Kabanata 10

1089 Words
Humugot si Selena ng isang mabigat na paghinga bago binuksan ang mga mata. Nananatili pa rin ang nakasusuyang tingin ng binatang na kaharap sa kaniya. Mula roon ay nababasa niya ang matinding galit nito sa kaniya. Walang habas, at pag-aalinlangan ang mga mata nitong nakatitig pa rin. "Sa tingin ko, kahit anong sabihin ko sa iyo ay hindi ka maniniwala." "Pero alam ko sa sarili ko na wala akong kasalan. At paulit-ulit ko 'yong patutunayan sa mga pulis at lalo na sa iyo," bumabaha ang lungkot sa kaniyang mukha, at seryoso niyang pahayag habang hindi inaalis ang mga matang lumuluha sa tiyuhin ng alaga. Nagtiim-bagang naman si North, at kulang na lang ay matumba ang kaharap sa talim ng kaniyang mga mata. Mas lalo lamang nadadagdagan ang pagkamuhi niya sa babysitter ng pamangkin dahil sa paulit-ulit nitong pagtanggi. "I will do anything and everything. Just to prove na may kinalaman ka rito, Miss Ortega." "Kung iyon ang desisyon mo ay wala na akong magagawa. Sarado ang isip mo at sino ba ako para paniwalaan mo?" mapaklang litanya ni Selena at itinapak ang isang paa palayo sa binata. "Kung pinaniniwalaan mong may kakayahan akong saktan sina West at Alanna ay nagkakamali ka." "Dahil pamilya ko sila. Pamilyang iningatan, at minahal ko buong buhay ko." "Pero hindi mo alam 'yon. Dahil malayo ka sa kapatid mo. At ngayon huli na para malaman mo iyon kasi wala na ang kapatid mo para sabihin ang bagay na ito," mahaba niyang panunuya rito. Gigil na hinagip ni North ang braso ng dalaga. Mariin, at walang pakundangang piniga iyon dahil sa yamot na nararamdaman buhat sa mga naririnig dito. "So what are you try'na say?" "Wala akong kwentang kapatid?" Nandidilat na mga matang pag-aasik nito habang panay hila sa braso niya. Kahit natatakot si Selena sa galit ng binata ay inipon pa rin niya ang munting lakas. Iwinasiwas niya ang kamay nitong kulang na lang ay bumaon sa kaniyang balat. Nagtagumpay naman ang dalaga, matapang na pinagtagpo ang mga mata nila. "Sa iyo galing 'yan." Muli na naman marahas na hinablot ni North ang braso niya. "North! Miss Ortega!" "Nagkakainitan na naman kayo!" "Tama na iyan!" putol ni Greg habang naglalakad palapit sa kanila. Hindi naman napuputol ang mainit na titigan ni Selena at North. Sinulyapan ng dalaga ang mariing pagkakapit ng binata sa kaniyang brasong nag-umpisang magkulay pula. "Please, North. Bitiwan mo si Miss Ortega," kasalukuyan ng nasa gitna si Greg, at ang pokus ay nasa braso niya. Animo'y may lumalabas na usok sa butas ng ilong ni North. At nakatuon pa rin ang nagliliyab na tingin sa dalagang kaharap. "You don't know nothing about me." "At hindi ako interesado na makilala ka pa. Dahil ang nakikita ko ngayon ay sapat na," buo, at kumpiyansang tugon nito. Tumaas ang sulok ng labi niya. Sinasagad talaga siya ng babaeng ito. Dinadagdagan pa ng husto ang sama ng kaniyang loob. Ipinapangako niya sa sariling pagbabayaran, at patutunayan niyang may kinalaman ito sa nangyari sa kapatid. Wala ng pagpilian si Greg kung 'di pilit na kunin ang kaliwang kamay ng kaibigan. Pweeshan niya iyong inalis sa pagkakapit nang mahigpit sa dalaga. "Tama na, North," kalmado niyang pakiusap dito. Bumuga ng marahas na hininga si North para magtimpi na hindi tuluyang masaktan ang