nag-aagaw ang dilim, at ang bahagyang ilaw sa sala. Kung tutuusin ay maliit ang apartment na tinitirhan ng pamangkin. Parang studio type lamang kung tatayahin.
"Why is it so damn hot here?" reklamo niya, at nag-umpisang buksan ang butones ng suot na long sleeve polo.
Nang mahubad ay naiinis pa rin niyang inayos ang hihigaan. Wala naman siyang choice. Para makasiguradong paggising niya sa umaga ay maiuuwi niya ang pamangkin ay kailangan niyang tiisin ang init, at lamok sa sala na ito.
"f**k you," mura ni North sa lamok na lumilipad sa tapat ng kaniyang mukha habang nakahiga.
Napasinghap si Selena, at biglang bumangon paupo. Hinihingal niyang binalingan ng tingin ang katabing alaga. Binigyang daan niya ang nanunuyong lalamunan bago hinawi ang buhok.
Itinuon niya ang mga matang nag-iinit dahil sa mga luha. Laman na naman ng kaniyang panaginip ang krimeng nasaksihan sa nakalipas na isang taon. Bumuga siya ng hangin, at nagdesisyon tumayo.
Marahang lumabas ng silid si Selena. Nang mabuksan ang pinto ay saglit siyang tumigil. Kahit pigilan ang sarili ay tila may sariling isip ang ulo niya para i-check ang binata.
Dahil may kadiliman ay kumot lang ang natatanaw niya mula sa kinatatayuan. Hindi niya maaninag ang ulo o mukha nito dahil malalim ang sofa na kinahihigaan nito.
Pinilig ng dalaga ang ulo. Bakit ba kailangan pa niya itong siglayan kung tulog o ayos lang?
E, hanggang ngayon masakit pa rin ang braso niya kahahagilap, at kapipiga nito sa tuwing magkakaharap sila.
Nagtungo si Selena sa kusina, roon naman talaga ang pakay niya. Pakiramdam niya ay nauuhaw siya dahil sa panaginip niya ngayong gabi.
Habang umiinom ay napatingin siya muli sa tiyuhin ng alaga. Padabog itong tumihaya ng pagkakahiga dahilan para dumausdos ang kumot na nakatakip dito.
"Kunin ko ba?"
"Hay, huwag na!"
Nanatiling nakapako ang mga mata ng dalaga sa kumot na nasa ibaba. Nagtatalo ang isip niya kung lalapit ba rito, at ibabalik sa binata ang kumot.
"Hay, ba't ba ang bait ko?" naiinis niyang wika, at nagkamot ng buhok.
Maingat, at sinisigurado niyang hindi maglilikha ng ingay ang bawat tapak ni Selena habang palapit sa sala. Naririnig na rin niya ang pagkamot, at pagtapik nito sa sarili, siguro ay may nararamdamang pagdapo ng lamok.
Nang makarating sa tapat ng binata ay para na namang bumalik ang pagkatuyo ng kaniyang lalamunan.
Nadatnan ni Selena si North na nakahubad ang pang-itaas na damit. Trouser na itim lamang ang natitirang suot nito at medyas.
Nakataas ang isang braso nito habang mariin na nakapikit. Bumaba ang mga namimilog niyang mga mata pababa sa maselan, at perpektong katawan nito.
At nang marating ng mga mata niyang walang kakurap-kurap ang tiyan, at sa ibaba ng pusod ng binata ay awtomatikong niyang tinakpan ang mga mata.
"Se-selena, umayos ka nga," gising ng dalaga sa sarili habang takip-takip pa rin ang mga mata.
Ilang beses siyang nagpakawala ng marahas na hininga. Kailangan niyang kumalma, at magpakatao.
"Okay. Kukunin ko lang ang kumot, at ipapatong lamang sa katawan niya."
"Oo, tama. Mabilis lang iyon," kumbinsi niya sa sarili nang ibaba ang mga nanginginig na mga kamay, at seryosong tumitig sa kawalan.
Tumango-tango siya, at parang sa gera pupunta. Inayos niya muna ang sarili bago banayad na yumuko, at pinulot ang kumot.
Wala pa rin hinto ang tensyonadong paggalaw ng kaniyang mga daliri dahil sa sobrang nerbyos.
"Easy ka lang, Selena," patuloy niyang pampalubag loob.
Maingat na inilalapit ng dalaga ang kumot kay North. At nang matapat ay inihagis niya iyon na para bang isang maruming bagay.
Ganoon na lamang ang pasasalamat niya nang sumakto naman iyon sa nakabalandrang matipunong pangangatawan ng tiyuhin ni East.
Napangiti si Selena sa success. At least ngayon ay hindi na nakaasiwa ang hitsura nito. Nag-umpisang maglakad ang dalaga. Ngunit hindi pa man nakalakayo ay hindi sinasadyang nahagip ng mga mata niya ang lamok.
Nanlalaki na naman ang mga mata niya, at kaswal na bumalik sa tapat ng binata.
"Hay," usal niya nang makita ang ilang lamok na nagpapaikot-ikot kay North.
Napatingin siya muli sa mukha nito nang magkamot ng sarili. Nakapikit man ay basang-basa niya ang pagkainis na nararamdaman nito.
Nakadama na naman siya ng awa. Bukod sa lamok, kalaban din nito ang sofang hinihigaan dahil sa malaking tao ay siguradong hindi ito komportable.
Mainit pa, kahit aircon ang buong apartment ay mainit pa rin. At kitang-kita niya iyon sa pawis na mayroon ito sa noo at leeg.
"Naku, bakit diyan ka pa nangangagat?" mahinang tanong ni Selena sa lamok na nasa makinis na pisngi ni North.
"Ano ba kayong mga lamok?" Bumugaw siya sa hangin ng mga nagliliparang mga lamok.
Pinatay niya ang ilan gamit ang mga kamay, at pinagdaupan. Pigil din ang tunog no'n para hindi ito magising. Kinakabahan niyang binato ng tingin ang pisngi ng binata.
"Ano? Bakit nandiyan ka pa rin?" naiiyak sa inis niyang wika sa lamok na sinisip yata ng husto ang DNA ng binata.
Wala talagang siyang pagpipilian kung 'di kumilos, at patayin ito. Pagsubok iyon dahil kailangan niya iyong gawin ng hindi nagigising ang tiyuhin ng bata.
Ilang beses na nagtatalon ng mahina si Selena para ihanda ang sarili. Wala rin siyang hinto sa paghinga. Sandali siyang huminto, at tinitigan ng matalim ang lamok na tila ba ay hinahamon pa rin siya.
Inangat ni Selena ang kamay sa ere. Buong ingat siyang yumuko kay North habang titig na titig sa lamok. Nakahanda na siyang patayin ito nang bigla na lamang bumukas ang mga mata nito.
Parang isang palaso iyong tumama sa kaniyang puso nang magtama ang mata nila ng binata.
"Patay," mahinang sambit ng dalaga habang magkakonekta pa rin ang tingin nila.
"What the hell are you doing?" seryosong tanong ni North sa kaharap na dalaga.
Pinutol ni Selena ang pakikipagtitigan, at ibinaling sa lamok. Napapikit si North nang maramdaman ang malakas na sampal mula sa babysitter ng pamangkin.