kaharap. Nagkikiskisan pa rin ang mga nangangalit niyang mga ngipin. Agad na sinambot ni Greg si Selena nang ubod lakas nitong bitawan ng kaibigan. Nayayamot na nag-angat ng tingin ang dalaga. Lumunok si North, at hinatak pababa ang suot na polo. Dumadagundong ang puso niya sa dahil sa labis na pagtitimping huwag sumabog ang galit. "Hindi ko iiwan ang pamangkin ko sa iyo," sigurado nitong bigkas bago nauuyam na tinalikuran sila. "Ayos ka lang, Miss Ortega?" Bahagyang lumayo si Selena sa pulis. Tumango siya nang maliit dito. Kahit na ang totoo ay nanghihina na siya dahil sa ibinubuhos na pagkamuhi sa kaniya ng binata. "Sana ay hayaan mo na si North na magpalipas ng gabi rito. Para kahit papaano ay makasama mo pa ang bata," mahinahon nitong saad. "Naiintindihan ko Sir." "Greg na lang," pagtatama nito, at ngumiti ng konti. "Greg. Salamat, alam kong ikaw ang nagkumbinsi sa Uncle ni East na dito muna siya." "Ginawa ko lang ang tama." Ngumiti si Greg sa dalaga dahilan para mahawa si Selena. Ginantihan niya ito ng mas maluwag na ngiti sa labi. "Thank you, Greg." Sandaling huminto ang dalawang binata sa tapat ng pinto. Humarap si Greg kay North. "North, pwede bang kumalma ka lang, at huwag mong laging pagdiskitahan si Miss Ortega." "I hate that woman," matigas ngunit usal niya, at humalukipkip. Napatingin siya sa kaibigan nang akbayan siya nito. "Tandaan mo, wala tayong ebidensiya para mapatunayang sangkot siya sa krimen." "Here we go again, Greg. Bakit ba paniwalang-paniwala ka roon?" iritable niyang usisa sa kaibigan habang hindi maipinta ang gwapong mukha. "Makinig ka, bilang pulis siguro ay may pakiramdam na kami kung nagsasabi ba ng totoo o hindi ang isang tao." Naiinis na lumayo si North kay Greg, at gulong-gulong ang imaheng humarap dito. "Pwes, mali ka ng pakiramdam sa kaniya. That woman is criminal!" "Bukod sa siya ang suspek mo, bakit ba ganito na lamang ang galit mo kay Miss Ortega?" kuryosidad nitong usisa. Natigilan naman siya, at napakurap. Hindi niya alam kung gaano siya namumuhi sa babaeng iyon. Hindi niya alam ang dahilan, at saan nagmumula ang hindi maipapaliwanag na nagbabagang nararamdaman niya para rito. "I don't know." "I just hate her." "Bakit hindi mo subukang pakinggan siya baka maramdaman mo rin ang sinasabi kong nararamdaman ko sa kaniya," payo ni Greg. "No way!" "No way, Greg!" Napipilitan si Selena habang naglalakad palapit sa sofa kung nasaan ang tiyuhin ng bata. Nakaupo ito, at nakapokus sa hawak na cellphone. Nang ihatid nito si Greg palabas ay saglit na sinilip ng binata ang pamangkin sa loob ng kwarto. Bago nagtungo sa sala kung saan ito matutulog. Nag-taas ng mukha si North nang makita ang mga paang nakahinto sa kaniyang tagiliran. Nag-aarko ang mga kilay niya nang tingnan ito. "Why?" malamig, at masungit niyang tanong dito. Umikot naman ang mga mata ni Selena dahil sa irita. Bakit ba kasi naawa pa siya na baka lamukin o lamigin ito sa labas? "Dinala ko lang 'to," pagalit niyang tugon, at ipinakita ang bitbit na kumot, ganoon na rin ang unan. Masama pa rin ang ipinukol na tingin ni North sa hawak ng dalaga. Hindi siya pwedeng magpadala sa mga ginagawa nito. Malay ba niya kung ganito rin ang ginawa ng babae ito sa kapatid niya bago patayin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD